peter answers

Hey Kids! May ituturo akong kasamaan, so makinig maigi! Mahalagang matutunan ninyo ito, para ikauunlad ng buhay ninyo.


OK. Hindi ko sure kung alam nyo na ang website na www.PeterAnswers.com, kung alam mo na, wag maging KJ (hihi) at kung hindi mo pa alam, ituturo ko sa iyo kung paano mo isasagawa ang iyong susunod na April Fool's Day Trick.

Materials Needed:
Synopsis:

Ang www.PeterAnswers.com ay isang website kung saan pwede mong "tanungin" si Peter at "sasagot" sya sa iyo. Halimbawa, ask mo sya "Ano color ng panty ni Khikhi today". Sa pamamagitan ng lihim na method, mahuhulaan ito ni Peter na "Maroon, with bacon garter".



Sa unang tingin, ita-type mo lang ang "Peter, please answer" o kaya "Peter, please answer the following question" sa box, tapos ita-type mo rin yung tanong mo, at huhulaan na ni Peter ang sagot. Kung ganun mismo ang ginawa mo, hindi sasagot nang matino si Peter.

Pero kung alam mo ang secret, mapapalabas mo ang inaasahan mong sagot na ikakatumbling ng shunga mong friend, iisipin nyang nakakapanghula nga si Peter.

Steps:

  1. Sa araw-araw na pakikipagtalastasan sa shunga-shunga mong friend, humanap ng paraan para maisingit ang www.PeterAnswers.com sa usapan nyo:

  2. Example:

    Shungang Friend: Haizt, ang dami me problem! Wala na me pera wala pa me load. Wala pa me lovelife wala pa me sexlife. Paano na me? Ano gagawin me?

    Ikaw: Friend alam mo ba meron akong alam na website na lahat ng itanong mo ay kaya nyang sagutin.

    Shungang Friend: Weh?

  3. Matapos ang required na dialogue, agad mong buksan ang website na ito: www.PeterAnswers.com. Grabe ako maka-link, akala mo naman binayaran ako ng www.PeterAnswers.com.

  4. Ipabasa sa shungang friend ang nakalagay na instruction sa website at sabihin na sundin nya ito. Kapag nagtype na ng tanong si friend, hindi sasagot nang matino si Peter, expected na yan, kaya bumitaw ka agad ng ganitong dialogue:

  5. "Ako nga pa-try baka sa akin sumagot."

  6. Ito na ang trick. Sa Petition box, pindutin ang "." button sa keyboard bago i-type ang gusto mong lumabas na sagot. Halimbawa, ang tanong mo ay kung suot ba ni Khikhi ang panty nyang bacon, at ang gusto mong lumabas na sagot ay
    No, she is wearing supporter for her loslos.
    ang dapat mong i-type sa petition box ay
    .No, she is wearing supporter for her loslos.
    Huwag na huwag kakalimutan ang period. Todo effort na ang pagpapaliwanag ko kaya dapat nagegets mo na.

  7. Hindi makikita ng friend mo ang tunay na tinype mo sa box, dahil ang lalabas sa box ay "Peter, please answer the following question" habang nagtytype ka. Akala nya, tinatype mo yung petition. Siguraduhin mo lang na mabilis kang magtype, dahil kung isang letra kada minuto ka magtype, mabibisto ni shungang friend na iba ang pinipindot mo sa keyboard mo sa lumalabas sa screen. Matapos i-type ang gusto mong sagot, i-type lang ang tanong sa Question box. Press OK and tsaraaaaan. Lalabas ang tinype mong sagot, na kunwari ay hula ni Peter.


  8. Tatambling na ang shunga-shunga mong friend. Magreact ka ng "Huwaaaattt tama ba ang hula ni Peter????" or kung ano-ano pang shit dialogue na maisip mo. Magbaliw-baliwan ka for full effect. Punitin mo ang suot mong saplot hanggang sa lumuwa ang kaliwang dede mo para maniwala ang friend mong nasorpresa ka rin sa "hula" ni Peter.

  9. Kapag nagtanong ang shunga mong friend kung bakit sa iyo lang sumasagot si Peter pero sa kanya hindi, bitaw ka ng ganitong lines: "Wala ka kasing faith!" o kaya "Hindi ka kasi naniniwala na kayang sagutin ni Peter!" or kung ano-ano pang shit.
Tips:

Para maging effective, gawing simple ang mga tanong, at seryoso at maikli ang mga sagot. Siguraduhing English ang tanong at sagot, kahina-hinala naman kung nagta-Tagalog si Peter???. Dapat, alam mo na ang gustong itanong ng friend mo bago ka pa magtype sa Petition box, at alam mo na dapat ang sagot.

Mga recommended na tanong:

1. What's the color of my shirt? (kung sawa ka na magtanong ng color ng panty at brief).
2. What's my name?
3. Who virginned me? Di ko alam past tense ng virgin.

At para mas convincing, ikaw ang magtype sa Petition box pero friend mo ang magta-type ng tanong. Minsan naman, ikaw ang magtatanong pero huwag mong palabasin ang tamang sagot, para hindi maghinala ang friend mong shunga na sa iyo lang humuhula nang tama si Peter.

Kapag dumating sa puntong gusto nang itanong ng friend mo ang "Who are you?" ang isang magandang sagot ay "I am your dead grandmother, (insert name here)". Para naman sa finale, patirikin mo ang mata mo at magkunwaring sinaniban ka na ni Peter.

Ginagawa namin ang trick na ito sa lahat ng new hires sa aming team. Ang huling victim, itago natin sa pangalang Juan. Nagtanong si Juan kung nasaan ang nawawala nyang gunting, sumagot si "Peter" na nasa basurahan sa pantry.

Kinalkal ni Juan ang basurahan.

Ganun ako ka-convincing.

KThxBye mwahchupa. Labia!

30 comments. Post your comment here.:

Ako si Yow said...

Haha. May nabiktima nga?
High school pa lang ako nauso na to.
At bahagya atang nauto ako minsan.
Tinuro lang sa akin ng buson kong kapatid yung shitty trick behind peteranswers.com.
Hindi ko ito ginamit sa kagaguhan dahil good boy ako. Haha. At dahil na rin di ako magaling aarte.

Jepoy said...

Ang haba haba ng isntructions! Hindi ko na follow lahat. Oo slow me.

gillboard said...

mukhang ang dami mong free time. :)

khantotantra said...

nakaka-aliw naman yang site na yan at mukang pedeng pang-goyo ng engotsking friend :p

ʎonqʎʇıɔ said...

Andami kong natututunan sayong mga mabubuting asal! paparaktisin ko to. lol

Kosa said...

masubukan nga Minsan.
kaaliw! lols

I am Xprosaic said...

Huwaw! salamat titcher at may bago kaming natutunan sa iyo ngayon.lol. sige hahanap muna ako ng shunga na fwend...lol

Jag said...

Hahaha! I love it! Humanda sila sa natutunan ko dito hahaha...

Tong-tong said...

ita try ko to! now na!!!

ayan oh may tab na ko sa browser ko ng st.peters. brb

Tong-tong said...

wahahahaha nagets ko na!! gumagana sya!! magamit nga later! :p

hArTLeSsChiq said...

wahahaha parang ito yung tntry kahapon ng mga kaopisina ko...daming nabibilib..buti na lang hindi ako napasama :D

Poldo said...

hahaha kawawang juan!
pero teka potashet naman! BLOCK ang site dito sa kawntri namin shet! gusto ko panamang itry deym et!!!

Nimmy said...

ginawa ko naman diba??? impluwensya mo ha! napaka-powerful!! pow na pow! hihi

bulakbolero.sg said...

at ang kawawang si juan naniwala ke peter.

Pao said...

hahaha. LAKAS! Ngayon ko lang nalaman yung trick. Nakakaloko ah.

paci said...

naencounter ko na itong site na ito. wahaha funny talaga! =)

2ngawzki said...

hahaha!alam ni peter ang salitang loslos...shunga nga talaga ang nauto mo.maitry nga...mhirap nga lang pgilin ang tawa...mgndang payo idol!

The Philippine Guild said...

excellent. very nice team building activity. have faith na lang kasi nang di na magkalkal ng basurahan.

Nortehanon said...

hehehe ayus ah. tamang trip lang ito hehehe

Traveliztera said...

Hahaha panalo!!! I'll try this glentot! hahaha! Thanks! :P

Traveliztera said...

ngapala...natawa ako ron sa ilang beses mo nilink ung site pero d ka naman binayaran gawin yan haha

p0kw4ng said...

ang kawawang si Juan!!

ahahaha daming freetime ni Glenn at kung ano anong natutuklasan! masubukan nga din,hekhek!

RICO said...

parang cleverbot lang ah..


www.cleverbot.com

chikletz said...

haha! nagoyo ako ng mga kaibigan ko dati sa lecheng website na yan. manghang mangha naman ako ampf!

Boris said...

=)) convincing!!!

kakatuwa naman si "juan" hahahaha XD

Renz said...

naaaning din ako nito dati :)) not until now.. XD ganun pala ang trick nila.. XD XD XD.. elem pa lang ako nung inaning nila ako dito haha

TDB said...

natarantado na ako ng website na ito. galing ah! required ba ung scripts sa steps mo? parang ganon nga ang naging conversation namin. hindi lang ako napatambling! =))

Robbie said...

AHAHAHAHAHAHA!

Noong unang panahon (college ata) ay isa ako sa mga shongashongang friend na nabiktima ng website na ito.

Nakakainis. Hahaha.

kat said...

waw ang tyaga mo talaga mag blog.

isa ako sa mga shunga-shunga na naloko nito noon. pero tinuruan din ako at may naloko rin haha

gusto ko ang tutorial mo. nakakatuwa basahin. :D

chilaxjukebox said...

hahaha...ginawa naming magkakapatid ito sa mama namin, di ko na maalala exact na tinanong namin pero natakot talaga si mama :p

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding