movie review: drag me to hell


What the fuck is wrong with Sam Raimi?

Stupid stupid stupid film. Sorry sa mga fans(?) nito pero hindi talaga ako natuwa. OK na sana ang plot. Imagine mo na hihilahin ka nga papunta sa impyerno sa loob ng tatlong araw eh kikilabutan ka nga naman. May konti rin na twist na kahit medyo predictable ay nakaka-disturb. Hindi ganun kagaling (at kaganda) ang bida pero sige na rin. OK na ito keysa naman manood ka ng BFF or kung ano pa mang kabaduyan. Ang mali lang, hindi ginandahan ang pagkakagawa ng storya base plot.

Hindi ako nagmamagaling. Wala akong alam sa story writing at movie making. Pero mahilig ako sa horror movies, at hindi ako natakot sa scenes na gaya nito:

A). Pumasok yung gypsy woman sa loob ng kotse ng bida, si Christine at inatake sya. Wala syang maabot na panlaban sa gypsy kundi ang stapler. Inistapler nya na lang sa mukha, hanggang sa mapaandar nya ang kotse at nabangga sila, at tumalsik ang pustiso ng gypsy woman.

B). Nagpunta si Christine sa bahay ng gypsy woman para mag-sorry, only to find na patay na ang babae. Dahil sa gulat nya, nadapa sya sa ibabaw ng bangkay ng gypsy woman, at swak na swak ang bunganga nya sa bunganga ng bangkay. Sa pagstruggle nya, napahiga nya at napatong sa kanya ang bangkay, habang magkalips to lips pa sila, at may lumabas na green slime sa bunganga ng bangkay.

C). Inatake na naman si Christine ng gypsy woman sa loob ng storage room. Sinasakal nya si Christine padiin sa isang poste. Buti na lang nagkataong may nakabitin na anvil sa ibabaw ng ulo ng multo. Pinutol ni Christine ang lubid na pinagsabitan ng anvil at nahulog sa ulo ng gypsy woman. Tumalsik ang mata ang dugo ng gypsy woman sa mukha ni Christine.

D). Sinaniban ng ghost ang isang kambing, na nagsalita at sumigaw ng...

You gave the spirit to me! YOU BITCH!!!


Sa dami ng times na inatake si Christine ng ghost, parang masasanay ka na lang with rolling eyes thinking ayan na naman OK matapos lang... Lihim kong winiwish na sa ending ay irereveal na isa itong additional sequel sa Scary Movie series.

Paglabas mo ng sinehan, you'll feel like you have been dragged to hell.

4 comments. Post your comment here.:

Yj said...

kung BFF nalang pinanood mo friend eh... hahahahaah

Em said...

lol ung scene B hahaha

hmm... mukhang ok nmn ung scene C

rate mu naman ng 1 to 10, 10 highest. :D

once again, thanks for the review..

glen said...

@YJ ehhh putangina namang suggestment yan haha

@em yung scene C kasi nagmukhang cartoons talaga ang pagkaka-execute...

Hmm kung hardcore horror fan ka na gusto talagang matakot, this is a disappointment, 5 lang.

Pero kung wala lang kayong magawa ng mga barkada mong "scary movie" fans, this is a 10!!!

Em said...

i'm surprised u gave them 5, bait mu naman :P

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding