panawagan

This post is dedicated sa mga biktima ng Ondoy... na masayang kumakaway sa camera sa likod ng reporter.

Mga Bloopers na Panawagan Part 1

REPORTER (Si Love Anover ata): Manawagan na po kayo Misis.
WOMAN: Nananawagan po ako sa pamangkin ko diyan sa California, si Beth. Beth, nandito kami ngayon sa evacuation center, sana tulungan mo kami. Bakit, nung ikaw ang nangangailangan, tinulungan ka rin naman namin ah.


REPORTER (si Pia Arcangel ata): Sige po Tatay manawagan na po kayo.
MAN: (Punas luha). Ito po ang litrato po ng buong pamilya ko po. (Pakita sa camera tatlong litrato: isang graduation picture, isang family portrait at isang stolen shot) Ito po si Michael, tapos ito yung anak ko, tapos yung pamangkin nya, si Jun, tapos ito naman yung kapatid, tapos yung--
REPORTER: Eto pong si Michael ang nawawala?
MAN: Hindi yan si Michael, eto, anak ko yan, si Jun.
REPORTER: Anak nyo ho si Michael?
MAN: Hindi, pamangkin. Tapos ito naman ang anak ni Michael, at mga pinsan, ang kapatid ko--
REPORTER: Nawawala po si Michael?
MAN: Hindi po, nandyan po sa likod ko.
REPORTER: (Exasperated) Sige ho manawagan na po kayo.

REPORTER: Ano po ang panawagan ninyo.
LOLA (Serious face): Wala na po kami makain tinatamad na akong pumila. (Sabay alis).

REPORTER: Ano po ang idinadaing natin?
WOMAN: Yung anak ko po, nagtatae.
REPORTER: Ganun po ba, ano po ba ang huling kinain nya?
WOMAN: Yung lugaw po ng GMA.

14 comments. Post your comment here.:

DRAKE said...

Whahahah natawa ako dun ah! San bansa ka makakakita na kahit tinamaan na ng delubyo at unos eh nakukuha pang magpakyut pag natatapatan ng camera with matching japanese sign pa!hehhehe

only in the philippines lang!

Yj said...

yung lugaw po ng GMA...

potang ina hindi ko kinaya hahahahaha

glentot said...

@drake that's the filipino spirit
@YJ ako man ay napatumbling nang lubusan.

Jepoy said...

Natawa ako sa huling banat. Tangina mo Glentot adik ka!

Mac Callister said...

hehe nakakatawa un huli!

Smooth Operator said...

hahaha, nakakatawa tong post na to!

Smooth Operator said...

hahaha, nakakatawa tong post na to! :))

glentot said...

@Mac Callister and Smooth Operator salamat nagenjoy kayo...

ACRYLIQUE said...

Haha! Ganun nga siguro talaga kapoag pagod na ang reporter at di pa kumakain ang mga evacuees. You can slice the tension with a knife. :)

tim said...

that is the only thing that we can be proud off, even though we had been facing those devastating typhoons, still the spirit of a fighter and the attitude of being a happy person remains.., It help us to find the way and a solution to overcome every challenges! ( who made your lay out po? ganda..)

glentot said...

@tim wow ikaw pa lang pumiri sa layout ko hehe thanks, ako gumawa, magpapalit nga ako uli now.

Em said...

hahaha ang g_g_ :))

glentot said...

haha si ems talaga hanggang ngayon ba you can't spell gago hahahah

Elmo Bagaoisan said...

hahahaha. the best yung last

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding