2010

Good luck and God bless all of us. Goodbye 2009 and all the shit you brought us, and Hello 2010. I got a feeling.... that this year's gonna be a good year (Black Eyed Peas ikaw ba yan?).

Let's put the "Happy" in "Happy New Year!!!"

Happy New Blogging Year mga Kids! Mwahchupah!

the year in movies

Wow. Wala lang. Naisip ko lang ilista lahat ng movies na pinanood ko ngayong 2009. Yung iba baka hindi saktong 2009 pinalabas pero 2009 ko na napanood. Opo, adik kami sa sine.

"The Curious Case of Benjamin Button"
- weird at masyadong mahaba

"The Spirit"
- OK lang pero hindi ko nagustuhan masyado

"Bride Wars"
- chick flick

"My Bloody Valentine"
- bullshit ang special effects

"Underworld 3: The Rise of the Lycans"
- maraming masasakit na alala, pero OK yung movie

"Saw 5"
- nakaka-SAW-a

"Push"
- slut na slut dito sa Dakota

"He's Just Not That Into You"
- eye-opener sa mga babaeng assuming!

"Confessions Of A Shopaholic"
- chick flick

"Watchmen"
- favorite ko ito alavet

"Knowing"
- putang-ina ang ending

"Dragonball Evolution"
- bullshit ang buong konsepto ng pelikulang ito

"Crank 2"
- tuwang-tuwa ako dito, one of my favorites

"The Reader"
- nakakaluha si Kate Winslet buti na lang naghubad sya

"Wolverine"
- basta X-Men OK sa akin

"Star Trek"
- hindi ko naintidihan kasi masyadong hifaluting

"Angels & Demons"
- lavet lavet lavet

"Terminator 4"
- hindi ko na maalala ang pelikulang ito

"Up"
- good, nice, pambata

"Drag Me To Hell"
- wtf wtf wtf

"Land of the Lost"
- sayang pera ko dito

"The Proposal"
- chick flick

"Transformers 2"
- nakakahilo, nakakasuya ang naghahampasang bakal

"BrĂ¼no"
- nyahahahaha the best!

"Harry Potter And The Half Blood Prince"
- bitin ang putang-ina

"G.I. Joe The Rise of Cobra"
- OK lang, tipong kapag naabutan mong palabas sya sa bus eh malilingat ka at lalampas ka sa bababaan mo

"District 9"
- paborito ko to!!!

"Final Destination 4"
- mga putang-ina nilang lahat

"Slumdog Millionaire"
- nakakainggit, bakit hindi makagawa ang mga Pinoy ng ganito, may sense?

"The Horsemen"
- OK lang kung mahilig ka sa mga whodunit pero wtf ang ending

"Surrogates"'
- shit, at tsaka pangit ang wig ni Bruce Willis

"Fame"
- teeny bopper ito

"Halloween 2"
- I want my money back!

"(500) Days of Summer"
- sarap panoorin!!! kahit masakit sa kalooban

"All About Steve"
- surprisingly nakakatawa

"2012"
- love the movie hate the ending, dapat namatay lahat ng sanlibutan

"Saw VI"
- I SAW all of this shit before!

"Paranormal Activity"
- damn right! kumontra na ang kokontra, gusto ko ito!

"A Christmas Carol"
- feels like Holy Week

"Avatar"
- a great way to end 2009

Salamat sa pagsasayang mo ng oras sa pagbabasa.

gifted

Masaya ang Christmas 2009 dahil marami akong natanggap na regalo. Inanalyze, na-compute at na-conclude ko na significantly higher ang overall value (in Peso) ng mga natanggap ko keysa sa pinamigay ko. Opo, mukha akong pera, deal with it!

Hehehe.

Ito ang mga natanggap ko...

Starbucks Tumbler (hindi Design-your-own pero pwede na!)
Foldable Box (na nagiging upuan)
Mug (na galing Missouri daw pero made in China)
Flashlight
Reading Lamp (na may kasamang Carlo Rossi na wine!)
Sparkling Wine (non-alcoholic)
Chocolate Crinkles (may kasama pang kalendaryo)
7 Sands, Chocolates, Keychain, Pins, a lot more from Abu Dhabi
Face and Hand Towels
Bag Tag (na may name ko and company logo)

Books:
Mirror, Mirror by Gregory Maguire
Confessions of an Ugly Stepsister by Gregory Maguire
Roadtrip by Ru Dela Torre
Our Daily Bread, o ha!

At mula sa aking Inang si Doris:
Brief (6 pieces)
Thumb Rings (3 pieces)
Pants

At mula sa aking Amang si Nanding:
Bangus (5 pieces)

Damn right!!!

Ang isa sa magandang gifts ko this Christmas ay nakita ko si Nanding at Doris nag-uusap (for like 20 minutes) AT HINDI SILA NAG-AWAY OMG!!! Magkabalikan kaya sila?

Salamat po sa mga nagregalo at pasensya na sa mga naregaluhan ko alam ko I give sucky gifts.

Thank you Papa Jesus for a wonderful year, sana po maganda uli this coming 2010 to 2011 and sana po gunawin Nyo na ang mundo sa 2012. I love you po, mwah!

greetings!

Logged in just to say Merry Christmas. Love you Kids!

Be nice tonight.

movie review: avatar

Isa ito sa mga inabangan kong movie event for 2009. Nag-ipon nga ako ng pera pampanood ng sine eh (nyahaha).

Set in the year 2154, tungkol ito sa war between humans and the Navis (mga kulay blue na nilalang) sa planetang Pandora. May war kasi naman sakim ang mga humans sa bato (hindi tawas ito), eh yung batong kailangan ng humans para mabenta sa market eh sa ibabaw nun nakatanim yung puno na sacred sa mga Navi kasi bahay yata nila yun.

So kailangan paalisin ang mga Navi at tagpasin ang puno para makuha yung bato. Natural, may bitterness sa puso ang mga Navi. Ganito siguro ang bitterness na naramdaman nila Lapu-Lapu nung nagbeach-hopping si Magellan sa Cebu para mag-sunbathing, body shots at angkinin ang Pilipinas, kaya gaya ni Lapu-Lapu to the tune of jungle bolo, sabi ng mga Navi, "Tangina niyo!!!"

So inutusan ng mga humans itong si Jake na ex-marine na magpretend na isa syang Navi sa pamamagitan ng pagremote control sa isang color blue na costume na pang-Navi na ang tawag eh Avatar. Ang plano eh makikihalubilo at makikiparty si Jake dun sa mga natives at kapag nagtiwala na sila sa kanya eh icoconvince nya sila na iboto si Chiz Escudero mag-evacuate sa pinakamalapit na elementary school para mabakante ang puno sa ibabaw nung tsismosang bato.

Ngunit nung naging Navi na si Jake eh nakilala nya si Neytiri, ang hot chick sa mga angkan ng mga Navi. Hindi lang sya beauty, brains pa kasi marunong sya mag-English as a second language at neutral accent sya.

So as expected, nagjerjer si Jake at Neytiri sa ilalim ng puno ng Star Apple and nakatulog na me. The End!

Worth it ito panoorin in 3D kasi buong film ay 3D. Wag mo nang pansinin kung after 10 minutes ay umiikot na ang paningin mo at pakiramdam mo eh mauuntog ka sa mga punongkahoy.

Ugaliin rin na sa mga ganitong movies ay magkape muna bago manood at siguraduhing hindi kayo galing sa inuman para walang hangover habang nanonood. Dahil kahit maganda ang pelikula ay hindi kinaya ng aking katawang tao ang antok. Kahit perfect ako, inaantok rin ako. Kaya sa mga bandang gitna eh pinipitik pitik ko na ang sarili ko at nagpapakurot ako sa siko para lang magising.

Sa mga sandaling nagigising ako (maraming beses akong nakatulog) ay chinicheck ko ang mga kasama ko kung buhay pa. Si Drake, na kanina lang ay nagcocomment na Wow, ganda ng graphics, ang galing ni James Cameron, wow, wooooooowww.... zzzz... tinablan ng antok at nahimlay na ang kanyang katawang lupa. Ganun na ba ang tumatanda? Peace!

Si Jepoy Pekpek na kahit naka-Flanax pagdating sa mga lakaran ay biglang nananahimik sa may dulo, nagheadbang na rin pala sa antok. Hay ang mga may-edad talaga, masandal lang tulog na.

Hindi ko sinasabing nakakaantok ang movie, ang sinasabi ko lang, inaantok talaga kami nung nanood kami.

Ayoko na ikwento kung ano pa yung mga nasaksihan ko kasi putol-putol ang panonood ko. Suggestion ko eh panoorin niyo na ito sa pinakamalapit na Mall of Asia sa inyong lugar.

Thanks Kids mwahchupa.

ang balikbayan

Natigil po ang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang i-announce ni Drake, ang tirador ng mga camels, ang nalalapit nyang pag-uwi sa Pilipinas. Napa-cartwheel kami ni Jepoy Pekpek sa pag-invite nya sa amin sa mga nakahanda nyang activities sa unang weekend nya sa Pilipinas.

Kaya nung Saturday eh nagkita-kita kami sa prestihiyosong Farmer's Plaza sa Cubao (sosyal, damn!) para mag-attend ng Christmas Party ng FilipinoWriter.com sa Laguna (member si Drake Kula). Sakay kami ng bus at jeep papunta sa Botanical Garden sa Calamba.

First time ko dun. Shit ang ambiance dun, dun ko gusto magpalipas ng gabi dahil sobrang tahimik at conducive to rape bonding moments kasama ang ibang members ng FilipinoWriter.com. Puro puno... madilim ang paligid at masarap magkwentuhan ng mga multo-multo lalo pa't hindi namin masyado kilala ang mga kasama namin... Ganun ang gusto kong buhay, parang back to college lang.



Ngunit dahil hindi naman pwede matulog sa Botanical Garden eh lumipat kami sa Pansol Hot Springs (another first time for me). Pagdating dun eh nagkaroon kami ng program, ang Isang Tanong Hotseat (kami ay uupo sa harap isa-isa at sasagutin ang isang tanong mula sa bawat member).

Nung nagpakilala ako, sabi ko,

I'm twenty-two years old, I'm an only child...

At ang pagkadinig pala ng mga tao ay

I'm twenty-two years old, I have a child...

So buong gabing magkakasama kami, iniisip pala nila na may anak na ako. Linawin ko lang po sa lahat, wala pa po akong anak sa kadahilanang wala akong asawa o syota o sexmate man lang. At galit po ako sa mga bata kaya ayokong gumawa.

Parang ako yata ang nakatanggap ng pinaka-weird na mga tanong nung gabing iyon. May nagtanong sa akin kung may nakasabay na raw ba akong umihi sa isang urinal. May nagtanong kung nakuhanan ko na raw ba ng nude pics ang sarili ko. Bakit ganun, sa iba matitino ang tanong, sa akin parang may tendency na maging XXX ang tanong? Mukha ba akong malibog? I think, oo.

Nagswimming din kami sa hot spring (na hot nga, parang yung pakiramdam ng umiihi ka sa pool, ganun sya kainit) ngunit hindi ako tumagal dahil ang lamig lamig tuwing aahon ako at tumigas ang nipols ko. Kaya nag-inuman na lang kami ng mga surviving members (yung iba borlogs at nakauwi na) at naglabasan na naman ang mga X-rated na stories.

Kinaumagahan, tumae si Jepoy. Wala naman relevance sa kwento ko, siningit ko lang.

Tanghali ng Linggo nung nakauwi na kami sa Manila at dumiretso kami sa MOA para mag-exchange gifts. Nakatanggap ako ng book from Jeppy at backpack naman from Drake (na ginagamit ko na salamat mwahchupa). Nagregalo naman ako ng libro in kay Jeppy Pekpek at shirt and brief naman kay Drake. Kumain din kami ng sobrang dami sa pamamagitan ng kabutihan ni Jeppy Pekpek at kanyang "bitch wallet".

Nanood rin kami ng Avatar at sa sobrang na-overwhelm kami sa pagka-3D nya eh nakatulugan naming tatlo. Pilit kong kinukurot ang sarili ko at nagpakurot na rin sa iba para lang magising. Maganda naman ang kwento at ang graphics pero nakatulog talaga kami.

Tapos nun, uwian na! Pagdating ko sa bahay, natulog ako agad. The End.

Salamat nang marami sa members ng FilipinoWriter.com sa pagtanggap sa amin ni Pekpek at sa pagiging welcoming ninyo. Salamat rin kay James Cameron sa ganda ng pagkakagawa sa Avatar. At higit sa lahat salamat kay Drake Kula na napakabait at mapagbigay sa paglaan ng oras sa amin kahit kakauwi nya lang!!!

christmas disaster

Bale nag-Christmas Party kami kanina. Pagdating dun sa venue eh nagpractice kami ng sayaw dahil maaga pa. Tama! Sasayaw nga kami, sasali kami sa Christmas dance contest kung saan maglalaban-laban ang iba-ibang teams at departments sa company. Ang grand prize ay P30,000.

Igorot Dance ang gagawin namin dahil ethnic ang aming concept, "Ang Alamat ng mga Tala" to the tune of Grace Nono's "Nunanoo-nunanoo-nanunaah". Inuunahan ko na kayo, HINDI AKO NAGSUOT NG BAHAG.

Matapos magpractice ay nagpahinga kami, nagbihis, tapos kumain, at dahil gutom na gutom ako eh nilubos-lubos ko ang buffet at ang bottomless beer. Nung mga bandang umeexpand na yung tiyan ko at niluluwagan ko na yung belt ko, biglang sabi ng kateam ko,

"Pagtapos mo kumain, magbihis na tayo, sasayaw na tayo."

Puta, narealize ko bigla, busog na busog akong sasayaw. Eh may part sa sayaw na may stunts ako (tatakbo kami tapos magbaback-roll sa likod ng kagroup naming naka-squat). Shit, baka lumabas lahat ang kinain ko... baka kumapos yung takbo ko at mangudngod ako sa teammate ko... baka sumobra ang takbo ako at mangudngod ako sa mga tables sa audience... Ang daming takot sa utak ko, kaya inubos ko na yung beer ko at nagbihis na...

Nung tinawag na kami para magperform, pumipintig-pintig na talaga yung puso ko. Nasisigurado ko na may mangyayaring disaster... At hindi ako nagkamali.

Nagsimula na yung tugtog... Tugsh! (*sound effects*) at nagsimula na lamigin ang tiyan ko. Nakapaa lang kasi kami, eh ang lamig-lamig ng sahig, at ayaw paawat ng aircon... Tapos ang daming nanonood, pati yung mga dati kong teammates na puro alaskador... Maraming mapanlait na matang nakatingin sa akin!!! Umaygad.

Tugsh! Enter na kaming mga dancers... Nagsisimula na silang sumayaw, naglalakad pa rin ako papunta sa spot ko, hindi kasi ako makatakbo masyado dahil sa kabusugan. Ang bigat-bigat ng tiyan ko, ayoko kumilos masyado baka magsuka ako bigla. Nakakahiya naman yun, baka magresign ako sa kahihiyan.

At eto na ang backroll stunts namin...

Naka-squat na sa gitna yung ka-group ko... Nasa gilid na ako at nagpeprepare sumalida at tumakbo papunta sa kanya... Tumatakbo na ako... Paglapit ko kanya, tumalon na ako para magroll sa likod nya... It all happened so fast (naks). Habang nagroroll ang likod ko sa likod nya at nakahagis at nag-180 degrees sa ere ang mga paa ko eh I knew there was something wrong...


Tugsh! Sumobra ako sa likod nya at nag-landing ako sa malamig na sahig nang earlier than usual... nauna ang daliri ko sa kanang kamay, naitukod ko, tapos nadaganan ko ng konti. Hindi naman ako natumba... napaaga lang ang bagsak ko. Subalit masakit! Umikot pa ng konti yung paningin ko at nung papunta na ako sa aking spot ay nanginginig ako nang very very nice.

Nung patapos na ang sayaw, nagkadisaster na naman nung naglalakad pa lang ako papunta sa spot ko eh nagsasayaw na sila. Nakahinga lang ako nang maluwag nung nag-bow na kami at umexit at nagbihis na uli at hinintay ang awarding...

"And in the Third Place... Team#2!!!"

Hindi umimik yung grupo namin... Parang isang minuto pa bago namin narealize na nanalo kami!!! Third place!!! Palakpakan... Congraaaaaaaaaaaaaaatulations!

Apat po kaming groups na naglaban-laban.

youth convergence

Kahapon ay nagpunta kami ni Jepoy sa Christ the Livingstone Fellowship Youth Covergence sa invitation ni Joanna at nakihalo sa mga youth (aka bagets) na nagwoworship kay Jesus. Masaya ang event na ito, I felt like I was part of a community na may common goal (na hindi ko masyadong feel sa Catholic na mass). Masaya at may laughtrip rin, dahil maraming mga bagets. Ako pa man din I find humor in everything...

Hayup ka talaga Jepoy! Pero kahit marami tayong laughtrip dun ay may natutunan naman di ba, gaya nitong nilagay mo sa iyong blog:


Hindi mahalaga kahit na anong religion mo kasi hindi naman religion ang magliligtas sa iyo, hindi rin good works, hindi rin ang mga santo, at hindi rin si Santino kung hindi ay ang grace through faith. Grace kasi si Papa Jesus Mega Nailed sa Crusifix para sa ating sins, nung napako sya sa krus ginets na nya ang lahat lahat at wala na ang power ni Satan over us dahil sa dugo ni Papa Jesas, Sya ang Saving Grace.


Gets nyo? Advice, Jepoy, wag kang mag-Pastor ha? Magiging comedy bar ang simbahan sa iyo.

Nais ko rin magsorry kay Jesus (at pati na rin kay Joanna) dahil panay ang tawa ko kahapon. Eh kasi mabilis talaga ang utak ko sa pag-process ng ilang mga nakakatuwang sights. Pero hindi nun ibig sabihin na I took things lightly. Marami naman akong natutunan at isinapuso. Hindi lang ako ganun ka-showy sa aking faith, at hindi ko mapantayan ang energy level nung kumanta ng "I am freeeee!!! Are you freeeee!??!??" Pero one day darating rin ako diyan.

So nais ko rin magpasalamat kay Joanna sa pag-invite sa akin ulit (this YC will become a regular thing) at salamat sa mga very cute performaces at video montage.

Kaya kayo mga Kids, next time sumama kayo sa amin ni Jepoy dahil masaya itong trips na ito, at marami ka pang natutunan.

Kaya lang, piliin nyo rin kung anong trip ni Jepoy ang sasalihan niyo, dahil itong hayup na Jepoy, sinama ako sa isang baby shower kung saan wala akong kilala at pinakain ako dun, MO AKONG GATECRASHER HAYUP KA TALAGA at habang kumakain ako dun nararamdaman ko ang masasamang titig sa akin ng host at ibang bisita thinking, "Sino ba ito?"

ako ay pilipino book

Hey Kids!

Sigurado proud tayong lahat to be Pinoy (keysa naman maging *****sians na mga mukhang magnanakaw or maging mga ******sians na puro mukhang adik/rapists).

So what better way para ipakita ang ating pagiging proud-to-be-Pinoy kundi sa pamamagitan ng librong ito:


Ako Ay Pilipino Coffeetable Book

Parang scrapbook sya na maraming essays/poems about being Filipino, our heritage and history. Sinulat ito ng kabataan para sa mga kabataan din.

Sample pages:




Kung akala ninyong boring ang Philippine History (dahil balasubas yung teacher ninyo nung high school/college), nagkakamali kayo. This is a fun, interactive way of finding out and finally understanding what put us where we are now. Nice gift ngayong Pasko. Dali bili na, P500.

Magandang addition ito sa inyong library or magazine rack, pang-entertain sa mga bisita at pangdagdag sa kaalaman.

Ako Ay Pilipino. Spans generations to last for more. Pop nyo ko kung gusto ninyo bumili, thanks mwahchupa!


life ko 'to

Life ko 'to walang pakialamanan!!!

Joke, wala akong kaaway, iniinvite ko lang kayo sa darating na Sabado sa isang Youth Convention entitled...

Life Ko 'To



Ito na ang pangatlong time na pupunta ako sa Youth Convention at enjoy ito, marami kang matututunan about God, about the presnet time you're living in and most importantly, about your own self, where your road to hope begins. Nyahaha!

Kung gusto nyong sumama, just let me know sa comment at magmemeet tayo sa Saturday. Malapit lang yan sa Shangri-la EDSA.

At after ng Youth Convention, punta naman tayo sa EP Launch ng BluntConcept around 8PM!!! Inuman at rock music naman dun.

So schedule ha Saturday, 3PM sa Youth Convention, 8PM sa inuman. See you Kids!

wickedmouth.com

Salamat at natupad rin ang pangarap kong magkaroon ng .com.

Special thanks to Philhosting.net na pinatakbo ako along Ayala Avenue nang tanghaling tapat para makapagbayad, na pinasakit ang ulo ko sa pagrerequest ng serbisyo at nakumpleto ang aking request matapos ang isang buwan. Salamat ha! Sana makaganti man lang ako sa inyo!!!

Salamat rin sa mga magulang kong hindi pa ako tinatakwil (hindi pa po huli ang lahat, Doris and Nanding). Salamat din sa aking Tita Sasha Fierce na walang sawang nagpapabaon sa akin ng pork adobo at sa walang sawa nyang pag-update sa akin kung ano na ang nangyayari sa Starstruck V.

Salamat rin sa mga nagbabasa pa rin ng blog ko kahit #1) marami akong inaaway #2) nagkakasala ang mga mata ninyo sa pagbabasa ng kababuyan at #3) aminin na nating naglolokohan lang tayong lahat sa pagboblog na hindi naman napagkakakitaan o hindi man lang ikasisigla ng buhay seksuwal. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa at sana hindi tayo mag-away-away (haha). Thanks Kids!

Special mention ang aking bespren Toni D. na tinutulungan ako magreminisce sa mga kwento ko, thanks to you and sana mabuntis ka na.

Thanks rin sa napakawalang kwentang taeng si Khikhi, sana patuloy ka pang gumawa ng kababuyan para marami pa me ma-blog about sa sexcapades you.

Salamat rin sa mga Idiots, dahil sa inyo nakakapagpost ako kapag wala talagang magawa. Mga putangina nyo, pero salamat na rin.

Thank you rin Lord dahil kanina, binangungot na naman ako pero nagising pa rin ako nang ligtas kahit brutal yung bangungot ko. Nasa loob daw ako ng sinehan (balcony, right side) nang biglang lumakas nang lumakas ang audio ng palabas at napatakip lahat ng mga tao sa tenga hanggang sa sobrang lakas na ng sound ay nararamdaman kong tumitibok-tibok na ang eardrums ako at sasabog na sya nang tunay at wagas. Tapos nagising na me. Salamat Lord mabait Ka sa akin kahit ang sama ng ugali ko.

Thank you all and Merry Christmas.

Mwahchupah!!!

spank me!

Naalala nyo pa ba yung times na na-award kayo ng mga magulang ninyo? Siguro sa sobrang dami ng times hindi nyo na maalala, joke. Pero ako, iilang beses lang ako napalo noong bata pa ako kaya tumatak talaga sa isip ko ang bawat pag-award sa akin.

Mabait na bata naman ako eh. Ako yung tipong hindi ikakahiya ng magulang ko na dalhin sa bahay ng mga kaibigan nila dahil hindi ako pasaway, yung tipong hindi nakakahiyang dalhin sa simbahan dahil hindi maingay o malikot. Yun nga lang, may mga times na parang gusto talaga nila akong paslangin.

Isa sa mga lagi kong naaalala na pagpalo sa akin eh nung inaway ko yung pinsan ko. Grade 4 yata ako nun. Natabig ko kasi ang isang basong juice at nabasa yung notebook ng pinsan ko, tapos nagtantrum sya. Kaya nagtantrum din ako ng ubod ng tindi sa Nanay ko. Eh busy sya nun, nagtatabas ng damit (mananahi si Doris), tapos sumbong ako ng sumbong. Ayun, ako ang pinalo nya. Nabali yung ruler nyang kahoy. Tapos kinuha nya yung ruler na plastic, nabali rin. Buti na lang dalawa lang ang ruler nya, thank God. Ang lakas humataw ni Doris, kung palakol yung hawak nya siguro chop-chop ako nun.

One time naman, yung tatay ko, nagalit sa kababasa ko ng komiks. Napahilig kasi ako noon sa pagbabasa, kaya maghapon akong hindi mautusan. Sabi nya wala daw akong matututunan sa komiks. Ang dami kaya! Tapos inaabot ng gabi nagbabasa pa rin ako. Eh pinapatulog na nya ako. Sabi ko, "Sandali lang Nanding, nagbabasa pa ako." Ang ganda kasi nung binabasa ko, mga alien na nagpunta sa Earth para magsex. Totoo yan pramis, hindi ko malilimutan yan. Eh nakailang ulit na syang saway sa akin hindi pa rin ako paawat. Kaya kinuha nya ako sa dahas.

Hindi naman nya ako pinalo. Hinagis lang nya ako mula sa kinauupuan ko papunta sa kama ko. At yung bed ko nun, wooden ang frame at ang gitna ay weaved rattan. Rattan = hindi malambot. Ilang araw ko rin syang ni-silent treatment dahil dun.

Noong bata ako mahilig ako mag-ipon ng pera, at lagi kong pinapakita sa Nanay ko yung pera ko nun, syempre proud ako kasi may savings ako sa alkansya, at medyo lumalaki na. Hanggang sa one time napadaan ako sa tindahan ng mga laruan at may nakita akong robot na langaw, color green and yellow. Inubos ko dun yung ipon ko. At proud na proud akong pinakita sa Nanay ko ang aking bagong purchase. Hindi na-appreciate ni Doris yung langaw na robot. Hindi nya ako pinalo, pero hindi nya ako kinausap ng maraming araw. Silent treatment. Mas masakit pala yun keysa sa ruler.

One time, umaga ng Linggo, magsisimba kami kaya maaga akong gumising. Nung paalis na kami, nakita ng Nanay ko na marumi ang kuko ko. Kaya, krinompal nya ko ng very very nice. Parang nagtaka pa ako kung bakit nya ako sinampal, kasi OA, kuko lang yun, wala naman mag-iinspection sa simbahan, and to think magsisimba pa kami. Wala naman akong nagawa kundi gupitin ang kuko ko, at kung before ako sampalin ay wala ako sa mood magsimba, lalo akong nawalan ng mood after. Masakit pala masampal, first and last time ko yun. Sana sinilent treatment na lang nya ako uli, mas prefer ko na ang silent treatment.

Medyo malaki na akong nung latest akong ma-award. One time nagpatulong yung tatay ko sa akin buhatin yung cabinet. Eh nanonood ako ng MTV, ayokong pa-istorbo. Tapos nung nakita kong nahihirapan sya sa cabinet mag-isa eh padabog ko syang tinulungan. Sa pagbara-bara ko, nalaglag yung blender sa loob ng cabinet at nabasag sa sahig.

Hindi naman nya ako pinalo. Binatukan lang nya ako ng very very nice, halos tumilapon ako ng ilang feet. Nakakawala ng self-esteem, shyet! At nagtaka pa ako kung bakit sya nagagalit, eh hindi naman sya mahilig gumawa ng shake.

Yun lang. Tingin ko mabuti sa bata ang pagpalo kasi paglaki nya, at least may maiboblog sya. At I swear pag ako nagkaroon ng sarili kong kids, sisiguraduhin kong marami silang iboblog.

Thank mwahchupa, at sa mga haters like Idiot #s 1, 2 and 3, ayan sana wala na kayong masabi.

movie review: a christmas carol

Nung una kong nakita yung trailer nito, promising the film in full 3D, naisip ko What a waste of money hindi ko yan panonoorin kahit libre.

And then kanina, dahil wala talagang mapanood, pinagtyagaan namin ito in full 3D.

=( What a sad, sad day.

Biased ako kasi hindi talaga ako mahilig sa mga animated movies lalo na ang pambata. But this one is about Christmas, so akala ko heartwarming ek ek etc etc. I have never seen a sadder Christmas story.

Tungkol ito kay Ebenezer Scrooge na sobrang mukhang pera at nung malapit na syang mamatay, binisita sya ng ghosts at binigyan sya ng chance to look back at past Christmases, the present Christmas, and the future Christmas para makita nya ang mali sa buhay nya at maiwasan ang madilim nyang future.

In fairness malungkot naman talaga ang kwento ng original novel ni Charles Dickens. Pero this is Jim Carrey in a kid movie, and para sa akin naging masyadong grim ang story. Mabigat yung lesson na ituniro. Happy ending pero parang may kulang. Ewan ko kung mag-eenjoy ang mga bagets dito lalo na kung gusto nilang matawa. Sa almost empty na cinema na pinagpanooran namin, sa isang scene lang ako nakarinig ng tumawang bata. After nun, dead silence. Nakatulog siguro.

May mga moments na nakakaluha (ahihi) pero hindi enough.

Skip nyo na lang ito kung hindi talaga kayo in the Christmas mood.

movie review: paranormal activity

Masyadong mataas ang hype about sa movie na ito. Low-budget kasi ito at hindi naman intended for a worldwide release, pero dahil sa ganda ng audience reaction, pinagkakitaan na nila. Inabangan ko rin ito kasi mahilig ako sa mockumetary.

Tungkol ito sa isang mag-live in na magjowa na minumulto sa bahay nila, kaya nag-set up sila ng camera para mahuli yung tsismosang multo habang natutulog sila. At sobrang napatambling sila sa mga narecord ng kanilang camera. Warning: walang sex scenes. =(

Nagandahan ako dito kahit hindi na ako mahilig sa horror-horroran kasi nakakatakot naman talaga. Hindi ko talaga ito panooorin nang mag-isa.

Mixed opinions nga lang ang mga nakapanood. Yung mga nagsigawan sa cinemas, malamang nag-enjoy. Yung mga tahimik, so-so. Yung mga naghihintay ng mga monsters at mala-Sadako na visuals, sila ang na-disappoint at na-bore. Baka mas matakot pa sila sa "The Echo". Depende talaga sa taste yan.

Less visuals kasi ito, at sabi nga ng dati kong friend na kaaway ko na ngayon, mas nakakatakot ang hindi mo nakikita.

So panoorin nyo ito dahil OK naman sya. Low budget, apat lang ang artista, isa lang ang location, at hindi pa nagbibihis yung bidang lalaki (gipit sa wardrobe budget?)

Yun nga lang, dapat may kasama kayong manood, at mag-CR na kayo bago manood kasi sa gitna ng movie, kahit ihing-ihi ka na, hindi papayag yung kasama mo na iwan mo sya kahit kailangan mong mag-CR. Kahit siguro magtae ka. Trust me, it happens.

Siguraduhin ding hindi mas duwag sa iyo yung kasama mong manood, lalo na yung mga taong nanghahablot ng katabi pag nagugulat. Trust me, it happens.

Huwag na rin mag-pop corn, baka mabuhos pag nagulat ka. Trust me, it happens.

melanie

May aaminin po ako sa inyo. Crush ko si Melanie. Yung classmate ko nung Grade 3. Wag nyo ipagkakalat ha... Hihihi.

(Trip down memory lane ito...)

Si Melanie ang pinaka-astig at kick-ass girl nung Grade 3 pa kami. Lahat kasi ng mga babae noon sa klase namin ay mahinhin(dutin) at bwisit sa paningin (mga panget mukhang Apocalypto!)

Iba si Melanie. Maganda sya, sya siguro ang pinakamaganda sa klase. Mahaba ang buhok nyang wavy to moderately kulot. Maputi sya at makinis. Ngunit tomboyish sya, yung tipong magandang bata na nababalitaan mong nakipagsuntukan. Lagi nga nakataas ung sleeves ng t-shirt nya eh, parang siga sa kanto.

Medyo close kami kasi lagi syang sumasama sa bahay namin noon, para mangopya ng assignment, o magmiryenda o maglaro. Madalas din kami sa plaza, naglalaro ng tayaan sa palibot ng estatwa ni Gat. Jose Rizal, saksi sya sa aming kaligayahan.

Sya ang nagturo sa akin paano mag-rollerblades (nasaksihan rin yan ng estatwa ni Gat. Jose Rizal). Magkasundo kami pagdating sa laro, pero madalas rin kaming mag-away sa mga malilit na bagay pero nagkakaayos din kami matapos magbigayan ng "I'm Sorry" letter nyahahhaa corny WTF.

Ang sabi ng mga tsismosa sa amin, wala raw tatay si Melanie. Kabit raw yung nanay nya, maganda raw kasi. Nag-iisang anak rin sya, pareho kami.

Kakaiba si Melanie. Sya yata ang unang babaeng nakilala ko na marunong magsinungaling.

Nung Grade 3 kami lagi kaming pinagbubunot ng damo kapag hapon. Hindi sya sumasali sa pagbubunot. Sabi nya sa teacher namin, may asthma daw sya at bawal sa kanya makalanghap ng damo. Nangangati raw yung mga legs nya dahil allergic sya. Pero kapag tapos na ang pagbubunot, nangunguna sya maglaro ng sipa... sa damuhan.

Absentee si Melanie. Isang araw, pinatawag ang lola nya sa school. Kinausap ng adviser namin, hindi daw ba sya nagtataka kung bakit hindi pumapasok si Melanie. Ang sagot naman ng lola nya, sabi raw ni Melanie, wala talaga kaming pasok. Hanep. Gullible ang lola mo.

Tuloy, nahuhuli sya sa mga lessons namin. Hindi nya masyado natutunan yung mga kapokpokang tinuturo ng teacher namin nung Grade 4, yung halimaw na si Madam N na nagkabreast cancer (sucks to be you!). One time, pinahiya sya ng teacher namin.

Pinatayo nya si Melanie at pinagbasa nang malakas ng isang paragraph mula sa textbook. Science and Health ang subject nun, at umagang-umaga. Alalang alala ko pa habang nagbabasa si Melanie...

"...IN the body?"

"Mali, in the BODY!" sigaw ni Madam N.

"...IN the body?"

"Mali nga! ...in the BODY! Nasa BODY ang stress hindi sa IN!"

"...IN the body?"

"...in the BODY! Sentence yan hindi yan pa-tanong!"

"...IN the body?"

"...in the BODY!"

"...IN the body?"

"...in the BODY!"

"...IN the body?"

"Hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha."

Paulit-ulit na binasa ni Melanie yung sentence. Ang akala nya, mali yung binabasa nyang words, hindi nya gets na mali lang yung intonation nya. Tawanan ang mga kaklase ko. Ako natawa nung una pero nung hindi nya talaga makuha eh naging awkward na para sa akin. Nasasaktan me!

Nakailang ulit na sya hindi pa rin nya nakukuha, nangangawit na yung paa nya sa pagkakatayo, hindi pa rin nya nababasa nang tama. Tumigil na sa pagtawa ang mga kaklase ko, at namumula na sa galit si Madam N. Humina na ang boses ni Melanie, at nakayuko na lang sya habang nakatayo, nakatitig sa mga salita sa libro na hindi nya mabasa nang tama.

Ako ang nahihiya nun para sa kanya. Gusto ko syang turuan. Sana ako na lang ang pinabasa, intonation lang pala eh, isaksak ko pa sa pagmumukha ng teacher naming gurang (na yumao na ngayon, Rest in Peace, bitch!) ang gusto nyang intonation. With British accent pa lolxwtf.

Kalahating oras na siguro bago pa makuha ni Melanie ang intonation, pero huli na, napahiya na sya, at hindi na sya kumibo nang makaupo na sya, parang pinipigil na lang nya umiyak habang hinihintay magdismissal.

Sa palagay ko, may nagbago sa kanya dahil sa pangyayaring yun.

Hindi na kami masyadong close nung mga panahong iyon. Siguro dahil hindi na nya gustong mag-effort mnagopya pa ng assignment na hindi naman nya balak ipasa.

Dumating yung time na madalas na ang pag-aabsent ni Melanie. Hanggang sa one time, tuluyan na syang nawala. Sabi ng lola nya sa amin, may dengue daw sya, pero syempre hindi na kami naniniwala. Ang sabi-sabi ng iba, lumipat na raw ang pamilya nila sa Manila.

Ganun lang, walang paalam, nawala na si Melanie, at hindi na namin nakita o nabalitaan pa. Nalungkot me. Totoo kayang nagka-dengue sya? Namatay? O nagrebelde lang sya? Naglayas? Tumino na ba sya? Ang pinakamahalaga, virgin pa kaya sya?

Kanina, naisip ko syang hanapin sa Friendster. For sure, mahahanap ko sya kung meron syang account, basta may picture nya. Makilala ko pa kaya sya? Makilala pa kaya nya ako?

Tinype ko sa Search box:

"Melanie..."

Napatigil ako saglit. Ano na nga ba apelyido nya? Ayun,

"Dela Cruz".

Napatigil ako ulit. Sheht.

"Melanie Dela Cruz"...

Hindi ko na tinuloy.

Malabo nang mahanap ko pa sya sa dami ng mga Melanie Dela Cruz sa mundo...

The End.

And ang moral of the story is that every person will experience that one great love that will flow through and will stay in the heart...







...in the mind...






...in the soul...






...IN the body????

cumming soon

I think malaki ang nagagawa ng movie posters para ma-invite ang mga tao na panoorin yung movie. Eto mga posters ng mga upcoming movies for late 2009 and early 2010, and gusto ko sila mapanood lahat. Dahil wala akong lovelife. And sexlife Dahil mahilig ako sa movies talaga.

The Wolfman
Yung hawig ni Brad Pitt nagiging wereworlf.





















Avatar
Full 3D daw ito.




















The Lovely Bones
Murder mystery ito, natigok yung batang babae.




















Shutter Island
Si Leonardo pumunta sa mental hospital.




















Inception
Hindi ko alam story basta tungkol sa gravity(?)





The Book of Eli
Tungkol siguro ito sa libro?




















REC 2
Maganda yung REC 1 sana maganda rin ito.



















Alice in Wonderland
Ito rin Full 3D daw.




















Sherlock Holmes
Paborito ko ang book kaya panonoorin ko ito kahit ayoko si RDJ.



















The Imaginarium of Doctor Parnassus
Ito naman pinilit nilang tapusin kahit deadz na si Heath.




















Salt
Requirement ito kasi Angelina ito.




















What do you think will you watch?

first words

Hey Kids. Naalala nyo pa ba kung saan nyo unang narinig/natutunan ang isang word? Ako meron pang naaalala. Bigyan ko kayo ng examples.

Yung word na shit una ko yun nabasa sa isang libro nung elementary pa ako. Hindi ko alam yung meaning pero parang nagegets ko na hindi sya magandang word, dahil galit na galit yung pagkakagamit sa kanya sa sentence. As in, Shit!

Yung mga words like himod, kanyod, pulandit, brotsa, ayuda, halinghing, etc. sa isang source ko lang natutunan...Xerex hihihi. Noong Grade 3.

Yung word na tarugo natutunan ko sa pinsan kong nagpunta sa Japan. Kaya tuloy kapag nanonood ako noon ng Ghost Fighter, natatawa na ako sa Taguro Brothers.

Sa classmate ko nung high school ko natutunan yung word na burat. Si Maridol, sya pa ang pinakamatalino sa klase namin. Gumagawa kami nun ng groupwork na may halong drawing. Tapos sabi nya,

"Hmpf, ano ba yan, ang pangit ng drowing ko, mukhang burat."

Ako naman si inosente, nagtanong ng ubod ng lakas,

"Ano yung burat?"

Tawanan sila sa classroom.

One time naman may nagbabasa sa harap ng klase about World Religions yata yung topic. Nabanggit yung word na Talmud, yung parang Bible ng Judaism. Gets nyo na siguro kung anong word yung natutunan kong bago. Nagkataon na namang katabi ko si Maridol.

"Putang-inang Talmud, muntik nang maging tamod," observation ni Maridol.

Eto na naman ako sa inosente moves ko,

"Ano yung tamod?"

Sana hindi na lang ako nagtanong. Nagtawanan na naman sila.

The End. Yun. Kayo may naaalala ba?

farmville

Hey Kids below is my farm:



Sabi ng officemate ko offensive daw. Hindi naman ah...

movie review: 2012

Putang-ina, finally.

Paborito ko na ito, nalampasan nya ang Watchmen at District 9. Matagal ko na syang hinintay, at kahit may pasok ako ngayong gabi eh pinanood namin sya kaninang umaga.

♥♥♥!!!

Hindi dahil isa ako sa mga naniniwalang end of the world na sa 2012, kundi isa ako sa mga umaasa na end of the world na sa 2012, preferrably sooner.

So yung movie eh tungkol sa kung ano yung napredict ng mga Mayans, scientists, the Bible(?) na mangyayari sa December 21, 2012 which is malalaspag ng very very harsh ang mundo at maraming malilibog ang mamamatay (shoutout to Jepoy na galanteng galante! Thanks mwahchupa!).

Mag-eemit ang araw ng maraming maraming init at matutunaw yung ilalim ng mundo(?) tapos magpapalit yung north and south poles, at madidisplace ang surface ng mundo. At habang bumubuka ang lupa at nagtitidal wave nang very very nice eh patakbo-takbo sila John Cusack at ang pamilya nya at lagi silang "muntikan" as in muntikan mabagsakan ng building, muntikan malaglag sa bangin, muntikan masabugan ng bulkan. Lagi silang saved at the last minute, at sa sobrang suspense ay naihi ako ng very very light.

At dahil bida sila wala silang galos kahit very very mild.

Sobrang loaded ito ng special effects at OK rin yung story kahit may similarity ng konti sa War of the Worlds at The Day After Tomorrow (gap between father and child). No boring/useless na pampahaba scenes. Medyo cheesy sa ibang parts. Nakakaiyak minsan. Mahaba sya, 2 and a half hours yata kaya umihi na kayo bago manood.

The best itong panoorin sana noong Ondoy moments para feel na feel ang end of the world.

December 21, 2012. Mark your calendars Kids! *wishful thinking*

Panoorin nyo na Kids. Panonoorin ko uli ito bukas. Tara sabay sabay tayo!

current reading 01

Mahilig akong magbasa. Lalo na kapag walang pasok, walang kuryente o walang pera. Alam mo ba na 90% ng nalalaman ng tao ay nakukuha sa pagbabasa ng Xerex. At ito ang librong mga kasalukuyang binabasa ko:




Matapos ang Volume 1, dali-dali akong bumili ng Volume 2 at excited pa akong umuwi ng bahay para magbasa. Ito ang pinagpupuyatan ko at binabasa ko ito ng malakas with British Accent. High school pa lang ako idol ko na si Kuya Sir Arthur Conan. Ngayon, kumpleto ko na lahat ng writings nya... Ngunit naantala ang pagbabasa ko nito dahil sa susunod na book:




Hiniram ko lang ito sa aking mabuting officemate. Hindi ko nga alam kung ganyan talaga yung cover kasi ancient na yung libro nya at kinoveran nya ito ng very very nice and bright violet (in contrast sa madidilim at morbid stories na laman nito). High school pa lang ako idol ko na rin si Kuya Edgar Allan. Pangarap kong maging tulad nya (mamatay na baliw).




Eto naman, Classical Mythology (yung English version) nakita ko lang sa National Bookstore noong Halloween. Ewan ko ba. Yung papambili ko sana ng pantalon naipambili ko ng libro. Darating ang araw, papasok ako sa ofis na papel lang ang suot. Pero at least, alam ko na ang Greek Mythology!!! (...na wala hindi ko naman magagamit sa tunay na buhay...)




Pinahiram sa akin ng aking favorite university instructor ito noong college pa ako. Eh ang kapal kapal at hifaluting, nagpa-dextrose pa ako para maintindihan. Kaya sinoli ko after ng chapter 4. Ngayong malaki na ako, nagdownload na lang ako ng e-book para hindi ko ramdam ang kakapalan ng book. Naiintindihan ko na ang mga grown-up words! Chapter 4 pa rin ako nang huli ko itong binasa.




Hindi ko pa rin tapos ang karumal-dumal na e-book nito na kapupulutan ng maraming aral. Isa ito sa mga pinaka-nakakadiring libro. Author, Marquis De Sade, ang origin ng term na "sadism".




Eto sa pagpupumilit ni Jepoy ay pinilit kong basahin ngunit maganda sya kahit hindi kao mahilig sa bampira stuff nakakawili basahin habang nagtatrabaho. Hindi ko lang nga naituloy pa kasi busy me sa work. Lolx.




Eto, pinaghirapan ko pang hanapin sa Internet. Paborito ko ito noong bata pa akong musmos Grade 4 yata ako noon. Series yan eh. Pang-apat na yang binabasa ko at hindi ka na naituloy dahil sa dami ng nangyayari sa buhay kong emo. Pero alalang-alala ko pa kung paano ako binalibag ng tatay ko sa kama ko nung nahuli nya akong nagbabasa nito ng maghahatinggabi na. Si Tatay talaga, isang malaking ASSHOLE.




Sa dami ng mga binabasa ko nang sabay sabay nitong mga nakaraang buwan ito pa lang ang natapos ko, Snuff by Chuck Palahniuk (author ng Fight Club). Maganda ang story nyan, about a pornstar na nagset ng record na makikipagsex sa 600 katao in one sitting. Marami po tayong matututunan sa libro na ito, more on the porn industry, which is my dream job.


Ayun sa dami ng mga binabasa ko hindi ko alam kung may matatapos pa ba ako.
Sucks to be me.

movie review: all about steve

Suggestment lang ni Rose na panoorin itong movie na ito pero pumayag na rin ako kasi nakakatawa yung trailer.

Bida si Sandra Bullz as Mary, na nainlove masyado sa ka-blind date nyang si Steve kaya ini-stalk nya ito sa kahit saan sya magpunta.

Sounds familiar? Yeah sounds like my college life nung isa akong dakilang stalker.

Nagustuhan ko ito dahil nakakatawa talaga dito si Mary, nakakaaliw yung pagiging flip nya at may matutunan ka ring lesson which is DON"T GIVE UP YOUR STALKING at kung hindi talaga nagtagumpay, YOU'RE NOT MEANT FOR EACH OTHER ANYWAY.

May mga scenes na nakakatawa tapos kahit tapos na yung scene na yun eh tumatawa pa rin ako.

At nakakatuwang isipin na may mga taong kagaya ni Mary sa totoong buhay, mababaw lang sila at lagi silang positibo, tapos hindi sila affected ng mga trahedya sa paligid.

Hindi rin sya masyadong happy ending which is a good change kasi nakakasawa na ang mga chick flicks na happy ending.

Tingin ko maaaliw naman kayo dito lalo kung may malaki kayong problema, for example na-holdap ka sa ATM sa Pasong Tamo nung Friday, or for example nabisto mong ******** ka nung putang-inang *** na yun, iwan nyo muna sa labas ng sinehan at enjoyin na lang ang panonood.

I recommend watching this bago mag-inuman, para pagkwentuhan nyo habang nagshoshot at laugh trip kayo.

KThxBye.

going green

Hey Kids, I want to go green, paninindigan ko na, tutal matagal na rin naman akong pinagbibintangang green-minded eh di take it to the next level na.

Napapansin nyo naman siguro na malapit na ang end of the world nagbabago na ang panahon dahil sa pollution, global warming and other fun stuff. Naisip ko lang na kung ayaw kong tumulong, wag akong dumagdag sa problema. At ito ang mga naisip kong magandang gawin.

1. Sa ATM, pag nagwiwithdraw at nagchecheck ng balance, hindi ko na piniprint yung receipt. Kasi dadagdag lang sya sa basura. Tapos naiipon lang sa bahay/wallet, at itatapon rin kapag nabura na ung print at hindi na mabasa. May mga tao pa na matapos i-print eh huhugutin sa machine, i-crucrumple tapos ishoshoot sa overflowing na basurahan NA HINDI MAN LANG TINIGNAN YUNG PRININT NYA. What the fuck just happened? Yung punong pinutol para gawing papel eh nasayang, at sa susunod na mga taon kapag wala nang puno, kapag tirik na tirik ang araw, sana masubukan nating sumilong sa lilim ng ATM receipts.

2. Yung mga bus tickets, kahit asiwang-asiwa ako hawakan yun, o ibulsa, hindi ko talaga magawang itapon at makikita kong dadagdag sya sa milyon nang bus ticket sa kalsada. Kaya kinakain ko yung bus tickets imbes na ikalat.

3. Yung Tita kong si Sasha Fierce? Ugali nun na iwang nakabukas ang gripo sa banyo. Narerelax yata sya kapag may naririnig na flowing water sa timba. Galit na galit ako kapag nahuhuli kong bukas yung gripo at umaapaw na dahil baka tumaas ang bill sa tubig we have to conserve water. Kaya binabatukan ko sya. Kayo rin, kung may tiyahin kayong pasaway at hindi nagcocontribute sa pagcoconserve ng resources, batukan nyo po sila.

4. Malalaking contributor sa polusyon ang mga factory. Sila rin ang malakas gumamit ng resources. Kaya kung mataas ang konsumo natin sa mga produkto nila, tataas ang demand at kailangan nilang taasan ang supply, meaning tataas ang produksyon nila, ang paggamit ng likas na yaman at pag-emit ng usok. In short, Reuse condoms.

5. Watch 2012, showing next week. Hindi naman makakatulong sa global warming or green advocacy pero at least alam nating malapit na tayong mamatay lahat nag-enjoy tayo watching the film.

Bye Kids Mwah.

movie review: (500) days of summer

This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a love story. " Sabi yan nung narrator.

"This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a chick flick, this is a dick flick. " Ako may sabi nyan.

It's nice to watch something different for a change. Halos lahat kasi ng napapanood ko eh yung babae ang luhaan, lalaki ang asshole, bading ang magsyota etc etc etc.

The story is about Tom na nainlove kay Summer. Ayaw makipagcommit ni Summer. Yun lang yun.

Simple yung istorya pero maganda at non-conventional ang pagkaka-present, non-linear ang timeline at mabilis ang mga pangyayari, at feel good lang. Wala akong nakitang cheesy moments, mga luhaang confrontation, lumulubog na barko o naguguhong planeta. Just two people, na pwedeng maging isa sa atin.


Nagustuhan ko ito kasi pwede kong magamit sa buhay ko yung mga natutunan ko, gaya ng:
1. Huwag magpakaseryoso sa mga relasyon,
2. Ang mainlove, baaaaduy
3. Bitch ang mga babae,
4. Unahin mo ang sarili mong kaligayahan bago ang kaligayahan ng iba,
5. Enjoyin mo na lang habang kasama mo pa sya,
6. Huwag maniwala sa mga love songs,
7. Tama na yung sex sex lang.
I suggest panoorin nyo na ito habang showing pa. Wala lang, hindi naman magbabago ang buhay mo pero may lesson din naman na mapupulot, like "Roses are red, violets are blue... fuck you whore. "

Recommended to watch with your loved one while cuddling, at sigurado pagtapos ng movie, break na kayo. ♥

movie review: halloween 2



Don't even bother...


aswang

Naalala nyo pa yung tita kong si Sasha Fierce?

Kaninang umaga pag-uwi ko galing sa trabaho, habang nanonood ng TV at nag-aalmusal eh may commercial sa TV ng Survivor Philippines at pinakita na nagbabangka sila, at biglang sumabat ang Sasha Fierce,

"Sa ganyan kami sinukat ng aswang."

Medyo nabulunan ako sa sinabi nya kaya nilunok ko muna yung nginunguya kong longaniza bago nagtanong ng "Ano?"

"Sabi ko sa ganyan kami sinukat ng aswang."

Eh hindi ko nga gets kung ano yung sinukat ng aswang sa inyo. "Ano nga yun?"

"Yan oh, yang bangkang yan, nung mga bata pa kami, muntik kaming aswangin habang nakasakay kami diyan!"

Eto na naman tayo sa mahaba-habang flashback moments ni Sasha Fierce sa kanyang violent but fun childhood.

"Apat kami nun, ako, si Remedios, si Clarita at may isa pa kaming pinsan. Nakasakay kami sa ganyang bangka. Eh nagkataong nandun yung aswang, sukat kang inuga-uga ba naman at lulunurin kami!"

"Pano mo naman nalaman na aswang yun?"

"Eh aswang talaga yun alam ko pa ang bahay nila Siason ang apelyido kaklase ko pa ang anak nya. Nagbabagong anyo pa yun marami nang nakakita. Minsan nagiging baboy minsan naman bulalakaw."

Tanginang aswang yan, nagiging bulalakaw.

"Ayun, nung nakita ni Nanay na inuuga yung bangka namin, sinigawan nya at pinauwi ang aswang. Hay simula noon natakot na kami lumabas kasi inaabangan kami sa labas ng bahay! Si Tatay nga eh muntik na hilain ng aswang!"

Focus on my longaniza.

"Buti na lang, may barya sya sa bulsa. Kasi kapag may barya ka, hindi ka nila maguguyod. Tapos yung kaklase ko naman na anak ng aswang, alok nang alok sa akin ng tinapay! Hay, kahit gutom na gutom ako, hindi ko tinatanggap, sinasabi ko may baon ako kahit wala."

"Bakit, ano mangyayari sa iyo kapag kumain ka ng pagkain nila?"

"Eh di mahahawa ka. Yung asawa nga ng pinsan namin eh, hayyy Diyos ko, nahawa ng aswang, si Auntie Bok mo ang nakakita! Sukat kang nakipamiyesta sa kabilang bayan eh may aswang dun at kumain sya ng pagkain nila, ayun pag-uwi nya, sumayad ang dila nya sa lupa."

Visualize nyo ito: longaniza bits, flying everywhere.

"Sige tumawa ka pero totoo yun! Tinali nga nila sya kasi tinutubuan sya ng pakpak sa likod ay Diyos ko mahabagin. Yung asawa nya gusto pa sya mabuhay pero yung mga anak nila ayaw na kasi baka mahawa sila."

"Anong ginawa sa kanya?"

"Ayun sinaksak na nila. Madami talagang aswang sa amin, mga kapitbahay pa namin yung iba." Nanahimik sya sandali, tapos...

"Puro mga bading."

"Ang aswang?" tanong ko.

"Hinde! Yang mga kasali sa Survivor!" sabay turo sa TV.

movie review: fame

Look at the poster. Sponsored ba ito ng Coca Cola?

Hindi ko binalak panoorin itong movie na ito, pinilit ininvite lang kami ni Joanna pagkatapos ng aming Bible Study. Yup, nag-Bible Study kami uli. Ako nga na-assign mag-pray para sa forgiveness ng humankind. True fact yan, promise ipinagdasal ko ang lahat ng kaluluwa ninyo ng mga makasalanan. Pero wag ka, nung naglead ng closing prayer si Pinky, nagbrown out. Ganun sya ka-powerful.

Mali lahat ng initial perceptions ko sa movie na ito. Akala ko it's a musical about a group of teenagers na sumali sa isang contest at nanalo at sumikat, kaya Fame. Akala ko rin ito yung klase ng movie na yung mga taong nagkuwekwentuhan lang will burst into a well-choreographed song and dance number at naguusap pa rin habang kumakanta ala Sweeney Todd/Mamma Mia.

Tungkol pala ito sa mga students sa isang Performing Arts na school, kung paano sila nagstruggle through audition, freshmen year through graduation. Pinakita kung paano sila napressure at kung paano nila naovercome ang success at failure.

Para sa akin, masyadong maraming characters ang ipinakita, masyadong broad yung scope, kaya hindi nafocus masyado sa life ng bawat isa.

At hindi ko rin nagustuhan yung main storyline nung bidang babae at ng boyfriend nya kasi hindi talent kundi lovelife ang ipinakita. Sana dun sila nagfocus sa ibang characters, like yung negrang pinipilit magclassical jazz eh gusto nya nga maging hip hop whore, yung trying hard amateur director na ginoyo ng producer, or yung Asian na nagdrop out kasi she found fame not in school but in Sesame Street.

Napansin ko rin na hindi sila lahat magkakakilala (hihi) yung iba lang. Parang disconnected sila.

Anyways since this is a feel good movie, hindi dapat too serious ang pagreview. Maganda ang yung mga musical numbers, at magaganda yung songs nung negrang hip-hopper at balak ko syang i-download.

Kung di mo hilig ang music/dance baka hindi mo ito maenjoy, pero kapag nakita mo ito sa HBO at wala ka ibang mapanood, mageenjoy ka rin. Ang ganda ng verdict ko hahaha.

bangungot #1

Bangungot - hindi ko tinutukoy ang buong buhay ko, nanaginip lang talaga ako ng masama kaninang tanghali.

Huli akong binangungot nung nakitulog sa bahay si Khikhi, sa gitna ng pagtulog ko eh namula ang buong langit, nagtidal wave at inanod kami. Ibang bangungot talaga ang hatid ni Khikhi sa buhay ko.

Sobrang sama at nakakatakot yung bangungot ko kanina as in nung nagising ako eh binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

Ganito ang bangungot ko:

Nasa RCBC plaza ako at dalawang kaibigan, nagrereview para sa isang exam nang biglang kagatin ako sa kanang paa ng isang aso. Tapos habang nginangatngat nya yung paa ko, niligtas ako ng isa pang mas malaking aso. Nung nagsi-alisan na yung mga aso at dumating ang mga first aid, nakita kong may sugat yung paa kong kinagat at nakalabas ang isang ugat na nagspray ng dugo. Pati mata ko natalsikan ng sarili kong dugo, at yung isang medic pinunasan agad ang mata ko kasi raw mabubulag ako.

Habang nakadapa ako sa sahig, gumagawa ang mga medics ng makeshift na gourney para isakay ako, pero sa sobrang tagal nila matapos ay nainip na ako hanggang sa mawala silang lahat at nasa ibang scene na ako.

May isang grupo raw sa harap ko na nagkakantahan at nagsasayawan, at ang isa raw sa kanila ay pinsan ko, although hindi ko sya kilala. Semi-kalbo sya at kasing edad ko. Nagpaalam sya na magCCR, at umalis sya. Tapos maya-maya, hinahanap na sya ng Nanay nya (na Auntie ko), sabi ko, nagCR lang sya, kaya sinundan nya yung anak nya sa CR. Sa isip-isip ko pa, as if naman napakaimportante ng anak mo na mawala lang sandali hindi ka mapakali.

Hanggang sa marinig naming sumisigaw yung isang pinsan kong babae, "Dugo! Dugo! Maraming dugo!"

Kaya sumunod kami sa banyo, at pagbukas ng pinto, nandun yung pinsan ko, nakabigti, nakadilat ang mata at nakanganga, at sa magkabilaan ng ulo nya ay may butas na nagspray ng dugo sa buong banyo. Umuulan ng dugo.

Again, natalsikan na naman ang mata ko at tumakbo ako sa sala para humarap sa salamin at punasan ang dugo, at alam nyo ba kung anong naisip ko habang pinupunasan yung dugo?

Shit, ang cute ko.

Promise hindi ako nagbibiro, yan talaga yung iniisip ko.

Paki-interpret. Salamat.

panawagan

This post is dedicated sa mga biktima ng Ondoy... na masayang kumakaway sa camera sa likod ng reporter.

Mga Bloopers na Panawagan Part 1

REPORTER (Si Love Anover ata): Manawagan na po kayo Misis.
WOMAN: Nananawagan po ako sa pamangkin ko diyan sa California, si Beth. Beth, nandito kami ngayon sa evacuation center, sana tulungan mo kami. Bakit, nung ikaw ang nangangailangan, tinulungan ka rin naman namin ah.


REPORTER (si Pia Arcangel ata): Sige po Tatay manawagan na po kayo.
MAN: (Punas luha). Ito po ang litrato po ng buong pamilya ko po. (Pakita sa camera tatlong litrato: isang graduation picture, isang family portrait at isang stolen shot) Ito po si Michael, tapos ito yung anak ko, tapos yung pamangkin nya, si Jun, tapos ito naman yung kapatid, tapos yung--
REPORTER: Eto pong si Michael ang nawawala?
MAN: Hindi yan si Michael, eto, anak ko yan, si Jun.
REPORTER: Anak nyo ho si Michael?
MAN: Hindi, pamangkin. Tapos ito naman ang anak ni Michael, at mga pinsan, ang kapatid ko--
REPORTER: Nawawala po si Michael?
MAN: Hindi po, nandyan po sa likod ko.
REPORTER: (Exasperated) Sige ho manawagan na po kayo.

REPORTER: Ano po ang panawagan ninyo.
LOLA (Serious face): Wala na po kami makain tinatamad na akong pumila. (Sabay alis).

REPORTER: Ano po ang idinadaing natin?
WOMAN: Yung anak ko po, nagtatae.
REPORTER: Ganun po ba, ano po ba ang huling kinain nya?
WOMAN: Yung lugaw po ng GMA.

movie review: surrogates

Ayan movie review na naman, naniniwala ba kayo sa reviews ko?

Me neither.

So itong movie na Surrogates ay nasa year 2017, kung saan ang imbensyon na mga "surrogates" (mga robots na pwede mong macontrol sa bahay mo, para yung robot na lang ang lalabas ng bahay at magtatrabaho para sayo) ay laganap na sa mundo at hindi na lumalabas ang mga tunay na tao sa kalsada, puro robots na lang. At ang mga robots na ito ay flawless, kaya lahat ng naglalakad sa daan ay delicious at wala nang mga panget sa mundo.

Perfect na sana kasi hindi mo na kailangang bumangon sa umaga, umabas ng bahay para magtrabaho, at mag-alala na baka masagasaan ka o mapatay ka, dahil kung mapatay man ang surrogate mo, hindi ka affected, bili ka na lang ng bago. At 100% decrease in crime rate (daw).

OK na sana ang mundo nang biglang may mga namamatay na surrogates at pati yung controller na tao ay namatay rin. Kaya enter si Bruce Willis ng FBI na nag-investigate at nagsabi ng:

(Tagline:) How do you save humanity when the only thing that's real is you?

Whatever.

Bakit mo pa isasave ang humanity, di ba nakakatamad? Kaya ka nga kumuha ng surrogate dahil nuknukan ka ng katamaran. Ni hindi mo magawang maghilamos, at pati yung asawa mo eh parang 2009 pa nung huling naligo (pero hottie ang surrogate nya syempre), tapos isasave mo ang humanity.

Tapos ang mga surrogates, perfect ang mga itsura. Tadtad ng make up, parang natutulog lang. Parang mga naglalakad na inembalsamo. At wala silang pores sa mukha.

Tsaka bakit ganun ang mga sci-fi films, kapag may eksenang yung bida ay gumagamit ng computer, NEVER SYANG GUMAGAMIT NG MOUSE. Type lang sya ng type nang napakabilis at kusang mag-oopen ang mga windows, mag-sesearch sa database at magdodownload ng information.

Isa pa, nagkaroon ng problema sa relationship ni Bruce Willis at yung asawa nya nung namatay yung anak nila sa isang aksidente, kaya hindi na sila nag-uusap at nagkikita nang personal kahit sa loob ng bahay, at hindi na nasundan yung anak nila. Hindi pwede yun! Sa Pilipinas, pag namatay ang anak, try again! And again. And again.

Overall hindi ako masyadong nag-enjoy, kasi mahirap paniwalaan yung storya kahit pa mag-effort silang gawing realistic yung plot. Lagi kong naiisip eh, "Weh?" Tapos hindi ko nagustuhan masyado yung storyline kahit yung mga twists nya, na parang nilagyan lang ng twist para magkatwist. Hindi rin masyadong maaksyon. Yung nasa trailer na nawalan ng malay ang mga tao sa kalye at sabay sabay bumagsak sa pavement, yun na ang climax, at ending.

Irerecommend ko ito sa mga taong gustong manood ng sine pero ayaw panoorin ang Pandorum, Yaya & Angelina, Nandito Ako, Sabungero, etc.

Kasi I don't think na may surrogates na tayo sa 2017. Ibig sabihin, sa 2017, marami pa ring panget na maglalakad sa kalye.

movie review: the horsemen

Hindi po ito tungkol sa mga taong mukhang kabayo o sa mga taong mahilig mangabayo.

Isa ito sa mga movie na maganda ang trailer at poster, kaya maaaakit kang manood, tapos kapag nabayaran mo na yung ticket, parang maiisip mo, Hmm sayang hindi na pwede ibalik, tapos titingin ka sa ibang movie posters, tapos makikita mo ang Yaya & Angelina The Movie, and you're like, putangina???

Tungkol ito sa isang pulis (ewan ko kung anong rank nya, basta tuwing may namamatay, pinapatawag sya) na nagi-iinvestigate sa mga weird na murders na nangyayari sa lugar nila. Weird kasi may torture devices na ginagamit at may pattern ang killer, at ang mga ginagamit na clues ng killer ay kinuha nya pa sa huling book sa Bible, ang Apocalypse. So yung "Horsemen" sa title refers to The Four Horsemen of the Apocalypse, na magpapakita sa mga tao kung paano darating ang end of the world.

Nagustuhan ko yung movie dahil mahilig ako sa mga medyo morbod at masakit panoorin, yung may torture, at syempre yung may konting mystery para mag-isip ka ng konti. At kakaiba ang role dito ni Zhang Ziyi, kung dati ang role nya lagi ay "Chinese kick-ass hottie", dito sya ay "Chinese kick-ass hottie na papatay sa iyo."

Ang hindi ko lang nagustuhan sa movie ay yung bandang ending. Ewan ko kung happy ang ending na ito para sa iba, pero para sa akin, dapat namatay silang lahat. Yun po. Thank you.

I recommend watching this on pirated DVD (waha!). Huwag na sa sinehan or sa HBO, dahil mas marami pa syang cut keysa sa V-Cut. Again, pirated DVD (waha!), (wag na original, unless collector ka ng serious serial killer movies). Mag-isa ka lang dapat, wala kang kasama na tanong ng tanong ng "Ano na nangyari" kasi text sya ng text. Patay dapat ang ilaw, at preferably, bumabagyo sa labas para feel na feel. Ondoy much?

Ondoy Baduy fuck you ka.

movie review: sorority row

So pinili kong manood ng movie na ito keysa sa pumasok at magtrabaho kahit holiday para kumita ng holiday pay dahil Eid'l Fitr ngayon. <insert matinding pagmumura here>

This is not your average horror movie... dahil this is below average nyahahaha... Hmm hindi naman ganun kapangit kasi kahit papaano nag-enjoy naman kami sa mga scenes hindi tulad ng sa Final Destination 4. At nakakaenjoy rin i-solve ang whodunit mystery nito.

Tungkol kasi ito sa mga sorority girls na nagplay ng prank sa isang boy, kunwari nalason sa drug yung isang babae dahil kasalanan ng boy kaya pinilit nila yung boy na itago nila yung girl (na kunwaring patay) sa isang liblib na lugar. Tapos habang nag-iisip sila ng gagawin, tinuluyang patayin ng boy yung girl.

So nag-vow sila na never sasabihin kahit kanino ang ginawa nila. Parang napanood ko na ito ah, ah hindi pa siguro, probably something I thought I Did Last Summer.

At matapos nila idispatsa ang bangkay, balik sila sa party!

Nung graduation na nila, isa isa na silang pinapatay ng isang naka-hood na serial killer... Teka parang napanood ko na ito ah, ah hindi pa siguro, probably some other movie that made me Scream!

Tapos habang iniisa-isa silang pagpapatayin, nag-aaway pa sila as in catfight ng mga babae teka parang napanood ko na ito ah, Mean Girls?

So overall kung sa tingin mo eh kailangan mo talaga itong panoorin para sa ikabubuti ng buhay mo eh di panoorin mo, kung sa tingin mo naman ay marami pang mas magagandang palabas sa sinehan, TAMA KA.

Pero OK lang sya promise.

punishment

Alam mo yung pakiramdam na pinarurusahan ka ni Lord?

Nagsimula ang lahat nung Sabado ng hapon. Nakipagkita ako kay Pinky dahil kailangan ko syang damayan dahil ninakawan sya ng cellphone and other stuff nung Sabado ng umaga at gusto nyang mag-unwind. Ako rin naman, gawain kong mag-unwind kapag ninanakawan ako ng stuff.

So nagkita kami sa Megamall at nagkape, tapos dumiretso sa bahay nila Beomz, kasi may inuman dun. Pagdating namin ni Pinky doon kung saan may nagbibirthday ay dinatnan namin sila na nag-iinuman na at ang natitirang food na lang ay pancit cubes (yung lumamig na pansit at nagdikit-dikit) at isang dish na galing pa raw sa Marinduque (imported?). So kain kami ni Pinky ng konti, tapos sumali na ako sa inuman, hindi kasi makainom si Pinky dahil masikip ang dibdib nya matapos tumira ng dalawang packs ng yosi nung araw na iyon (dahil nga ninakawan sya at kailangan nyang mag-unwind talaga).

The Bar ang tinira namin as usual dahil mura at hindi masyadong nakakalasing at OK naman ang lasa. So nakailang The Bar na kami, maya-maya tuwing mauubos ang isang bote, The Bar, tapos pagkaubos, The Bar na naman tapos The Bar The Bar The Bar hangggang sa hindi ko namalayan barbar na pala ako...

Habang nagsisikantahan sila sa Magic Sing at nag-iiyakan sa nasirang pag-ibig, naglilipjuckan sa dilim at naghihilik sa sulok sulok, ako naman ay nagsisimula nang mag-ingay. Ang pagkakaalala ko nung nasa huwisyo pa ako ay matino akong nakaupo sa upuan sa tabi ng pintuan. Nung wala na akong kontrol sa aking pagkatao at ang kaluluwa ako ay 70% alcohol na, namalayan kong nakasalampak na rin ako sa sahig at padapa pahiga patabi kahit sa hindi ko naman kilala.

Tapos isa-isa ko silang hinulaan.

Naalala ko yung hula ko kay Beomz: maaga syang mamamatay.

Yung ibang hula ko hindi ko na maalala, basta inisa-isa ko sila at hindi ko maalala kung puro positive ba o negative ang mga sinabi ko. Tapos ayan na... ayan na... ayan na... nararamdaman kong bumabalik paakyat ang kinain ko.

Tumakbo ako papunta sa CR, at hello pancit cubes at hello Marinduque dish. Parang binaballigtad ang buong pagkatao ko habang sumuska. Shit. Pakiramdam ko talaga mamamtay na ako. Matapos sumuka may magandang loob na nagpalit ng t-shirt ko at inalalayan ako hanggang sa kwarto upang matulog.

Nang magising ako, nasusuka ako uli. Takbo ako uli sa banyo. Masakit na ang dibdib at lalamunan ko, mamamatay na talaga ako. Matapos sumuka, nang mapadaan ako sa salamin, doon ko nakita ang kahayupan(?) na ginawa sa akin HUHUHUHUHU sinuotan nila ako ng hanging na V-neck na shirt na may flower flower pa.

Nagkape kami ni Pinky sandali tapos umalis na kami para umuwi, umaga na kasi. Bago sumakay ng tricycle, nagsuka muna ako, kulay black, kasi black coffee yung pinainom sa akin.

Tapos sumakay kami ng taxi, at sa daan eh nagsuka ako uli sa sidewalk, kulay brownish na sya, parang gastrointestinal juices na yata yun?

Sa awa ni Lord nakarating ako ng bahay na hilong hilo. Kinailangan kong magpaaalam sa aming Bible Study sa hapon kasi hindi ako makakapunta dahil sa sobrang hilo. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako agad ng Tita ko.

"Anak mag-almusal ka na--"
"BOooOOOOOOAaaaaAAArrrRRRGGGhhhHHHH!" buti na lang umabot ako sa banyo.

Nawindang si Tita Sasha Fierce at hindi nakapagreact ng violent.

Naghilamos at nagbihis ako at nahiga na sa kama ko...nang biglang.... BROWNOUT.

Putaena.

Hindi ako makatulog nang mainit. Inom ako ng inom ng tubig. At tuwing iinom ako, after 5 mins, isusuka ko yung ininom kong tubig. Clear na yung suka ko. Ubos na ang laman ng tiyan ko. AT sinusumpa kong hindi na talaga ako iinom uli.

Pagkagising ko sa hapon, una kong ginawa ay tumingin sa salamin. Awang-awa ako sa pagkatao ko... Gulo gulo ang buhok ko... Nanlalagkit ang mukha ko... Ngunit... teka... parang may nagbago... ang tiyan ko... lumiit.

Ito pala ang sikreto sa pagpapapayat now I know nyahaha.

Yun lang. The End.

--Shoutout to Mignon na humihingi ng shoutout hehehe, and to Beomz thanks muwah!

movie review: final destination 4

Kasi naman pinilit ako ng friend ko na manood nito. Ka-level nito ang maraming sucky movies na My Bloody Valentine, Grave Dancers atbp.

It's the same plot (that used to be interesting) exploited again and again. This is spoof material.

It's the same theme that people got used to 9 years ago. Move on! That plot is SO 1999.

It's a lame execution of a lame loser story.

Napapa-English ako dahil sa sobrang galit sa aking puso!


Me & My Friend: *Yawn*
Dalawang Baklang Cross-Dresser Sa Likuran Namin: AY! AY! AY! AAY! AAAY! AAAY! AYYYIIIEEE!

Sucky movie!!! Enough said.

god is love

Hihihi for sure sa title pa lang ng post na ito marami nang magrereact ng negatibo well SORRY mga error kayo! Hekhekhek nag-bible study kasi kami ayan for sure mas maraming magrereact na naman ng kung ano-anong masakit sa damdamin well SORRY totoong nag-Bible study kami... hmmm hindi exactly Bible Study kasi wala kaming dalang Bible.

Ganito kasi yun, meron kaming Starter Cell courtesy of Jhoannah (dinadagan ko ng 'H' pang-asar lang sa kanya). Ang Starter Cell ay parang series ng topics na may mga aral about God and mga questions sa buhay namin. Kaso mahirap ma-explain sa Nanay ko nung paalis na ako ng bahay na "May Starter Cell kami ngayon ha!" kasi baka isipin nya tumitira kami ng Pigrolac, lalo na kapag tinawag ko ang mga kasama ko as "cell-mates", parang bilanggo lang? So Bible Study or BS na lang para wala nang paliwanagan.

Sa Shangri-La kami nag-BS habang nagkakape. Syempre aside from Jhoannah, ang aga kong dumating, next si Wendell, at si Pinky na super late ng very very nice. Apat kaming cell-mates.


Nag-opening prayer muna si Jhoannah at yumuko kaming lahat. Matapos ang prayer, nagcomment si Pinky sa akin, "Ang linis ng paa mo today." Ang hayup, tinititigan pala ang paa ko habang nakayuko, buti na lang napedicure ko yun.

So simula na kami sa aming topic for that day which is God is Love. Ang una kong naisip, naku patay, kapag may nagtanong sa akin kung ano ang natutunan ko sa aming BS, ang isasagot ko ay God is Love, malamang hindi sila maniwalang nagBible Study talaga ako, para na naman akong nanggo-goodtime.

Ang unang tanong ni Jo ay, "How have you been doing recently?" Ako at si Wendell mabilis sumagot. Si Pinky, nahirapan nang very very nice! Parang hindi nya maisip kung kumusta na nga ba sya. At unang tanong pa lang yan.

Tapos take turns kami sa pagbabasa at isa isa naming sinagot ang tanong.

"What is Love?"
"Love is a state of mind," wika ni Wendell.

Nang basahin namin ang next paragraph, sabi nito ay... "Love is not a state of mind." Kontra agad?

Smooth naman ang flow, nang biglang tumambay sa harap ng table namin si Ai Ai delas Alas kaya nadisrupt kami ng konti, at comment pa si Pinky ng "Tao rin pala sya..."

Pag-alis ni Ai Ai smooth sailing kami uli hanggang sa tumae si Pinky. Masama raw ang tiyan nya since morning. Siguro naka-aggravate sa tyan nya nang sumawsaw yung siko ko sa whipped cream ng waffle nya na hindi nya namamalayan.

Pagbalik ni Pinky, tuloy uli kami sa aming discussion about God is Love. Love tayo ni God kahit nagkakasala tayo. Love nya pa rin tayo kahit ulit-ulitin natin ang kasalanan natin. Love tayo ni God kahit panay ang "shettt" natin during Bible Study.

Tapos tumae na naman si Pinky. Yup, pangalawang beses na. Masama yata talaga ang tiyan nya. Since medyo tapos na kami nun eh nagkuwentuhan na lang kami about movies and stuff hanggang sa mag-uwian.

Next time na may Starter Cell kami, sali kayo? Yung friend naming Muslim, sasali!

--- Special shoutout to Jo, Pnx and Wendell and his Accenture teammates na may "first-name-basis" relationship sa akin, naghihintay (daw) ng updates lalo kapag bored at naglabel sa akin ng "Annoyingly Funny" ahahaha I love dut!!! Sana lang wag i-block ang blog ko diyan...

Mwahchupah!

movie review: district 9

"You are not welcome here."

Starring: Mga hindi ko kilala sorry naman.

Ang lakas ng ulan sa labas last Sabado at iniwan ko sa bahay yung payong kong mahaba (mas mahaba pa sa height ko), kaya basang-basa ang buong kaluluwa ko pagpasok namin sa sinehan, tapos wala kaming foods, chocolate drinks lang (dahil sa global recession).

Ang District 9 ay isang mock documentary tungkol sa mga aliens na sakay ng isang giant space ship na tumambling papuntang Earth at nagstop-over sa Mabalacat Pampanga Johannesburg, South Africa. Eh di nawindang ang mga kapatid nating niggaz dun kaya kinapture nila yung mga malnourish na aliens at ginawang aliping saguiguilid sa District 9. Bale makikita sila na naghahalungkat ng basura, kumakain ng goma at catfood, at nagpapatayan (teka, sa Johannesburg ba ito o sa Maynila lang?).

So dahil naging slums na ang District 9, slums na hindi mala-Slumdog Millionaire, eh sabi ng MNU, ung military something na namamahala sa mga aliens, ililipat sila sa District 10, eh malapit lang naman yun, one ride lang. Ang inutusan na mag-evict sa mga tsismosang alien eh si Wikus van de Merwe, na pakialamero at binutingting yung bahay ng isang alien hanggang sa makakita sya ng suspicious silver cylinder. Akala nya ata pabango, na-sprayhan yung mukha nya ayun in 24 hours, yung left-hand nya, kamay na ng alien. Nagtatransform na sya. Powerful!

Dun umikot yung kwento, kung pano kinontrata ni Wikus ang alien na si Christopher para makuha yung pabango, kasi fuel pala yun ng stranded na spaceship, in exchange eh gagamutin sya at gagawing tao ulit. Syempre gusto nang makauwi ng mga aliens sa Pangasinan ibang planeta kasi naman suplado sa kanila ang mga humans, hindi sila bati. I-discriminate ka ba naman nang very very nice. Siguro yung pakainin ka ng catfood at patirahin sa mala-Payatas na District 9 eh kebs lang sa alien, pero tawagin ka ba namang "prawn" or in Tagalog, HIPON (quick translation = panget) eh nakakababa talaga ng self-esteem nila Christopher.

Ayun, tinatamad akong ikwento ang buo, panoorin nyo na lang kasi sobrang ganda. Sabi ko na nga ba maganda ito eh. Parang pinaghalo-halo ang Blairwitch Project, Quarantine, Species at Bruno.

This is so far the best film of 2009, para sa akin.

Sa mga kapatid po nating Hipon, pasintabi po at wag masaktan.

doomed

At times we lie down at night to think about who we have become after years of struggle between good and evil, right and wrong, hard and easy. Our choices sent us here, our decisions decided for us, and whether we are destined or doomed it does not matter any more, because the choice hmpf nakakatamad. Next time!

ok, fine!

May dalawa akong officemates, si officeGirl at si officeBoy na na-aaddict sa Farm Town ng Facebook.

Scenario: Magka-chat. Nanghihingi ng puno si officeGirl kay officeBoy:

officeGirl: penge pa mango tree
officeBoy: ayaw seo nung mangga
officeBoy: iba nalang nalang
officeBoy: apple?
BUZZ!!!
officeGirl: ayaw
officeGirl: gusto ko mango
officeBoy: o kea ung fine
officeGirl:
officeBoy: fine
officeGirl: anong fine
officeBoy: fine tree

(Insert your LOL moments here.)

Hope it made your day!!! Ako it gave me a very pine day indeed.

summer

I miss my college days, especially the summer classes. I often wish I could go back. It's not all fun, I know, but sometimes, when I'm at my most nostalgic, it's not the fun that I find myself remembering, but the harshest times of my college life, my alternative living, my adult life beginning, my summer indie film.

I remember how I used to hate my 7:30 am classes. To make it in time, I'll have to wake up at around 6 am, which is a burden being in Baguio, where a cold shower can kill, even in the summer. It's usually in the summer classes that I get this kind of schedule, and that means I get up at that hour everyday except on Sundays. I had to really drag myself out from the comfort of my warm bed and force some breakfast food into my system: cinnamon rolls and Extra Joss energy drink. Then I'd search in vain for a shower with a heater that works. I forgot to mention I lived in a dormitory, with common toilets and showers. It's usually in the ladies' room that I find the heaters, so I shower there. Since it's the summer, the dorm is nearly empty, except for the other tenants, some students who probably failed and were repeating some subject, or others like me, unwilling to go back to their families.

In the morning, my challenge begins, especially if this is just Monday. I just walk to the university gates since it's just next door to my dorm, and because this is Baguio, you can't expect the ground to be always level. My classroom is on the second floor from the other side, but from the side where I'm coming from, I'll have to climb three long sets of stairs. At times when I'm running late, I'm really running, jumping three steps at a time. Sometimes when I run by the chapel, I remember to do the sign of the cross. Most of the time, I don't. I reach the classroom almost always out of breath, only to find the instructor even more late, even more tired, even more haggard with a killer hangover.

And a short quiz. For which my classmates and I came in unprepared. I sit the quiz out especially if it's numbers. If it's an essay quiz, I attempt to bull my way around the question, make up answers with no concrete bases, and have a fighting chance, but with numbers and calculations, no. I just sit. If not the quiz then there's the more deadly lecture, a monotonous drone from the drunkard at the front, the instructor with pink eyes, who sometimes falls in front of the class, because he's just human.

It also sucks when there are one and a half hour breaks in between two classes. This always happens to me. I have three classes in a day, separated by one and a half hour gaps. Those long breaks were very inconvenient, it was a very long wait for the next class, or a very short time to go back to the dorm and rest or do something fun. I would usually climb up the library, all the seven floors of it. An ancient earthquake, legend says, has once ripped one whole wall off the whole building, taking the elevator with it, and that means, decades later, running up and down stairs. I usually don't run, I stroll as leisurely as I can to avoid getting tired, but by the time I reach the upper floors, I have very little time left for reading. So I just stare at bookshelves, contemplating, hatching plans and strategies on how to be able to successfully steal a book from the library using only a combination of cunning and drama, a plan I was never able to carry out (I sigh). I had always been a frustrated con man. Not the common thief, but a con artist.

At times, after finishing planning my cons, I fall asleep in class. The constant, unwavering voice of the instructor, the information overload owing to the fact that we're cramming because the summer period is shorter than the regular semesters, my unusually quiet seatmate who has already fallen asleep all contribute to a one-and-a-half-hour sleep extravaganza, or shorter, depending on the instructor's tolerance, kindness and understanding. To avoid embarassing moments, I keep with me my bottle of Extra Joss and take little sips that burn the tongue and keep my eyes open. After that class, I would eat lunch with whoever is available to eat with, usually a classmate.

In the afternoons, I was at the height of my loneliness. My classes end at 2:30 pm. It's just too early to go home and do nothing, and there are lots of places I could go to, but no one to go there with. All my friends have gone back to their hometowns and did not take the summer classes. In these afternoons I used to find myself trying hard to decide where to go and spend time without looking like an idiot, so I attended the afternoon masses. Yup, I got closer to God. Or a God, if you're not really Catholic. It was kind of obsessive, like my other habits. I noted down some important homilies I can relate to. I felt unaccomplished on days that I skipped mass. I used to sit only at my favorite pew, the one adjacent to a painting of Christ and the Cross falling. I also noticed that other people had favorite seats too, just like me. There were only a handful of people inside the Church, so I really felt like I was inside it, it was so personal, something I don't feel in the Cathedral or anywhere else. The priest was black. Not African American black. He's got an accent I don't recognize. And he's really black, charcoal black. It mattered to no one. I once asked him if he did confessions, "On Fridays" he answered. I never went, I don't know why.

The masses would end shortly before four, giving me just enough time to hang around at one of the buildings in the university where my crush took her NSTP classes. Yeah, I was a stalker, believe me. I always found reason to be there and talk to her, and when I ran out of reasons I stopped explaining altogether and just sat there on the stairs or on the bleachers while she waited for her classes to begin, and when they did, and when she started walking to her room, it's time for me to look for something else to do.

After stalking, I still would go out, unwilling to go back to an empty dorm room. I would go the malls and do what I have avoided doing earlier, wander alone looking like an idiot. I always visited the bookstores. I really took time looking for books I would someday buy, someday read, someday hate. I'd look for inspirations that would help me write my own book. Sometimes I went to the videoke rooms and sang, alone. Just five songs until my throat hurts or the shame of my singing sinks in.

If I had money then, I would have gone watching movies. But that was a time when budget was tight, and blowing it on movies meant a shorter life span for my money which meant getting in touch with my parents again to ask for more. I hated doing this.

Of course I ate dinner alone. There's only a few select places where I ate, the ones where I could stay longer and no one would mind, as I was the only customer. I used to eat the same kind of food each day, same amount, same order. I liked keeping my routine. I remember my favorite dinner was pork sinigang, a fried chicken leg and 2 rice servings. I finish the sinigang and the rice first, and the fried chicken serves as dessert. Even in the restaurants, I saw people who stuck to their routine too, always occupying the same tables eating the same shit and taking in the same shit from the overhead TV.

At night, I walk around. Anywhere but home, just like the album. I always went to Session Road, stroll alone, up and down, until I decide I'm tired so I go back to the empty dorm, the quiet in the room I try to shake out with the help of my Cranberries album. Sometimes someone from the dorm would knock on my door and borrow a charger or invite me to watch TV or drink. More often, no one knocked at all.

At night I slept early. I had to, if I didn't want to regret it in the morning. I read books to tire my eyes out. More often, I would write in my journal, until my eyes are nearly tearful and my hands can write no more.

At times I have trouble sleeping. I kept the lights on, and faced the door. If the stories about the resident ghost had any shreds of truth, I was ready. Then I'd feel guilty and turn the lights off. The orange light from the lamppost outside is difficult to erase from my mind, especially since I had spent nights staring at the windows where it shone through.

And sleep. Sleep as always was short. A fleeting feel of death. A temporary peace, vulnerability, surrender, freedom. Its soundlessness is so calming, its silence broken only by the occasional sound of shattered glass from a bottle thrown by some drunk dorm tenant until the early dawn, when the cold bites into the whole body, and my hand reaches out to hurl the alarm clock against a wall to silence its blaring wake up call that starts another day of running three flights of stairs and solitude, of silent masses and quick, cold breakfasts, of days of tedium, of lying down at night to imagine, to await the future that turns out to be a future filled with lying down at night remembering, missing the past.

There's nowhere else to go but back.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding