spank me!

Naalala nyo pa ba yung times na na-award kayo ng mga magulang ninyo? Siguro sa sobrang dami ng times hindi nyo na maalala, joke. Pero ako, iilang beses lang ako napalo noong bata pa ako kaya tumatak talaga sa isip ko ang bawat pag-award sa akin.

Mabait na bata naman ako eh. Ako yung tipong hindi ikakahiya ng magulang ko na dalhin sa bahay ng mga kaibigan nila dahil hindi ako pasaway, yung tipong hindi nakakahiyang dalhin sa simbahan dahil hindi maingay o malikot. Yun nga lang, may mga times na parang gusto talaga nila akong paslangin.

Isa sa mga lagi kong naaalala na pagpalo sa akin eh nung inaway ko yung pinsan ko. Grade 4 yata ako nun. Natabig ko kasi ang isang basong juice at nabasa yung notebook ng pinsan ko, tapos nagtantrum sya. Kaya nagtantrum din ako ng ubod ng tindi sa Nanay ko. Eh busy sya nun, nagtatabas ng damit (mananahi si Doris), tapos sumbong ako ng sumbong. Ayun, ako ang pinalo nya. Nabali yung ruler nyang kahoy. Tapos kinuha nya yung ruler na plastic, nabali rin. Buti na lang dalawa lang ang ruler nya, thank God. Ang lakas humataw ni Doris, kung palakol yung hawak nya siguro chop-chop ako nun.

One time naman, yung tatay ko, nagalit sa kababasa ko ng komiks. Napahilig kasi ako noon sa pagbabasa, kaya maghapon akong hindi mautusan. Sabi nya wala daw akong matututunan sa komiks. Ang dami kaya! Tapos inaabot ng gabi nagbabasa pa rin ako. Eh pinapatulog na nya ako. Sabi ko, "Sandali lang Nanding, nagbabasa pa ako." Ang ganda kasi nung binabasa ko, mga alien na nagpunta sa Earth para magsex. Totoo yan pramis, hindi ko malilimutan yan. Eh nakailang ulit na syang saway sa akin hindi pa rin ako paawat. Kaya kinuha nya ako sa dahas.

Hindi naman nya ako pinalo. Hinagis lang nya ako mula sa kinauupuan ko papunta sa kama ko. At yung bed ko nun, wooden ang frame at ang gitna ay weaved rattan. Rattan = hindi malambot. Ilang araw ko rin syang ni-silent treatment dahil dun.

Noong bata ako mahilig ako mag-ipon ng pera, at lagi kong pinapakita sa Nanay ko yung pera ko nun, syempre proud ako kasi may savings ako sa alkansya, at medyo lumalaki na. Hanggang sa one time napadaan ako sa tindahan ng mga laruan at may nakita akong robot na langaw, color green and yellow. Inubos ko dun yung ipon ko. At proud na proud akong pinakita sa Nanay ko ang aking bagong purchase. Hindi na-appreciate ni Doris yung langaw na robot. Hindi nya ako pinalo, pero hindi nya ako kinausap ng maraming araw. Silent treatment. Mas masakit pala yun keysa sa ruler.

One time, umaga ng Linggo, magsisimba kami kaya maaga akong gumising. Nung paalis na kami, nakita ng Nanay ko na marumi ang kuko ko. Kaya, krinompal nya ko ng very very nice. Parang nagtaka pa ako kung bakit nya ako sinampal, kasi OA, kuko lang yun, wala naman mag-iinspection sa simbahan, and to think magsisimba pa kami. Wala naman akong nagawa kundi gupitin ang kuko ko, at kung before ako sampalin ay wala ako sa mood magsimba, lalo akong nawalan ng mood after. Masakit pala masampal, first and last time ko yun. Sana sinilent treatment na lang nya ako uli, mas prefer ko na ang silent treatment.

Medyo malaki na akong nung latest akong ma-award. One time nagpatulong yung tatay ko sa akin buhatin yung cabinet. Eh nanonood ako ng MTV, ayokong pa-istorbo. Tapos nung nakita kong nahihirapan sya sa cabinet mag-isa eh padabog ko syang tinulungan. Sa pagbara-bara ko, nalaglag yung blender sa loob ng cabinet at nabasag sa sahig.

Hindi naman nya ako pinalo. Binatukan lang nya ako ng very very nice, halos tumilapon ako ng ilang feet. Nakakawala ng self-esteem, shyet! At nagtaka pa ako kung bakit sya nagagalit, eh hindi naman sya mahilig gumawa ng shake.

Yun lang. Tingin ko mabuti sa bata ang pagpalo kasi paglaki nya, at least may maiboblog sya. At I swear pag ako nagkaroon ng sarili kong kids, sisiguraduhin kong marami silang iboblog.

Thank mwahchupa, at sa mga haters like Idiot #s 1, 2 and 3, ayan sana wala na kayong masabi.

26 comments. Post your comment here.:

toni D. said...

Naaalala ko yang blender na yan hehehe tawagan pa nga tau sa phone nun eh for updates hehehe!

Ako rin dami ko awards sa tatay ko! Nagamit na ata lahat ng pwedeng ipalo sa akin, hanggang sa wala na syang choice kundi tubig na lng at un na ang huli.

Yj said...

ay may hater number 3 na? ahaahahahaha

paluin sila

Lee said...

tsk, naalala ko tuloy bigla yung pinagdaanan ko, swerte mo ruler lang gamit sayo...kung kaya lang buhatin ni mader poste ng meralkot ihambalos sakin e ginawa na nya, kasi yun nalang ang natitirang di naihambalos sakin hahaha

glentot said...

@Lee pasaway ka kasi. Siguro kung nakikita ng mga magulang mo yung blog mong Humor mapapalo ka uli...

@Toni D. ay oo nga nalimutan ko isama yung mga pagkapalo sa iyo sayang tsk tsk dos por dos at isang baldeng tubig...

@YJ oo meron na. Kailangan talaga nila ng spanking. Friend mo yata sya eh.

DRAKE said...

Hahaha kulit mo pala ng bata pre! Pero walang kukulit sa akin! Hindi uubra ang ruler, sampal at batok ng tatay at nanay mo kasi tinataksan ko sila sabay belat! Sila ang hahaybladin sa akin!

Ingat pre! Natawa ako dito pramis

toni D. said...

di ba nga tutulungan mo ko maglayas noon? hehehe panu kaya kung natuloy noh?

glentot said...

@Toni D. Diba naglayas ka rin naman nung college?

@Drake nice one hahaha ako rin naglayas 2 years ago... tsk tsk mga pasaway... Kaya ka ba nakarating ng Saudi dahil sa paglalayas ehehehe

toni D. said...

hindi, muntikan nga lang di ba ung plano plng tapos di natuloy..

parang npakaimportante ng mga haters na yan eh 3 lang sila at mas marami kaming natutuwa sa blog mo! wag mo sila pansinin, ituloy ang ligaya!

Jepoy said...

Ahahahah!

Kinumpleto mo nanaman ang bloghop ko, natawa ako ng sa dalawang entries mo pati ung kay leon. Aylabet!!!!

SInu ba si idiot 3?

glentot said...

@Jepoy alam mo na kung sino eh! Ikaw! nyahihi joke

@Toni D. magblog ka na rin kaya kasi mukhang mas marami kang experiences keysa sa akin hehehe

Good day everyone mwahchupa.

toni D. said...

ayaw ko nga! pinapangalagaan ko ang image ni c****e pop!

Glampinoy said...

Ay mukhang masarap yata maispank ng very nice...Gusto ko yata maranasan iyon. Pero kung hindi pala very nice, naku iblablog ko iyon.

glentot said...

Waw hindi ka pa na-spank kung ganun hehehe mabait na bata clap-clap...

Dhianz said...

oh my gulay naaliw naman akoh sa entry moh.... funny ka ren sa entry moh like Jepoy... nabanggit ang Jepoy kc don akoh nanggaling bago makapunta ditoh... special mansyon ka kc don... at nakitah na ren kc kitang sumasayaw kay blog ni kuya Drake.. kaya na-curious lola moh at dumaan ditoh... haha... kaaliw entry moh... oh yeah yung intro sa left side... nose bleed.. haha.. first time koh atah ditoh... dahil naaliw akoh eh aadd kitah sa blog roll koh whether u like it or not... lolz.. biro lang... so yeah.... teka sa dmeng sinabi eh halos walang koneksyon atah sinabi koh sa entry moh... oh yeah napalo ren akoh noong bata akoh... pero matigas mukha koh... lolz.. yon na lang kc mahaba na komentz koh eh.. laterz... Godbless! -di

g7 said...

kulang ka pa sa palo :))

KESO said...

hahaha. bhira lng din ako mapalo nung bata ako puro silent treatment lng gngwa nila saken, at mas masakit pala tlga mas gugustuhin ko pa mapalo. haha. nice blog! :)

RICO said...

Yun lang. Tingin ko mabuti sa bata ang pagpalo kasi paglaki nya, at least may maiboblog sya. At I swear pag ako nagkaroon ng sarili kong kids, sisiguraduhin kong marami silang iboblog.
- i like this part..hehehe..

glentot said...

@Rico mukhang nakarelate ka dun ah hehehe nakapagblog ka na rin ba ng pamamalo sayo.

@G7 hayup ka baka lalong hindi ako tumangkad kapag pinalo pa ako lalo

@Dhianz Ikaw pa lang yata ang nagbasa ng intro sa left side hehehe at papunta na rin ako sa blog mo para makitambay at maki-link, salamat!

@KESO masakit talaga pag silent treatment at hindi makahingi ng pera... Salamat sa pagdaan...

Jag said...

ahhaha nanay ko pag pinapalo kmi umiiyak din xa jijiji...

tatay ko nmn bka nabantay bata na yun sa sobrang mka kastigo sa amin buti n lng d p uso yon dati jijiji...

Pre, may kaguluhan ata dito? bati-bati n tayong lahat malapit na Pasko o? jjiji

Peace man!

glentot said...

@Jag Ahaha katuwa si Mudrax mo baka ramdam nya rin ang sakit ng hagupit sa inyo hehe at yung sa Tatay mo ngayong malaki ka na pwede ka nang gumanti hahaha

Ayie said...

Grabe, andami dami dami dami na....pasaway ka pa rin naman diba? Wa epek ang palo--kaya ng si Pao di ko pinapalo eh--hinahambalos ko lang!

Magboblog din tong anak ko pagtanda nya!

glentot said...

@Ayie ahahaha i doubt kung kaya mo syang paluin hehehe baka mauna ka pang umiyak like yung kwento ni Jag about sa Nanay nya...

dencios said...

hindi ako napapalo noon kasi very diligent pa din ako kahit pasaway, ayeee.

:)

ang kulit mong bata ka! haha

glentot said...

@Dencios wow diligent... sana naging diligent na rin ako nun... ano ba yun?

g7 said...

uu nga anu?! pinalo ka na nun tas ganyan ka kaliit ngaun., panu pa kaya pag sobra :))

glentot said...

@G7 fuck you ka talaga alam mo yan hahahaha

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding