movie review: fame

Look at the poster. Sponsored ba ito ng Coca Cola?

Hindi ko binalak panoorin itong movie na ito, pinilit ininvite lang kami ni Joanna pagkatapos ng aming Bible Study. Yup, nag-Bible Study kami uli. Ako nga na-assign mag-pray para sa forgiveness ng humankind. True fact yan, promise ipinagdasal ko ang lahat ng kaluluwa ninyo ng mga makasalanan. Pero wag ka, nung naglead ng closing prayer si Pinky, nagbrown out. Ganun sya ka-powerful.

Mali lahat ng initial perceptions ko sa movie na ito. Akala ko it's a musical about a group of teenagers na sumali sa isang contest at nanalo at sumikat, kaya Fame. Akala ko rin ito yung klase ng movie na yung mga taong nagkuwekwentuhan lang will burst into a well-choreographed song and dance number at naguusap pa rin habang kumakanta ala Sweeney Todd/Mamma Mia.

Tungkol pala ito sa mga students sa isang Performing Arts na school, kung paano sila nagstruggle through audition, freshmen year through graduation. Pinakita kung paano sila napressure at kung paano nila naovercome ang success at failure.

Para sa akin, masyadong maraming characters ang ipinakita, masyadong broad yung scope, kaya hindi nafocus masyado sa life ng bawat isa.

At hindi ko rin nagustuhan yung main storyline nung bidang babae at ng boyfriend nya kasi hindi talent kundi lovelife ang ipinakita. Sana dun sila nagfocus sa ibang characters, like yung negrang pinipilit magclassical jazz eh gusto nya nga maging hip hop whore, yung trying hard amateur director na ginoyo ng producer, or yung Asian na nagdrop out kasi she found fame not in school but in Sesame Street.

Napansin ko rin na hindi sila lahat magkakakilala (hihi) yung iba lang. Parang disconnected sila.

Anyways since this is a feel good movie, hindi dapat too serious ang pagreview. Maganda ang yung mga musical numbers, at magaganda yung songs nung negrang hip-hopper at balak ko syang i-download.

Kung di mo hilig ang music/dance baka hindi mo ito maenjoy, pero kapag nakita mo ito sa HBO at wala ka ibang mapanood, mageenjoy ka rin. Ang ganda ng verdict ko hahaha.

7 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Agree ako sa verdict mo.

Sa susunod isali nyo na ko sa Bible Study ok. Mag aappear na ko basta wag lang this weekend kasi birthday ko na 'yun.

DRAKE said...

Ewan ko parang kasing very predictable ang mga mangyayari. Parang nasa linya sya ng High School Musical saka ng Save the Last Dance. Mga tipong ganun!Ang pinoy counterpart nito ay ang mga pelikulang may nagsasayaw sa beach.hehehehe. Basta medyo nakokornihan ako dyan. Lalo na kung umiikot ang istorya sa competisyon. Masyado cinematic lang ang dating! Di ko alam kung bakit, at mukhang gandang ganda talaga si Jepoy!

Pero sabagay kanya kanya ng taste yan. Siguro dahil light lang yung istorya!heheh.

Yj said...

REMEMBER MY NAME...

BITCH!!!

ahahahahahaha

tim said...

galing, sana with lots of people especially young ones.. mas maganda yun..

Jojojo said...

Happy birthday, Jepoy!

A basta... In love ako sa voice noong isang guy. Yung kumanta nang Ordinary People or whatever... Glenn, may kopya ka noong song na yun?

glentot said...

@Jepoy i'm sure you liked this movie for the wrong reasons malibog ka kasi

@Drake yeah medyo agree ako sayo and your idea of how it's gonna be, may mga movies talaga na pre-formatted and this movie is a vicctim of its own genre...

A@YJ, give us time to forget your name hahahahaha

@Tim oo nga sana mala-Glee...

@Joanna Ruth, ikaw ba yan? Yeah I liked that song rin, madali lang hanapin yan cge hahanapin ko!!! Send ko via email.

SA MGA NAGBASA SALAMAT PO...

Em said...

i dunno but ung poster nya parang commercial ng coca cola...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding