isang trahedya

Oh my god kinasal na sina Apeng at Manong. Ang hindi ko maintindihan eh bakit pumayag si Apeng na babuyin ng mga ito ang kasal nya:


Buti sana kung diyan nagtatapos ang kababuyan. Saksihan nyo ito:




Kapag ako kinasal walang invited sa kanila. Pero pwede sila manood sa honeymoon.

dear diary # 4

Day 1: Kumanta raw si Khikhi (walanghiya!) sa kasal ni Apeng. Ang reaction ko lang naman sa balitang ito ay PUTANG-INA NAMAN. Lord, sana hindi maulit ang trahedya nung huling kumanta si Khikhi sa harap ng maraming tao nung 1997, kung saan pumiyok sya sa mga parteng:

You're here, there's naaaaaa -----piyok---- thing I fear,
And I know that my heart will go on,
We'll stay foreee -----piyok---- ver this way...

...at lumuha na sya hanggang matapos ang awitin. Sya ang nagpalubog sa Titanic.

Ako ang nahihiya para sa kanya. Sana hindi nasira ang kasalan.

Day 2: On related news (related dahil si Khikhi ang nag-chismis), isang dati raw naming kaklaseng lalaki nung high school ang nainspire nang husto kay Rustom Padilla at nagladlad na ng mini skirt with matching long hair, apple bottom jeans at boots with the fur. Hindi ko lang mabanggit ang tunay na pangalan nya, pasensya ka na Diary, wala akong tiwala sa iyo. Ang mahalaga ay nailabas nya ang tunay nyang anyo. Kung ayaw mo maniwala sa balitang ito ay dapat sigurong malaman mo na tatay nya mismo ang nagkuwento kay Khikhi na ang anak nya ay isa nang ganap na geisha. Yep... Tatay nya... Mismo... Tatay... Niya... What a proud and supportive father.

Day 3. May balita na naman mula kay Dyan. May isang mag-asawa raw sa Sweden na niyayaya syang mag-derby mag-do mag-barurot mag-threesome. Sabi pa nga ng babae sa kanilang Friendster profile:

Mabuhay! Mga kababayan… Kamusta?!? Ipagpaumanhin nyo ang sobrang kalayaan ng pagpapahayag ng aming naisin na makapiling kayo sa isang mapagnasang sandali. Wala kayong dapat ikatakot sa amin. Madali kaming kausap, bukas ang aming pananaw sa bawat anggulo ng bawat sitwasyon. Mag-aliw at kalimutan ang bawat problema sa konting sandali. Kami ang klase ng tao na mapagkakatiwalaan, kaya wag mag-atubili na makipag-komunikasyon sa amin. Maraming salamat!!!

So na-upgrade na talaga ang moralidad ng mga tao ngayon. Suggestion ko naman kay Dyan ay huwag syang magpadalos-dalos sa kanyang desisyon na tumanggi. Kasi dapat ang mga ganyang bagay ay binibigyan ng atensyon, pinag-iisipan mabuti, at sinusubukan kapag may time. Sana sundin ni Dyan ang aking advise dahil para sa ikabubuti rin nya ang pakikipag-threesome sa kanila. Just kidding.

But then again, dear diary, just an afterthought, dapat nya talaga itong subukan. Dyan, we support you in all your endeavors. Go! I-sex mo na yan at nang matapos na.

Dear Diary hanggang sa muli dahil wala naman nangyayari sa buhay ko. Sa buhay nila meron.

dear diary # 3

Day 1. Tinawagan ko si Khikhi gamit ang company phone, kahit ito ay "ipinagbabawal daw" (like I care). Ngunit sana hindi ko na lang siya tinawagan. Kasi kasabay ng opening greetings nya sa akin, pagtapos nyang mag-"Hello?" at "Kumusta ka na?" eh ang katanungang "Nagmasterbeyt ka na diyan?"

Day 2. Habang nagbo-blog sa trabaho ay naramdaman kong naiihi ako kaya tumungo ako sa CR at dumiretso sa urinals katabi ng mga cubicles, kung saaan narinig ko ang isang mahinang mahinang impit na bulong na nagsasabing... "Oohhhhhh Shettttttt Mehhhnnnnnnn...." Tila may nangyayaring milagro sa loob ng cubicle. HIndi ko na hinintay pa para malaman kung sino ang miracle worker na ito.

Day 3. Tinawagan ko si Karen gamit ang company phone, dahil gusto kong kamustahin ang buhay nya at namimiss ko na nag mga seryosong pag-uusap namin tungkol sa mga problema nang bigla nyang naitanong sa akin, "Nagja*** ka na diyan?"

Diary, kaya ba ako nagiging bastos dahil sa mga bastos at napakahayup na nakapaligid sa buhay ko araw-araw? Haayy...sigh
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding