going green

Hey Kids, I want to go green, paninindigan ko na, tutal matagal na rin naman akong pinagbibintangang green-minded eh di take it to the next level na.

Napapansin nyo naman siguro na malapit na ang end of the world nagbabago na ang panahon dahil sa pollution, global warming and other fun stuff. Naisip ko lang na kung ayaw kong tumulong, wag akong dumagdag sa problema. At ito ang mga naisip kong magandang gawin.

1. Sa ATM, pag nagwiwithdraw at nagchecheck ng balance, hindi ko na piniprint yung receipt. Kasi dadagdag lang sya sa basura. Tapos naiipon lang sa bahay/wallet, at itatapon rin kapag nabura na ung print at hindi na mabasa. May mga tao pa na matapos i-print eh huhugutin sa machine, i-crucrumple tapos ishoshoot sa overflowing na basurahan NA HINDI MAN LANG TINIGNAN YUNG PRININT NYA. What the fuck just happened? Yung punong pinutol para gawing papel eh nasayang, at sa susunod na mga taon kapag wala nang puno, kapag tirik na tirik ang araw, sana masubukan nating sumilong sa lilim ng ATM receipts.

2. Yung mga bus tickets, kahit asiwang-asiwa ako hawakan yun, o ibulsa, hindi ko talaga magawang itapon at makikita kong dadagdag sya sa milyon nang bus ticket sa kalsada. Kaya kinakain ko yung bus tickets imbes na ikalat.

3. Yung Tita kong si Sasha Fierce? Ugali nun na iwang nakabukas ang gripo sa banyo. Narerelax yata sya kapag may naririnig na flowing water sa timba. Galit na galit ako kapag nahuhuli kong bukas yung gripo at umaapaw na dahil baka tumaas ang bill sa tubig we have to conserve water. Kaya binabatukan ko sya. Kayo rin, kung may tiyahin kayong pasaway at hindi nagcocontribute sa pagcoconserve ng resources, batukan nyo po sila.

4. Malalaking contributor sa polusyon ang mga factory. Sila rin ang malakas gumamit ng resources. Kaya kung mataas ang konsumo natin sa mga produkto nila, tataas ang demand at kailangan nilang taasan ang supply, meaning tataas ang produksyon nila, ang paggamit ng likas na yaman at pag-emit ng usok. In short, Reuse condoms.

5. Watch 2012, showing next week. Hindi naman makakatulong sa global warming or green advocacy pero at least alam nating malapit na tayong mamatay lahat nag-enjoy tayo watching the film.

Bye Kids Mwah.

13 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

hindi ko carry ang reuse condoms pota!

Lee said...

ayus lol, salamat nga pala sa boso sa site kong walang ka kwenta kwenta

DRAKE said...

imbes na condom, supot na lang ng ice candy!sing tibay pero hindi sing mahal!hehehhe

parang seryus ka bro!!

ingat

dencios said...

parang nanakam ako sa bus ticket. masarap ba? nextime try ko, magbabaon pako ng tinapay para ipapalaman ko sya.

haha

glentot said...

@jepoy kunyari ka pa... yun na nga lang maitutulong mo sa kalikasan...

@lee salamat rin sa pagvisit...

@drake wahaha baka manguya, mabutas

@dencios haha salamat sa pagvisit...

NAPAGAHAHALATANG MGA NIGHT SHIFT TAYO

precious said...

ayos ah, pano b yan binatukan din ako ng tita ko dhl wl dw akong paki at hindi ako ang ngbbyad ng bill?!

aw.
:lol:

glentot said...

@precious ayun lang tsk tsk pag sinunod mo yung step number 3 dapat mabilis kang umilag...

Yj said...

gagah anong reuse condom... condom kaya ang ginagawang chewing gum... TSE!

Patricia ♥ Ashika said...

nawala ako sa tamang pag-iisip sa pagrere-use ng condoms. eeew.

Alkapon said...

green minded ka pala..he he he
i mean maka kalikasan ang iyong advocacy.. tama yan..bibihira ang ganyang matitinong pag iisip..

matino ka rin pala, akala ko addic at tambay lang sa kanto..he he he he jowk!

sige, ipagpatuloy mo lang ang iyong adhikain, malayo ang iyong mararating....kapag hindi ka matigil sa kalalakad.

glentot said...

@YK kaw talaga kung ano ano sinusubo mo...

@Patricia y not give it a try po knug para yun sa ikaliligtas ng kalikasan

@Alkapon hahaha marami pa akong naiisip na paraan para maligtas ang kalikasan ngunit maraming mandidiri.

pnx said...

tang!na parang lahat na toh ako, ung resibo sa atm kasama pa kita nun gaga. ung tubig, sinasara ko naman pero di mahigpit para cute lang hehe. ung polusyon, ako uli sa lung center

2012 yeah !!!

glentot said...

@pnx what about yung reuse condoms, yun lang ba ang na-achieve mo hahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding