dear diary # 4

Day 1: Kumanta raw si Khikhi (walanghiya!) sa kasal ni Apeng. Ang reaction ko lang naman sa balitang ito ay PUTANG-INA NAMAN. Lord, sana hindi maulit ang trahedya nung huling kumanta si Khikhi sa harap ng maraming tao nung 1997, kung saan pumiyok sya sa mga parteng:

You're here, there's naaaaaa -----piyok---- thing I fear,
And I know that my heart will go on,
We'll stay foreee -----piyok---- ver this way...

...at lumuha na sya hanggang matapos ang awitin. Sya ang nagpalubog sa Titanic.

Ako ang nahihiya para sa kanya. Sana hindi nasira ang kasalan.

Day 2: On related news (related dahil si Khikhi ang nag-chismis), isang dati raw naming kaklaseng lalaki nung high school ang nainspire nang husto kay Rustom Padilla at nagladlad na ng mini skirt with matching long hair, apple bottom jeans at boots with the fur. Hindi ko lang mabanggit ang tunay na pangalan nya, pasensya ka na Diary, wala akong tiwala sa iyo. Ang mahalaga ay nailabas nya ang tunay nyang anyo. Kung ayaw mo maniwala sa balitang ito ay dapat sigurong malaman mo na tatay nya mismo ang nagkuwento kay Khikhi na ang anak nya ay isa nang ganap na geisha. Yep... Tatay nya... Mismo... Tatay... Niya... What a proud and supportive father.

Day 3. May balita na naman mula kay Dyan. May isang mag-asawa raw sa Sweden na niyayaya syang mag-derby mag-do mag-barurot mag-threesome. Sabi pa nga ng babae sa kanilang Friendster profile:

Mabuhay! Mga kababayan… Kamusta?!? Ipagpaumanhin nyo ang sobrang kalayaan ng pagpapahayag ng aming naisin na makapiling kayo sa isang mapagnasang sandali. Wala kayong dapat ikatakot sa amin. Madali kaming kausap, bukas ang aming pananaw sa bawat anggulo ng bawat sitwasyon. Mag-aliw at kalimutan ang bawat problema sa konting sandali. Kami ang klase ng tao na mapagkakatiwalaan, kaya wag mag-atubili na makipag-komunikasyon sa amin. Maraming salamat!!!

So na-upgrade na talaga ang moralidad ng mga tao ngayon. Suggestion ko naman kay Dyan ay huwag syang magpadalos-dalos sa kanyang desisyon na tumanggi. Kasi dapat ang mga ganyang bagay ay binibigyan ng atensyon, pinag-iisipan mabuti, at sinusubukan kapag may time. Sana sundin ni Dyan ang aking advise dahil para sa ikabubuti rin nya ang pakikipag-threesome sa kanila. Just kidding.

But then again, dear diary, just an afterthought, dapat nya talaga itong subukan. Dyan, we support you in all your endeavors. Go! I-sex mo na yan at nang matapos na.

Dear Diary hanggang sa muli dahil wala naman nangyayari sa buhay ko. Sa buhay nila meron.

5 comments. Post your comment here.:

Dyan said...

putang ina naman glenn di ako ininvite kundi naview lang nila profile ko sa fs,as if naman kasi im interested, like duh! pero nakita mo ba ung pictures?kadiri tlga noh??? sigurado balut un! ewwwww!

glen said...

nandiri ka pa di ka pa ba nasanay makakita nyan hahaha

Dyan said...

nasan na ung pictures nila sa wed? bakit nawala? naguilty ka ba na binababoy mo?

glen said...

ako? naguilty? hindi. dri-naft ko lang ulit kasi dadagdagan ko pa ang kababuyan. soon...

Senyor Iskwater said...

ano na updates sa kanila? gawa ka naman ng bagong post about them...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding