youth convergence

Kahapon ay nagpunta kami ni Jepoy sa Christ the Livingstone Fellowship Youth Covergence sa invitation ni Joanna at nakihalo sa mga youth (aka bagets) na nagwoworship kay Jesus. Masaya ang event na ito, I felt like I was part of a community na may common goal (na hindi ko masyadong feel sa Catholic na mass). Masaya at may laughtrip rin, dahil maraming mga bagets. Ako pa man din I find humor in everything...

Hayup ka talaga Jepoy! Pero kahit marami tayong laughtrip dun ay may natutunan naman di ba, gaya nitong nilagay mo sa iyong blog:


Hindi mahalaga kahit na anong religion mo kasi hindi naman religion ang magliligtas sa iyo, hindi rin good works, hindi rin ang mga santo, at hindi rin si Santino kung hindi ay ang grace through faith. Grace kasi si Papa Jesus Mega Nailed sa Crusifix para sa ating sins, nung napako sya sa krus ginets na nya ang lahat lahat at wala na ang power ni Satan over us dahil sa dugo ni Papa Jesas, Sya ang Saving Grace.


Gets nyo? Advice, Jepoy, wag kang mag-Pastor ha? Magiging comedy bar ang simbahan sa iyo.

Nais ko rin magsorry kay Jesus (at pati na rin kay Joanna) dahil panay ang tawa ko kahapon. Eh kasi mabilis talaga ang utak ko sa pag-process ng ilang mga nakakatuwang sights. Pero hindi nun ibig sabihin na I took things lightly. Marami naman akong natutunan at isinapuso. Hindi lang ako ganun ka-showy sa aking faith, at hindi ko mapantayan ang energy level nung kumanta ng "I am freeeee!!! Are you freeeee!??!??" Pero one day darating rin ako diyan.

So nais ko rin magpasalamat kay Joanna sa pag-invite sa akin ulit (this YC will become a regular thing) at salamat sa mga very cute performaces at video montage.

Kaya kayo mga Kids, next time sumama kayo sa amin ni Jepoy dahil masaya itong trips na ito, at marami ka pang natutunan.

Kaya lang, piliin nyo rin kung anong trip ni Jepoy ang sasalihan niyo, dahil itong hayup na Jepoy, sinama ako sa isang baby shower kung saan wala akong kilala at pinakain ako dun, MO AKONG GATECRASHER HAYUP KA TALAGA at habang kumakain ako dun nararamdaman ko ang masasamang titig sa akin ng host at ibang bisita thinking, "Sino ba ito?"

13 comments. Post your comment here.:

m2mtripper said...

Parang ang saya mo siguro kasama!
Stay happy!

Kampai!

kikilabotz said...

hahaha. naalala ko dati nung ako din sa ganyan medyo nahiya ako. ayun umuwi ako.hehe. pero pagkauwi ko parang imissed something very important.

Jepoy said...

Matapos kitang pakainin at pag silbihan sa baby shower ito pa ang igaganti mo sakin?!!!! I hatechu sana hindi na kita kihuhaan ng barbecue LOL

Natawa ako dito,

"habang kumakain ako dun nararamdaman ko ang masasamang titig sa akin ng host at ibang bisita thinking, "Sino ba ito?"

So true... LOL

glentot said...

@m2mtripper hindi ka nagkamli masaya nga ako kasama kung nag-eenjoy kang palihim na manlait ng mga tao-tao sa paligid. hobby namin yun.

@kikilabotz yung gatecrashing ba ang tinutukoy mo, kung may choice lang talaga ako nun umuwi talaga ako...

@Jepoy ABA MARAMING SALAMAT HA!!!! Fuck you ka talaga.

Joanna said...

The lines that really made me smile: "Pero marami naman akong natutunan at isinapuso... Pero one day darating rin ako diyan."

I hope you meant that darating ka sa point na you can voice out your faith. Pero pwede rin na you mean that you have the same energy level as Nico... pero di ko talaga ikaw ma-imagine na ganun... nyahaha...

glentot said...

@Joanna for sure, hindi yung energy level nya ang gusto kong ma-achieve ahehehe I think naka-Cobra yung kid na yun still, better yun keysa dun sa sobrang antok na kid...

m2mtripper said...

Nyahaha... Wag kang magaalala.
Hobby din namin yan.

KAMPAI!

RICO said...

okay lang maging gatecrasher hehehe busog ka nman hahhahaha

glentot said...

@m2mtripper haha sama ka minsan sa panlalait sessions namin ahaha

@Rico nakakakonsensya nga lang kasi parang may curse yung food...

Anonymous said...

Laugh trip talaga tong blog mo. :) sinusuyod ko lahat ng entries mo eh.

k0tz said...

natutuwa ako sa mga post mo. hehehe.. inishare lang sakin ng officemate ko na schoolmate mo. Abah! Ina-advertise nya ang blog mo! pero sabi nya. ingat sa mga bastos na post mo. tama pala sya! maraming ngang bastos sa post mo. nyahaha. peace!!! 4days na ata akong nagbabasa pag bored nku sa ofis. Salamat sayo! =)

glentot said...

Anonymous salamat po sa pagsuyod...

kotz oo nga eh nahiya na nga rin ako sa dami ng kabastusan kapokpokan at kapornohan dito kaya hindi na ako masyado nagpopost hahahahha salamat at kahit papano may natutulungan ako na marelieve ang boredom. I'm sure si Joanna ang nag-aadvertise, and I'm sure kung hindi nya ako friend, she wouldn't be going around recommending a blog as sinful as mine hahahaha...

June | Life and Spices said...

Gusto ko matry kasama ka sa ibang events aside sa outreach.. medyo serious ka that time eh.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding