movie review: district 9

"You are not welcome here."

Starring: Mga hindi ko kilala sorry naman.

Ang lakas ng ulan sa labas last Sabado at iniwan ko sa bahay yung payong kong mahaba (mas mahaba pa sa height ko), kaya basang-basa ang buong kaluluwa ko pagpasok namin sa sinehan, tapos wala kaming foods, chocolate drinks lang (dahil sa global recession).

Ang District 9 ay isang mock documentary tungkol sa mga aliens na sakay ng isang giant space ship na tumambling papuntang Earth at nagstop-over sa Mabalacat Pampanga Johannesburg, South Africa. Eh di nawindang ang mga kapatid nating niggaz dun kaya kinapture nila yung mga malnourish na aliens at ginawang aliping saguiguilid sa District 9. Bale makikita sila na naghahalungkat ng basura, kumakain ng goma at catfood, at nagpapatayan (teka, sa Johannesburg ba ito o sa Maynila lang?).

So dahil naging slums na ang District 9, slums na hindi mala-Slumdog Millionaire, eh sabi ng MNU, ung military something na namamahala sa mga aliens, ililipat sila sa District 10, eh malapit lang naman yun, one ride lang. Ang inutusan na mag-evict sa mga tsismosang alien eh si Wikus van de Merwe, na pakialamero at binutingting yung bahay ng isang alien hanggang sa makakita sya ng suspicious silver cylinder. Akala nya ata pabango, na-sprayhan yung mukha nya ayun in 24 hours, yung left-hand nya, kamay na ng alien. Nagtatransform na sya. Powerful!

Dun umikot yung kwento, kung pano kinontrata ni Wikus ang alien na si Christopher para makuha yung pabango, kasi fuel pala yun ng stranded na spaceship, in exchange eh gagamutin sya at gagawing tao ulit. Syempre gusto nang makauwi ng mga aliens sa Pangasinan ibang planeta kasi naman suplado sa kanila ang mga humans, hindi sila bati. I-discriminate ka ba naman nang very very nice. Siguro yung pakainin ka ng catfood at patirahin sa mala-Payatas na District 9 eh kebs lang sa alien, pero tawagin ka ba namang "prawn" or in Tagalog, HIPON (quick translation = panget) eh nakakababa talaga ng self-esteem nila Christopher.

Ayun, tinatamad akong ikwento ang buo, panoorin nyo na lang kasi sobrang ganda. Sabi ko na nga ba maganda ito eh. Parang pinaghalo-halo ang Blairwitch Project, Quarantine, Species at Bruno.

This is so far the best film of 2009, para sa akin.

Sa mga kapatid po nating Hipon, pasintabi po at wag masaktan.

7 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Dapat pala yan ang pinanood ko ng weeked. Ang haba kasi ng pila sa MOA kaya UP nalang muna ang pinanood ko. Natuwa naman ako ng very very slight sa UP.

Pero nainis ako ng very very slight lang dahil hindi movie review ang entry mo isa itong movie story telling. I hatechu!

abe mulong caracas said...

wow talagang best film so far ha...

mahilig ka pala sa review, pagawan naman yung kaputol ng isang awit oh, sige na!

glentot said...

@Jepoy hindi ka pa nasanay wahahaha kahit naman magseryoso akong review walang maniniwala nyehehehe

Isip ako ng isip kung ano ang UP, akala ko play ng UP Diliman or something. Ngayon ko lang na realize ung PIxar pala un. (Wahaha engot.)

@abe mulong caracas ampfufu anong movie ang kaputol ng isang awit alien din ba jan si Nora Aunor or something nyahahahahaha

Random Student said...

oo movie for the new gen. mahihilo lang ang mga matatandang tulad namin ni mulong hahaha

glentot said...

sabagay kami rin nahilo, nakatatlong lipat kami ng upuan, shaky kasi yung camera...

Em said...

Niiiice... :) We're planning to watch it sometime next next week :D

glentot said...

@Em yeah go watch it you won't regret it...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding