melanie

May aaminin po ako sa inyo. Crush ko si Melanie. Yung classmate ko nung Grade 3. Wag nyo ipagkakalat ha... Hihihi.

(Trip down memory lane ito...)

Si Melanie ang pinaka-astig at kick-ass girl nung Grade 3 pa kami. Lahat kasi ng mga babae noon sa klase namin ay mahinhin(dutin) at bwisit sa paningin (mga panget mukhang Apocalypto!)

Iba si Melanie. Maganda sya, sya siguro ang pinakamaganda sa klase. Mahaba ang buhok nyang wavy to moderately kulot. Maputi sya at makinis. Ngunit tomboyish sya, yung tipong magandang bata na nababalitaan mong nakipagsuntukan. Lagi nga nakataas ung sleeves ng t-shirt nya eh, parang siga sa kanto.

Medyo close kami kasi lagi syang sumasama sa bahay namin noon, para mangopya ng assignment, o magmiryenda o maglaro. Madalas din kami sa plaza, naglalaro ng tayaan sa palibot ng estatwa ni Gat. Jose Rizal, saksi sya sa aming kaligayahan.

Sya ang nagturo sa akin paano mag-rollerblades (nasaksihan rin yan ng estatwa ni Gat. Jose Rizal). Magkasundo kami pagdating sa laro, pero madalas rin kaming mag-away sa mga malilit na bagay pero nagkakaayos din kami matapos magbigayan ng "I'm Sorry" letter nyahahhaa corny WTF.

Ang sabi ng mga tsismosa sa amin, wala raw tatay si Melanie. Kabit raw yung nanay nya, maganda raw kasi. Nag-iisang anak rin sya, pareho kami.

Kakaiba si Melanie. Sya yata ang unang babaeng nakilala ko na marunong magsinungaling.

Nung Grade 3 kami lagi kaming pinagbubunot ng damo kapag hapon. Hindi sya sumasali sa pagbubunot. Sabi nya sa teacher namin, may asthma daw sya at bawal sa kanya makalanghap ng damo. Nangangati raw yung mga legs nya dahil allergic sya. Pero kapag tapos na ang pagbubunot, nangunguna sya maglaro ng sipa... sa damuhan.

Absentee si Melanie. Isang araw, pinatawag ang lola nya sa school. Kinausap ng adviser namin, hindi daw ba sya nagtataka kung bakit hindi pumapasok si Melanie. Ang sagot naman ng lola nya, sabi raw ni Melanie, wala talaga kaming pasok. Hanep. Gullible ang lola mo.

Tuloy, nahuhuli sya sa mga lessons namin. Hindi nya masyado natutunan yung mga kapokpokang tinuturo ng teacher namin nung Grade 4, yung halimaw na si Madam N na nagkabreast cancer (sucks to be you!). One time, pinahiya sya ng teacher namin.

Pinatayo nya si Melanie at pinagbasa nang malakas ng isang paragraph mula sa textbook. Science and Health ang subject nun, at umagang-umaga. Alalang alala ko pa habang nagbabasa si Melanie...

"...IN the body?"

"Mali, in the BODY!" sigaw ni Madam N.

"...IN the body?"

"Mali nga! ...in the BODY! Nasa BODY ang stress hindi sa IN!"

"...IN the body?"

"...in the BODY! Sentence yan hindi yan pa-tanong!"

"...IN the body?"

"...in the BODY!"

"...IN the body?"

"...in the BODY!"

"...IN the body?"

"Hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha."

Paulit-ulit na binasa ni Melanie yung sentence. Ang akala nya, mali yung binabasa nyang words, hindi nya gets na mali lang yung intonation nya. Tawanan ang mga kaklase ko. Ako natawa nung una pero nung hindi nya talaga makuha eh naging awkward na para sa akin. Nasasaktan me!

Nakailang ulit na sya hindi pa rin nya nakukuha, nangangawit na yung paa nya sa pagkakatayo, hindi pa rin nya nababasa nang tama. Tumigil na sa pagtawa ang mga kaklase ko, at namumula na sa galit si Madam N. Humina na ang boses ni Melanie, at nakayuko na lang sya habang nakatayo, nakatitig sa mga salita sa libro na hindi nya mabasa nang tama.

Ako ang nahihiya nun para sa kanya. Gusto ko syang turuan. Sana ako na lang ang pinabasa, intonation lang pala eh, isaksak ko pa sa pagmumukha ng teacher naming gurang (na yumao na ngayon, Rest in Peace, bitch!) ang gusto nyang intonation. With British accent pa lolxwtf.

Kalahating oras na siguro bago pa makuha ni Melanie ang intonation, pero huli na, napahiya na sya, at hindi na sya kumibo nang makaupo na sya, parang pinipigil na lang nya umiyak habang hinihintay magdismissal.

Sa palagay ko, may nagbago sa kanya dahil sa pangyayaring yun.

Hindi na kami masyadong close nung mga panahong iyon. Siguro dahil hindi na nya gustong mag-effort mnagopya pa ng assignment na hindi naman nya balak ipasa.

Dumating yung time na madalas na ang pag-aabsent ni Melanie. Hanggang sa one time, tuluyan na syang nawala. Sabi ng lola nya sa amin, may dengue daw sya, pero syempre hindi na kami naniniwala. Ang sabi-sabi ng iba, lumipat na raw ang pamilya nila sa Manila.

Ganun lang, walang paalam, nawala na si Melanie, at hindi na namin nakita o nabalitaan pa. Nalungkot me. Totoo kayang nagka-dengue sya? Namatay? O nagrebelde lang sya? Naglayas? Tumino na ba sya? Ang pinakamahalaga, virgin pa kaya sya?

Kanina, naisip ko syang hanapin sa Friendster. For sure, mahahanap ko sya kung meron syang account, basta may picture nya. Makilala ko pa kaya sya? Makilala pa kaya nya ako?

Tinype ko sa Search box:

"Melanie..."

Napatigil ako saglit. Ano na nga ba apelyido nya? Ayun,

"Dela Cruz".

Napatigil ako ulit. Sheht.

"Melanie Dela Cruz"...

Hindi ko na tinuloy.

Malabo nang mahanap ko pa sya sa dami ng mga Melanie Dela Cruz sa mundo...

The End.

And ang moral of the story is that every person will experience that one great love that will flow through and will stay in the heart...







...in the mind...






...in the soul...






...IN the body????

13 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

in the BODY? are you sure

Ang ganda ng composition. Aylabet! Sana sinearch mo si Malanie sayang naman ang naudlod nyong pag iibigan. Gusto mo ako na mag search tapos message ko sya? Alam ko naman full name mo eh. LOL

glentot said...

@kapatid na Jepoy salamat naman hindi ka nanlait this time. Sige nga pakihanap malay atin virgin pa pala sya nyahaha

mtoni said...

isearch nyo kase sa fb, prenster pati twitter.
malay mo lang...
o kaya patulong sa ate lee paghanap?

toni D. said...

-ung mukhang doll!..Naging classmate ko rin sya nung grade 2 bez bago ako lumipat ng school at bestfriend ko sya nun. Naalala ko nga lagi nya kwento ung alaga nyang dwende hehehe, tapos ung parang butlig nya sa tenga eh gawa raw nung dwende. At ung nanay nya, nagtitinda ng karne noon sa palengke, ang ganda-ganda parang si osang. Crush mo pala un!

glentot said...

@Toni D. shunga magkaklase tayo nung Grade 3 naging classmate natin sya pareho oo nga naalala ko yung kwento nyang yun pati yung extra flesh nya sa tenga...

@Mtoni nyahehehe makita pa nya kaya? Curious lang talaga kami kung buhay pa sya...

Ayie said...

Naks, may ganun ka pala...

glentot said...

@Ayie syemps hehehehe

g7 said...

"And ang moral of the story is that every person will experience that one great love that will flow through and will stay in the heart..."


ayos ah :D

glentot said...

@g7 hindi ka nagscroll down ano? May punchline yun eh.

g7 said...

nakita ko rin un., :)) hehehe "in the BODY!!"

Anonymous said...

Im just here glen..

jason melanie hahaha

RoVee™ said...

nakakatuwa basahin mga old posts mo..
ndi kaya si GUMAMELANIE yan? lol


tawa much ^,^ galing...

chilaxjukebox said...

wow, I thought ako lang nagbabackread these days...hahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding