movie review: 2012

Putang-ina, finally.

Paborito ko na ito, nalampasan nya ang Watchmen at District 9. Matagal ko na syang hinintay, at kahit may pasok ako ngayong gabi eh pinanood namin sya kaninang umaga.

♥♥♥!!!

Hindi dahil isa ako sa mga naniniwalang end of the world na sa 2012, kundi isa ako sa mga umaasa na end of the world na sa 2012, preferrably sooner.

So yung movie eh tungkol sa kung ano yung napredict ng mga Mayans, scientists, the Bible(?) na mangyayari sa December 21, 2012 which is malalaspag ng very very harsh ang mundo at maraming malilibog ang mamamatay (shoutout to Jepoy na galanteng galante! Thanks mwahchupa!).

Mag-eemit ang araw ng maraming maraming init at matutunaw yung ilalim ng mundo(?) tapos magpapalit yung north and south poles, at madidisplace ang surface ng mundo. At habang bumubuka ang lupa at nagtitidal wave nang very very nice eh patakbo-takbo sila John Cusack at ang pamilya nya at lagi silang "muntikan" as in muntikan mabagsakan ng building, muntikan malaglag sa bangin, muntikan masabugan ng bulkan. Lagi silang saved at the last minute, at sa sobrang suspense ay naihi ako ng very very light.

At dahil bida sila wala silang galos kahit very very mild.

Sobrang loaded ito ng special effects at OK rin yung story kahit may similarity ng konti sa War of the Worlds at The Day After Tomorrow (gap between father and child). No boring/useless na pampahaba scenes. Medyo cheesy sa ibang parts. Nakakaiyak minsan. Mahaba sya, 2 and a half hours yata kaya umihi na kayo bago manood.

The best itong panoorin sana noong Ondoy moments para feel na feel ang end of the world.

December 21, 2012. Mark your calendars Kids! *wishful thinking*

Panoorin nyo na Kids. Panonoorin ko uli ito bukas. Tara sabay sabay tayo!

14 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Kiki ka! Ubos na ang sweldo kong 2500 :-D Ganda ng Mubi aylabeeet!

glentot said...

Wahaha waldas ka eh...

uragon said...

sabi nga nila danda raw to... tinamaan kasi ako ng pinagsamang puyat at katamaran... pero pwamis... panoorin ko to sa weekend

glentot said...

@uragon kuya, diba ngayon yung weekend???

. said...

papanuorin ko pa lang sa monday sir :D

MakMak said...

Hahaha. Totoo - mag-washroom muna at wag magbaon ng drinks dahil baka maihi sa haba ng film.

Ayie said...

Mukhang masusulit ang pera ko pag sa sine ko ito pinanood with matching h-h-w-w-m (holding hands while watching movie) kasama si habibi. At least more than 2 hours sya--hindi na lugi ang almost 400php na bayad sa sine!

DRAKE said...

Glentot hindi ko alam bakit malakas ang pananalig ko sa mga movie reviews mo, at dahil sa review mo na yan idodownload ko na yan!

BTW, 500 days of summer, 5 out 5 tickets.ANg ganda ng movie the best!

Ingat pre

Alkapon said...

Kaya pala sabi ni Jepoy, umiyak ka raw.. iyakin ka pala..

akala ko pa naman, tigasin ka.. he he he..

Uy! nag date pala kayo ni Jepoy?.. mmm, pwedeng issue yan ha? sino ba sa inyo? nya ha ha ha

toni D. said...

sana mangyari..sana ngaun na! fuck this life!

glentot said...

@ . opo tapos pag hindi nyo nagustuhan wag ako sisihin ah hehehe

@Makmak yung baon ko nga na drinks balak ko nang gawing arinola kasi naiihi na ako

@Ayie ang mahal naman ng sine dyan parang IMAX na yang presyo

@Drake hehehe sabi sayo maganda yung 500 days haha at salamat sa "pananalig" wahaha

@Alkapon LOLx sya kaya yung teary eyed at sumisinghot... wahaha date na ba yun inuto ko lang syang manlibre nagpauto naman si gago hahaha lolx sabay kasi kami ng log out.

@toni.D bakit emo u? may problem ba uli...

wendell said...

aww... di ko masyadong nagustuhan ung story, pero binawi naman ng sfx. :P

glentot said...

@Wendell oo nga eh parang same theme with the other end of the world stuff, or nadisappoint ka kasi walang sex scenes? I know I was, hahahaha.

June | Life and Spices said...

One of the best movie of that year.. kaso kakaasar. nasa Secong to the last front seat AKO.. at nakakaduling lang! blockbuster kasi masyadow. Pero as of now, doesnt interest me anymore.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding