dear diary # 2

Day 1. Nag-away kami ni Inay. Kasi naman, pagkagising ko sa umaga, binati nya ako ng isang masigabong "May nahanap na akong apartment na malilipatan." Gusto nya kasing lumipat dahil tumutulo ang kisame sa apartment namin ngayon. Nang makita ko ang gusto nyang lipatan, naghuramentado ako, my diary. Kasi naman, nasa terrace ang kusina. So kapag umulan, hindi lamang tutulo, magsisipaligo ang pinggan, shellane at gasul. Inilabas ko ang galit ko sa pamamagitan ng pag-walkout pabalik sa kama ko at muling pagtulog. At dahil walang magawa si Inay, inilabas nya ang galit nya sa management ng apartment. Ngayon, ayos na ang tumutulong kisame.


Day 2 umaga. Nag-away uli kami ni Inay. Kasi naman, pagkagising ko pa lang sa umaga, sinalubong nya na ako ng announcement na isda ang baon ko ngayon. Hindi naman sa ayoko ng isda. Gusto ko. Pero kinakahiya ko sya kainin sa opisina. Kasi nakakahiya naman talaga, lalo kung sa desk mo lang ikaw kakain. Kaya inaway ko sya. Pinalitan nya ang isda ng manok.

Day 2 hapunan. Nagtext si Inay. Tungkol sa baon ko:

"Anak hilaw ang kanin ngayon ko lang napansin sensya ka na ha."

Diary, hindi nga ba't takot na sa akin si Inay?

3 comments. Post your comment here.:

Em said...

hehe, astig ka talaga glenn XD

Senyor Iskwater said...

So magkaiba ang shellane at gasul? nagalit ka ba nung malamang hilaw ang kanin? o bumili ka na lang ng ibang rice sa 3rd floor 7-11?

Anonymous said...

hehehehe. i find it cute, relationship mo sa mother mo. hehehehe.

elmo

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding