holy week

Dahil holy week, pinagbabawal ang pagkain ng baboy kaya naghanda si Tita Sasha Fierce ng pritong galunggong at tortang talong na tinanggap ko nang buong puso hanggang sa maubos at namalayan kong natinik ako ng galunggong sa lalamunan kaya dinukot ko ng daliri ko ang tinik sa lalamunan ko dahil abot na abot ko naman sya pero ayaw talaga matanggal kasi mukhang malalim ang pagkakabaon ng tinik at dinukot ko hanggang sa tonsils ko at biglang lumabas uli ang kinain ko Hello Undigested Tortang Talong at dahil nagmamadali ako dahil pupunta pa ako sa BIR para magfile ng Income Tax Crap wala akong time dumukot ng tinik kaya naligo ako at nagbihis at pumunta sa BI effing R at sa dami ng inasikaso ko hapon na ako nakauwi at wala na akong kapangyarihan kaya pagdating ko sa bahay bagsak na ako sa kama at nakatulog at midnight na ako nagising at nang magutom ako ay naghanap ako ng makakain at may pagkain sa lamesa at kinain ko agad huli na nung mapansin kong longaniza pala ito at sabi ko sa sarili ko wait oops there's something wrong at narealize ko bawal nga pala kumain ng baboy kaya nga ako kumain ng galunggong kahapon at narealize ko nasa lalamunan ko pa ang tinik and Hello Undigested Longaniza. What about you, how holy is your week?

the 10 truths

The 10 Truths About Me That You Did Not Know:



10. Mabait akong tao, matulungin sa kapwa at mabuti ang puso.
9. Madalas akong makonsensya sa mga sinusulat ko.
8. My motto is: Love one another.
7. I love my tita!
6. I love my job!
5. I believe in world peace.
4. Hindi ako tsismoso.
3. Contrary to popular notion, I'm not "yummy hot to the death".
2. I hate porn, eww.
1. Virgin pa si Khikhi.

But then again, Happy April 1 2009!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding