movie review: bangkok haunted 3

Previously on WickedMouth: Nangako ako na gagawa ng movie review ng Tarzan X pero kailangan ko ng extended time, I need to convene with Rundekaleel who will help me with the review of this classic obra maestra. And I need to watch it again and again and again and again and again. Para in-depth. Ako na talaga to.

Wala man kayong interes sa buhay-buhay namin, ikwekwento ko pa rin. Nagkita-kita kaming ilang bloggers last Sunday. Shout out to Xprosaic fresh from Davao and Jepoy from Singapore, kayo na mga galante!!! Special mention rin kina Anna na one of the boys at sa special participation of Traveliztera!!! Nice meeting you Jag, and as always, nice to see you Oliver, Rico de Buco at Kumagcow.

Mangyaring i-click ang mga thumbnails sa itaas upang masaksihan ang alindog ko.
(Photo credits - Xprosaic's brand new Canon 500D)

Nanood kami ni Jepoy ng Bangkok Haunted 3 habang ngumangawa si Ate Adam Lambert sa labas ng mall. Ito ang mga kaganapan:

Four stories in one movie *roll eyes*.

"The Toilet", may ghosts sa haunted university! *roll eyes*. Alam ng mga bida na may ghosts sa banyo sa 5th floor. So of course, pumunta sila sa 5th floor. Sa sobrang takot, tumalon ang mga bida sa balcony. Yung isang natira, si Kuya, nung wala nang matakbuhan, nagkulong.

Saan sya nagtago? Of course, sa banyo, kung nasaan ang mga ghosts. Ang talas ng logic ni Kuya.

"The Elevator", haunted elevator *roll eyes*. Pininturahan ng pula ang walls ng elevator kasi hindi na mabura ang mantsa ng dugo ng mga namatay dun. Of course, Si Ateng bida, sumakay sa elevator. Nagkaroon sya ng flashback. Nakita nya kung paano sila namatay. Tapos during the flashback, nagkaroon pa ng isang flasback. Tapos may flash forward. And then, biglang patay na si Ate.

Nasagasaan sya ng kotse, WTF??? Connect???

"The Mortuary", sa mortuary *roll eyes*. Of course, si Kuyang may phobia sa patay ang nautusan magbantay sa mga bangkay. Papasok sya sa room, matatakot sa patay, lalabas sya ng room. Papasok sya uli, matatakot sya, lalabas sya uli. Papasok, matatakot, lalabas. Cartoons si Kuya amputah. Tapos na.

"The Stairwell", si Ateng malandi nakipagchat sa maniac na killer. Matapos magchat, lumabas sya para bumili ng food. Of course, mag-isa syang lumabas. On her way home, ni-rape sya nung maniac na naka-chat nya. Tapos pinatay sya. Of course, naging ghost sya. Gumapang sya, sinundan nya yung maniac. Eh nasa taas ng hagdan yung maniac. Hindi makatayo si Ateng malandi. Kaya kinagat nya bawat baitang, hanggang makarating sa tuktok at pinatay ang rapist

Of course, nauwi nya pa yung takeout nyang food (see poster, yung nakasabit na plastic bag sa doorknob).

THE END!

Kailangan nang mamahinga ng mga ghosts na ito. Mukha na lang silang pagod.

This movie sucked. Of course, I liked it.

Up Next Tarzan X Pramis.

30 comments. Post your comment here.:

rundeekalel said...

SHOCKS....ampanget nga ng movie. sure ka sa Mall of A mo ito pinanuod? potek,kahit ata sa Odeon hindi ipapalabas ito! (in fairness, willing ka pa rin mag shell-out ng Php200 ha ☺)

Maldito said...

oo kayo na ang busy sa mall tour..ahahaha..

at talagang gumapang ang ghost sa #3..hindi pa siya naka get over sa panggagahasa sa kanya?lols

Pong said...

wow dun sa bloggers meet up sa moa sir.

akala ko natalo na ito ang ouija
hindi pa pala.

be blessed sir.

kakapanood ko lang ng august rush 2007, recycle mahirap sa disyerto walang movie houses eh, inaabangan ko yung eat pray love na binabasa ko nasa ipelikula na pala ayoko n atuloy tapusin yung ebook eheheh

khantotantra said...

Ate adam lambert is singing.. nyahahah.

Mukang exciting yung elevator.... namatay si ate sa car accident...

Momel said...

First of all, blogger meet ups are always fun. Yes. That being said, let's go ahead to fun-ner things (made up word) like a Horror Movie Review. I'm not being sarcastic; I'm a horror nerd junkie.

Ahaha, it looks like this Bangkok Haunted shit is indeed so bad its good. Qualifies for a B-movie, and it qualified well. Ganda ng mga huling ni-review mo ha, sa sobrang ganda eh kahit isa wala pa kong nabili dian sa St Francis. Wahaha, ni lista ko naman eh.

Cheers Glen!

Emmaleigh said...

sure ka horror 'to?hinde comedy?

at mukhang andun na naman yung ghost na gumagapang..

ohfrikkingpuhlleassee! enuf of those clich├ęd Asian ghosts.

KUMAGCOW said...

Wag ka magalala glentot may horror movie ulet si Kris Aquino sa December in time for MMFF. Gumawa sya ng pelikula just for you heheh XD

Saya sobra pag kasama mga blogger, iba iba level ng saltik sa utak hehe

It was nice meeting you again Glentot! Til next time ah!

APE said...

pinanuod ko din to sa trinoma nung sabado. para lang akong nanuod ng shake rattle and roll sa kakornihan.

sana wall street na lang pinanuod ko. ano bang review mo dun? malaki tiwala ko sa mga reviews mo, so far never ka pa sumablay.

Lord CM said...

langyang mga movie yan!napakaganda! ang lupett!

lolzz

Jag said...

naduling tuloy ako sa kaka roll eyes lol...salamat sa review d ko panonoorin to hahaha...

Can't wait for tarzan of X review...pero actually napanood ko na xa hahaha...

Nice meeting you glentot. Ur so HAWT pala talaga sa personal hehe...

rico de buco said...

tarzan X na bilis!!!! hindi ko pa napapnood swear much..hehehe..

Axl G. said...

whaha kulit ng mga review... parang mtrcb lang ha :D

MiDniGHt DriVer said...

Excited for Tarzan X Review. Gusto ko ng maging spoiler ng Tarzan X. Maumpisahan na. haha

Chingoy said...

buti na lang di ako mahilig sa ganitong muvis...

la pa ring tatalo sa Mikey Arroyo's movies... great horror flicks w/o even trying

hArTLeSsChiq said...

wahahaha di naman halatang mahilig kang manood ng horror flicks at mang-olay pagkatapos...LOL

nainggit na naman ako sa EB na yan ah!sa susunod talaga...

Will said...

ay lintik tong pelikulang to. dati ko pa to napanood, matagal na, pero di pa rin maalis sa isipan ko yung pagiging trying hard na maging nakakatakot. ang tatanga ng mga bida, kampi tuloy ako sa mga ghosts.

Poldo said...

DI ka ba nahilo at nagsuka habang rumo-roll eyes??? hahaha

for the nth time hongsoyooo ng blogger meet up! hihihih...

inaasahan namin ang TARZAN X movie review mo! pwede bang sumama sa board of movie reviewer mo?? baka makapagcontribute ako... LOL

kheed said...

balak ko pa naman panuodin to. buti na lang may review dito. haha pero gusto ko pa din, sa dvd na lang. lols

Diamond R said...

talagang panalo ang bloggers meetup na yan.

Traveliztera said...

Natatawa talaga ako sa mga reviews mo! :P hahahaha ikaw na naaalala ko sa mga horror movies haha!

ngapala, nice meeting u :) nagpost na rin ako haha pero nakaw ako ng pics *rolls eyes*

Ruperto Prieto Jr. said...

Hehehe. sira ka talaga glen. love your blog! TC!

2ngawzki said...

ayos sa EB a....pinagkaisahan ang mga chix.dinumog.hahaha!

Michael said...

Ay, balak ko pa naman panoorin ito. Wag na nga. *roll eyes* LOL

Hinayupak naman iyong multong na-rape, hindi marunong umakyat ng hagdan?! Sana lumipad na lang siya hanggang tuktok!! Mas sumaya pa buhay natin.. At, hindi nakalimutan ang takeout, saan ka pa!? :D:D:D

Ako si Yow said...

Nahilo ako sa pagroll eyes. Sinubukan ko bawat basa ko eh. Haha. Nakakasabik naman yung Tarzan X movie review. Itira mo na. Haha.

O sige kayo na palaging nagmimeet.

Oliver said...

nice to see you again too!
sori at di ako nakapagstay para manood ng movie kasi may kailangan akong basahin that night.
at ang tatag mo! after ng lahat ng knwento mo samin, nakuha mo pang manood ng ganyan na movie, haha.

Pao said...

Haha. You have quite a good taste in movies talaga. haha

mjomesa said...

kaw ang pinaka-cute..wahahaha..

natalbugan mo si jepoy...weeeee

I am Xprosaic said...

Hmp! inasahan ko pa naman ang tarzan X...lol... Naku, salamat talaga at dumalo ka... hehehehehe... apir! Sayang lang bitin kami sa oras...

silentassasin said...

Nice..sakto sana yan kung may kasama kayong chix..pampalubag loob..hehehe

ikotoki said...

antagal ng tarzan x na yan. haha. penge ngang kopya! lol

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding