holy week

Dahil holy week, pinagbabawal ang pagkain ng baboy kaya naghanda si Tita Sasha Fierce ng pritong galunggong at tortang talong na tinanggap ko nang buong puso hanggang sa maubos at namalayan kong natinik ako ng galunggong sa lalamunan kaya dinukot ko ng daliri ko ang tinik sa lalamunan ko dahil abot na abot ko naman sya pero ayaw talaga matanggal kasi mukhang malalim ang pagkakabaon ng tinik at dinukot ko hanggang sa tonsils ko at biglang lumabas uli ang kinain ko Hello Undigested Tortang Talong at dahil nagmamadali ako dahil pupunta pa ako sa BIR para magfile ng Income Tax Crap wala akong time dumukot ng tinik kaya naligo ako at nagbihis at pumunta sa BI effing R at sa dami ng inasikaso ko hapon na ako nakauwi at wala na akong kapangyarihan kaya pagdating ko sa bahay bagsak na ako sa kama at nakatulog at midnight na ako nagising at nang magutom ako ay naghanap ako ng makakain at may pagkain sa lamesa at kinain ko agad huli na nung mapansin kong longaniza pala ito at sabi ko sa sarili ko wait oops there's something wrong at narealize ko bawal nga pala kumain ng baboy kaya nga ako kumain ng galunggong kahapon at narealize ko nasa lalamunan ko pa ang tinik and Hello Undigested Longaniza. What about you, how holy is your week?

7 comments. Post your comment here.:

g7 said...

don moments sakin >:)
at parang d dumaan ang holy week., labas dito at dun :))

Em said...

hahaha~ talo pa ang Preamble!!! lol hmm... holy week? nagHiking lang... mga limang bundok. no biro. :P

glen said...

@g7: anong don moments? donselya moments? puro pagpapalabas na naman ata inatupag.

@em: huwatt limang bundok baka naman mga aurora hill lang yan hehehe joke. anu yun, penitensya sa mga kasalanan?

g7 said...

don = walang gngawa,pinagsisilbihan.,
BJ at HJ nila ako =)) ( juk lng :)) )
holy shit ang holyweek ko.,

Em said...

hahaha exactly, penitensya :P paguwi namin, putol ang legs haha

Senyor Iskwater said...

bukas ang BIR ng holyweek? tapos wala kang pasok sa gabi? day shift ka cguro noong 2002 noh? wow may glade ad naman ngayon...

Xhann said...

lels deretso lang ang pagbabasa ko! walang pause pause!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding