the saga of emmattonedha - ang pagbangon mula sa shit

Latest project ko mga kids.

Isang kasaysayan ng pag-ibig, pagkabigo, tsismis, paghihiganti, at marami pang tsismis... Kilalanin ang ating bida, si Emmatonedah, isang simpleng babae mula sa mahiwagang barrio ng Bolinao, na maagang namulat sa paghihirap at paghihinagpis, sa lungkot ng pag-ibig at sa pighating dulot ng tadhana... Tunghayan natin kung paano sya tapak-tapakan, kung paano sya alipustahin ng mga taong naiinggit sa kanya, at kung paano inangkin ng mga dayuhan ang kanyang pagkabirhen nung Valentine's Day dahil trip nya lang...

Mabibighani kayo sa kuwento ng kanyang pag-ibig, kung paano sya nagmahal simula nung Grade 2, sa isang lalaking hindi kayang ibalik ang kanyang pagmamahal... Mapupukaw ang inyong mga damdamin kung paano sya nagtapat ng pag-ibig (apat na beses) at maaantig ang inyong mga puso sa kanyang pagkabasted (apat na beses)... Ngunit dapat ninyong tunghayan kung paano sya babalik at maghihiganti, kung paano nya sasaktan ang lahat ng nanakit sa kanya. Magpapalit sya ng katauhan, ng pangalan (from Emmattonedah to Emmattonedha), at sya ay mangingibang-bayan at magcacall center agent...

Bagong katauhan, bagong pagibig, bagong sexcapades... EMMATTONEDHA... Malapit na malapit na! Abangan...

"ngaun unti2 aqng bbngon" -- Emmattonedha

2 comments. Post your comment here.:

em said...

lol. anu nanaman to? :D pero kung tungkol sa revenge yan, hehe ayos! :D

Senyor Iskwater said...

hahahaha... nakakatuwa naman yung pagpapalit ng name... sobrang unexpected yung change! sino siya? si khikhi o ikaw? hmmmnnn... malalaman ko 'yan!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding