dear diary # 1

Dear Diary,

Day 1. Nandito ulit si Bong sa Maynila. Hindi pa rin nya alam ang pasikot-sikot, pero ngayon marunong na syang sumakay sa MRT. Gaya ng lahat ng first timers, natutunan nyang hindi na dapat hintayin ang ticket na maeject kapag palabas ka na ng istasyon.

Day 2. Nagsisimula nang magloko ang kapatid ni Rose na pinag-aaral nya sa STI, dahil lagi raw itong inuumaga ng uwi dahil "matraffic" at "umuulan."

Day 3. Ikakasal na si Apeng, at abay sila Krissa at Caloi, pero hindi ko sure kung abay nga ba o flower girl at ring bearer.

Day 4. Nagtext ang nanay ko: tumingin (na naman) sila ng bahay, at may nakita (na naman) sila at bukas ay kakausapin daw ang may-ari. Mukhang may sequel ang "Anak, Lilipat Tayo Ng Bahay" (na naman).

Bakit ganun Diary, walang nangyayari sa buhay ko?

PS: Nagpabunot si Krissa ng ngipin. May natira pa sa loob. Babalik sya sa Tuesday. I'm like, ew.

1 comments. Post your comment here.:

Senyor Iskwater said...

May natira? ew nga! bakit hindi nababago 'yung number of comments ko sa gilid? tsk...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding