god is love

Hihihi for sure sa title pa lang ng post na ito marami nang magrereact ng negatibo well SORRY mga error kayo! Hekhekhek nag-bible study kasi kami ayan for sure mas maraming magrereact na naman ng kung ano-anong masakit sa damdamin well SORRY totoong nag-Bible study kami... hmmm hindi exactly Bible Study kasi wala kaming dalang Bible.

Ganito kasi yun, meron kaming Starter Cell courtesy of Jhoannah (dinadagan ko ng 'H' pang-asar lang sa kanya). Ang Starter Cell ay parang series ng topics na may mga aral about God and mga questions sa buhay namin. Kaso mahirap ma-explain sa Nanay ko nung paalis na ako ng bahay na "May Starter Cell kami ngayon ha!" kasi baka isipin nya tumitira kami ng Pigrolac, lalo na kapag tinawag ko ang mga kasama ko as "cell-mates", parang bilanggo lang? So Bible Study or BS na lang para wala nang paliwanagan.

Sa Shangri-La kami nag-BS habang nagkakape. Syempre aside from Jhoannah, ang aga kong dumating, next si Wendell, at si Pinky na super late ng very very nice. Apat kaming cell-mates.


Nag-opening prayer muna si Jhoannah at yumuko kaming lahat. Matapos ang prayer, nagcomment si Pinky sa akin, "Ang linis ng paa mo today." Ang hayup, tinititigan pala ang paa ko habang nakayuko, buti na lang napedicure ko yun.

So simula na kami sa aming topic for that day which is God is Love. Ang una kong naisip, naku patay, kapag may nagtanong sa akin kung ano ang natutunan ko sa aming BS, ang isasagot ko ay God is Love, malamang hindi sila maniwalang nagBible Study talaga ako, para na naman akong nanggo-goodtime.

Ang unang tanong ni Jo ay, "How have you been doing recently?" Ako at si Wendell mabilis sumagot. Si Pinky, nahirapan nang very very nice! Parang hindi nya maisip kung kumusta na nga ba sya. At unang tanong pa lang yan.

Tapos take turns kami sa pagbabasa at isa isa naming sinagot ang tanong.

"What is Love?"
"Love is a state of mind," wika ni Wendell.

Nang basahin namin ang next paragraph, sabi nito ay... "Love is not a state of mind." Kontra agad?

Smooth naman ang flow, nang biglang tumambay sa harap ng table namin si Ai Ai delas Alas kaya nadisrupt kami ng konti, at comment pa si Pinky ng "Tao rin pala sya..."

Pag-alis ni Ai Ai smooth sailing kami uli hanggang sa tumae si Pinky. Masama raw ang tiyan nya since morning. Siguro naka-aggravate sa tyan nya nang sumawsaw yung siko ko sa whipped cream ng waffle nya na hindi nya namamalayan.

Pagbalik ni Pinky, tuloy uli kami sa aming discussion about God is Love. Love tayo ni God kahit nagkakasala tayo. Love nya pa rin tayo kahit ulit-ulitin natin ang kasalanan natin. Love tayo ni God kahit panay ang "shettt" natin during Bible Study.

Tapos tumae na naman si Pinky. Yup, pangalawang beses na. Masama yata talaga ang tiyan nya. Since medyo tapos na kami nun eh nagkuwentuhan na lang kami about movies and stuff hanggang sa mag-uwian.

Next time na may Starter Cell kami, sali kayo? Yung friend naming Muslim, sasali!

--- Special shoutout to Jo, Pnx and Wendell and his Accenture teammates na may "first-name-basis" relationship sa akin, naghihintay (daw) ng updates lalo kapag bored at naglabel sa akin ng "Annoyingly Funny" ahahaha I love dut!!! Sana lang wag i-block ang blog ko diyan...

Mwahchupah!

19 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Sali ako minsan dyan :-D

Yj said...

bakit d nalang tae study ang ginawa niyo? bwahahahahaha

glentot said...

@jepoy uu sali ka sabi pala ng friend ko naaaliw sya sa blog mo.

@yj hayuuuup! kaw kasi puro shot... hihihi

Jepoy said...

Sabihin mo naaliw din ako sa friend mo :-D

Mabuti yang pag B-BS (Hindi Bull Shit ha, Bible Study) nyo para mapalapit ka kay Papa Jesas!

JOANNA said...

Jhoannah ka dyan! hmp!

Wala na ako masabi eh... di ako maka-get over dun sa Jhoannah. >.<

May sinabi ba si Wendz na "Love is a state of mind?"

Ang naalala ko lang is Love is Blind, sabi ni Pinky. Kung blind ka, love ka.

glentot said...

@Jepoy, meet Joanna, ang friend ko na naaliw sa blog mo, at not to mention ang leader ng aming Bible Study. Be nice! Hahaha

JOANNA said...

ei, jepoy! seryoso? sama ka minsan? ;)

Glenn!!!!!!!!!!!!!!! Leader ka diyan... o.O May ganun? O.o

g7 said...

napareact talaga ako ilang lines pa lng hehehe (peace tyo glenn)

m u l o n g said...

bakit naman magkakaroon ng negative reaction sa taytol at sa baybol studies.

ako good sa akin yan hehehe kaya good for you

glentot said...

@Mulong kilala kasi nila ako, kapag sinabi kong nagbible study ang reaction nila ay "ULOL!"

@jepoy ayan sali ka ha sabi ni joanna.

@g7/Reginald Viado sumali ka kaya at nang umunlad ang spiritual life mo.

Jepoy said...

Hi JOhana Sure sama ako minsan. Libre ba butong pakwan dyan?! Dati meron akong Cell Group sa VCF pero naging busy na kasi.

Glentot 'yung butung pakwan samahan mo narin ng drink. Oo drink lang. Pano ko sasama nga pala night shift ako, fyi lang :-D

Joanna said...

honga, g7...

glentot said...

@jepoy ako rin night shift. Linggo namin yun inischedule....... Seryoso sama ka???

wendell said...

bwahaha... cnsya ngaun lang ako nagcheck. saya nga ng starter cell natin... nag-enjoy ako... at nainspire ako sa mga icebreakers natin! hahaha.

i didn't exactly say "state of mind"... "nasa perspective yan ng tao" ata ang sinabi ko about love... nonetheless, love is love (parang tide is tide lang... hehe). :P

Wendell said...

dagdagan ko lang, glen... tumae pala ulit si Pnx before and after ng dinner namin sa food court ng Shang... Bingo! Hahaha...

JOANNA said...

oo... kahit ilang butong pakwan ang gusto mo... si glen ang taya next time, diba glen?!

JOhana?! Huwaaat?! Umph.

glentot said...

@Wendell ahh yun ba yung sinabi mo wahahaha wala lang natawa lang ako dun nyahaha tide is tide...

shitt winner talaga si pinky pagdating sa tae...

Jepoy said...

eto na ikukurek ko na ang sfelling arti arti naman Ms Joanna ikaw po ba ang nag li-lead ng bible study?! Anung Bible text po ba ang next topic para maka pag prepare ako. Wag nyo po ako pag lead ng prayer kasi hindi ako marunung nun si Glentot nalang.

Sure Sama ako hindi naman siguro sa Aklan 'yung meeting place diba?!

glentot said...

@jepoy Specific instruction kasi ni Joanna na ayaw nya ng H sa name nya hahaha hmm meron kaming text na Cell something basta dun na lang ibbigay sa mismong meeting... Meeting place sa Shangri-La starbucks, dun din ginaganap... This coming sunday afternoon ata ang next session hehehehe

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding