gifted

Masaya ang Christmas 2009 dahil marami akong natanggap na regalo. Inanalyze, na-compute at na-conclude ko na significantly higher ang overall value (in Peso) ng mga natanggap ko keysa sa pinamigay ko. Opo, mukha akong pera, deal with it!

Hehehe.

Ito ang mga natanggap ko...

Starbucks Tumbler (hindi Design-your-own pero pwede na!)
Foldable Box (na nagiging upuan)
Office Accessory na Paper Clip
Mug (na galing Missouri daw pero made in China)
Flashlight
Reading Lamp (na may kasamang Carlo Rossi na wine!)
Sparkling Wine (non-alcoholic)
Chocolate Crinkles (may kasama pang kalendaryo)
Giant Bread (na hindi kasya sa backpack sa sobrang laki)
Dockers Backpack and Keychain from Saudi (alam na!)
7 Sands, Chocolates, Keychain, Pins, a lot more from Abu Dhabi (alam na!)
Face and Hand Towels
Bag Tag (na may name ko and company logo)

Books:
Mirror, Mirror by Gregory Maguire
Confessions of an Ugly Stepsister by Gregory Maguire
Roadtrip by Ru Dela Torre
Our Daily Bread, o ha!

At mula sa aking Inang si Doris:
Brief (6 pieces)
Thumb Rings (3 pieces)
Pants

At mula sa aking Amang si Nanding:
Bangus (5 pieces)

Damn right!!!

Ang isa sa magandang gifts ko this Christmas ay nakita ko si Nanding at Doris nag-uusap (for like 20 minutes) AT HINDI SILA NAG-AWAY OMG!!! Magkabalikan kaya sila?

Salamat po sa mga nagregalo at pasensya na sa mga naregaluhan ko alam ko I give sucky gifts.

Thank you Papa Jesus for a wonderful year, sana po maganda uli this coming 2010 to 2011 and sana po gunawin Nyo na ang mundo sa 2012. I love you po, mwah!

21 comments. Post your comment here.:

Kosa said...

parekoy,
makalaglag panga ang huli mong wish!
tae ka! sana mundo mo lang muna ang magunawwww..

waaaahaha

regalo ko nga pala parekoy?

kikilabotz said...

ang bilis mo magcomment.hahaha. hnd p nga tapos yun may comment k n agad.hahaha. natawa ako dun.

nwei buti ka pa dami m gift..share naman jan oh. hahaha. joke

merry xmas and happy new yr

caloy said...

ikaw na! ikaw na maraming regalo! ako nga nanakawan ko pa si santa para magkaroon ng sintas na yellow para sa aking oh so lumang shoes. hahaha! happy new year!

Lord CM said...

Gawin mo namang 2020 parekoy, marami pa akong hindi nagagawa eh :D

andrei jon said...

andami mong regalo! shet ka! tinalo mo pa ate ko na isang teacher. lol. hayup! bakit mo gusto magunaw ang mundo sa 2012?! pagradweytin mo muna ko! lol. HAPPY NEW YEAR pala!

kat said...

wow dami naman! gifted nga. ako eh, mug at headband lang nakuha ko. pero ok lang, as long as di pa end of the world.

happy new year!

PABLONG PABLING said...

ganda ng layout mo sir!

nag hahanap ako ng alarm clock at alkansiya. bakit wala kang natanggap na ganyan lols

kox said...

dami ah! cool! nakakaiyak naman yung last wish mo kuya.. :( haha.. godbless! hapi newyear!

toni D. said...

bangus?!

Nhil said...

"At mula sa aking Amang si Nanding:
Bangus (5 pieces)"

BEST GIFT. EVER.

Isda ba talaga yan or yung junk food lang piso isa? hahahaha

Happy New Year!

glentot said...

@KOSA haha cge likayo dito sa Pilipinas at exchange gifts tayo!!

@kikilabotz oo nga natawa rin ako nung narealize kong may karugtong pa pala yun!!!

@Caloy ahh un ba ung nasa pic mo sa FB na matingkad at neon na yellow na sintas??? haha

@Lord CM oo kaya nga gawin na natin lahat ng hindi pa nagagawa hehehe

@Andrei Jon HNY din at syempre marami talaga natatanggap ang mga mababait nyehehehe amfufu

@Kat yan ba sa pic mo eh suot suot mo na yung headband? hehehe

@Pablong Pabling WOW YOU'RE BACK!!! Heheh salamat sa pagpuri sa aking layout na pinagbuhusan ko ng dugo pawis at iba pang katas.

@Kox echos lang yun nakiki-spirit of Christmas lang...

@Toni D. Oo bangus nga! Para namang hindi mo alam na binabyahe nya ang bangus mula sa fish pen ni Andres.

@Nhil Totoo pong isda, at kinain namin in one week... Hahahaha

SA INYO PONG LAHAT, HAPPY NEW YEAR AT SALAMAT SA WALANG SAWANG PAGDALAW AT PAGCOMMENT. Ahihihi cheesy fuck.

kat said...

@glentot, haha! hindi yan yung suot ko kasi di ko rin type yung binigay sa'kin. itatago ko nalang yata yun, ayoko isuot. :)

Jag said...

HUwaaaw! Andaming geps! Wish ko sana magkabalikan n si tatay Nanding at nanay Doris mo heheh...

Happy New Year!

Ayie said...

Hmp. Happy New Year na lang. May last date ka pa sa 4th, last chance. hehehehe!

Ayie said...

Epps..ako hindi na yan ang wish ko--wish ko na lang, manahimik na sila! ahahaha! I mean, peace. Yun lang.

Pinky said...

tangena, mapala kang nilalang ka! ako, i had one of the worst xmas and new year breaks ever huhuhu. u know na, murit ako. neweiz tnx sa gift mo, so techie ang zafra. inuman pagbalik ko uli jan

glentot said...

@Kat OK na yan keysa irecycle at i-gift sa iba ahahaha ganyan din gagawin ko sa gift na pantalon ng nanay ko...

@Jag tingin ko hindi sila magkakabalika kasi ang status nila eh It's Complicated nyahaha

@Ayie hindi pa sya nagtetext eh huhu at siog manahimik yan, boss mo ba? hehehe

@Pinky, how can it go bad, you spent it with your family, what could go wrong??? hehehe

Random Student said...

andaming gifts. tatanda ka rin, kokonti rin yan hehehehehe (bitter)

Chingoy said...

thoughtful si Mang Nanding! may regalong bangus! ;)

glentot said...

@Random Student at bakit may sumpa hehehe dadami pa yan!!!

@Chingoy yyempre naman... buhay pa nga ung bangus eh hehehe

June | Life and Spices said...

Pinaka magandang gift kong linuto ni Doris ang bangus na dala ni Nanding tas pinagsaluhan niyo un.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding