wickedmouth.com

Salamat at natupad rin ang pangarap kong magkaroon ng .com.

Special thanks to Philhosting.net na pinatakbo ako along Ayala Avenue nang tanghaling tapat para makapagbayad, na pinasakit ang ulo ko sa pagrerequest ng serbisyo at nakumpleto ang aking request matapos ang isang buwan. Salamat ha! Sana makaganti man lang ako sa inyo!!!

Salamat rin sa mga magulang kong hindi pa ako tinatakwil (hindi pa po huli ang lahat, Doris and Nanding). Salamat din sa aking Tita Sasha Fierce na walang sawang nagpapabaon sa akin ng pork adobo at sa walang sawa nyang pag-update sa akin kung ano na ang nangyayari sa Starstruck V.

Salamat rin sa mga nagbabasa pa rin ng blog ko kahit #1) marami akong inaaway #2) nagkakasala ang mga mata ninyo sa pagbabasa ng kababuyan at #3) aminin na nating naglolokohan lang tayong lahat sa pagboblog na hindi naman napagkakakitaan o hindi man lang ikasisigla ng buhay seksuwal. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa at sana hindi tayo mag-away-away (haha). Thanks Kids!

Special mention ang aking bespren Toni D. na tinutulungan ako magreminisce sa mga kwento ko, thanks to you and sana mabuntis ka na.

Thanks rin sa napakawalang kwentang taeng si Khikhi, sana patuloy ka pang gumawa ng kababuyan para marami pa me ma-blog about sa sexcapades you.

Salamat rin sa mga Idiots, dahil sa inyo nakakapagpost ako kapag wala talagang magawa. Mga putangina nyo, pero salamat na rin.

Thank you rin Lord dahil kanina, binangungot na naman ako pero nagising pa rin ako nang ligtas kahit brutal yung bangungot ko. Nasa loob daw ako ng sinehan (balcony, right side) nang biglang lumakas nang lumakas ang audio ng palabas at napatakip lahat ng mga tao sa tenga hanggang sa sobrang lakas na ng sound ay nararamdaman kong tumitibok-tibok na ang eardrums ako at sasabog na sya nang tunay at wagas. Tapos nagising na me. Salamat Lord mabait Ka sa akin kahit ang sama ng ugali ko.

Thank you all and Merry Christmas.

Mwahchupah!!!

19 comments. Post your comment here.:

Joanna said...

parang academy awards lang... "Thank you... thank you, everyone for making my dreams come true!!"

PUSANG-kalye said...

cool dotcom you have here.

natakot ata ako pero sa sinabi mo. parang napakasalimuot ng process para makakuha ng dotcom...naku naku

paulo said...

Congratulations sa .com mo :D ako rin .com na, blogspot.com, hahahaha..

Anyway, pwede ka naman kumita sa blog, try mo ang Google Adsense at ang Paid Posts :D

glentot said...

@Joanna moment ko yun eh hehehe

@PusangKalye masalimuot lang dun sa company na napuntahan ko hindi ko kasi ginamitan ng credit card pero sa iba siguro mas madali.... Thanks for visiting...

@Paulo kikita ba talaga dun? Paano yung paid posts? Parang interesting yun ah...

toni D. said...

Congrats bez! hayan sosyal na! alavet!

Baog nga tlga ata ako bez! Hehehe saka na yan! Magshoshot muna tayo!

Jepoy said...

at naka dot com ka na?!

Sikat na sikat na talaga ang wickedmouth dot com.

Susyal!

wendell said...

naks! CONGRATULATIONS!!! (Palakpakan)... nyahaha... astig naman neto, parang gago lang. hahaha

wendell said...

naks! CONGRATULATIONS!!! (Palakpakan)... nyahaha... astig naman neto, parang gago lang. hahaha

glentot said...

@Jepoy ulul.

@Wendell baliw ka see ya sa Bible Study nyahahaha

KESO said...

hahahah. eto ang pina gusto kong part---

"Mga putangina nyo, pero salamat na rin."

haha, dami kong tawa.

congrats! :D

glentot said...

@KESO Salamat... :) Nice to see you coming back.

pnx said...

natupad na din ang iyong pangarap kapatid... ngayon lang uli ako magbabasa ng blog nyo

Ayie said...

Congrats Bro!

Yj said...

putang ina Glen, wala kang kadala dala.... at bakit kasama ako sa mga Idiots? gusto mo ng kutos?

at bakit hindi ako special mention?

I demand!!! ahahahahahaha echoz

congrats sa walang kwentang .com mo... wala namang pinagbago sa totoo lang.... puro katarantaduhan parin naman ang isusulat mo at natutuwa naman ako... hehehe

inom na tayo friend.... ipa-am-am-mok kanyam ni lakay ko.... nagdakkel buto na hahahahahaha

glentot said...

@Pnx mukha nga! hehehehe

@Ayie achievement ba hehehe

@YJ parang hindi ka naman natuwa hehehe okin-inam mangmangan ka manen ti buto tsk tsk tsk

Lee said...

wooooot congrats!
nakah, ayoko na yatang magka dot.com parang ang hirap nga ng pinagdaanan mo walastek.

glentot said...

@Lee dun lang siguro sa company yun, sa ibang webhosting companies baka mas OK naman...

Lei said...

pogi..!
pa comment! hehehehe!! kht matagal na to.it means. and2 nako sa kalagitnaan ng blog mo. need ko tapusin, hanggang sunday ang goal ko.hahah..

pa comment! hehehehe!!
tanong lng.mgkano bnayad mo philhosting.net pra sa domain..?

thank u!tsup tsup!!

June | Life and Spices said...

Gusto ko na din maginf .COM ang blog ko kaso worried ako mawala ang page rank na pinag hirapan ko.. :(

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding