movie review: avatar

Isa ito sa mga inabangan kong movie event for 2009. Nag-ipon nga ako ng pera pampanood ng sine eh (nyahaha).

Set in the year 2154, tungkol ito sa war between humans and the Navis (mga kulay blue na nilalang) sa planetang Pandora. May war kasi naman sakim ang mga humans sa bato (hindi tawas ito), eh yung batong kailangan ng humans para mabenta sa market eh sa ibabaw nun nakatanim yung puno na sacred sa mga Navi kasi bahay yata nila yun.

So kailangan paalisin ang mga Navi at tagpasin ang puno para makuha yung bato. Natural, may bitterness sa puso ang mga Navi. Ganito siguro ang bitterness na naramdaman nila Lapu-Lapu nung nagbeach-hopping si Magellan sa Cebu para mag-sunbathing, body shots at angkinin ang Pilipinas, kaya gaya ni Lapu-Lapu to the tune of jungle bolo, sabi ng mga Navi, "Tangina niyo!!!"

So inutusan ng mga humans itong si Jake na ex-marine na magpretend na isa syang Navi sa pamamagitan ng pagremote control sa isang color blue na costume na pang-Navi na ang tawag eh Avatar. Ang plano eh makikihalubilo at makikiparty si Jake dun sa mga natives at kapag nagtiwala na sila sa kanya eh icoconvince nya sila na iboto si Chiz Escudero mag-evacuate sa pinakamalapit na elementary school para mabakante ang puno sa ibabaw nung tsismosang bato.

Ngunit nung naging Navi na si Jake eh nakilala nya si Neytiri, ang hot chick sa mga angkan ng mga Navi. Hindi lang sya beauty, brains pa kasi marunong sya mag-English as a second language at neutral accent sya.

So as expected, nagjerjer si Jake at Neytiri sa ilalim ng puno ng Star Apple and nakatulog na me. The End!

Worth it ito panoorin in 3D kasi buong film ay 3D. Wag mo nang pansinin kung after 10 minutes ay umiikot na ang paningin mo at pakiramdam mo eh mauuntog ka sa mga punongkahoy.

Ugaliin rin na sa mga ganitong movies ay magkape muna bago manood at siguraduhing hindi kayo galing sa inuman para walang hangover habang nanonood. Dahil kahit maganda ang pelikula ay hindi kinaya ng aking katawang tao ang antok. Kahit perfect ako, inaantok rin ako. Kaya sa mga bandang gitna eh pinipitik pitik ko na ang sarili ko at nagpapakurot ako sa siko para lang magising.

Sa mga sandaling nagigising ako (maraming beses akong nakatulog) ay chinicheck ko ang mga kasama ko kung buhay pa. Si Drake, na kanina lang ay nagcocomment na Wow, ganda ng graphics, ang galing ni James Cameron, wow, wooooooowww.... zzzz... tinablan ng antok at nahimlay na ang kanyang katawang lupa. Ganun na ba ang tumatanda? Peace!

Si Jepoy Pekpek na kahit naka-Flanax pagdating sa mga lakaran ay biglang nananahimik sa may dulo, nagheadbang na rin pala sa antok. Hay ang mga may-edad talaga, masandal lang tulog na.

Hindi ko sinasabing nakakaantok ang movie, ang sinasabi ko lang, inaantok talaga kami nung nanood kami.

Ayoko na ikwento kung ano pa yung mga nasaksihan ko kasi putol-putol ang panonood ko. Suggestion ko eh panoorin niyo na ito sa pinakamalapit na Mall of Asia sa inyong lugar.

Thanks Kids mwahchupa.

19 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

Putang ina mo! Mag ka age lang tayo! Fuck it!

p0kw4ng said...

babatehin lang kita kaya ako dumaan! wala kasi akong hilig sa mga movie na ganyan...sowee po!

hapi pasko sayo!!

Yj said...

hah! pano nalang pag kasama niyo ako? eh d nagmukha kayong mga lolo...

bwahahahahaha.... mga hayooop hindi man lang nag imbita sa panonood ng 3D.... TSE!

Jag said...

Talagang todo date ang tatlong betlogs ah! hehehe...

Dhianz said...

ba't isang koment lang yung balikbayan post moh... buwahahaha... hahaha.. 'la lang.. natawa akoh sa kwento moh eh... para ka lang si Jepoy at si Kuya Drake.. hangswit naman nyong tatlo... padate date na lang kayoh... oh yeah natawa akoh nang bonggang bongga don sa pagkarinig nilah na i have a child... ahaha... ininglish moh pa kc eh.. wehhehe... teka ahhh... buit sau blurry si kuya Drake.. kay nde na akoh babanggit nang name... ayon oh... ahahha... ang linaw linaw... pacute pa eh.. wafu naman palah sa person... wahahha... enjoy ang date nyoh... ahhh.. take... dehinz koh pa nabasa ang entry moh ditoh... saglit.. =)

wahahah... takte tinulugan nyo lang 'ung movie... nag-motel na lang sana kayoh... wehe... hmm... sige 'un lng.. laterz parekoy... pakisabi kay kuya pasalubong.. paki-fedex na lang kamoh... wehe.. laterz.. oh yeah.. have a merry christmas na ren... ingatz! Godbless! -di

Lee said...

ganda ng effects, mas maganda siguro kung 3d at wide screen ang napanooran ko.

KESO said...

wahahahahaha. ilan taon nb si jepoy at kuya drake? :D

mukang ayos tong avatar ah, siguro iintayin ko na lng siya ipalabas sa hbo o sa star movies. :D

andrei jon said...

ang ganda ng movie review mo. sana hindi na lang sya review. sana slumber review sa isang sinehan na lang ang ginawa mo. lol. joke. kasiya-siya naman pala yang avatar. ang mga navi. ang mahiwagang puno. bongkangan sa ilalim ng star apple tree. lol.

ps. ayoko kay chiz. team villar or gordon ako.

Ayie said...

Nakakahilo lang talaga ang 3D. Wala naman siguro sa age yan! ahahah!

glentot said...

@Jepoy you're a giggling liar!

@P0kw4ng buti nakadaan ka pa akala ko nasa piitan ka pa ngayon hehe salamat mwah maligayang pasko rin!!!

@YJ ikaw kaya ang pinakamatanda sa amin, looking great at twentynine ka na eh tsaka diba napanood mo na!!!

@Jag ahahaha dapat pag-uwi mo meron din hehehe

@dhianz first of all salamat sa mahahaba mong comments hehehehe DRAKE O PASALUBONG DAW NI DHIANZ...

@Lee nagandahan ka rin ba hehe oo sana dun mo pinanood worth it naman...

@KESO beinte syete pa lang sila ahehehe inexagge ko lang...

@andrei jon bongkangan talaga hehehe

@Ayie syempre exempted ka dun ehhehehe sila drake lang yun

PUSANG-kalye said...

the best TAGALOG review of the movie.lol at talagang nagmumura in Tagalog ang mga characters ha. hehe

I cant wait to watch this in IMAX next week or Jan 1 or 2---sana makahanap ng time soon....thanks for the wacky review~~

kat said...

ganda nung trailer, at dami "wow" reviews nagkalat sa facebook.

yung character sa poster, mukhang si angelina jolie. haha!

Ape Rockstar said...

This quickly turned from AVATAR movie review to Sleep Disorder trial and analysis. hahaha...but we like your honesty Glen. its what makes your blog special. meri xmas!

Ailee Verzosa said...

Happy New Year to you and to your family.
May 2010 bring you more blessings and happiness!

- A n g e l - said...

Hahaha, natawa ako dito promise! Happy new year! Ü

glentot said...

@Pusang Kalye sama ako manood! wahaha

@Kat yeah the lips!!!

@Ape nyaks may ganun!!! Salamat... Honesty daw o hehehehe

@Ailee thanks, sa yo rin.

@Angel nice to hear, Happy New Year!!!

PABLONG PABLING said...

ganda neto sa 3d. the best.

glentot said...

@Pablong Pabling oo nga gusto ko pa nga ulitin eh...

June | Life and Spices said...

I'll definitely watch this.. isa to sa di ko makumple kumpletong panoorin..kasi busy nun sa xmas at kaninan yun..food over entertainment drama ko..hehe

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding