urban legend

Hey Kids, I'm worried, may nagpahayag ng death threat na pasasabugin daw ang tinitirhan naming apartment building.

At isa pang worry ko kids eh sa edad kong 21 years old and 8 months ay takot pa rin pala ako sa kapre.

At isa ko pang inaalala ay ang bayarin namin sa kuryente.

Maniwala ka man o hindi, yang tatlong bagay na yan na bumabagabag sa akin, magkakaconnect yan. Paano?

Nagsimula ang lahat sa aking butihing tiyahin at ang security guard sa apartment building. Mali ka, wala silang any sexual relations, how I wish. They're just showbiz friends. Madalas magkuwentuhan sa may gate ang aking tiyahin at itong si sekyu na itatago natin sa tunay nyang pangalang Will.I.Am. Nakuwento sa akin ni tiyahin, na itatago natin sa screen name na Sasha Fierce, na itong si Will.I.Am daw, sa kalagitnaan ng matinong usapan, ay biglang bumanat ng,

"Alam mo, may kakambal akong kapre."

Napatambling daw ng wala sa oras si Sasha Fierce. Cartwheel ito. Hindi nya kinaya ang pabigla-biglang rebelasyong eskplosibo. Ang guwardya, may lahing halimaw.

Dahil nasense ni Will.I.Am na hindi naniniwala ang tiyahin ko sa kuwento nya ay napilitan syang ipaliwanag ang buong kasaysayan ng kanyang buhay. Batang yagit pa lang daw sya ay may kakambal na syang Capricorn as in Kapre. Noon raw, lagi syang pinagpapakitaan ng isang malaking mama na maitim, mabalahibo, at sya lang ang nakakakita. Hindi pa naman masyado usong magrugby noong mga panahong yun, kaya hindi sya nakabatak lang. At sinusuportahan daw ng nanay nya ang kanyang mga gawain like hindi pagpatay ng ilaw kapag matutulog na sya, dahil naniniwala sa kanya ang nanay nya.

At isa pa, kapag pinatay raw ni Will.I.Am ang ilaw at natulog, maaalimpungatan na lang syang may humahaplos sa noo nya, at kapag inabot nya ang kamay na humahaplos, punung-puno ito ng pubic hair, as in mabalahibo raw talaga.

So wala silang choice kung ayaw man magpatay ni Will.I.Am ng ilaw. Si Will.I.Am din, walang choice, dahil kahit saan daw sya magpuntang lupalop sa solar system ay nakasunod sa kanya si Capricorn. Nakailang lipat na raw sya ng probinsya, from Bicol nakarating sya sa Maynila. I-will-follow-him daw ang kakambal nya. Siguro sa tinagal-tagal ng pagsasama nila ay natutunan na rin nyang tanggapin na may kasama talaga syang Kapre. Ang pakilala nya pa nga kay Sasha Fierce eh kakambal daw nya ang kapre diba? So malamang tanggap na nya.

Isa pa, hindi naman daw sya sinasaktan ng kapre. Trips lang daw talaga nito na samahan sya sa mga gimmicks nya sa buhay. At haplusin sya habang tulog. Pero hindi lang yan, huwag ka, may kapangyarihan ang kapre. Aside from the obvious na nakainvisible mode sya lagi ay may kakayahan din daw itong maforesee ang mga future disasters. Pinapakita raw nya ang mga mala-Nostradamus nyang prediction kay Will.I.Am sa pamamagitan ng mga symbols.

Minsan daw may pinakita sya kay Will.I.Am, anim na sisiw. So dali-daling ikinonsulta nya sa nanay nya kung anong ibig sabihin ng anim na sisiw. Pwede ba itong tayaan sa ending?

"May mga isa-isang mamamatay, anim na tao," sabi ng nanay nya. Joke ba ito? Adik ba si Inay? Nakadale na naman ba ng solvent? Paint thinner? Siok Tong? Huwag ka, nagkatotoo ang sabi ni Inay, anim na Baranggay Tanod ang nangamatay isa-isa. Yung huli nga raw na namatay eh napabalita pa sa Channel 2. Binaril daw ng kapitan.

Anyways mukhang napahaba na naman ang pagkukuwento ko pero hindi pa tapos. Kaya ko lang naman naikuwento ito ngayon eh dahil sa medyo nakakarelate na kami sa problema ni Will.I.Am. May bagong pangitain daw kasi si Capricorn. This time walang mga sisiw kaya safe at sound na walang mamamatay. Pero ang omen daw nya ay... may sasabog na building sa baranggay namin.

Dali-dali rin ikinuwento sa akin ni Sasha Fierce ang mga nakalap nyang impormasyon sa guwardya. Makalipas ang ilang araw ay kinulit-kulit nya ang guwardya kung aling building ang sasabog.

"Yung malapit sa gasolinahan," ayon raw sa Kapre. Napaisip si tiyahin, medyo malayo kami sa gasolinahan. Haayyy, makakahinga kami ng maluwag.

Pero kagabi, nung matutulog na ako ay nagkuwento na naman si Sasha Fierce sa akin. Nakausap na naman nya ang guwardya. At may bagong clue raw sya kung anong building ang sasabog at kung kelan.

"Itong building daw natin ang sasabog, sa December," at matapos nya itong sabihin ay napatumbling sya (cartwheel ulit) at sabay split. Ako rin napatambling bigla.

Putang-ina! Isang taon pa ang kontrata namin sa apartment. Hindi kami pwede agad umalis.

"Pero wala namang mamamatay sabi ni William, sisirain lang daw itong building." Duh. Hindi nga kami namatay, nabuhay naman kaming homeless.

Bwisit. Dapat binabawalan ko na si tiyahin sa pakikipagchismisan sa guwardya. Dumadami ang alalahanin ko sa buhay eh. Yung building naming sasabog, yung takot ko sa kapre, at ang bayarin namin sa kuryente. Bago kasi matulog, sinisindi ko uli yung ilaw...

5 comments. Post your comment here.:

Em said...

December? antagal naman :P joke :P

glen said...

Baliw ka seryoso yan ahahahaha

Meryl said...

Pucha! Napakaweird naman n'yan pero nakakatako din, ano ba? Lumipat na kayo. O ingat ingat na lang sa December. Haha. Konting chismis pa baka may date nang sabihin. Hehehe.

glen said...

Haha, sana naman wag Pasko... Basta kapag biglang inactive na ang blog ko, alam nyo na kung ano ang nangyari...

Em said...

hehe di bale, palalipat ka naman ng bahay eh :P baka tita mo pa nga ung maginitiate na lumipat kayo eh lol :P

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding