losers


OK I'm so disappointed mga kids. Walang nanalo sa pa-contest ko. Ganun ba kahirap at walang naka-hula, o ganun lang talaga ako ka-galing magsinungaling?

Totoong bwakaw ako sa pagkain at nanghihinayang ako magtapon, kahit tira ni Khikhi kinakain ko. Eww.

Totoong nagreremix ako ng porn movies. Yung last kong ginawa eh yung soundtrack ng trailer ng Watchmen ang background music. Izzo kewl.

Talented ako sa pagsisinungaling, true. Kaya nga walang nanalo dito sa pacontest na ito. So kung walang nanalo, meaning lahat losers... Peace!

Kumakanta ako mag-isa sa loob ng elevator. Minsan nalingat ako, bumukas na pala, kumakanta pa ako habang nagtetext. Buti mga matatandang foreigners ang pumasok. Kung mga Pinoy yun, wala, na-blog na.

Pinipilit ko pa ring tapusin at enjoyin ang 120 Days of Sodom. Dun na ako sa part na naliligo sila sa isang barrel ng tae.

Magpakamatay na ang ayaw maniwalang sumali ako sa isang charity foundation. Totoo yan.

Totoo rin na hindi ko maitapon ang mga walang kwentang memorabilla. Naitatago ko pa pati mga lumang post-it notes, lahat ng grade sheets ko nung college at wrapper ng condom chocolate.

Umiinom pa rin ako ng Cherifer sa pagka-obsessed ko sa height. Magpapa-built in takong na ako pag hindi talaga gumana.

At... totoong naglayas ako dahil sa pitsel.

Ang hindi totoo, ay yung tungkol sa aking journal, dahil hanggang ngayon, tinutuloy ko pa rin yun at hindi ko maihinto. Sentimental nga eh.

Putang-ina. Ako na lang ba ang kakain ng papremyo ko? Sayang talaga ang chocolates. At yung one night stand with me. Kung may gustong magclaim, pwede pa naman...

Gagawa na nga lang ako ng bagong contest... Abangan...

10 things

This is Whatever 10, ang pakulo ng mga bloggers na nakita ko sa blog ni Paps (na nag-invite sa akin na gawin ko rin daw)...

Rules are, list ten trivia about yourself, 9 na totoo at isang kahindik-hindik na kasinungalingan. kailangan mahulaan ng readers kung alin ang kahindik-hindik na kasinungalingan. Ang makasagot, makakasex ako for free.

But wait, there's more! Hindi lang yan, may kasama pang isang kahon ng Ferrero Rocher. Binili ko ito kelan lang para sa isang special someone, ngunit nagising ako isang umaga at hindi na pala sya special. Kaya ipapapremyo ko ito, habang hindi pa sya masyadong inaamag sa locker ko sa office.


"I know you want me..."


Yun eh kung masagot nyo nang tama. Ang sagot ay essay format minimum of 500 words with introduction, substantial evidence and conclusion... Post nyo answers nyo sa comments... Game!


10 Things You May Not Know About Me
(That Might Change Your Life) (Pramis)

1.) Nanghihinayang ako magtapon ng pagkain. Kapag kumakain kami sa labas at may tira ang kaibigan ko, uubusin ko talaga para sa kanya. Maraming batang nagugutom, at hindi sila mabubusog pag tinapon yun, pero ako, oo mabubusog. Kahit ice na natira sa ice tea ko, kinakain ko.

2.) Marami akong collection ng mga music videos (mga porn clips na nilagyan ng pamatay na background music at special effects). Minsan ginawan ko ng music video ang Tarzan X to the tune of "Hawak Kamay" by Yeng Constantino. Nakakainspire talaga sya pag napanood nyo Kids... "Di kita iiwanan sa paglalakbay... sa mundo ng kawalan..." Sweet.

3.) Meron akong journal kung saan sinusulat ko ang lahat ng kababuyang nagawa ko sa isang buong araw. Ngunit nung napahilig na ako sa blog ay tinigil ko na ang pagjojournal sa kadahilanang tamad ako magsulat at ang aking kalyo ay tinubuan na ng kalyo, at yung kalyo nyang iyon ay madalas naka-dirty finger sign sa akin at sumisigaw ng "Eto ka!" Minsan, i-scan ko at ipopost dito ang aking controversial journal... I miss it...

4.) Sobrang galing kong magsinungaling. Maraming beses na akong nagsinungaling at hindi pa rin ako nahuhuli. Kasi pinaplano ko talaga ang sasabihin ko, kulang na lang isulat ko pa. Gumagawa nga ako ngayon ng manual, "How To Tell Lies" na malapit ko nang ipost.

5.) Lagi akong kumakanta sa loob ng elevator kapag mag-isa lang ako. Birit. Paborito kong ibirit ay mga awitin ni Lady Gaga. "Popopopopopopopopoker face, mwahmwahmwahmwah..."

6.) Kasalukuyan kong binabasa ang obra maestra ni Marquis De Sade na "180 Days of Sodom" kung saan ang mga characters ay nag-oorgy (mga batang paslit at matatandang dugyot) at nandun na ako sa part na kung saan ay kinakain nila ang ihi, suka at tae ng isa't-isa. At habang binabasa ko ito ay naiiisip kong gawan ito ng pelikula someday kapag director na ako. At hindi ako gagamit ng chocolate bilang fake na tae. Tunay na tae ang ipapakain ko sa cast.

7.) Kailan lamang ay sumali ako sa isang charity organization na nagpapakain ng mga street childrenz in the Payatas, at sumasali ako sa kanilang feeding program na ginaganap twice a month...

8.) Sentimental ako. Ultimo bus tickets sa mga lugar na napuntahan ko eh ayaw kong itapon. Pati yung mga pinunit na movie tickets na binabalik ng taga-punit eh hindi ko maitapon. One time pati tissue paper ng crush ko eh tinago ko. Pati scratch papers ko, o ng kajerjer ko nung college, di ko maitapon (huhu I miss you)...

9.) Umiinom ako ng Cherifer sa pag-asang tatangkad pa ako ng kahit ilang guhit lang. Kung hindi ito nagwork, balak kong uminom ng Chinese herbs para tumangkad. Kung ayaw pa rin, mag-aabroad ako at magpapadagdag ng tuhod. OK lang na maging apat ang tuhod ko, kahit three-fold, basta tumangkad lang ako. Madalas ko ring maisip magpaliposuction ng manboobs, at idodonate ko ito sa mga mas nangangailangan. Karen?

10.) Nakarating ako dito sa Manila dahil sa paglalayas ko sa Baguio nung nag-away kami ng Nanay ko. At ang dahilan ng aming pag-aaway ay... nilapag ko ang pitsel sa gilid ng lababo at muntikan itong mahulog. Matapos akong pagalitan, nag-alsa balutan ako at hindi na bumalik.

------

Sirit na ba... Hihihi. Sana may makasagot, sayang naman ung Ferrero, at yung free sex sa akin. Bye Kids, good luck and mwahchupah!!!

the tae issue

Goodmorning Kids. Napansin ko lately eh medyo nagiging boring ang topics ko like end of the world stuff and pakingshyet na movie review at mukhang lumalayo na ako sa tunay na layunin at adhikain ng aking blog: isiwalat ang mga nakakadiring issues sa buhay ng tao. Kagaya ng tae.

Hindi ako magtatanong ng mga corny na quiz questions tapos in the end malalaman mo kung anong klaseng tae ka and hindi rin ako magcacategorize ng mga tae (basa, tubol o butil butil). Hindi rin ako magdwe-dwell sa mga taong may tae-taeng konsepto sa buhay gaya ni Khikhi (na matagal ko nang hindi nakakausap, ang last text nya sa akin ay "Mabuhay ang Pilipinas!").

Ang kuwento ko ngayon ay tungkol sa isang karanasang main ingredient ang tae, at pagtapos ng kuwento kong ito ay magpapasalamat ka na hindi nangyari sa iyo ito... Ako, sobrang pasalamat ko na hindi ko ito naexperience, o nakita man lang... Naikwento lamang ito ng isang taong itatago natin sa pangalang... Badong.

Kaibigan namin si Badong, just recently lang namin sya nakilala. Medyo mas matanda lang kami sa kanya ng konti, college pa lang sya at kasalukyang nakaenroll sa isang university dito sa Manila. Madalas kaming mag-call conference na magkakaibigan, at tuwing kasali si Badong ay puro nakakadiri ang nagiging takbo ng usapan namin, na neenjoy ko naman.

Minsan ang naging topic namin ay "Most Embarrassing Moment ala Slumbook." At doon nagsimulang magsalaysay si badong sa kanyang kahiya-hiyang karanasan...

High school student noon si Badong, at naglakas-loob syang manligaw. Niyaya nya ang babae na makipagdate, at pumayag naman ang babae, siguro gusto rin sya nito. Dahil importante para kay Badong ang araw na ito, lubos syang naghanda sa pagaayos ng kanyang sarili, mula sa kayang buhok, mukha at pananamit. Dahil casual date lang naman ito, naisipan nyang magsuot ng shorts.

Marami silang nakaplanong activities para sa araw na iyon. Magkikita sila sa labas at pupunta sa Baclaran, kung saan papasok sila sa isang mall at ibibili nya ang babae ng t-shirt bilang gift. Romantic itong si Badong... Lahat ay naplano nya na... hanggang sa magkita na sila at nangyari an ghindi nya inaasahan...

Kumukulo ang tiyan ni Badong...

Dahil nadyadyahe naman syang umuwi muna para tumae eh naisip nyang tiisin na lang muna dahil lilipas lang naman ito. Pinilit nyang alisin ito sa isipan nya, at pinagpatuloy nila ng babae ang pagstroll sa Baclaran patungo sa mall.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Hindi na maikakaila ni Badong na hindi maganda ang naging kombinasyon ng mga nakain nya, at ngayon ay lumalabas na ang mga sintomas sa kanyang katawan: pagkabalisa, pagpapawis, pagkawala sa sarili at pag-ilag sa malamig na hangin...

"OK ka lang?" usisa ng babae.

"OO..." sagot ni Badong, ngunit biglang humilab ang kanyang tiyan, kaya bigla nyang naidagdag,

"Hanap ka nga ng kubeta..."

Hindi na lingid sa kaalaman ng babae ang pagdurusa ni Badong, kaya daglian syang naghanap ng pinakamalapit na kubeta. Samantala, ramdam na ni Badong ang nalalapit na taghukom: dumudungaw na mula sa butas ng kanyang pwet ang malagim na katotohanan... lalabas na talaga... Nawawala na sya sa sarili...

Wala silang mahanap na kubeta, at medyo matatagalan pa sila kung maghahanap pa sila. State of emergency na si Badong. Lumabas na ang unang forbidden fruit. Kasalukyan na itong nakahimlay sa loob ng brief nya. Nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata...

"Uuwi na lang muna ako..." sabi ni Badong sa babae, at naintindihan naman ito ng babae, at gusto sya nitong samahan ihatod pauwi... Ramdam ni badong ang init na nagmumula sa kailaliman ng kanyang pagkatao... ang init at lagkit na dulot nito, at batid nyang hindi na sya aabot kung magbubus sya o magjejeep.

"Pasensya na ha, hindi natin mabibili yung t-shirt mo, ipangpapamasahe ko na lang ito sa tricycle," pagpapaumanhin ni Badong, at naintindihan naman sya ng babae. Pumara sila ng tricycle at dalian silang sumakay at humhangos na sinabi ni Badong kung saan sila ihahatid. Napuna ng driver ang kanyang pagkabalisa.

"OK lang ba sya?" tanong ng driver.

"Natatae po sya..." sagot ng babae.

Halos pagbagsakan ng langit at lupa si Badong, ngunit wala syang magawa, hindi na rin nya alintana ang pagngisi ng driver, at ng babae, o and lagkit sa kaibuturan ng kanyang brief.

Ang tanging nais na lang nya ay makauwi... lalo pa at nadarama nyang may kasunod pang forbidden fruit na lalabas...

Hindi na nya ito napigil... Wala na sya sa tamang huwisyo, lalo pa't malapit na sila sa kanyang bahay... Paghinto ng tricycle ay dali-dali syang tumakbo papasok sa gate, papasok sa bahay, habang nagkakandahulog ang kanyang tae sa lahat ng daanan nya. The End.

movie review: drag me to hell


What the fuck is wrong with Sam Raimi?

Stupid stupid stupid film. Sorry sa mga fans(?) nito pero hindi talaga ako natuwa. OK na sana ang plot. Imagine mo na hihilahin ka nga papunta sa impyerno sa loob ng tatlong araw eh kikilabutan ka nga naman. May konti rin na twist na kahit medyo predictable ay nakaka-disturb. Hindi ganun kagaling (at kaganda) ang bida pero sige na rin. OK na ito keysa naman manood ka ng BFF or kung ano pa mang kabaduyan. Ang mali lang, hindi ginandahan ang pagkakagawa ng storya base plot.

Hindi ako nagmamagaling. Wala akong alam sa story writing at movie making. Pero mahilig ako sa horror movies, at hindi ako natakot sa scenes na gaya nito:

A). Pumasok yung gypsy woman sa loob ng kotse ng bida, si Christine at inatake sya. Wala syang maabot na panlaban sa gypsy kundi ang stapler. Inistapler nya na lang sa mukha, hanggang sa mapaandar nya ang kotse at nabangga sila, at tumalsik ang pustiso ng gypsy woman.

B). Nagpunta si Christine sa bahay ng gypsy woman para mag-sorry, only to find na patay na ang babae. Dahil sa gulat nya, nadapa sya sa ibabaw ng bangkay ng gypsy woman, at swak na swak ang bunganga nya sa bunganga ng bangkay. Sa pagstruggle nya, napahiga nya at napatong sa kanya ang bangkay, habang magkalips to lips pa sila, at may lumabas na green slime sa bunganga ng bangkay.

C). Inatake na naman si Christine ng gypsy woman sa loob ng storage room. Sinasakal nya si Christine padiin sa isang poste. Buti na lang nagkataong may nakabitin na anvil sa ibabaw ng ulo ng multo. Pinutol ni Christine ang lubid na pinagsabitan ng anvil at nahulog sa ulo ng gypsy woman. Tumalsik ang mata ang dugo ng gypsy woman sa mukha ni Christine.

D). Sinaniban ng ghost ang isang kambing, na nagsalita at sumigaw ng...

You gave the spirit to me! YOU BITCH!!!


Sa dami ng times na inatake si Christine ng ghost, parang masasanay ka na lang with rolling eyes thinking ayan na naman OK matapos lang... Lihim kong winiwish na sa ending ay irereveal na isa itong additional sequel sa Scary Movie series.

Paglabas mo ng sinehan, you'll feel like you have been dragged to hell.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding