spread myself around

Dumadami ang interactions ko sa ibang mga bloggers.

Nagpapasalamat ako kay Momel na hindi nag-atubiling ipahiram sa akin ang libro nyang Ribblestrop at ang DVD ng old school movie The Beyond kahit hindi nya ako kilala. Kinapalan ko talaga ang mukha kong manghiram:



Isosoli ko pramis. Page 2 na ako. Nabanggit na rin si Momel, did you know na sa pagsali nya sa mga pa-contest ni Jessica Zafra eh nagkaroon sya ng chance na makainuman si J-Zaf last week? Oo inuman ito, cocktails. OK no big deal sa iba pero naiinggit me. Ang tagal ko nang umeepal sa blog ni J-Zaf at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikilala nang personal, kahit dumanak ang dugo.

Nagpapasalamat ako nang marami kay Lord CM sa pag-appreciate sa blog kong puro kapokpokan lang at naisipan nya akong bigyan rin ng award na nagkakahalagang P50o worth of groceries sa PureGold. Joke, itong badge ang award:




Yan, nagbabaga raw ang blog ko. Parang burning sensation lang. Yan ang napala ko sa kakaepal ko sa blog nya haha! Thanks Lord! Mwah!

At higit sa lahat sobrang nagpapasalamat ako kay Ruperto Prieto Jr!!! Dahil ako ang ginantimpalaan nyang makatanggap ng award sa blog nya:





Effort yan kasi pinadala nya pa talaga via 2Go, with matching bookmarks at Blogger Information Cards. Kinapalan ko lang ang mukha ko na sumali sa pa-contest nya. Kinuli-kulit ko sya para ako ang panalunin nya. Kapal ng mukha ang ipinuhunan kaya maraming salamat Pertz and more power to Bookable Reads!!!

Kaya kung gusto nyo ring manalo ng libro, sumali na kayo sa contest nya sa kanyang blog.

Ang lesson for today is: Aim high kupal! Marami kang ma-aachieve gamit lang ang kapal ng mukha. Just look at me!

Bwahaha salamat sa inyong lahat mga Kids at isang malaking mwachupaaaaaaaaaa!

Up Next: Tarzan X.

53 comments. Post your comment here.:

ahmer said...

Talagang kasama ka pa talaga sa pic ah. Hehe

khantotantra said...

wow, mukang maraming ma-aachieve kapag makapal muks.

aabangan ko ung up next, tarzan x :p

Lord CM said...

ikaw na may mukhang ganyan! lolzz

congrats parekoy!

Axl G. said...

astigin.. gusto ung mga libro na yan... congrats sayo men!

Momel said...

Ahahahaaa! Unang una, salamat sa special mention Glen. At salamat sa libreng large na four seasons na juice dian sa foodcourt ng megamall, lavet! Napanood mo na ung The Beyond? Review mo minsan, kahit petite lang. Hehee shanga pala, take your time lang sa Ribblestrop!

Antindeh, you really are doing the rounds!

Mervin said...

congrats! =D

MiDniGHt DriVer said...

Sarap naman! langya, makapal din naman mukz ko ah.. bat wala ako ng mga yan? hmmm

kikilabotz said...

aim high kupal. bwahaha

isa ka namn talgang magaling n blogger glentot

ʎonqʎʇıɔ said...

nakakahiya mang aminin pero naging napaka importante ng pelikulang tarzan x sa aking formative years. lol

and why do i have a feeling this was all some elaborate excuse to show pictures of urself. hee hee

I am Xprosaic said...

Dapat talaga kinukuha ka nang model/endorsers ng mga ganyan... kita mo naman... bagay na bagay! hehehehehe

Unni-gl4ze^_^ said...

naks aim high kupal!ahihi
kakapalan ko nga fess ko next tume para manalo sa mga kontest,,
nice one glentot~~gusto ko yung 8th confession~~~

viva~

caloy said...

kunwari ka pa. hindi mo naman talaga isosoli yan. hahaha!

word verification: manias a9bagay na bagay sa'yo. damang-dama ko) hahahaha!

Traveliztera said...

iba ka talaga hahahaha! pakapalaan na tohhhh hahaha!
pero katuwa naman hahaha! o dali kulitin mo naman si j-zaf! haha

Jag said...

I agree with you! Sana makapal din ang mukha ko nyahaha! lol...Congee!

Jepoy said...

oi puta mo pahiram muna ng book bago mo isoli puro bob ong ang binabasa ko ngayon eh...

Emmaleigh said...

hawig mo nun friend ko :D

James Patterson! wow! sucha fan of his. :D meron ako nibili bago book nya ngayon, I, Alex Cross hehe

lemme know what you think about the 8th confession. :D

Will said...

Whut? Gusto ko ring bumili nyang Ribblestrop pero wala lang akong pera!

Myrtea said...
This comment has been removed by the author.
Myrtea said...

Tarzan X??? sounds yummey!

hanapin mo yung spongebob X, the nudie pants edition! bomb!

aliw ever blog entries mo kuya.

Pao said...

Haha. Sobrang pag-advise na kapalan pa ang mukha ah. hehe.

Mac Callister said...

uyy may pogi!LOL

at ang galing naman andami mo na -acchieve dahil sa kupal mo este sa pangungupal hehehhe

fumbledapple said...

Achievement ang post na walang masyadong kalibugan. :)) Congrats sa Kuya Glen! Sana kasing epal mo rin ako -- parang maepal na nga ata ako e. Pahingi naman ng libro dyan o. Haha

Oliver said...

wow, may mga ganyan palang pakontes~ sayang, di ko alam.
sasali sana ako kaso puro romance books ung prize for october e, hehe. pag trip ko na ung book, saka ako sasali.

The Philippine Guild said...

galeng. ganda ng photography. self-timer? or nag-hire ka pa ng official fotog? (halatang di nagbasa hehe) babalikan ko tong post tonight to read it.

ikotoki said...

Haha. TarzanX! I've seen it when I was in 6th grade. I'll look forward to your review. ;p

Habibi Lakiari said...

Magaleng magaleng magaleng!
La lang. Hehe!
Cool blog...

Klet Makulet said...

Ayus! Nga po pala salamat sa pag visi. Thanks din sa advice :)

Habibi Lakiari said...

Cool blog, glenepaloidtot! hehe

2ngawzki said...

hahaha!zge kaw na ang baribot at bibo sumali at umepal sa mga pacontest.Matularan nga..hahaha!!

p0kw4ng said...

eh bakit walang kasamang pekpektyur ng EB nyo ni Momel?

go go go kupal,hihihi!

gillboard said...

uy gusto ko yang james patterson na libro!!!

Jun said...

oops, 2 x pala me nakapagcomment, sowee

KUMAGCOW said...

Ikaw na may structure sa blog hehe

Glentot, if you want to meet Jessica Zafra just go to her favorite resto and bar... lagi naman nakatambay un dun with wifi =)

Hirap sumali sa mga contests nya, hindi ako nananalo dun eh hehehe I guess you need to medyo be yucky at gory sa details when you write, that's how she appreciates it.... so pareho tayong maging kupal dun sometime...

kupal na kumag pa

-KUMAGCOW hwehwehweh

Traveliztera said...

salamat sa comment hahaha!
sinadya kong un ung kanta haha kasi andaming naaasar sa kantang un haha!

Andy said...

Nakakatakot yung picture! Haha.


Oist pahiram naman ning neverwhere pag tapos mo na at pahiram ko sayo yung tarzan x director's cut ko. Hihihi!

orally said...

aim high kufal indeed!
it paid off.
congrats.
enjoy those books.

DRAKE said...

ang sama nyo bakit ganyan ang sinasabi nyo sa pagmumukha ni glentot!

Ganyan na nga yung tao, panay sabi pa kayo ng mapanglait na pananalita!LOLS!

Ingat pre

KUMAGCOW said...

Minsan nasa Enchanté Restaurant Joy-Nostalg Center (Oakwood) on ADB Avenue in front of The Podium pero madalas sa Press Cafe in Fully Booked at The Power Plant Mall or mostly sa mga restos there kasi dun tumatambay yun afternoons =)

Pong said...

congrats sir sa mga napanalunan mo, pahiram mo din sa akin mga napanalunan mong mga stuffs
isosoli ko din

be blessed sir

ea said...

Inggit naman ako..dami m0 books f0r free! :-D

♥superjaid♥ said...

hahaha congrats kuya!^_^

Sendo said...

napaka charismatic mo naman ata nyaha....ayusin mo pagbabasa at congrats sa award award

Poldo said...

hahaha AIM high KUPAL! pwede! hahaha

naghahanap ako dito ng good books to read mukhang gusto ko yung 8th confession... salamat hihihi

winalangya ka nanaman ni bossing drake hahahahaha

f. jordan said...

I have a signed copy of Gaiman's Anansi Boys. I know someday it would cost a good bagful of cash. Hehe...

Anyway, I just couldn't help but stress that this blog has one of the best mastheads I've seen this day. Galing, the imagery alone rings a lot of Macbeth!

yuuki-chan said...

Oh no, nahahalina ako sa mga libro sa iyong mga litrato! Hindi maaari, may 4 pa ako na pagsusulit sa darating na linggo! :))

At may 4 na libro pa ako na inaagiw na sa sulok ng kwarto ko. :|

The Gasoline Dude said...

Nalula ako sa dami ng comments. 45 & counting, wala pang reply si Glentot. IKAW NA! LOL

Gusto ko sanang i-collect lahat ng libro ni Neil Gaiman kaso marami pa akong librong hindi nababasa.

silentassasin said...

excited na me sa tarzan X!hhaha

darklady said...

Congrats! dami nakuha ah.^_^

PABLONG PABLING said...

kelan ka mag papa contest tapos i award mo din yang mga napanalunan mo

mr.nightcrawler said...

ganun ba? pwes, kakapalan ko na rin ang mukha ko. humanda ka, may kakalaban na sa kakapalan ng mukha mo. hehe. gusto ko rin ng libro! pahingi! o sige na, kahit pahiram na lang! haha

Myrtea said...

totsky! totsky na lang tatawag ko sayo kahit hindi naman tayo close ha.

dali ka at may nakakagulantang akong balita sayo. :)

Traveliztera said...

yayyy nameet na rin kta sa wakas! haha!

Ako si Yow said...

Eh panu'y talentado ka Idol kaya ka nananalo. Nakakahiya sumali sa mga contest eh. Haha. Di ko kaya.

Mukha kang batang binilan ng magulang ng laruan. haha.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding