blunt concept

Mahilig ba kayo sa rock metal songs? Kung hindi, for sure hindi nyo pa na-try makipagsex na ang background music ay rock metal. Not based from personal experience, mas masarap po magsex kapag ang tugtog ay rock metal. Feel na feel mo po ang kababuyan love.



Kaya gusto ko po ipromote ang aking mga officemates na may rock metal band, BluntConcept. Hindi BlondeConcept ha. Binigyan kasi nila ako ng kopya ng kanilang first album, Ungreed and Infinity, kaya to return the favor, ipopromote ko sila sa blog ko para malaman ng eleven maraming taong nagbabasa sa blog ko ang tungkol sa band nila.

Magaganda yung songs nila, narinig ko yung ibang bagong samples habang ine-edit nung officemate ko habang nagtatrabaho sya (yup, using company resources haha).

Kaya Kids, habang hindi pa sila national at international success, pakinggan nyo na yung songs nila sa website nilang www.bluntconcept.com para masabi nyo pagdating ng araw "Ah yang bandang yan, alam ko na yan bago pa sila sumikat, pero ngayon hindi ko na sila gusto kasi pinatutugtog na sila sa jeep at nakikisabay na kumanta ang mga emo."

At gawin nyo nang background music sa pagtototnakan lovemaking ang kanilang songs. Believe me, para rin ito sa ikabubuti ng inyong buhay.

Nga pala, kung mag-shoshot na rin lang kayo sa araw na ito, December 12, 2009, dun na lang sa gig nila. Napostpone kasi yan nung rumampa si Ondoy. May new album sila eh. Sana bigyan din ako ng kopya.



At kung iniisip nyong binayaran ako para ipromote sila, how I wish haha.

Salamat.

Remember...background music.

movie review: (500) days of summer

This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a love story. " Sabi yan nung narrator.

"This is a story of boy meets girl. But you should know up front, this is not a chick flick, this is a dick flick. " Ako may sabi nyan.

It's nice to watch something different for a change. Halos lahat kasi ng napapanood ko eh yung babae ang luhaan, lalaki ang asshole, bading ang magsyota etc etc etc.

The story is about Tom na nainlove kay Summer. Ayaw makipagcommit ni Summer. Yun lang yun.

Simple yung istorya pero maganda at non-conventional ang pagkaka-present, non-linear ang timeline at mabilis ang mga pangyayari, at feel good lang. Wala akong nakitang cheesy moments, mga luhaang confrontation, lumulubog na barko o naguguhong planeta. Just two people, na pwedeng maging isa sa atin.


Nagustuhan ko ito kasi pwede kong magamit sa buhay ko yung mga natutunan ko, gaya ng:
1. Huwag magpakaseryoso sa mga relasyon,
2. Ang mainlove, baaaaduy
3. Bitch ang mga babae,
4. Unahin mo ang sarili mong kaligayahan bago ang kaligayahan ng iba,
5. Enjoyin mo na lang habang kasama mo pa sya,
6. Huwag maniwala sa mga love songs,
7. Tama na yung sex sex lang.
I suggest panoorin nyo na ito habang showing pa. Wala lang, hindi naman magbabago ang buhay mo pero may lesson din naman na mapupulot, like "Roses are red, violets are blue... fuck you whore. "

Recommended to watch with your loved one while cuddling, at sigurado pagtapos ng movie, break na kayo. ♥

movie review: halloween 2



Don't even bother...


basted amfufu

BWAHAHAHAHAHAHA kung nakikita nyo lang ako ngayon, mamamatay na ako sa kakatawa... Saglit tatambling lang ako.

So ganito nagsimula ang lahat. Wala akong mai-blog dahil walang nangyayari sa buhay ko, mahina ang sex life at walang masyadong relevant na chismis si Khikhilyn (meron na daw syang Facebook account, kakanta raw sya sa Kamalig Bar, patay na daw yung isang high school teacher namin, etc.)

Sobrang wala akong magawa kaya naisip kong gumawa ng kapaki-pakinabang.

ASA!

Nagbukas na lang ako ng Friendster account ng mga kaibigan kong alam ko ang password at nagbasa ng mga private messages nila, mas kapaki-pakinabang ang gawaing ito.

Binuksan ko ang messages ng kaibigan naming itatago natin sa pangalang Amadeus Wolfgang, at hanggang ngayon tumatambling pa ako sa kakatawa dahil sa nabasa kong private message nya.

Basahin nyo at siguraduhin nyong may maluwang na space sa paligid nyo dahil mapapatambling kayo.
Amadeus Wolfgang wrote:
Subject: good day
> lo,,hows your day?hope to hear your very well okay,,maybe your still busy with your work and especially to your school chores,,i know u can make it all coz u are a brilliant and versatile one.,.,.,hindi ko alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko, pero totoo na hindi kita malimutan.,.,., hindi ko nga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sayo.,.,.,alam kong mahirap patayin ang katotohanan...hindi ko gustong guluhin ka pero nahihirapan ako kung hindi ko masabi sayo ang nararamdaman ko sayo.,.,.,by the way,belated happy to you wish you all the best in this world,.,.,ur such a great daughter to your family.,.,to be admired and respected by many./././././ingat ka lagi.,.,.wzwzwwzwzwzwzwz


At alam nyo kung anong sinagot sa kanya? Eto!

HoneyGlazing wrote:
Subject: Re: good day
Message:
hey Amadeus Wolfgang...how r u?...its been awhile since the last time i heard from you..i am doing well,but yup, you guessed right...busy as usual hehee.thought you were mad at me..j/k...kidding aside,don't think that your bothering me,cuz your not...i feel bad that you feel that way...you know Amadeus Wolfgang your a very nice person and your my friend, that's why i'm being true to you...if i let you court me and still don't feel the same way you do...i just don't want to hurt you...r u sure u really have feelings for me?...anywayz,take care=)!


Don't get me wrong, mahal na mahal namin itong kaibigan naming ito. Pero NAKAKATAWA TALAGA ANG FACT NA BINASTED SYA SA FRIENDSTER! Wuhaha Alavet.

At dahil dito, may binubuo akong isang maitim na practical joke... Harharhar.

(Cheryl Dyan I needs your helps)



(BTW, Nabalitaan kong namatay ang aming Bilology teacher. Rest in Peace po para sa yumao naming teacher, I hated you, but not as much as I hated Biology, so that means I love you so much! Find your peace in God's hands, and sana you're safe in heaven surrounded by dissected frogs and the rest of kingdom Animalia...)

aswang

Naalala nyo pa yung tita kong si Sasha Fierce?

Kaninang umaga pag-uwi ko galing sa trabaho, habang nanonood ng TV at nag-aalmusal eh may commercial sa TV ng Survivor Philippines at pinakita na nagbabangka sila, at biglang sumabat ang Sasha Fierce,

"Sa ganyan kami sinukat ng aswang."

Medyo nabulunan ako sa sinabi nya kaya nilunok ko muna yung nginunguya kong longaniza bago nagtanong ng "Ano?"

"Sabi ko sa ganyan kami sinukat ng aswang."

Eh hindi ko nga gets kung ano yung sinukat ng aswang sa inyo. "Ano nga yun?"

"Yan oh, yang bangkang yan, nung mga bata pa kami, muntik kaming aswangin habang nakasakay kami diyan!"

Eto na naman tayo sa mahaba-habang flashback moments ni Sasha Fierce sa kanyang violent but fun childhood.

"Apat kami nun, ako, si Remedios, si Clarita at may isa pa kaming pinsan. Nakasakay kami sa ganyang bangka. Eh nagkataong nandun yung aswang, sukat kang inuga-uga ba naman at lulunurin kami!"

"Pano mo naman nalaman na aswang yun?"

"Eh aswang talaga yun alam ko pa ang bahay nila Siason ang apelyido kaklase ko pa ang anak nya. Nagbabagong anyo pa yun marami nang nakakita. Minsan nagiging baboy minsan naman bulalakaw."

Tanginang aswang yan, nagiging bulalakaw.

"Ayun, nung nakita ni Nanay na inuuga yung bangka namin, sinigawan nya at pinauwi ang aswang. Hay simula noon natakot na kami lumabas kasi inaabangan kami sa labas ng bahay! Si Tatay nga eh muntik na hilain ng aswang!"

Focus on my longaniza.

"Buti na lang, may barya sya sa bulsa. Kasi kapag may barya ka, hindi ka nila maguguyod. Tapos yung kaklase ko naman na anak ng aswang, alok nang alok sa akin ng tinapay! Hay, kahit gutom na gutom ako, hindi ko tinatanggap, sinasabi ko may baon ako kahit wala."

"Bakit, ano mangyayari sa iyo kapag kumain ka ng pagkain nila?"

"Eh di mahahawa ka. Yung asawa nga ng pinsan namin eh, hayyy Diyos ko, nahawa ng aswang, si Auntie Bok mo ang nakakita! Sukat kang nakipamiyesta sa kabilang bayan eh may aswang dun at kumain sya ng pagkain nila, ayun pag-uwi nya, sumayad ang dila nya sa lupa."

Visualize nyo ito: longaniza bits, flying everywhere.

"Sige tumawa ka pero totoo yun! Tinali nga nila sya kasi tinutubuan sya ng pakpak sa likod ay Diyos ko mahabagin. Yung asawa nya gusto pa sya mabuhay pero yung mga anak nila ayaw na kasi baka mahawa sila."

"Anong ginawa sa kanya?"

"Ayun sinaksak na nila. Madami talagang aswang sa amin, mga kapitbahay pa namin yung iba." Nanahimik sya sandali, tapos...

"Puro mga bading."

"Ang aswang?" tanong ko.

"Hinde! Yang mga kasali sa Survivor!" sabay turo sa TV.

movie review: fame

Look at the poster. Sponsored ba ito ng Coca Cola?

Hindi ko binalak panoorin itong movie na ito, pinilit ininvite lang kami ni Joanna pagkatapos ng aming Bible Study. Yup, nag-Bible Study kami uli. Ako nga na-assign mag-pray para sa forgiveness ng humankind. True fact yan, promise ipinagdasal ko ang lahat ng kaluluwa ninyo ng mga makasalanan. Pero wag ka, nung naglead ng closing prayer si Pinky, nagbrown out. Ganun sya ka-powerful.

Mali lahat ng initial perceptions ko sa movie na ito. Akala ko it's a musical about a group of teenagers na sumali sa isang contest at nanalo at sumikat, kaya Fame. Akala ko rin ito yung klase ng movie na yung mga taong nagkuwekwentuhan lang will burst into a well-choreographed song and dance number at naguusap pa rin habang kumakanta ala Sweeney Todd/Mamma Mia.

Tungkol pala ito sa mga students sa isang Performing Arts na school, kung paano sila nagstruggle through audition, freshmen year through graduation. Pinakita kung paano sila napressure at kung paano nila naovercome ang success at failure.

Para sa akin, masyadong maraming characters ang ipinakita, masyadong broad yung scope, kaya hindi nafocus masyado sa life ng bawat isa.

At hindi ko rin nagustuhan yung main storyline nung bidang babae at ng boyfriend nya kasi hindi talent kundi lovelife ang ipinakita. Sana dun sila nagfocus sa ibang characters, like yung negrang pinipilit magclassical jazz eh gusto nya nga maging hip hop whore, yung trying hard amateur director na ginoyo ng producer, or yung Asian na nagdrop out kasi she found fame not in school but in Sesame Street.

Napansin ko rin na hindi sila lahat magkakakilala (hihi) yung iba lang. Parang disconnected sila.

Anyways since this is a feel good movie, hindi dapat too serious ang pagreview. Maganda ang yung mga musical numbers, at magaganda yung songs nung negrang hip-hopper at balak ko syang i-download.

Kung di mo hilig ang music/dance baka hindi mo ito maenjoy, pero kapag nakita mo ito sa HBO at wala ka ibang mapanood, mageenjoy ka rin. Ang ganda ng verdict ko hahaha.

bangungot #1

Bangungot - hindi ko tinutukoy ang buong buhay ko, nanaginip lang talaga ako ng masama kaninang tanghali.

Huli akong binangungot nung nakitulog sa bahay si Khikhi, sa gitna ng pagtulog ko eh namula ang buong langit, nagtidal wave at inanod kami. Ibang bangungot talaga ang hatid ni Khikhi sa buhay ko.

Sobrang sama at nakakatakot yung bangungot ko kanina as in nung nagising ako eh binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko.

Ganito ang bangungot ko:

Nasa RCBC plaza ako at dalawang kaibigan, nagrereview para sa isang exam nang biglang kagatin ako sa kanang paa ng isang aso. Tapos habang nginangatngat nya yung paa ko, niligtas ako ng isa pang mas malaking aso. Nung nagsi-alisan na yung mga aso at dumating ang mga first aid, nakita kong may sugat yung paa kong kinagat at nakalabas ang isang ugat na nagspray ng dugo. Pati mata ko natalsikan ng sarili kong dugo, at yung isang medic pinunasan agad ang mata ko kasi raw mabubulag ako.

Habang nakadapa ako sa sahig, gumagawa ang mga medics ng makeshift na gourney para isakay ako, pero sa sobrang tagal nila matapos ay nainip na ako hanggang sa mawala silang lahat at nasa ibang scene na ako.

May isang grupo raw sa harap ko na nagkakantahan at nagsasayawan, at ang isa raw sa kanila ay pinsan ko, although hindi ko sya kilala. Semi-kalbo sya at kasing edad ko. Nagpaalam sya na magCCR, at umalis sya. Tapos maya-maya, hinahanap na sya ng Nanay nya (na Auntie ko), sabi ko, nagCR lang sya, kaya sinundan nya yung anak nya sa CR. Sa isip-isip ko pa, as if naman napakaimportante ng anak mo na mawala lang sandali hindi ka mapakali.

Hanggang sa marinig naming sumisigaw yung isang pinsan kong babae, "Dugo! Dugo! Maraming dugo!"

Kaya sumunod kami sa banyo, at pagbukas ng pinto, nandun yung pinsan ko, nakabigti, nakadilat ang mata at nakanganga, at sa magkabilaan ng ulo nya ay may butas na nagspray ng dugo sa buong banyo. Umuulan ng dugo.

Again, natalsikan na naman ang mata ko at tumakbo ako sa sala para humarap sa salamin at punasan ang dugo, at alam nyo ba kung anong naisip ko habang pinupunasan yung dugo?

Shit, ang cute ko.

Promise hindi ako nagbibiro, yan talaga yung iniisip ko.

Paki-interpret. Salamat.

panawagan

This post is dedicated sa mga biktima ng Ondoy... na masayang kumakaway sa camera sa likod ng reporter.

Mga Bloopers na Panawagan Part 1

REPORTER (Si Love Anover ata): Manawagan na po kayo Misis.
WOMAN: Nananawagan po ako sa pamangkin ko diyan sa California, si Beth. Beth, nandito kami ngayon sa evacuation center, sana tulungan mo kami. Bakit, nung ikaw ang nangangailangan, tinulungan ka rin naman namin ah.


REPORTER (si Pia Arcangel ata): Sige po Tatay manawagan na po kayo.
MAN: (Punas luha). Ito po ang litrato po ng buong pamilya ko po. (Pakita sa camera tatlong litrato: isang graduation picture, isang family portrait at isang stolen shot) Ito po si Michael, tapos ito yung anak ko, tapos yung pamangkin nya, si Jun, tapos ito naman yung kapatid, tapos yung--
REPORTER: Eto pong si Michael ang nawawala?
MAN: Hindi yan si Michael, eto, anak ko yan, si Jun.
REPORTER: Anak nyo ho si Michael?
MAN: Hindi, pamangkin. Tapos ito naman ang anak ni Michael, at mga pinsan, ang kapatid ko--
REPORTER: Nawawala po si Michael?
MAN: Hindi po, nandyan po sa likod ko.
REPORTER: (Exasperated) Sige ho manawagan na po kayo.

REPORTER: Ano po ang panawagan ninyo.
LOLA (Serious face): Wala na po kami makain tinatamad na akong pumila. (Sabay alis).

REPORTER: Ano po ang idinadaing natin?
WOMAN: Yung anak ko po, nagtatae.
REPORTER: Ganun po ba, ano po ba ang huling kinain nya?
WOMAN: Yung lugaw po ng GMA.

movie review: surrogates

Ayan movie review na naman, naniniwala ba kayo sa reviews ko?

Me neither.

So itong movie na Surrogates ay nasa year 2017, kung saan ang imbensyon na mga "surrogates" (mga robots na pwede mong macontrol sa bahay mo, para yung robot na lang ang lalabas ng bahay at magtatrabaho para sayo) ay laganap na sa mundo at hindi na lumalabas ang mga tunay na tao sa kalsada, puro robots na lang. At ang mga robots na ito ay flawless, kaya lahat ng naglalakad sa daan ay delicious at wala nang mga panget sa mundo.

Perfect na sana kasi hindi mo na kailangang bumangon sa umaga, umabas ng bahay para magtrabaho, at mag-alala na baka masagasaan ka o mapatay ka, dahil kung mapatay man ang surrogate mo, hindi ka affected, bili ka na lang ng bago. At 100% decrease in crime rate (daw).

OK na sana ang mundo nang biglang may mga namamatay na surrogates at pati yung controller na tao ay namatay rin. Kaya enter si Bruce Willis ng FBI na nag-investigate at nagsabi ng:

(Tagline:) How do you save humanity when the only thing that's real is you?

Whatever.

Bakit mo pa isasave ang humanity, di ba nakakatamad? Kaya ka nga kumuha ng surrogate dahil nuknukan ka ng katamaran. Ni hindi mo magawang maghilamos, at pati yung asawa mo eh parang 2009 pa nung huling naligo (pero hottie ang surrogate nya syempre), tapos isasave mo ang humanity.

Tapos ang mga surrogates, perfect ang mga itsura. Tadtad ng make up, parang natutulog lang. Parang mga naglalakad na inembalsamo. At wala silang pores sa mukha.

Tsaka bakit ganun ang mga sci-fi films, kapag may eksenang yung bida ay gumagamit ng computer, NEVER SYANG GUMAGAMIT NG MOUSE. Type lang sya ng type nang napakabilis at kusang mag-oopen ang mga windows, mag-sesearch sa database at magdodownload ng information.

Isa pa, nagkaroon ng problema sa relationship ni Bruce Willis at yung asawa nya nung namatay yung anak nila sa isang aksidente, kaya hindi na sila nag-uusap at nagkikita nang personal kahit sa loob ng bahay, at hindi na nasundan yung anak nila. Hindi pwede yun! Sa Pilipinas, pag namatay ang anak, try again! And again. And again.

Overall hindi ako masyadong nag-enjoy, kasi mahirap paniwalaan yung storya kahit pa mag-effort silang gawing realistic yung plot. Lagi kong naiisip eh, "Weh?" Tapos hindi ko nagustuhan masyado yung storyline kahit yung mga twists nya, na parang nilagyan lang ng twist para magkatwist. Hindi rin masyadong maaksyon. Yung nasa trailer na nawalan ng malay ang mga tao sa kalye at sabay sabay bumagsak sa pavement, yun na ang climax, at ending.

Irerecommend ko ito sa mga taong gustong manood ng sine pero ayaw panoorin ang Pandorum, Yaya & Angelina, Nandito Ako, Sabungero, etc.

Kasi I don't think na may surrogates na tayo sa 2017. Ibig sabihin, sa 2017, marami pa ring panget na maglalakad sa kalye.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding