movie review: a christmas carol

Nung una kong nakita yung trailer nito, promising the film in full 3D, naisip ko What a waste of money hindi ko yan panonoorin kahit libre.

And then kanina, dahil wala talagang mapanood, pinagtyagaan namin ito in full 3D.

=( What a sad, sad day.

Biased ako kasi hindi talaga ako mahilig sa mga animated movies lalo na ang pambata. But this one is about Christmas, so akala ko heartwarming ek ek etc etc. I have never seen a sadder Christmas story.

Tungkol ito kay Ebenezer Scrooge na sobrang mukhang pera at nung malapit na syang mamatay, binisita sya ng ghosts at binigyan sya ng chance to look back at past Christmases, the present Christmas, and the future Christmas para makita nya ang mali sa buhay nya at maiwasan ang madilim nyang future.

In fairness malungkot naman talaga ang kwento ng original novel ni Charles Dickens. Pero this is Jim Carrey in a kid movie, and para sa akin naging masyadong grim ang story. Mabigat yung lesson na ituniro. Happy ending pero parang may kulang. Ewan ko kung mag-eenjoy ang mga bagets dito lalo na kung gusto nilang matawa. Sa almost empty na cinema na pinagpanooran namin, sa isang scene lang ako nakarinig ng tumawang bata. After nun, dead silence. Nakatulog siguro.

May mga moments na nakakaluha (ahihi) pero hindi enough.

Skip nyo na lang ito kung hindi talaga kayo in the Christmas mood.

11 comments. Post your comment here.:

Lee said...

diko rin naman kasi type si jim carey kaya diko na rin papanoorin.

glentot said...

Nagsisisi nga ako sa pagpanood eh sana binili ko na lang ng gamot ng Tita kong may sakit. Nyahahahaha

g7 said...

mukang no choice ka nga sa movie., parang dami maganda ah?

Joanna said...

Actually, I don't think it's for kids. It will either bore them or scare them.

It's for Charles Dickens' fans...?!

I enjoyed it for one simple reason: Pnx and I kept on trying to reach out with our hands to catch the falling snow. Mga shunga talaga...

glentot said...

@Joanna I was doing the same, yung kasama ko nga umiilag pa sa mga bubong ng bahay kapag lumilipad si Ebenezer as if mababangga rin sya... 3D is so fun.

@G7 like New Moon? Hehehe Twilighter ka pala ahh

Joanna said...

Umamin na kasi!!!!! gusto niyo talaga panoorin ang New Moon!!! ewwwwww... *gag*

g7 said...

d noh >:) di ko pa nga napapanud ung 1 :D

glentot said...

@Joanna Noooooo hahahahaha I'd rather watch Tagalog, uhm, no I'd watch New Moon na lang hehehe

@G7 kunwari ka pa eh dinownload mo na ito...

Joanna said...

i stumbled upon a blog... Ang Christmas gift noong blogger sa best friend niya na anti-Twilight ay Twilight na book + lighter. :D

ang saya-saya... burn them! burn them all!!

glentot said...

@Joanna napaka-innovative nung gift and sigurado tuwang-tuwa yung Anti-Twilighter...

June | Life and Spices said...

Di ko alam may movie na pala to. Only saw this on books when I was a kid pero di ko pa masyado gets ng story nya.. Pero kilala ko lang yung characters.. that's all

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding