movie review: the horsemen

Hindi po ito tungkol sa mga taong mukhang kabayo o sa mga taong mahilig mangabayo.

Isa ito sa mga movie na maganda ang trailer at poster, kaya maaaakit kang manood, tapos kapag nabayaran mo na yung ticket, parang maiisip mo, Hmm sayang hindi na pwede ibalik, tapos titingin ka sa ibang movie posters, tapos makikita mo ang Yaya & Angelina The Movie, and you're like, putangina???

Tungkol ito sa isang pulis (ewan ko kung anong rank nya, basta tuwing may namamatay, pinapatawag sya) na nagi-iinvestigate sa mga weird na murders na nangyayari sa lugar nila. Weird kasi may torture devices na ginagamit at may pattern ang killer, at ang mga ginagamit na clues ng killer ay kinuha nya pa sa huling book sa Bible, ang Apocalypse. So yung "Horsemen" sa title refers to The Four Horsemen of the Apocalypse, na magpapakita sa mga tao kung paano darating ang end of the world.

Nagustuhan ko yung movie dahil mahilig ako sa mga medyo morbod at masakit panoorin, yung may torture, at syempre yung may konting mystery para mag-isip ka ng konti. At kakaiba ang role dito ni Zhang Ziyi, kung dati ang role nya lagi ay "Chinese kick-ass hottie", dito sya ay "Chinese kick-ass hottie na papatay sa iyo."

Ang hindi ko lang nagustuhan sa movie ay yung bandang ending. Ewan ko kung happy ang ending na ito para sa iba, pero para sa akin, dapat namatay silang lahat. Yun po. Thank you.

I recommend watching this on pirated DVD (waha!). Huwag na sa sinehan or sa HBO, dahil mas marami pa syang cut keysa sa V-Cut. Again, pirated DVD (waha!), (wag na original, unless collector ka ng serious serial killer movies). Mag-isa ka lang dapat, wala kang kasama na tanong ng tanong ng "Ano na nangyari" kasi text sya ng text. Patay dapat ang ilaw, at preferably, bumabagyo sa labas para feel na feel. Ondoy much?

Ondoy Baduy fuck you ka.

6 comments. Post your comment here.:

PABLONG PABLING said...

ay. akala ko talaga may kinalaman iti sa kabayo kaya wala akong ka inte interes na panoorn ito.

at ayun pinanood ko ang yaya and anglina. kakorni! at ang kimmy dora isa pang korni kahapon.

ako na lang ang hindi korni. LOLS!

Yj said...

aba aba... puro movie reviews lately ah....

DRAKE said...

Pre mahilig ka pala sa may pagka morbid na movie, hindi kaya sadista ka!hahah

Pre suggestion: Try mo ang movie na gawa ni Takashi Miike(Japanese Director) kung talagang gusto mo na masyadong morbid na movie.

1. Audition- Sobra sa pagkasadista ng cute na cute na bidang bababe. Medyo di ko natapos panoorin kasi nangingig na ang laman ko dahil medyo nga graphically disturbing.

2. Huela(Imprint) isa pa yan ganun din kaso panget nga lang ang bidang babae,hahahha

Bsta try mong yan. For trailers subukan mo pumasok sa aking entry noon:

http://utakhangin.blogspot.com/2009/06/takot-ako-eh.html

glentot said...

@pablo akalain mo nanood ka nun? Dapat sinama mo si YJ para ang korni maging horni hahaha

@YJ peace kahit alam kong gusto mo hahaha joke

@Drake Good! Yung Audition pinanood ko na yan dati sa ofis at nagustuhan ko sya hehehe sana lang pinaliwanag maigi kung ano ang dream at ano ang realidad... Sige istream ko mamaya yang Huela... Salamat!!!

Em said...

nice >:) i think papanuorin ko to :D BTW, anong nangyari sa layout mo...?

glentot said...

@em ahaha Y??? i think the previous one sucked too much...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding