farewell pinkipay

So bale malapit na umalis ang aking good friend and shot buddy Pinky (uuwi na sya sa Baguio at magteteacher sa UP), at every weekend ay sinasagad namin ang pag-iinuman kasi medyo matagal-tagal kaming hindi magkakasama. Baka buwan or taon pa baka bago kami mag-inuman uli.

Laging venue ng pag-iinuman namin ay ang Watering Hole sa tabi ng Shangri-La along EDSA. Sa veranda lang kami lagi kasi may entrance fee sa loob, at yung pang-entrance fee ay ipapang-inom na lang namin. Masarap uminom dun kasi tahimik (kung i-aauto ignore mo ang busina ng mga bus along EDSA, street level pa man din ang veranda). Mura pa ang drinks (1 bucket na beer at sizzling sisig for P270) at OK ang crowd, walang mga epal na drunks or mga pokpok na naghahanaapbuhay. At nakakapag-usap kami ng high level na kababuyan stuff na walang nangingialam sa amin.

One year na siguro kaming nagpupunta dun. Usually one on one kababuyan marathon lang ang inaatupag namin. Minsan Blueetooth Convention (nagpapalitan ng mp3's via Bluetooth). Madalas pinag-uusapan namin ang mga taong malapit sa amin, pati mga nakaaway namin. Nagrereminisce lang ng buhay college at nagbubuo ng mga future plans na tinatamad naman kaming umpisahan, like plans for an indie film or a book. Pero mostly, kababuyan stuff ang topic namin. Para kaming may weekly confession ng mga ginawa naming kasamaan sa week na iyon, we try to wash our sins away with beer.

Nung last Tuesday nagshot kami uli sa Watering Hole. Umakyat lang sya para mag-CR, at pagbalik nya, putlang-putla sya at malamig ang kamay nya. Paglabas nya daw pala ng CR, may nag-aaway na dalawang lalaki sa labas ng pinto, at may baril yung isa, at naitutok kay Pinky ang baril, kaya tumakbo sya uli papasok sa cubicle dahil ayaw nya pang mamatay (kahit lagi syang nagtetext sa akin na "Shot tayo now I wanna die"). That's Life or Death Situation # 1.

Kagabi, Sabado, nag-usap kami na magkikita uli kami para magshot uli sa Wa-Ho. Habang naglalakad sya sa Crossing, may lalaking humablot sa braso nya at kinaladkad sya. Yung lalaki, may kasamang dalawang goons (bodyguards?) at may kasunod na sasakyan. Nakaladkad na sya ng lalaki bago pa ma-realize ng lalaki na maling babae pala ang kinakaladkad nya. So in short, muntik na syang makidnap, or magangrape(?). That's Life or Death Situation # 2.

Malamang next week magshot na naman kami. Manlalait ng ibang tao, magpapalitan ng kasalanan stories, magsosolve ng mga problema naming ayaw masolve, magsasaya sa miseries ng iba, anything time consuming to make up for the times ahead na hindi kami makakapagmeet at mangangarap, or makakapagpalitan ng putang-ina moments, at hindi magkakasama para uminom.

Pnx, we'll miss you. Me, Joanna, Jeff, Beomz, ang mga staff ng Watering Hole na inaaway mo every week, your killers and kidnappers, we will all miss you.

18 comments. Post your comment here.:

Yj said...

hahahahaha ang kulit natin kagabi... oy hinatid ko yang si pinky sa motel na tinutuluyan niya, kahit takot na takot ako dahil nanggagahasa ng bakla yan hahahahaha

ill miss you pinky... muahz

Joie said...

Indeed Pnx will be missed...

Ano-ano kayang intriga ang papasukin nitong si Pinky as a UP professor? Hmm...

Yanie's Ka-blags!!! said...

umeklabu ako dito, ganda ng storu ni pinky! haha ingat na lang!

Ape Rockstar said...

Mukang takaw drama/eksena ang Wa-Ho these days ah...pero masarap nga uminom dyan. Bad trip lang minsan ung service...pero all in all..aprub dyan!

m2mtripper said...

Namiss ko tuloy ang bespren ko.
Miss ko na magpaka-retarded kasama niya.

Sigh... :(

Alkapon said...

sinong pinky?

Pinky webb?

Ayie said...

Ang sweet naman. Farewell post para sa mabuting kaibigan--sya ba kasama mo noon after ng training/seminar mo?

glentot said...

@YJ nyahaha nalasing ba sya? parang oo.

@Joie yeah I keep wondering about that, so does she.

@Yani thanks mwah nyahaha parang ako ang aalis..

@Ayie yup syana nga yun kaya nagmamadali akong maglogout dahil uhaw na uhaw na uminom

@Ape Rockstar umiinom ka rin pala dun tsk tsk baka nagkakasabayan pa pala tayo ah hahaha

@m2mtripper (nice name haha) hindi mo ba kayang maging retarded on your own hehe joke...

@Alkapon lolx Pinkipay nga eh... sayang di sya active blogger.

kikilabotz said...

gnda ng friendship..ahehe

sayang mgkakahiwalay na kau. mizz kona kabataan ko

kikilabotz said...

gnda ng friendship..ahehe

sayang mgkakahiwalay na kau. mizz kona kabataan ko

m2mtripper said...

@ glentot: Retarded na ako by nature. Pero mas masaya kung may karamay ka sa karetarded-an mo. Hehehe.

KAMPAI!

Alkapon said...

Nagpuputok ang butsi mo sa latest post mo ah..ha ha ha ha

relax ka lang.. cool lang.. ganyan lang talaga ng blogging.

glentot said...

@Alkapon tsk tsk humanap talaga ng paraan para magcomment hahaha salamat na rin sa pag-intindi...

Joie said...

Pnx was about to tell me last night about what happened to her at the Watering Hole, starting with "Oh, did I tell you about..."
And I was like, "Yeah. I know."
"I told you?"
"No. Glenn did. Through his blog."

wendell said...

Huh?! Pinky?! But why?!?!?! =( we'll miss you pnx... may ganun?! hehe

glentot said...

@wendz yup wala na yung late sa Bible Study natin hahaha

@Joie hahaha I cuold imagine your shock the first time you read it from here.

pinky/pnx said...

after what? 2 weeks? nabasa ko din toh... tnx mamimiss ko kyong lahat, mga co-musmos palaboy kids koh... ang mga walang humpay na paglalaboy natin sa kalibliban ng metro manila... dapat gawin natin tong special activity eh, ang paglalaboy, cge next time pagbisita ko hahaha

glentot said...

@Pinky we'll be waiting...

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding