washington

Hey Kids. Malapit nang matapos ang contract namin sa impyernong apartment kaya naghahanap ako uli ng bagong lungga. So during my free time sa office, nagsusurf ako online ng mga apartments for rent at nakita ko itong ad na ito...

BABALA: Make sure nasa maluwang na space ka habang binabasa mo ito, dahil mapapa-tumbling ka nang maraming beses.

ACTUAL AD


Description

Basahin ng mabuti bago mag-text o tumawag!
ROOM for Rent: P3,500.00
(Solo or to Share w/ 1)

>Very small (L-shaped) space.
(NAPAKA-LIIT NA KWARTO LAMANG)

>Approximately 8 sq. m, so it's better if you only have few stuff.
(KUNG MARAMING GAMIT, WAG NA)

>ISANG SINGLE MATTRESS LANG ANG KAYA.

>Bathroom is in the main living room to share with owners (1st floor).
(DE-TABO AT TIMBA ANG CR)

>Maximum 2 people. (1 + 1 FREE)

>3 friendly people stay at the 1st floor.

> Narrow spiral stairs!
(MAKIPOT NA HAGDAN-SPIRAL)

> FIXED PRICE.
(Negotiable ang appliances use lamang)

> No restrictions to visitor/s.
(Kuwarto mo yan, bahala ka.)

> Actual pictures posted!





"Pang-MASA ang bahay-kwarto at hindi pwede sa maarte."

>FLOOD FREE!

Look for my mother, "Tita Baby".

Note:

Please DO NOT expect that the room is very high-end or is first class. CR is to share with the owners at the living room. Rental fee is super low so please don't expect anything. I already wrote everything that you need to know so please ask questions that are not written here yet. This is the best location at the lowest price! Friendly pa ang mga tao! ☺☺

"Huwag ka ng choosy. At least sa Makati ka nakatira and bato ang bahay mo sa mababang halaga."

END OF AD

Pramis. Hindi ako nakahinga sa advertisement na ito. Hindi lang dahil hindi "high-end or first class" yung kwarto, kundi dahil sa honesty ng nagpost ng ad. Sobrang honest, mapapatanong ka na lang, JOKE BA ITO?

Mai-text nga si "Tita Baby"!

For P3500 sulit na sulit na ang unit na ito! Comfortable at luxurious, malapit pa sa Central Business District ng Makati. Pwede ka pang mag-uwi ng limpak-limpak na bisita!

Kaso may ganito sa dulo ng ad:

THIS IS NO LONGER AVAILABLE. BETTER LUCK NEXT TIME. ;-)

Akalain mo yun.

32 comments. Post your comment here.:

Oliver said...

Yan ang tinatawag na honest advertising! hahaha
at least you know what to expect.

Poldo said...

Parang nakaka-suffocate Yung kwarto.. Parang marami nang namatay sa bangungot..

atleast Honest sila sa pinost nilang AD para hindi na magexpect ang magrerent...

At meron namang pampalubag loob yun e yung ". At least sa Makati ka nakatira and bato ang bahay mo sa mababang halaga."

Laughtrip nanaman!

Artiemous said...

panalo to! :D

Rah said...

sorry nalang glen, nakuha na eh. :D argh, i need a breather, parang hindi ako makahinga. haha

Lord CM said...

Tinitingnan ko ung pix, sabay tanong sa sarili, "paano ka pa makakapagsarili nyan?baka di mo mabaluktot ung paa mo kapag nakahiga"

lolzz

Pero ano ka, hindi na available lolzzz

kikilabotz said...

wahahahaha. at may pumatol pa sa space n yan..

Jag said...

Langya! Kakatuwa naman ang ad na yan haha...

Parang automated ang reply ni aling baby ah hahaha...

hArTLeSsChiq said...

pambihira naman at talagang di na available..LOL

I am Xprosaic said...

Ahahahhahahahaha naku baka naman gusto ka lang inggitin na may ganun nga sana silang ipaparent unfortunately di na available... nyahahahahahaha

Mervin said...

wahahaha! san ba yan? naghahanap din ako ng malilipatan eh...

Ako si Yow said...

Parang tambakan lang.
Pwedeng pwede maghouse party jan.
Cozy pa yung place, makakatulog ka ng mahimbing. Haha.
Sana binabaan pa nila yung bubong para naman nakayuko pa yung titira. Haha.

Pao said...

LOL. Nakaka-tumbling talaga. Pambihirang kwarto yan at astig na ad huh. Hahahaha

Jepoy said...

I love the subtle honesty on this post and the fact that the structure too..

karen anne said...

parang hindi pangtao yan hahaha. better luck next sayo:)

karen anne said...

i mean better luck next time lol, baka mas may liliit pa jan, hehe

ʎonqʎʇıɔ said...

whatdafack! hahahahhaha buti nalang may disclaimer. napatambling talaga ako papuntang washington.

i remember this friend na nakatira sa area na yan. akala ko maliit na yung place niya. parang loft condo na pala compared to this. haha

sayang di na available. aalukin panaman kita na share tayo. kasyang kasya.

khantotantra said...

anlupit ng ad na iyan! super pang-masa.

grabe lang.

3.5k??? e may iba nga bahay na at may malawak na garahe e nasa 5k lang.

2ngawzki said...

wow!hanep sa ad...may humor?hahaha!nakakagago.e sa kipot ng kwarto pwde ka lang dumipa okupado na buong lugar.dito ka nalng tmra samin.nye!hahaha...!

Yj said...

this is a crime against humanity!

silentassasin said...

L shape..wla bang LOL shape

Joanna said...

That place is creepy. Who would want to pay to live there? I wouldn't live there even if the dude paid me to...

DRAKE said...

Akala ko PASILYO yan yun pala kwarto!

Grabe!

♥superjaid♥ said...

ayos sa ad..kabog lahat ng ad na nakita ko..like like like!^_^

WAIT said...

nawala stress ko sa dami ng mails ko sa inbox nung binasa ko tong post. : D APIR!

work mode ulet : )

KESO said...

hahhah! grabe lang! di ko kinaya tong ad na to! haha!

Tong-tong said...

pweyde na sa akin yan. papatusin ko na sana. makati why not. kaso taken na..

T_T

pagnapasakamay ko ang kwarto sana, irerenovate ko.

pusang kalye said...

ahaha. anu ba yun. baka naman nga joke lang yan. kala ko dinagdagan mo na---pero kung ganyan yung mismong nakapost--naku---shut down ko talaga kagad ang computer ko at sabay magsisisisgaw sa labas.kaka-stress. sakit ule sa brain. hahaha

TDB said...

3.5k for a space like that? is that cheap???

APE said...

ANO YAN, PUNTOD?!

kung sinlaki ko si Mahal, sulit na yan. Parang studio type na.

GLIP said...

gumamit ba sila ng lens sa DSLR nila when they took that pic? 2 ba sila kumuha ng pic inside the room? in fairness, the linoleum makes the room big. and it serves as accent na rin. tsaka accordion-type kaya ang door?

GLIP pa rin said...

pwede syang sex den-den (small version ng den)

Robbie said...

Joke ba ito?!?!?! Wahahaha.

Shit I won't even pay P500 to stay in that place. For 3,500 you can share a good-decent apartment na with friends.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding