ang balikbayan

Natigil po ang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang i-announce ni Drake, ang tirador ng mga camels, ang nalalapit nyang pag-uwi sa Pilipinas. Napa-cartwheel kami ni Jepoy Pekpek sa pag-invite nya sa amin sa mga nakahanda nyang activities sa unang weekend nya sa Pilipinas.

Kaya nung Saturday eh nagkita-kita kami sa prestihiyosong Farmer's Plaza sa Cubao (sosyal, damn!) para mag-attend ng Christmas Party ng FilipinoWriter.com sa Laguna (member si Drake Kula). Sakay kami ng bus at jeep papunta sa Botanical Garden sa Calamba.

First time ko dun. Shit ang ambiance dun, dun ko gusto magpalipas ng gabi dahil sobrang tahimik at conducive to rape bonding moments kasama ang ibang members ng FilipinoWriter.com. Puro puno... madilim ang paligid at masarap magkwentuhan ng mga multo-multo lalo pa't hindi namin masyado kilala ang mga kasama namin... Ganun ang gusto kong buhay, parang back to college lang.



Ngunit dahil hindi naman pwede matulog sa Botanical Garden eh lumipat kami sa Pansol Hot Springs (another first time for me). Pagdating dun eh nagkaroon kami ng program, ang Isang Tanong Hotseat (kami ay uupo sa harap isa-isa at sasagutin ang isang tanong mula sa bawat member).

Nung nagpakilala ako, sabi ko,

I'm twenty-two years old, I'm an only child...

At ang pagkadinig pala ng mga tao ay

I'm twenty-two years old, I have a child...

So buong gabing magkakasama kami, iniisip pala nila na may anak na ako. Linawin ko lang po sa lahat, wala pa po akong anak sa kadahilanang wala akong asawa o syota o sexmate man lang. At galit po ako sa mga bata kaya ayokong gumawa.

Parang ako yata ang nakatanggap ng pinaka-weird na mga tanong nung gabing iyon. May nagtanong sa akin kung may nakasabay na raw ba akong umihi sa isang urinal. May nagtanong kung nakuhanan ko na raw ba ng nude pics ang sarili ko. Bakit ganun, sa iba matitino ang tanong, sa akin parang may tendency na maging XXX ang tanong? Mukha ba akong malibog? I think, oo.

Nagswimming din kami sa hot spring (na hot nga, parang yung pakiramdam ng umiihi ka sa pool, ganun sya kainit) ngunit hindi ako tumagal dahil ang lamig lamig tuwing aahon ako at tumigas ang nipols ko. Kaya nag-inuman na lang kami ng mga surviving members (yung iba borlogs at nakauwi na) at naglabasan na naman ang mga X-rated na stories.

Kinaumagahan, tumae si Jepoy. Wala naman relevance sa kwento ko, siningit ko lang.

Tanghali ng Linggo nung nakauwi na kami sa Manila at dumiretso kami sa MOA para mag-exchange gifts. Nakatanggap ako ng book from Jeppy at backpack naman from Drake (na ginagamit ko na salamat mwahchupa). Nagregalo naman ako ng libro in kay Jeppy Pekpek at shirt and brief naman kay Drake. Kumain din kami ng sobrang dami sa pamamagitan ng kabutihan ni Jeppy Pekpek at kanyang "bitch wallet".

Nanood rin kami ng Avatar at sa sobrang na-overwhelm kami sa pagka-3D nya eh nakatulugan naming tatlo. Pilit kong kinukurot ang sarili ko at nagpakurot na rin sa iba para lang magising. Maganda naman ang kwento at ang graphics pero nakatulog talaga kami.

Tapos nun, uwian na! Pagdating ko sa bahay, natulog ako agad. The End.

Salamat nang marami sa members ng FilipinoWriter.com sa pagtanggap sa amin ni Pekpek at sa pagiging welcoming ninyo. Salamat rin kay James Cameron sa ganda ng pagkakagawa sa Avatar. At higit sa lahat salamat kay Drake Kula na napakabait at mapagbigay sa paglaan ng oras sa amin kahit kakauwi nya lang!!!

9 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

LOL natawa ako sa sulatin mo fookiloo ka! Excuse me parang meron relasyon ang entry mo sa entry ko. LOL

No comment. Bow!

Ayie said...

Nang-iinggit ka pa. Intayin nyo ako sa 2010 December--ako naman ang uuwi promise!

Brief talaga ang exchange gift mo? ehehehe!

Ayoko ng panty next year huh!

DRAKE said...

basta ikaw nanginginig pa!!

ingat

KESO said...

wahahaha, sabi na nga ba si kuya drake yun e. whahaha.

andrei jon said...

ay dapat nang-rape talaga kayo. parang tito vic and joey lang kay paloma. lol. kaiinggit naman. sana in da pyutuyr ganyan din ako. lol.

glentot said...

@Jepoy san ka naman natawa parang wala naman

@Ayie yehey 12 months na lang uuwi ka na hehehe oo hindi panty ang gift mo nyahaha

@Drake kung ako sayo palitan mo na yang pic mo tutal nilantad ka na rin ni Pekpek

@Keso oo sya nga nga ehehehe fongi ba?

@Andrei pag may meet up uli, sama ka??? hehehehe

andrei jon said...

antanda niyo eh. 18 lang kasi ako.

glentot said...

Huwatttt nailang ka pa eh mga isip bata naman kami, and 22 lang ako sila lang ang gurami.

June | Life and Spices said...

Sino si Drake sa picture? tinignan ko yung link wala na yung blog nya.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding