mga kawawang googlers pt. 2

Akalain mo may part two ang listahan ko ng mga ginamit na keywords ng mga tao para makarating sa aking blog? Just a recap:

List ng keywords na ginamit sa Google at nahanap nila ang blog ko:

"iniyot" (simple and straight to the point)

"babasahin xerex" (specific)

"english of pinakialaman" (dictionary ang hanap)

Updates:

"twilight review" (nakikiuso? o ayaw rin manood?)

"pacquiao" (no comment)


Latest:

"taong nagsex" (di na lang 'porn')


Malamang marami pang magkamali. Ahahaha. Actually yung nagsearch ng "taong nagsex" ay nakuha pang magiwan ng comment:

"may gago, may putangina may punyeta may tarantado pa lecheng buhay naman yan o fuck you and shit and bitch" -- gago

So classy. encem Alavet.

More Latest:

"babae binugbog ng tomboy" (wtf?)
"english of pinakialaman" (sya rin malamang yung nagsearch nito dati, ayaw nya talaga tumigil hanggat di nya natutunan ang English ng pinakialaman, btw, it's "meddled with" tama ba?)

"herlastfuck.com" (someone from Istanbul, see my old post ang huling barurot ni lola)

"malilibog na babasahin" (yum-mee! sa lahat ng keywords yan lang ang tumama)

"burn after reading movie review"

"baduy ba ang twilight" (oo!)


Malamang maupdate ko pa itong list ko sa mga susunod na araw.

So far:

senyum Clean Keywords: 7
sengihnampakgigi Dirty Keywords: 5

Horey encem

movie review: quarantine

"Witness the shocking truth you are not meant to see..."

Starring: Jennifer Carpenter, Jay Hernandez

Tignan mo yang poster. Panonoorin mo ba ang pelikulang ganyan ang poster? Parang kung anong picture lang ang nadampot, pinalaki at nilagyan ng title. Guess what. Pinanood ko.

And guess fucking what. Nagustuhan ko ito! Yehey sa wakas isang movie review-reviewhan about a movie na nagustuhan ko kahit papano.

Ganito ang plot: zombies! Basta natrap sila sa isang apartment na may mga zombie-zombiehan. Gasgas na yan diba? Kung gusto ko makakita ng zombie, bakit pa ako manonood ng sine, nandiyan naman si Ma'am Rapu Dancer? (Peace, Merry Christmas po).

Yang babaeng mukhang inaanal-sex jan sa poster, sya ung bida. Reporter sya tapos yung camera-man nya ay nigga. Yung movie, yun yung footage kunwari na nakunan sa cam ni Nigga. Sumama lang naman sila sa mga bombero para magdocumentary kung paano ang buhay-bombero, nang biglang sa napuntahan nilang apartment building, may mga taong may rabies. Eh nakakahawa yung rabies mas mabilis pa sa tulo. So sinarhan ng gobyerno yung apartment. Ang lumabas, babarilin nang very very nice. Natrap yung mga bida sa piling ng mga halimaw, kaya quarantine ang title. Uyy, igogoogle! ("Tagalog of quarantine").

Nagsimula ang lahat kay Mrs. Espinosa, yung zombieng tumawag ng 911. Nung nagrespond ang mga bombero at ang mga bida at pumunta sa apartment nya, nandun si Mrs. Espinosa nagdadalamhati. Kinagat yata sya ng aso. O kinagat nya yung aso? May dugo sya sa bunganga eh. Basta, hindi nice si Mrs. Espinosa, nangangagat sya. Bad! At ang pangangagat nya, nakunan ng video. Pati yung mga nakagat nya, nahawa, mamayang konti mangangagat na rin. So rabies yung sakit nila, orally transmitted disease sya or commonly known as OTD (gawa-gawa ko lang yan).

So imagine nyo kids ha, nasa loob ka ng building at hindi ka makalabas. Tapos yung iba sa inyo nangangagat, nanghahawa pa. It's not hot! Syempre may pagka-camwhore ang bida kaya kinakain na ang mga kasamahan nya todo-Action! pa rin ang camera. Camwhore din ang mga bibong-bibo na zombie. Kapag nakakita ng camera, bite!

Natakot ako dun sa part na nasa penthouse na sila. Kasi naman, nasira na ang camera ni Nigga at nilagay na nya sa nightmode ala Paris Hilton sex tape. So madilim na at wala na silang makita, nakasilip na lang siya sa camera para makakita sa liwanag. Eh syempre may isang tsismosang zombie na nasa penthouse din at naghahanap ng meryenda. Tahimik yung dalawang bida sa dilim habang palakad-lakad ang zombie sa paligid nila: hindi rin sila nakikita ng zombie, madilim nga kasi. Eh etong gagang camwhore na bida, tinabig yung isang kawali. Nakatunog yung zombie, kinain si Nigga. Tapos kinaladkad nyang papalayo si Camwhore ng very very nice. The End. Tapos nagrereklamo yung nasa kabilang upuan, mamamatay daw pala lahat sila? Anong gusto mo, makalabas pa sila kahit may kagat at tayo naman ang kagatin? Needless to say, Duh.

Hindi dapat nagkaproblema ng ganyan ang movie na yan kung nandiyan sa apartment building nakatira ang kapitbahay namin sa probinsya na si Manang. Mukha syang zombie, oo, hindi nya kasalanan yun. Pero marunong syang gumamot ng rabies. Sinisipsip nya yung kagat. Yung isa kapitbahay naming babae alias Nene, nakagat ng isang matalinong aso, sa singit. Ayun, pagsilip ko sa bintana ni Manang para masaksihan ang miraculous work nya, nakita kong sinisipsip ni Manang ang singit ni Nene. Siok Tong lang ang bayad. Tsk tsk. So yun namatay silang lahat.

Quarantine is a well-acted, competent remake that doesn't betray the original. Quarantine escalates the tension with a perfect sense of fearful exploitation. Huwag mabilib, copy-paste yan. Ahaha. Remake ang Quarantine ng isang Spanish movie na ang title ay [REC] not short for RECTUM kundi RECORDING, yung [REC] na lumalabas kapag nagrerecord ka ng video.

Nagustuhan ko rin dito ay yung acting. Si Camwhore, na sya ring gumanap na Emily Rose sa The Circumcision Exorcism of Emily Rose, ay mukhang mahusay sa paggawa ng facial expression habang kinakain ng halimaw. Kahit medyo tabingi ang mukha nya kahit kapag nakarelax, at kahit yung second half ng movie eh puro hindi na sya halos makaimik kasi naghyhyperventilate (uyy, igogoogle! joke) na sya, maganda pa rin sya at maniniwala kang kakainin na nga sya ng zombie. parang ang pangit ng dating nun ah, kakainin na sya ng zombie, kakainin na sya, kakainin...

Naenjoy kong masyado ang pelikulang ito, dahil hindi gaya ni Rose na kasama kong nanoood, hindi ako pumipikit kapag may zombies na. Nagdadahilan pa syang nagpupunas ng sipon, yung pala tinatakpan nya ang mata nya, sabay nagyayayang umuwi.

Ang tanging kinasasama lang ng loob ko eh pasmado si Nigga. Shaky na shaky ang pagkahawak nya sa camera, kaya nahilo ako at sa kalagitnaan ng pelikula ay naghahanap na ako ng Bonamine. Pasmado at rayuma sigurado. Dapat ikonsulta kay Manang.

Isa pang pangit ay yung poster. Mas bagay talaga picture ni Rapu Dancer.

So yun, kung wala kayong magawa, panoorin nyo. Inom kayo Bonamine 45 mins before magstart ang movie, dahil pasmado talaga si Nigga, at panay ang takbo nya habang nagrerecord. Basta panoorin nyo. Ako papanoorin ko yung [REC] kasi nakita ko sa Youtube at mukhang nakakatakot nga.

Ay, at isa pa palang pangit sa movie ay wala itong sex scenes. End of review.

maria khikhi demure

Kung inaakala ng nakararami na si Khikhi ay isang malandi, balahura, manyakis, rapist, ilusyunada, malandi at rapist, at balahura, tama po sila. Pero hindi naman lahat ng oras ay ganyan si Khikhi, dahil may mga pagkakataong naipapakita rin nya ang kanyang pagka-Dalagang Filipina, demure, mapang-akit, at virginal. At ngayon ay idedemonstrate ko sa inyo kung ano ang paano si Khikhi maging demure: kapag may inaakit syang lalaki.

Scenario: Bumili ako ng Sun sim card at dahil may free load ay nagunder-cover ako bilang si Jude, ang crush na crush ni Khikhi noong college, sabay text ng:


men2Hi Khikz. Eto pa ba number mo?
ihikhikCnu 2? Demure starts...now
men2C Jude 2! Binigay ni Glenn ang number mo... Di mo na ata ako naaalala...
ihikhikAy hehe... Syempre alala kita nuh. Musta? San ka na? Kilig!
men2Talaga, alala mo pa ako? Alala mo pa ba itsura ko?
men2Dito na ako sa Ayala nagwowork, sa call center. Ikaw, san mo balak magwork?
ihikhikDito pa lang ako nagwowork sa amin. Mahirap ba mahire sa call center?
men2Madali lang lalo na kung ikaw...
ihikhikSira! Nagwet! Di ba may exam pa yun. Gusto ko nga eh kahit try lang kaya lang busy pa dito... Buti ka pa, ang laki ng double meaning sweldo mo.
men2Syempre kailangan mag-ipon para sa future ng mga magiging anak natin. Joke lang po... Haha.
men2Bakit di ka na reply, naoffend ka ata?
ihikhikHindi, naubusan lang ng load. Biglang nagpaload, malamang tumakbo sa pinakamalapit na tindahan. Sira, bat naman ako maooffend?
men2Ask ko lang ha, may bf ka pa ba?
ihikhikHaha! Baka si Glenn na naman ito ah. Nagsusupesta na, pero kinikilig.
men2Haha! Baka si Glenn na naman ito ah. - What u mean? Bakit, niloloko ba kita sa tingin mo?
ihikhikHindi, kasi lagi ginagawa ni Glenn yan sa akin. Nagpapanggap taz sya lang pala hehe. Wala pa ako bf, wala mahanap eh. Ikaw siguro meron na kasi dami jan eh.
men2Wala nga rin eh alam mo naman ako, mahiyain. Balita ko nga kay Glenn eh ikaw yata ang may bf French daw... Hehe.
ihikhikHay naku si Glenn ka nga. Ganyan din ginawa nya nung una sa akin haha. Baliw ka talaga. French? BF? Ngek.Mga ganyang banat.
men2Nabanggit ni Glenn yun eh! Akala ko tuloy bf mo... Kasi naman yung mga kinuwento nya... Mejo nagseselos tuloy ako.
ihikhikHay naku Glenn. Animal ka talaga. Di talaga ako naniniwalang si Jude to.Nagsusupesta na talaga.
men2Sige, magtanong ka sa akin ng ako lang ang nakakaalam ng sagot. Para mapatunayan mo.
ihikhikWag na. Hindi nga, ikaw ba talaga to? Baka nakakaistorbo na ako sayo.
men2Eh kung ayaw mo talaga maniwala wala na ako magagawa dun... Alam ko hindi ka naniniwala at iniisip mo niloloko kita. Pero seryoso, matagal na kitang crush... Kahit may kagat ka ng aso sa pwet...*
tensionGago ka Glenn!

Mission accomplished! Alavet.

*True Story.

mga kawawang googlers

Nyahaha putang-ina yung Live Traffic Feed na nilagay ko diyan sa may gilid, hindi lang decoration yan may silbi rin yan.



Ayan o kita mo kung saan nanggaling yung mga nagvisit sa blog na ito. From Davao to Dubai. Pero ang mas nakakaaliw eh kung paano sila nakarating sa aking blog: Google. Yeps, for example:


Itong isang Unsuspecting Victim # 1 na inosenteng nagsesearch sa Google kung ano daw ba ang English ng salitang "pinakialaman". Paki-click na lang yung picture mga kids para mabasa nyo.



Malas nya, hindi sya napunta sa isang English-Filipino dictionary site. Sa blog ko sya bumagsak.


Pero wala sya kay Unsuspecting Victim # 2.


Makikita sa larawan na inabutan si Unsuspecting Victim # 2 ng taglibog habang nagbobrowse sa Intarnit at naisipang maghanap ng malaswang babasahin:



Malas rin sya dahil childhood adventures namin ni Khikhi ang narating nya.


Pero wala silang pareho kay Unsuspecting Victim # 3. Kaya sya nakarating sa blog ko, eto ang sinearch nya sa Google:



Siguro mas taglibog sa Riyadh sa piling ng mga Arabo at camels, kaya nya nagawang magsearch nyan. Swerte nya at sa blog ko sya napunta, kung saan naantig ang kanyang damdamin sa malalaswang karanasan ni Khikhi. Sa pagmumukha pa lang ni Khi, tanggal ang libog nya sa katawan.

Hindi ako nagrereklamo na puro malalaswang tao ang nagbabasa ng blog ko... (shoutout to the people alam nyo na kung sino kayo peace). Proud pa nga ako eh, at kung taglibog man sila, please let's not make them "pinakialaman" (mukhang kailangan ko rin itong iGoogle) .

Hindi magtatagal, lahat ng magsesearch ng kalaswaan sa Google ay sa blog ko mapupunta. I'll be Ambassador of Kalibugan for UN. I'm so proud... (teary-eyed).
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding