movie review: the horsemen

Hindi po ito tungkol sa mga taong mukhang kabayo o sa mga taong mahilig mangabayo.

Isa ito sa mga movie na maganda ang trailer at poster, kaya maaaakit kang manood, tapos kapag nabayaran mo na yung ticket, parang maiisip mo, Hmm sayang hindi na pwede ibalik, tapos titingin ka sa ibang movie posters, tapos makikita mo ang Yaya & Angelina The Movie, and you're like, putangina???

Tungkol ito sa isang pulis (ewan ko kung anong rank nya, basta tuwing may namamatay, pinapatawag sya) na nagi-iinvestigate sa mga weird na murders na nangyayari sa lugar nila. Weird kasi may torture devices na ginagamit at may pattern ang killer, at ang mga ginagamit na clues ng killer ay kinuha nya pa sa huling book sa Bible, ang Apocalypse. So yung "Horsemen" sa title refers to The Four Horsemen of the Apocalypse, na magpapakita sa mga tao kung paano darating ang end of the world.

Nagustuhan ko yung movie dahil mahilig ako sa mga medyo morbod at masakit panoorin, yung may torture, at syempre yung may konting mystery para mag-isip ka ng konti. At kakaiba ang role dito ni Zhang Ziyi, kung dati ang role nya lagi ay "Chinese kick-ass hottie", dito sya ay "Chinese kick-ass hottie na papatay sa iyo."

Ang hindi ko lang nagustuhan sa movie ay yung bandang ending. Ewan ko kung happy ang ending na ito para sa iba, pero para sa akin, dapat namatay silang lahat. Yun po. Thank you.

I recommend watching this on pirated DVD (waha!). Huwag na sa sinehan or sa HBO, dahil mas marami pa syang cut keysa sa V-Cut. Again, pirated DVD (waha!), (wag na original, unless collector ka ng serious serial killer movies). Mag-isa ka lang dapat, wala kang kasama na tanong ng tanong ng "Ano na nangyari" kasi text sya ng text. Patay dapat ang ilaw, at preferably, bumabagyo sa labas para feel na feel. Ondoy much?

Ondoy Baduy fuck you ka.

movie review: sorority row

So pinili kong manood ng movie na ito keysa sa pumasok at magtrabaho kahit holiday para kumita ng holiday pay dahil Eid'l Fitr ngayon. <insert matinding pagmumura here>

This is not your average horror movie... dahil this is below average nyahahaha... Hmm hindi naman ganun kapangit kasi kahit papaano nag-enjoy naman kami sa mga scenes hindi tulad ng sa Final Destination 4. At nakakaenjoy rin i-solve ang whodunit mystery nito.

Tungkol kasi ito sa mga sorority girls na nagplay ng prank sa isang boy, kunwari nalason sa drug yung isang babae dahil kasalanan ng boy kaya pinilit nila yung boy na itago nila yung girl (na kunwaring patay) sa isang liblib na lugar. Tapos habang nag-iisip sila ng gagawin, tinuluyang patayin ng boy yung girl.

So nag-vow sila na never sasabihin kahit kanino ang ginawa nila. Parang napanood ko na ito ah, ah hindi pa siguro, probably something I thought I Did Last Summer.

At matapos nila idispatsa ang bangkay, balik sila sa party!

Nung graduation na nila, isa isa na silang pinapatay ng isang naka-hood na serial killer... Teka parang napanood ko na ito ah, ah hindi pa siguro, probably some other movie that made me Scream!

Tapos habang iniisa-isa silang pagpapatayin, nag-aaway pa sila as in catfight ng mga babae teka parang napanood ko na ito ah, Mean Girls?

So overall kung sa tingin mo eh kailangan mo talaga itong panoorin para sa ikabubuti ng buhay mo eh di panoorin mo, kung sa tingin mo naman ay marami pang mas magagandang palabas sa sinehan, TAMA KA.

Pero OK lang sya promise.

punishment

Alam mo yung pakiramdam na pinarurusahan ka ni Lord?

Nagsimula ang lahat nung Sabado ng hapon. Nakipagkita ako kay Pinky dahil kailangan ko syang damayan dahil ninakawan sya ng cellphone and other stuff nung Sabado ng umaga at gusto nyang mag-unwind. Ako rin naman, gawain kong mag-unwind kapag ninanakawan ako ng stuff.

So nagkita kami sa Megamall at nagkape, tapos dumiretso sa bahay nila Beomz, kasi may inuman dun. Pagdating namin ni Pinky doon kung saan may nagbibirthday ay dinatnan namin sila na nag-iinuman na at ang natitirang food na lang ay pancit cubes (yung lumamig na pansit at nagdikit-dikit) at isang dish na galing pa raw sa Marinduque (imported?). So kain kami ni Pinky ng konti, tapos sumali na ako sa inuman, hindi kasi makainom si Pinky dahil masikip ang dibdib nya matapos tumira ng dalawang packs ng yosi nung araw na iyon (dahil nga ninakawan sya at kailangan nyang mag-unwind talaga).

The Bar ang tinira namin as usual dahil mura at hindi masyadong nakakalasing at OK naman ang lasa. So nakailang The Bar na kami, maya-maya tuwing mauubos ang isang bote, The Bar, tapos pagkaubos, The Bar na naman tapos The Bar The Bar The Bar hangggang sa hindi ko namalayan barbar na pala ako...

Habang nagsisikantahan sila sa Magic Sing at nag-iiyakan sa nasirang pag-ibig, naglilipjuckan sa dilim at naghihilik sa sulok sulok, ako naman ay nagsisimula nang mag-ingay. Ang pagkakaalala ko nung nasa huwisyo pa ako ay matino akong nakaupo sa upuan sa tabi ng pintuan. Nung wala na akong kontrol sa aking pagkatao at ang kaluluwa ako ay 70% alcohol na, namalayan kong nakasalampak na rin ako sa sahig at padapa pahiga patabi kahit sa hindi ko naman kilala.

Tapos isa-isa ko silang hinulaan.

Naalala ko yung hula ko kay Beomz: maaga syang mamamatay.

Yung ibang hula ko hindi ko na maalala, basta inisa-isa ko sila at hindi ko maalala kung puro positive ba o negative ang mga sinabi ko. Tapos ayan na... ayan na... ayan na... nararamdaman kong bumabalik paakyat ang kinain ko.

Tumakbo ako papunta sa CR, at hello pancit cubes at hello Marinduque dish. Parang binaballigtad ang buong pagkatao ko habang sumuska. Shit. Pakiramdam ko talaga mamamtay na ako. Matapos sumuka may magandang loob na nagpalit ng t-shirt ko at inalalayan ako hanggang sa kwarto upang matulog.

Nang magising ako, nasusuka ako uli. Takbo ako uli sa banyo. Masakit na ang dibdib at lalamunan ko, mamamatay na talaga ako. Matapos sumuka, nang mapadaan ako sa salamin, doon ko nakita ang kahayupan(?) na ginawa sa akin HUHUHUHUHU sinuotan nila ako ng hanging na V-neck na shirt na may flower flower pa.

Nagkape kami ni Pinky sandali tapos umalis na kami para umuwi, umaga na kasi. Bago sumakay ng tricycle, nagsuka muna ako, kulay black, kasi black coffee yung pinainom sa akin.

Tapos sumakay kami ng taxi, at sa daan eh nagsuka ako uli sa sidewalk, kulay brownish na sya, parang gastrointestinal juices na yata yun?

Sa awa ni Lord nakarating ako ng bahay na hilong hilo. Kinailangan kong magpaaalam sa aming Bible Study sa hapon kasi hindi ako makakapunta dahil sa sobrang hilo. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako agad ng Tita ko.

"Anak mag-almusal ka na--"
"BOooOOOOOOAaaaaAAArrrRRRGGGhhhHHHH!" buti na lang umabot ako sa banyo.

Nawindang si Tita Sasha Fierce at hindi nakapagreact ng violent.

Naghilamos at nagbihis ako at nahiga na sa kama ko...nang biglang.... BROWNOUT.

Putaena.

Hindi ako makatulog nang mainit. Inom ako ng inom ng tubig. At tuwing iinom ako, after 5 mins, isusuka ko yung ininom kong tubig. Clear na yung suka ko. Ubos na ang laman ng tiyan ko. AT sinusumpa kong hindi na talaga ako iinom uli.

Pagkagising ko sa hapon, una kong ginawa ay tumingin sa salamin. Awang-awa ako sa pagkatao ko... Gulo gulo ang buhok ko... Nanlalagkit ang mukha ko... Ngunit... teka... parang may nagbago... ang tiyan ko... lumiit.

Ito pala ang sikreto sa pagpapapayat now I know nyahaha.

Yun lang. The End.

--Shoutout to Mignon na humihingi ng shoutout hehehe, and to Beomz thanks muwah!

movie review: final destination 4

Kasi naman pinilit ako ng friend ko na manood nito. Ka-level nito ang maraming sucky movies na My Bloody Valentine, Grave Dancers atbp.

It's the same plot (that used to be interesting) exploited again and again. This is spoof material.

It's the same theme that people got used to 9 years ago. Move on! That plot is SO 1999.

It's a lame execution of a lame loser story.

Napapa-English ako dahil sa sobrang galit sa aking puso!


Me & My Friend: *Yawn*
Dalawang Baklang Cross-Dresser Sa Likuran Namin: AY! AY! AY! AAY! AAAY! AAAY! AYYYIIIEEE!

Sucky movie!!! Enough said.

parangal

Grrrabe hindi ako nagpost ng matinong update ng ilang araw pero pag-login ko sa Dashboard ko ngayon aba, tumataginting na 8 comments at almost lahat ay nanggaling kay g7 na itatago natin sa kanyang tunay na pangalan na Reginald Viado at dahil diyan may parangal ka bilang...

"The Most Surprising Most Number of Most Insulting Comments On My Blog Award"

At kasabay ng award na yan ay I want to propose na palitan natin ang name mo from REGINALD ay gawin nating VAGINALD.

Thanks!!!! Hahahaha peace Viadz long live Viadism!!! Sama ka sa Bible Study namin, next topic namin ay "Thou shall not watch porn in the office." Makakarelate ka.

Para maging mabuti kang tao like Joanna, Pinky, Wendell, me, etc.... Nyahaha.

Keep the comments coming para hindi halatang tayo-tayo lang nagbabasa hahahaha.

Peace out! Halata bang masaya ako dahil sweldo ngayon?

god is love

Hihihi for sure sa title pa lang ng post na ito marami nang magrereact ng negatibo well SORRY mga error kayo! Hekhekhek nag-bible study kasi kami ayan for sure mas maraming magrereact na naman ng kung ano-anong masakit sa damdamin well SORRY totoong nag-Bible study kami... hmmm hindi exactly Bible Study kasi wala kaming dalang Bible.

Ganito kasi yun, meron kaming Starter Cell courtesy of Jhoannah (dinadagan ko ng 'H' pang-asar lang sa kanya). Ang Starter Cell ay parang series ng topics na may mga aral about God and mga questions sa buhay namin. Kaso mahirap ma-explain sa Nanay ko nung paalis na ako ng bahay na "May Starter Cell kami ngayon ha!" kasi baka isipin nya tumitira kami ng Pigrolac, lalo na kapag tinawag ko ang mga kasama ko as "cell-mates", parang bilanggo lang? So Bible Study or BS na lang para wala nang paliwanagan.

Sa Shangri-La kami nag-BS habang nagkakape. Syempre aside from Jhoannah, ang aga kong dumating, next si Wendell, at si Pinky na super late ng very very nice. Apat kaming cell-mates.


Nag-opening prayer muna si Jhoannah at yumuko kaming lahat. Matapos ang prayer, nagcomment si Pinky sa akin, "Ang linis ng paa mo today." Ang hayup, tinititigan pala ang paa ko habang nakayuko, buti na lang napedicure ko yun.

So simula na kami sa aming topic for that day which is God is Love. Ang una kong naisip, naku patay, kapag may nagtanong sa akin kung ano ang natutunan ko sa aming BS, ang isasagot ko ay God is Love, malamang hindi sila maniwalang nagBible Study talaga ako, para na naman akong nanggo-goodtime.

Ang unang tanong ni Jo ay, "How have you been doing recently?" Ako at si Wendell mabilis sumagot. Si Pinky, nahirapan nang very very nice! Parang hindi nya maisip kung kumusta na nga ba sya. At unang tanong pa lang yan.

Tapos take turns kami sa pagbabasa at isa isa naming sinagot ang tanong.

"What is Love?"
"Love is a state of mind," wika ni Wendell.

Nang basahin namin ang next paragraph, sabi nito ay... "Love is not a state of mind." Kontra agad?

Smooth naman ang flow, nang biglang tumambay sa harap ng table namin si Ai Ai delas Alas kaya nadisrupt kami ng konti, at comment pa si Pinky ng "Tao rin pala sya..."

Pag-alis ni Ai Ai smooth sailing kami uli hanggang sa tumae si Pinky. Masama raw ang tiyan nya since morning. Siguro naka-aggravate sa tyan nya nang sumawsaw yung siko ko sa whipped cream ng waffle nya na hindi nya namamalayan.

Pagbalik ni Pinky, tuloy uli kami sa aming discussion about God is Love. Love tayo ni God kahit nagkakasala tayo. Love nya pa rin tayo kahit ulit-ulitin natin ang kasalanan natin. Love tayo ni God kahit panay ang "shettt" natin during Bible Study.

Tapos tumae na naman si Pinky. Yup, pangalawang beses na. Masama yata talaga ang tiyan nya. Since medyo tapos na kami nun eh nagkuwentuhan na lang kami about movies and stuff hanggang sa mag-uwian.

Next time na may Starter Cell kami, sali kayo? Yung friend naming Muslim, sasali!

--- Special shoutout to Jo, Pnx and Wendell and his Accenture teammates na may "first-name-basis" relationship sa akin, naghihintay (daw) ng updates lalo kapag bored at naglabel sa akin ng "Annoyingly Funny" ahahaha I love dut!!! Sana lang wag i-block ang blog ko diyan...

Mwahchupah!

last names

So nagpunta ako kaninang umaga sa Police Station ng Makati para kumuha ng Police Clearance para sa Comelec Registration dahil pinepressure ako ni Tita Sasha Fierce na bumoto this coming elections. Pagdating ko dun, eh di fill-up ako ng form, tapos pila kami, tapos nung tinatawag na para i-claim ang Police Clearances eh may apelyido na nakatawag ng pansin ko:

"Dorimon, Fe... Dorimon, Fe... Nandiyan ba si Dorimon, Fe???" sabi nung pulis na nagrerelease ng clearance.

Doraemon wahahaha. No offense po ate Fe. I'm sure hindi lang ako ang natawa na-amuse, yung mga pulis rin, sabi pa nga nung katabi kong pulis sa akin, "Cartoons?"

Naalala ko tuloy bigla yung mga medyo kakatuwang apelyido na naencounter ko dati.

Nung college kami, first day of classes sa Psychology, nag-check ng attendance yung instructor namin.

"Mr. Libag?"

Hindi ko napigil yung tawa ko. Sumambulat yung laway ko as in Pppphhhbbbttt! yung sound effects. Eh sa harap ako nakaupo, at narinig ko may sumagot ng "Present" sa mismong likuran ko.

Ayun, hindi na bumalik si Mr. Libag the next day. Or the next. Hindi na sya nagpakita uli.

Minsan naman sa Philosophy I. Inutusan ng instructor namin yung classmate kong engot para magcheck ng attendance. Umabot sya dun sa name ni Mr. Jacla (pronounced as "hakla")

"Ano ito? Paano i-pronounce to? Jackla? As in Jokla?"

Pero wala yan sa penpal ng pinsan ko nung elementary pa lang ako. Naghanap sya ng penpal sa isang comics, at inisa-isa nya yung mga pangalan dun hanggang sa dumating sya sa name ni Miss...

Louella V. Quinantot

The End. Hope napasaya kayo. Again no offense sa mga may ganyang apelyido.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding