last names

So nagpunta ako kaninang umaga sa Police Station ng Makati para kumuha ng Police Clearance para sa Comelec Registration dahil pinepressure ako ni Tita Sasha Fierce na bumoto this coming elections. Pagdating ko dun, eh di fill-up ako ng form, tapos pila kami, tapos nung tinatawag na para i-claim ang Police Clearances eh may apelyido na nakatawag ng pansin ko:

"Dorimon, Fe... Dorimon, Fe... Nandiyan ba si Dorimon, Fe???" sabi nung pulis na nagrerelease ng clearance.

Doraemon wahahaha. No offense po ate Fe. I'm sure hindi lang ako ang natawa na-amuse, yung mga pulis rin, sabi pa nga nung katabi kong pulis sa akin, "Cartoons?"

Naalala ko tuloy bigla yung mga medyo kakatuwang apelyido na naencounter ko dati.

Nung college kami, first day of classes sa Psychology, nag-check ng attendance yung instructor namin.

"Mr. Libag?"

Hindi ko napigil yung tawa ko. Sumambulat yung laway ko as in Pppphhhbbbttt! yung sound effects. Eh sa harap ako nakaupo, at narinig ko may sumagot ng "Present" sa mismong likuran ko.

Ayun, hindi na bumalik si Mr. Libag the next day. Or the next. Hindi na sya nagpakita uli.

Minsan naman sa Philosophy I. Inutusan ng instructor namin yung classmate kong engot para magcheck ng attendance. Umabot sya dun sa name ni Mr. Jacla (pronounced as "hakla")

"Ano ito? Paano i-pronounce to? Jackla? As in Jokla?"

Pero wala yan sa penpal ng pinsan ko nung elementary pa lang ako. Naghanap sya ng penpal sa isang comics, at inisa-isa nya yung mga pangalan dun hanggang sa dumating sya sa name ni Miss...

Louella V. Quinantot

The End. Hope napasaya kayo. Again no offense sa mga may ganyang apelyido.

9 comments. Post your comment here.:

abe mulong caracas said...

dun na lang muna kay mr libag, alam mo bang nakilala ko ito at sinabi niyang hindi na talaga siya nag aral dahil daw sa lahat ng naging kaklase o pinasukan niya eh may isang tao daw nagtawa nung nagkaroon ng roll call?

dahil duon tinamad na siyang mag aral dahil baka daw maulit lang ang pagtawang nangyari sa kaniya nuon.

glen daw ang pangalan nung nagtawa eh!

hala dahil sa tawa mo, isa ang naging out of school youth hahaha

peace!

nga pala, si louella ay misis naquantot na ngayon! foreigner pa ang napangasawa niya!

Chyng said...

Minsan naiisip kong super common yung apelido ko, which is REYES. Partida ang middle name ko ay Dela Cruz. Double whammy! Pero im lucky na din kesa LIBAG at yung bastusin na word ang surname ko. haha

Yj said...

well.... nagkaroon lang naman ako ng mga kaklase na Abante at Atras ang apelyido... siempre parehong A kaya magkatabi pa ang mga potah.... imagine ang tawa ko tuwing roll call.....


pero hindi nagpaawat ang isa ko pang kaklase na gurl.... Bagonggahasa ang apelyido.... san ka pa?

glentot said...

@abe mulong caracas ahaha hayuuup kakilala mo pala si Mr Libag, nabanggit nya ba sayo kung pano ipronounce yun, LI-bag ba o li-BAG? nasan ang stress hahaha either way hindi nagimprove...

oo si louella mukhang naquantot na nga naraspa na rin.

@chyng matuwa ka na sa Reyes dela Crus na ang translation eh Kings of the Cross tama ba? Nyahaha sosyal...

@YJ malamang nga isa ka sa mga nagbully kina atras at abante. Ngunit kawawa naman si Ms bagonggahasa, sana makapangasawa sya ng Mr. BagongRomansa para mas masarap naman.

Baklang Maton in the Suburbs said...

meron aketch knowings ang namesung nilang magshushupatid eh La at Al. Mewon din ang apelido eh Pecpec, napanood ko sa channel 7.

glentot said...

@BM in the S: nyahahaha hindi na yata nag-isip yung magulang nung La at Al.

Sana babae talaga si Ms Pecpec. Wawa naman kung bakla tapos apelido Pecpec. At least letter C, sosyal.

g7 said...

c tabajeros nalala mo ba?! hehehe

glentot said...

@g7/Reginald Viado ungas ang ganda nga ng apelyido ko

Wendell said...

Jacla? Ka-batch ko ata yun ah... haha, kaso nagdrop out nung 2nd year na ata kami nun. :(

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding