christmas disaster

Bale nag-Christmas Party kami kanina. Pagdating dun sa venue eh nagpractice kami ng sayaw dahil maaga pa. Tama! Sasayaw nga kami, sasali kami sa Christmas dance contest kung saan maglalaban-laban ang iba-ibang teams at departments sa company. Ang grand prize ay P30,000.

Igorot Dance ang gagawin namin dahil ethnic ang aming concept, "Ang Alamat ng mga Tala" to the tune of Grace Nono's "Nunanoo-nunanoo-nanunaah". Inuunahan ko na kayo, HINDI AKO NAGSUOT NG BAHAG.

Matapos magpractice ay nagpahinga kami, nagbihis, tapos kumain, at dahil gutom na gutom ako eh nilubos-lubos ko ang buffet at ang bottomless beer. Nung mga bandang umeexpand na yung tiyan ko at niluluwagan ko na yung belt ko, biglang sabi ng kateam ko,

"Pagtapos mo kumain, magbihis na tayo, sasayaw na tayo."

Puta, narealize ko bigla, busog na busog akong sasayaw. Eh may part sa sayaw na may stunts ako (tatakbo kami tapos magbaback-roll sa likod ng kagroup naming naka-squat). Shit, baka lumabas lahat ang kinain ko... baka kumapos yung takbo ko at mangudngod ako sa teammate ko... baka sumobra ang takbo ako at mangudngod ako sa mga tables sa audience... Ang daming takot sa utak ko, kaya inubos ko na yung beer ko at nagbihis na...

Nung tinawag na kami para magperform, pumipintig-pintig na talaga yung puso ko. Nasisigurado ko na may mangyayaring disaster... At hindi ako nagkamali.

Nagsimula na yung tugtog... Tugsh! (*sound effects*) at nagsimula na lamigin ang tiyan ko. Nakapaa lang kasi kami, eh ang lamig-lamig ng sahig, at ayaw paawat ng aircon... Tapos ang daming nanonood, pati yung mga dati kong teammates na puro alaskador... Maraming mapanlait na matang nakatingin sa akin!!! Umaygad.

Tugsh! Enter na kaming mga dancers... Nagsisimula na silang sumayaw, naglalakad pa rin ako papunta sa spot ko, hindi kasi ako makatakbo masyado dahil sa kabusugan. Ang bigat-bigat ng tiyan ko, ayoko kumilos masyado baka magsuka ako bigla. Nakakahiya naman yun, baka magresign ako sa kahihiyan.

At eto na ang backroll stunts namin...

Naka-squat na sa gitna yung ka-group ko... Nasa gilid na ako at nagpeprepare sumalida at tumakbo papunta sa kanya... Tumatakbo na ako... Paglapit ko kanya, tumalon na ako para magroll sa likod nya... It all happened so fast (naks). Habang nagroroll ang likod ko sa likod nya at nakahagis at nag-180 degrees sa ere ang mga paa ko eh I knew there was something wrong...


Tugsh! Sumobra ako sa likod nya at nag-landing ako sa malamig na sahig nang earlier than usual... nauna ang daliri ko sa kanang kamay, naitukod ko, tapos nadaganan ko ng konti. Hindi naman ako natumba... napaaga lang ang bagsak ko. Subalit masakit! Umikot pa ng konti yung paningin ko at nung papunta na ako sa aking spot ay nanginginig ako nang very very nice.

Nung patapos na ang sayaw, nagkadisaster na naman nung naglalakad pa lang ako papunta sa spot ko eh nagsasayaw na sila. Nakahinga lang ako nang maluwag nung nag-bow na kami at umexit at nagbihis na uli at hinintay ang awarding...

"And in the Third Place... Team#2!!!"

Hindi umimik yung grupo namin... Parang isang minuto pa bago namin narealize na nanalo kami!!! Third place!!! Palakpakan... Congraaaaaaaaaaaaaaatulations!

Apat po kaming groups na naglaban-laban.

28 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

3rd place is not bad, pangalawa sa kulelat ahahaha

Sana inimbite mo ko para i video ng very very nice ang dance nyo hihihihi

glentot said...

@Jepoy naka-video sya at hindi ko pinangarap na i-post.

Jepoy said...

Sus wag ka ng mahiyang I-post ang video, go!

Lord CM said...

Hinihintay kong may mangamoy eh, o kaya naman may bumukol sa bandang likod mo, wala pala! lolzz buti na lang :)

gillboard said...

congratulations, kahit 3rd out of 4, ok na rin yun... at least di talaga kulelat...

Lee said...

dika naman pala nakabahag e lol

Edison said...

Congrats!
Inagt na lang sa susunod..
heje..


Patingin ng video..
heje..

Maldito said...

atleast nanalo parin..
effort kung effort.
ahahahahha.buti nga walang lumabas noong nag stunt.kung meron..WTF.wag na nga lang.lols

tim said...

hahaha.. my gosh.... kaya pg my program, wag masayado kumain okay.. kasi nku! lalabas talga lahat. yung pg ka buara, eh limitahan muna, para di natin mkita kung anu ang kalabasan ng bating ka weirdohan.. hehehehe. nuk, kahiya yu8n ah, buti nlng di ka sumuka sa harap, yun agn mas masakit.

kat said...

congrats! buti na yun kesa 4th place, hehe.. oo nga, sana post rin yung vid, mukhang masaya panuorin yun

KESO said...

ipost mo na yung video. hahahaha.
anong costume nyo? :D

Joanna said...

Congratulations! Palagay ko talaga yung backroll stunts ung nagpanalo... akala nila comedy act.

I feel sorry for whoever got 4th place... ano ba ginawa nila?

Mangyan Adventurer said...

Naks! 3rd place.... Congrats naman... At least may place kayo sa apat na naglaban...


Haha! Okey lang 'yan...

May hidden talent ka pala....

Random Student said...

andami kong natutunan na new phrase and word: sumalida, ng very very nice, etc. ayus yan bottomless beer!

glentot said...

@Lord CM aww hindi naman ako najejebs nun ahaha buti na lang...

@Gillboard wahaha looking at the bright side

@Lee oo ang sagwa naman kung bahag kaming lahat baka may masilipan LOLx

@Edison salamat po at salamat rin sa pagdalaw...

@Maldito parang ayaw ko rin isipin kung ano ang pwedeng lumabas hahaha salamat sa pagbasa...

@Tim thanks

@Kat believe me pangit sya heheh

@KESO costume namin eh black shirt and slacks tapos may tali sa noo mala-Rambo. Yun lang at lakas ng loob wahaha.

@Joanna, funny you should ask kung anong ginawa nung natalo (wala silang place btw). Naghang yung PC na gamit nila while performing, kaya nasira yung performance hehehe

@Mangyan Adventurer marami po akong hidden talent na nakakahiyang ireveal hehe

@Random Student nice, educational pala ang posts ko, keep reading baka marami ka pang matutunan hehehe

Ape Rockstar said...

all the time na binabasa ko tong post mo - nagaalala ako na baka ma-'appendix' ka.

nanay ko: appendicitis you moron.

glentot said...

@Ape Rockstar tama nga naman yung Nanay mo... baka kasi magkasakit ako sa appendicitis...

Chingoy said...

naka naman! ang tindi ng showdown, pang 3rd place!!!! nyahahahaha
peace! meri krismas! add kita blogroll ko. :)

m2mtripper said...

Not bad!
Congrats!

KAMPAI!

Blooms of Acacia said...

hi there!

first time to read your blog. at least your landed on the third place...ikaw nga lang ang naging sakripisyong tupa.

xoxox

RICO said...

at least nanalo kau hahaha...galing naman nun hehehe sana kaya ko ding magstunts hahaha..lampayatot kasi ako eh hehehe..sabagay pd namang mangarap hehehe

Yj said...

puki mo may kuko... at bakit wala akong imbiteysiyon dis taym ha?

glentot said...

@Chingoy salamat, add din kita sa blogroll ko...

@m2mtripper Kampai!!! Diba meaning nun shot na?

@Blooms of Acacia Hi thanks sa pagvisit. Naalala ko tuloy bigla yung acacia sa likod ng bahay namin dati...

@Rico muli ay nabuhay ka! Jejeje lampayatot pala mabutui na yan keysa ako mataba.

@YJ alam ko namang hindi ka sasama dahil busy ka sa pagtuwad!!!

andrei jon said...

sa badoooy! igorot? umigad talaga. dapat ang sinayaw niyo ay lady gaga inspired! patok yun por shur. lol. anyways, congrats.

glentot said...

@andrei jon lagot ka sumbong kita sa king Igorot friends... hehe salamat sa pagvisit...

Nhil said...

Naman. Kung nag-bahag kayo, sure win na yun. Tsk!

Cecil said...

Munting na akong mamatay kakatawa dito! (kasi kumakain ako ng kanin tapos bumara yung kanin kasi natawa ako. ahechu!)

June | Life and Spices said...

Kawawa naman yung isang team walang award.. haha.

What you did back these days shows on ur present life..:D juk!

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding