bolinao, a tragedy

Hey Kids, malungkot me today.

Siguro naman naaalala nyo kung paano ko balahurain ang aking hometown... actually hindi ang town kundi ang mga balasubas na taong taga-dun like Dyan Khikhi Khar Bri Jing etc.

Pero hindi ngayon ang araw para magbabuyan. Recently malamang napansin nyong madilim ang langit at maulan. Kasi, may bagyo, ang bright mo talaga. Bagyong Emong.

Kagabi habang naglalakad ako pauwi, nakatanggap ako ng overseas call mula sa aking bestfriend na humihingi ng tulong... Hindi nya macontact ang pamilya nya at kahit sino na nasa Bolinao, at nabalitaaan nyang nasalanta ang maraming kabahayan, kasama na ang bahay nila... Sinubukan kong tawagan lahat ng mga kakilala ko na nasa Bolinao, except yung mga kaaway ko of course. Kahit mga kamag-anakan kong lagi kong iniiwasang itext ay tinawagan ko na. Lahat sila ay "Duh subscriber cannot be rich."

Hay Bagyong Emong. You're so emo. Ikaw na yata ang pinaka-emo na bagyo sa lahat ng bagyo. Anong ginawa mo sa Bolinao?

According to Binibining KihKih, "Leche ubos ang Bolinao."

Kahit alam nating lahat na exaggerated si BB Gandang-Kiki, mukhang 99% accurate ang tsismis nya ngayon...

Natanggal ang tatlong capiz na bintana ng kanilang bahay. Nakalbo ang simbahan. Basa ang mga tao habang naglalakad at nageevacuate. Walang signal both cellphone at landline. Paload, please, victima ako ng calamity...

Sa gitna ng kalamidad at pagdurusa kitang-kita pa rin ang pagka-oportunista ni Khikhi pero I don't mind, mabait ako in times of tragedy. Pero di ko pa rin sya niloadan.

Sabi sa news at sa Internets ay signal number 3 ngayon sa maraming barriotic na areas sa Pangasinan. Na-mention din na tinamaan ng matindi ang Bolinao as in Kicked in the Bolz. Pero hindi nabanggit ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga taong nagsisilikas. Hanggang Dagupan lang ang inabot ng news team, at nung ipakita ang mga evacuees sa Dagupan ay hindi naman sila kalunos-lunos tignan habang kumakaway sila sa camera sa likod ng reporter.

Dagdag pa ng aking bestfriend na by some miracle ay nakatawag sa Papa nya...

Lahat sinira ng bagyo...
Humingi ng tulong si Mayor kay Gloria...
Tumba lahat ng poste ng kuryente...
90% daw ng Bolinao ang nasira ng bagyo...

To think na katatapos lang ng piyesta... Hayyy Bolinao, I'm sure makakabangon ka rin at muling magyayabang, ngunit ngayon ay kailangan munang maging payapa sa dilim at magback-to-basics. Ano kaya ang ginawa natin at bakit tayo pinarusahan ng ganito? Siguro habang nasa dilim at sa lamig, makakapagreflect tayo...

So Kids kahit alam kong masasama ang mga ugali nyo, I want to ask for your support and konting donasyon... para sa aking nalalapit na pagpapa-lipo...

And prayers for Bolinao... It's my hometown, at mahal ko ito. Di nga, promise. Nothing will take the place of my hometown. Kahit marami akong kagalit dun. Sana yung mga kagalit ko na lang ang nasalanta, nabasa, nawalan ng bahay at kinarma nang very very nice.

And prayers sa mga taong nawalan ng kuryente, signal ng phone, ng Internet. Prayers para sa mga taong nawalan ng business, nadurong ang sasakyan, nawalan ng bintana. Higit sa lahat, prayers sa mga taong nawalan ng tahanan, hindi alam kung saan matutulog ngayong gabi...

And God knows kung anong nangyari sa mga kamag-anak kong hanggang ngayon hindi ko pa nacocontact...

Habang wala pa kaming balita ay malaking tulong ang screenshots ni Dyan ng Google Earth (click mo):




Bolinao... kapag may news team na, kumaway kayo...

Shows that we ain't gonna stand shit,
Shows that we are united,
Shows that we ain't gonna take it...
--Adele, "Hometown Glory"

8 comments. Post your comment here.:

dyan said...

heartbreaking...

Em said...

Narinig ko nga rin tong balitang to... I'm sure everything is/will be fine. :)

Meryl said...

Panalo ang captions sa screenshot. Nag-adik ka na naman ano? Hahaha.

Naomee said...

first of all, wow alam mo pla ang song na yun haha xD

hay kawawa naman ang hometown mo kuya ... to think dati lang e inaaway mo sa previous blog post mo ang Bolinao. God bless to those affected by the calamity though :)

janus said...

if you fall down the seventh time, stand up the eighth. gl bro!

Yj said...

Glen.... hindi kaya ikaw ang dahilan ng lahat ng yan? ECHOZ hahahahaha

anyways ganyan talaga nag buhay... siempre kaya siguro kayo ang nasalanta ng bagyo ngayon ay dahil alam ni Lord na kayang lagpasan ang pagsubok na yan....

siempre ipagdarasal ko ang mabilis na pagbangon ng Bolinao.... ang sarap kayang balikan ng PATAR...

ingats lagi....

glen said...

@ Meryl: uy nagbalik ka hahaha oo sa gitna ng trahedya sumasabay ang kaadikan

@ Naomee: salamat... (yup paborito ko whole album nya)

@ janus: thanks thanks pano pag may ninth time pa tanga na ba talaga? haha

@ YJ: actually kaya ginunaw ni Lord kasi kagagaling mo lang dun... hahaha joke...

alam ko kung bakit mo gusto sa patar, may bininyagan ka dun no...

Senyor Iskwater said...

wala naman sgurong mga casualties na buhay noh? tsk... tumambay pala sa Bolinao si Emong! tsk

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding