hey kids!!!

Muntik ko nang i-close ang blog na ito dahil unang-una, aminin na natin na tayo-tayo lang ang nagbabasa. Pangalawa, nilalagay ko sa pahamak ang sarili ko dahil sa mga pinagsusulat ko. Pangatlo, sirang-sira na ang buhay ni Khikhi para sirain ko pa lalo.

So napagisipan kong idelete lahat ng tinype ko ng maraming taon. Gusto ko nang magbagong buhay. Ayoko na ng imoral. Sawa na ako sa mga testimonial ko sa Friendster na ineemphasize ang kabastusan ko. Wala pang nagtesti sa akin na hindi ako nilait. So magpapakabait na ako.

Pero nang minsan ay nagstroll ako sa Internet at napahinto sa blogs ng ibang tao gaya ng DearDiarya at ay muli akong nainspire upang maging masama.

So itutuloy ko ang aking mahal na blog. Kahit tayo-tayo lang ang nagbabasa. Kahit mademanda ako dahil marami akong nilait, at marami pang lalaitin. At kahit sira na ang buhay ni Khikhi, hindi ako titigil. Sama-sama nating sirain ang buhay niya.

Enjoy!

Marami akong dinelete na mga lumang posts, at maraming bagong posts na parating.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding