current reading 01

Mahilig akong magbasa. Lalo na kapag walang pasok, walang kuryente o walang pera. Alam mo ba na 90% ng nalalaman ng tao ay nakukuha sa pagbabasa ng Xerex. At ito ang librong mga kasalukuyang binabasa ko:




Matapos ang Volume 1, dali-dali akong bumili ng Volume 2 at excited pa akong umuwi ng bahay para magbasa. Ito ang pinagpupuyatan ko at binabasa ko ito ng malakas with British Accent. High school pa lang ako idol ko na si Kuya Sir Arthur Conan. Ngayon, kumpleto ko na lahat ng writings nya... Ngunit naantala ang pagbabasa ko nito dahil sa susunod na book:




Hiniram ko lang ito sa aking mabuting officemate. Hindi ko nga alam kung ganyan talaga yung cover kasi ancient na yung libro nya at kinoveran nya ito ng very very nice and bright violet (in contrast sa madidilim at morbid stories na laman nito). High school pa lang ako idol ko na rin si Kuya Edgar Allan. Pangarap kong maging tulad nya (mamatay na baliw).




Eto naman, Classical Mythology (yung English version) nakita ko lang sa National Bookstore noong Halloween. Ewan ko ba. Yung papambili ko sana ng pantalon naipambili ko ng libro. Darating ang araw, papasok ako sa ofis na papel lang ang suot. Pero at least, alam ko na ang Greek Mythology!!! (...na wala hindi ko naman magagamit sa tunay na buhay...)




Pinahiram sa akin ng aking favorite university instructor ito noong college pa ako. Eh ang kapal kapal at hifaluting, nagpa-dextrose pa ako para maintindihan. Kaya sinoli ko after ng chapter 4. Ngayong malaki na ako, nagdownload na lang ako ng e-book para hindi ko ramdam ang kakapalan ng book. Naiintindihan ko na ang mga grown-up words! Chapter 4 pa rin ako nang huli ko itong binasa.




Hindi ko pa rin tapos ang karumal-dumal na e-book nito na kapupulutan ng maraming aral. Isa ito sa mga pinaka-nakakadiring libro. Author, Marquis De Sade, ang origin ng term na "sadism".




Eto sa pagpupumilit ni Jepoy ay pinilit kong basahin ngunit maganda sya kahit hindi kao mahilig sa bampira stuff nakakawili basahin habang nagtatrabaho. Hindi ko lang nga naituloy pa kasi busy me sa work. Lolx.




Eto, pinaghirapan ko pang hanapin sa Internet. Paborito ko ito noong bata pa akong musmos Grade 4 yata ako noon. Series yan eh. Pang-apat na yang binabasa ko at hindi ka na naituloy dahil sa dami ng nangyayari sa buhay kong emo. Pero alalang-alala ko pa kung paano ako binalibag ng tatay ko sa kama ko nung nahuli nya akong nagbabasa nito ng maghahatinggabi na. Si Tatay talaga, isang malaking ASSHOLE.




Sa dami ng mga binabasa ko nang sabay sabay nitong mga nakaraang buwan ito pa lang ang natapos ko, Snuff by Chuck Palahniuk (author ng Fight Club). Maganda ang story nyan, about a pornstar na nagset ng record na makikipagsex sa 600 katao in one sitting. Marami po tayong matututunan sa libro na ito, more on the porn industry, which is my dream job.


Ayun sa dami ng mga binabasa ko hindi ko alam kung may matatapos pa ba ako.
Sucks to be me.

16 comments. Post your comment here.:

whitepaige said...

dude dmi nman yan..hiihih ako sa2kit na ulo ko jan..hahaha

recent post-How to use Disqus Comment Platform to your Blog

m u l o n g said...

ang dami naman...yamaaan!

wala akong hilig sa ingles...siguro impluwensya ng pag mahirap ka

di ko alam kung may koneksyon nga ba

glentot said...

@Whitepaige i went to your blog wow ang ganda. hehe masakit na nga ulo ko kakabasa eh kaya lagi kong natutulugan puro laway na ung books ko.

@mulong nagpapahumble ka na naman tsk tsk heheheh

Jepoy said...

Baket wala ang Last Symbol?! hihihi Parang gusto ko rin lagay ang mga recent books ko :-D

glentot said...

@Jepoy eh kasi pekpek ka ayaw mo magpahiram hehehehe

Joie said...

Speaking of books, bilin mo ung Ako Ay Pilipino na book!!!!!!!!

Yun lang...

Joie said...

Speaking of books, bilin mo ung Ako Ay Pilipino na book!!!!!!!!

Yun lang...

p0kw4ng said...

sa dami ng sabay sabay na binabasa mo eh goodluck na lang..ahahaha

mahilig din akong magbasa dati pero ngayong ang oras ko eh nauubos sa kakatitig sa internet eh nawalan na ako ng karir dyan!

sa dami ng book na pinakita mo eh don ako sa snuff naging interesado...kamusta naman ang 600 na tao sa isang upuan lang...ahahaha

glentot said...

@joie why so expensive hehehehe

@pokwang sabi ko na nga dun ka magakakainteres eh hehehe basahin mo at nang mainspire ka...

Yj said...

tangina bumili ka ng libro? ulol! ninakaw mo yan hahahahahaha

next time sabihin ko sayo kung ano use ng greek mythology in real life... puta ka major ko yan eh hahahahahaha

Jag said...

yoko ng mgbasa jan nsira mata ko jijijiji...gusto ko ang design ng banner mo pre...perstaym dito...salamat sa pagdaan sa blog ko....

glentot said...

@Jag thanks balik balik ka

glentot said...

@UJ puta Major mo Greek Mythology kaya pala Goddess ka wahaha

Ayie said...

Naalala ko yung B1 Gang--inis, may collection ako nyan--pero wala na, nabaha daw sabi ng nanay ko-kasama ng sandamakmak na loveletters at anik anik na tinatago ko.

I lvoe books! Pero gory yung ibang binabasa ko-- i love Tess Gerritsen, try mo yung "The Surgeon" nya. Super!

Story sya ng isang psychomaniac na pinapatay ng mga girls bago gahasain--pero kakaiba ang kanyang fetish..basta, wish ko mabasa mo.

glentot said...

@WOW OMG a living person na nagbabasa rin ng B1 Gang HUHUHU akala ko ako na lang ang naiwang nagbabasa nun sa mundo ang ganda diba? Hehehe kidstuff na medyo intelligent read...

Hmm The Surgeon mahilig din ako sa gory eh so malamang maghahanap ako ng downloadable e-book nyan...

Read mo yung Snuff hehehe maiinspire ka...

backPackingSheet said...

hi, san mo po nakuha yung B1 gang na copy? makikipirata din po sana thanks.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding