2010

Good luck and God bless all of us. Goodbye 2009 and all the shit you brought us, and Hello 2010. I got a feeling.... that this year's gonna be a good year (Black Eyed Peas ikaw ba yan?).

Let's put the "Happy" in "Happy New Year!!!"

Happy New Blogging Year mga Kids! Mwahchupah!

gifted

Masaya ang Christmas 2009 dahil marami akong natanggap na regalo. Inanalyze, na-compute at na-conclude ko na significantly higher ang overall value (in Peso) ng mga natanggap ko keysa sa pinamigay ko. Opo, mukha akong pera, deal with it!

Hehehe.

Ito ang mga natanggap ko...

Starbucks Tumbler (hindi Design-your-own pero pwede na!)
Foldable Box (na nagiging upuan)
Office Accessory na Paper Clip
Mug (na galing Missouri daw pero made in China)
Flashlight
Reading Lamp (na may kasamang Carlo Rossi na wine!)
Sparkling Wine (non-alcoholic)
Chocolate Crinkles (may kasama pang kalendaryo)
Giant Bread (na hindi kasya sa backpack sa sobrang laki)
Dockers Backpack and Keychain from Saudi (alam na!)
7 Sands, Chocolates, Keychain, Pins, a lot more from Abu Dhabi (alam na!)
Face and Hand Towels
Bag Tag (na may name ko and company logo)

Books:
Mirror, Mirror by Gregory Maguire
Confessions of an Ugly Stepsister by Gregory Maguire
Roadtrip by Ru Dela Torre
Our Daily Bread, o ha!

At mula sa aking Inang si Doris:
Brief (6 pieces)
Thumb Rings (3 pieces)
Pants

At mula sa aking Amang si Nanding:
Bangus (5 pieces)

Damn right!!!

Ang isa sa magandang gifts ko this Christmas ay nakita ko si Nanding at Doris nag-uusap (for like 20 minutes) AT HINDI SILA NAG-AWAY OMG!!! Magkabalikan kaya sila?

Salamat po sa mga nagregalo at pasensya na sa mga naregaluhan ko alam ko I give sucky gifts.

Thank you Papa Jesus for a wonderful year, sana po maganda uli this coming 2010 to 2011 and sana po gunawin Nyo na ang mundo sa 2012. I love you po, mwah!

the year in movies

Wow. Wala lang. Naisip ko lang ilista lahat ng movies na pinanood ko ngayong 2009. Yung iba baka hindi saktong 2009 pinalabas pero 2009 ko na napanood. Opo, adik kami sa sine.

"The Curious Case of Benjamin Button"
- weird at masyadong mahaba

"The Spirit"
- OK lang pero hindi ko nagustuhan masyado

"Bride Wars"
- chick flick

"My Bloody Valentine"
- bullshit ang special effects

"Underworld 3: The Rise of the Lycans"
- maraming masasakit na alala, pero OK yung movie

"Saw 5"
- nakaka-SAW-a

"Push"
- slut na slut dito sa Dakota

"He's Just Not That Into You"
- eye-opener sa mga babaeng assuming!

"Confessions Of A Shopaholic"
- chick flick

"Watchmen"
- favorite ko ito alavet

"Knowing"
- putang-ina ang ending

"Dragonball Evolution"
- bullshit ang buong konsepto ng pelikulang ito

"Crank 2"
- tuwang-tuwa ako dito, one of my favorites

"The Reader"
- nakakaluha si Kate Winslet buti na lang naghubad sya

"Wolverine"
- basta X-Men OK sa akin

"Star Trek"
- hindi ko naintidihan kasi masyadong hifaluting

"Angels & Demons"
- lavet lavet lavet

"Terminator 4"
- hindi ko na maalala ang pelikulang ito

"Up"
- good, nice, pambata

"Drag Me To Hell"
- wtf wtf wtf

"Land of the Lost"
- sayang pera ko dito

"The Proposal"
- chick flick

"Transformers 2"
- nakakahilo, nakakasuya ang naghahampasang bakal

"BrĂ¼no"
- nyahahahaha the best!

"Harry Potter And The Half Blood Prince"
- bitin ang putang-ina

"G.I. Joe The Rise of Cobra"
- OK lang, tipong kapag naabutan mong palabas sya sa bus eh malilingat ka at lalampas ka sa bababaan mo

"District 9"
- paborito ko to!!!

"Final Destination 4"
- mga putang-ina nilang lahat

"Slumdog Millionaire"
- nakakainggit, bakit hindi makagawa ang mga Pinoy ng ganito, may sense?

"The Horsemen"
- OK lang kung mahilig ka sa mga whodunit pero wtf ang ending

"Surrogates"'
- shit, at tsaka pangit ang wig ni Bruce Willis

"Fame"
- teeny bopper ito

"Halloween 2"
- I want my money back!

"(500) Days of Summer"
- sarap panoorin!!! kahit masakit sa kalooban

"All About Steve"
- surprisingly nakakatawa

"2012"
- love the movie hate the ending, dapat namatay lahat ng sanlibutan

"Saw VI"
- I SAW all of this shit before!

"Paranormal Activity"
- damn right! kumontra na ang kokontra, gusto ko ito!

"A Christmas Carol"
- feels like Holy Week

"Avatar"
- a great way to end 2009

Salamat sa pagsasayang mo ng oras sa pagbabasa.

greetings!

Logged in just to say Merry Christmas. Love you Kids!

Be nice tonight.

movie review: avatar

Isa ito sa mga inabangan kong movie event for 2009. Nag-ipon nga ako ng pera pampanood ng sine eh (nyahaha).

Set in the year 2154, tungkol ito sa war between humans and the Navis (mga kulay blue na nilalang) sa planetang Pandora. May war kasi naman sakim ang mga humans sa bato (hindi tawas ito), eh yung batong kailangan ng humans para mabenta sa market eh sa ibabaw nun nakatanim yung puno na sacred sa mga Navi kasi bahay yata nila yun.

So kailangan paalisin ang mga Navi at tagpasin ang puno para makuha yung bato. Natural, may bitterness sa puso ang mga Navi. Ganito siguro ang bitterness na naramdaman nila Lapu-Lapu nung nagbeach-hopping si Magellan sa Cebu para mag-sunbathing, body shots at angkinin ang Pilipinas, kaya gaya ni Lapu-Lapu to the tune of jungle bolo, sabi ng mga Navi, "Tangina niyo!!!"

So inutusan ng mga humans itong si Jake na ex-marine na magpretend na isa syang Navi sa pamamagitan ng pagremote control sa isang color blue na costume na pang-Navi na ang tawag eh Avatar. Ang plano eh makikihalubilo at makikiparty si Jake dun sa mga natives at kapag nagtiwala na sila sa kanya eh icoconvince nya sila na iboto si Chiz Escudero mag-evacuate sa pinakamalapit na elementary school para mabakante ang puno sa ibabaw nung tsismosang bato.

Ngunit nung naging Navi na si Jake eh nakilala nya si Neytiri, ang hot chick sa mga angkan ng mga Navi. Hindi lang sya beauty, brains pa kasi marunong sya mag-English as a second language at neutral accent sya.

So as expected, nagjerjer si Jake at Neytiri sa ilalim ng puno ng Star Apple and nakatulog na me. The End!

Worth it ito panoorin in 3D kasi buong film ay 3D. Wag mo nang pansinin kung after 10 minutes ay umiikot na ang paningin mo at pakiramdam mo eh mauuntog ka sa mga punongkahoy.

Ugaliin rin na sa mga ganitong movies ay magkape muna bago manood at siguraduhing hindi kayo galing sa inuman para walang hangover habang nanonood. Dahil kahit maganda ang pelikula ay hindi kinaya ng aking katawang tao ang antok. Kahit perfect ako, inaantok rin ako. Kaya sa mga bandang gitna eh pinipitik pitik ko na ang sarili ko at nagpapakurot ako sa siko para lang magising.

Sa mga sandaling nagigising ako (maraming beses akong nakatulog) ay chinicheck ko ang mga kasama ko kung buhay pa. Si Drake, na kanina lang ay nagcocomment na Wow, ganda ng graphics, ang galing ni James Cameron, wow, wooooooowww.... zzzz... tinablan ng antok at nahimlay na ang kanyang katawang lupa. Ganun na ba ang tumatanda? Peace!

Si Jepoy Pekpek na kahit naka-Flanax pagdating sa mga lakaran ay biglang nananahimik sa may dulo, nagheadbang na rin pala sa antok. Hay ang mga may-edad talaga, masandal lang tulog na.

Hindi ko sinasabing nakakaantok ang movie, ang sinasabi ko lang, inaantok talaga kami nung nanood kami.

Ayoko na ikwento kung ano pa yung mga nasaksihan ko kasi putol-putol ang panonood ko. Suggestion ko eh panoorin niyo na ito sa pinakamalapit na Mall of Asia sa inyong lugar.

Thanks Kids mwahchupa.

ang balikbayan

Natigil po ang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang i-announce ni Drake, ang tirador ng mga camels, ang nalalapit nyang pag-uwi sa Pilipinas. Napa-cartwheel kami ni Jepoy Pekpek sa pag-invite nya sa amin sa mga nakahanda nyang activities sa unang weekend nya sa Pilipinas.

Kaya nung Saturday eh nagkita-kita kami sa prestihiyosong Farmer's Plaza sa Cubao (sosyal, damn!) para mag-attend ng Christmas Party ng FilipinoWriter.com sa Laguna (member si Drake Kula). Sakay kami ng bus at jeep papunta sa Botanical Garden sa Calamba.

First time ko dun. Shit ang ambiance dun, dun ko gusto magpalipas ng gabi dahil sobrang tahimik at conducive to rape bonding moments kasama ang ibang members ng FilipinoWriter.com. Puro puno... madilim ang paligid at masarap magkwentuhan ng mga multo-multo lalo pa't hindi namin masyado kilala ang mga kasama namin... Ganun ang gusto kong buhay, parang back to college lang.



Ngunit dahil hindi naman pwede matulog sa Botanical Garden eh lumipat kami sa Pansol Hot Springs (another first time for me). Pagdating dun eh nagkaroon kami ng program, ang Isang Tanong Hotseat (kami ay uupo sa harap isa-isa at sasagutin ang isang tanong mula sa bawat member).

Nung nagpakilala ako, sabi ko,

I'm twenty-two years old, I'm an only child...

At ang pagkadinig pala ng mga tao ay

I'm twenty-two years old, I have a child...

So buong gabing magkakasama kami, iniisip pala nila na may anak na ako. Linawin ko lang po sa lahat, wala pa po akong anak sa kadahilanang wala akong asawa o syota o sexmate man lang. At galit po ako sa mga bata kaya ayokong gumawa.

Parang ako yata ang nakatanggap ng pinaka-weird na mga tanong nung gabing iyon. May nagtanong sa akin kung may nakasabay na raw ba akong umihi sa isang urinal. May nagtanong kung nakuhanan ko na raw ba ng nude pics ang sarili ko. Bakit ganun, sa iba matitino ang tanong, sa akin parang may tendency na maging XXX ang tanong? Mukha ba akong malibog? I think, oo.

Nagswimming din kami sa hot spring (na hot nga, parang yung pakiramdam ng umiihi ka sa pool, ganun sya kainit) ngunit hindi ako tumagal dahil ang lamig lamig tuwing aahon ako at tumigas ang nipols ko. Kaya nag-inuman na lang kami ng mga surviving members (yung iba borlogs at nakauwi na) at naglabasan na naman ang mga X-rated na stories.

Kinaumagahan, tumae si Jepoy. Wala naman relevance sa kwento ko, siningit ko lang.

Tanghali ng Linggo nung nakauwi na kami sa Manila at dumiretso kami sa MOA para mag-exchange gifts. Nakatanggap ako ng book from Jeppy at backpack naman from Drake (na ginagamit ko na salamat mwahchupa). Nagregalo naman ako ng libro in kay Jeppy Pekpek at shirt and brief naman kay Drake. Kumain din kami ng sobrang dami sa pamamagitan ng kabutihan ni Jeppy Pekpek at kanyang "bitch wallet".

Nanood rin kami ng Avatar at sa sobrang na-overwhelm kami sa pagka-3D nya eh nakatulugan naming tatlo. Pilit kong kinukurot ang sarili ko at nagpakurot na rin sa iba para lang magising. Maganda naman ang kwento at ang graphics pero nakatulog talaga kami.

Tapos nun, uwian na! Pagdating ko sa bahay, natulog ako agad. The End.

Salamat nang marami sa members ng FilipinoWriter.com sa pagtanggap sa amin ni Pekpek at sa pagiging welcoming ninyo. Salamat rin kay James Cameron sa ganda ng pagkakagawa sa Avatar. At higit sa lahat salamat kay Drake Kula na napakabait at mapagbigay sa paglaan ng oras sa amin kahit kakauwi nya lang!!!

christmas disaster

Bale nag-Christmas Party kami kanina. Pagdating dun sa venue eh nagpractice kami ng sayaw dahil maaga pa. Tama! Sasayaw nga kami, sasali kami sa Christmas dance contest kung saan maglalaban-laban ang iba-ibang teams at departments sa company. Ang grand prize ay P30,000.

Igorot Dance ang gagawin namin dahil ethnic ang aming concept, "Ang Alamat ng mga Tala" to the tune of Grace Nono's "Nunanoo-nunanoo-nanunaah". Inuunahan ko na kayo, HINDI AKO NAGSUOT NG BAHAG.

Matapos magpractice ay nagpahinga kami, nagbihis, tapos kumain, at dahil gutom na gutom ako eh nilubos-lubos ko ang buffet at ang bottomless beer. Nung mga bandang umeexpand na yung tiyan ko at niluluwagan ko na yung belt ko, biglang sabi ng kateam ko,

"Pagtapos mo kumain, magbihis na tayo, sasayaw na tayo."

Puta, narealize ko bigla, busog na busog akong sasayaw. Eh may part sa sayaw na may stunts ako (tatakbo kami tapos magbaback-roll sa likod ng kagroup naming naka-squat). Shit, baka lumabas lahat ang kinain ko... baka kumapos yung takbo ko at mangudngod ako sa teammate ko... baka sumobra ang takbo ako at mangudngod ako sa mga tables sa audience... Ang daming takot sa utak ko, kaya inubos ko na yung beer ko at nagbihis na...

Nung tinawag na kami para magperform, pumipintig-pintig na talaga yung puso ko. Nasisigurado ko na may mangyayaring disaster... At hindi ako nagkamali.

Nagsimula na yung tugtog... Tugsh! (*sound effects*) at nagsimula na lamigin ang tiyan ko. Nakapaa lang kasi kami, eh ang lamig-lamig ng sahig, at ayaw paawat ng aircon... Tapos ang daming nanonood, pati yung mga dati kong teammates na puro alaskador... Maraming mapanlait na matang nakatingin sa akin!!! Umaygad.

Tugsh! Enter na kaming mga dancers... Nagsisimula na silang sumayaw, naglalakad pa rin ako papunta sa spot ko, hindi kasi ako makatakbo masyado dahil sa kabusugan. Ang bigat-bigat ng tiyan ko, ayoko kumilos masyado baka magsuka ako bigla. Nakakahiya naman yun, baka magresign ako sa kahihiyan.

At eto na ang backroll stunts namin...

Naka-squat na sa gitna yung ka-group ko... Nasa gilid na ako at nagpeprepare sumalida at tumakbo papunta sa kanya... Tumatakbo na ako... Paglapit ko kanya, tumalon na ako para magroll sa likod nya... It all happened so fast (naks). Habang nagroroll ang likod ko sa likod nya at nakahagis at nag-180 degrees sa ere ang mga paa ko eh I knew there was something wrong...


Tugsh! Sumobra ako sa likod nya at nag-landing ako sa malamig na sahig nang earlier than usual... nauna ang daliri ko sa kanang kamay, naitukod ko, tapos nadaganan ko ng konti. Hindi naman ako natumba... napaaga lang ang bagsak ko. Subalit masakit! Umikot pa ng konti yung paningin ko at nung papunta na ako sa aking spot ay nanginginig ako nang very very nice.

Nung patapos na ang sayaw, nagkadisaster na naman nung naglalakad pa lang ako papunta sa spot ko eh nagsasayaw na sila. Nakahinga lang ako nang maluwag nung nag-bow na kami at umexit at nagbihis na uli at hinintay ang awarding...

"And in the Third Place... Team#2!!!"

Hindi umimik yung grupo namin... Parang isang minuto pa bago namin narealize na nanalo kami!!! Third place!!! Palakpakan... Congraaaaaaaaaaaaaaatulations!

Apat po kaming groups na naglaban-laban.

devils in the skyline

Amfufu mga Kids!!!Sa wakas natuloy rin ang EP Launch ng BluntConcept - Devils in the Skyline - kagabi sa RJ Bar sa Makati. Napostpone kasi yung una dahil sa putang-inang motherfucker na si Ondoy, and last night was a clear warm night and things went well...

Aaminin ko, nung pagdating namin sa venue, nagduda ako kasi dadalawa lang kami ng kasama ko sa audience. May diarrhea pa yung kasama kong si Rose, my friend, kaya panay ang iwas nya sa aircon at electric fans. Mga after a few hours ko pa narealize na puta, 9PM pa lang pala, ang aga namin dumating, and as the night went on, nawitness ko ang overwhelming outpour ng support ng friends and other bands para sa BC.

Madaming bands na nagperform ng kanilang mga songs (all original I think) and there are a couple of songs that I really liked (saan kaya madadowload ang mga ito?):

  • HYDROSEPALUZ, "Basted"... as in "Basted ka na naman (hoy hoy hoy!)"

  • CINDERBLOCK, "Soliloquy" (Reminded me of the band Garbage, sensya na kung ayaw nyo ma-compare dun hehehe)

  • YOUR IMAGINARY FRIENDS, lahat ng pinerform nila are really good, sounded sad but the good kind of sad, parang The Killers? (Sorry sa comparison kung ayaw niyo sa The Killers hehehe). At si Ate na gitarista ninyo ay really really hot.

  • At gusto ko rin yuung isang band (nalimutan ko yung name and song title pero ganito ang lyrics: "Whatever you fucking shit, I hate you!!!"

  • UNFOLD, "Terrified" tsaka "Paranoia", may madadownloadan ba ako ng mga songs na ito?

Looking back it was a great night, hindi lang namin natapos at narinig yung sumunod na bands dahil kailangan na umuwi ni Rose (na-aggravate yung diarrhea nya dahil sa popcorn) but we had fun. More power to BluntConcept, ("Feels like tonight I will scream your name!") and aabangan namin ang 2010 album.

So kelan ang next gig!!!!!

P.S.
Shoutout na rin sa mga tropa ni Felix at Chris na nagbabasa sa aking stupid stupid blog, akala ko joke lang na may nagbabasa nito, totoo palang meron wahaha THANKS!!!




Sa lahat ng mga niyaya ko na sabi sasama daw pero hindi sumama, isang malaking FUCK YOU KA! Yes I'm talking to you Jepoy nyahahaha joke lang peace!!!

youth convergence

Kahapon ay nagpunta kami ni Jepoy sa Christ the Livingstone Fellowship Youth Covergence sa invitation ni Joanna at nakihalo sa mga youth (aka bagets) na nagwoworship kay Jesus. Masaya ang event na ito, I felt like I was part of a community na may common goal (na hindi ko masyadong feel sa Catholic na mass). Masaya at may laughtrip rin, dahil maraming mga bagets. Ako pa man din I find humor in everything...

Hayup ka talaga Jepoy! Pero kahit marami tayong laughtrip dun ay may natutunan naman di ba, gaya nitong nilagay mo sa iyong blog:


Hindi mahalaga kahit na anong religion mo kasi hindi naman religion ang magliligtas sa iyo, hindi rin good works, hindi rin ang mga santo, at hindi rin si Santino kung hindi ay ang grace through faith. Grace kasi si Papa Jesus Mega Nailed sa Crusifix para sa ating sins, nung napako sya sa krus ginets na nya ang lahat lahat at wala na ang power ni Satan over us dahil sa dugo ni Papa Jesas, Sya ang Saving Grace.


Gets nyo? Advice, Jepoy, wag kang mag-Pastor ha? Magiging comedy bar ang simbahan sa iyo.

Nais ko rin magsorry kay Jesus (at pati na rin kay Joanna) dahil panay ang tawa ko kahapon. Eh kasi mabilis talaga ang utak ko sa pag-process ng ilang mga nakakatuwang sights. Pero hindi nun ibig sabihin na I took things lightly. Marami naman akong natutunan at isinapuso. Hindi lang ako ganun ka-showy sa aking faith, at hindi ko mapantayan ang energy level nung kumanta ng "I am freeeee!!! Are you freeeee!??!??" Pero one day darating rin ako diyan.

So nais ko rin magpasalamat kay Joanna sa pag-invite sa akin ulit (this YC will become a regular thing) at salamat sa mga very cute performaces at video montage.

Kaya kayo mga Kids, next time sumama kayo sa amin ni Jepoy dahil masaya itong trips na ito, at marami ka pang natutunan.

Kaya lang, piliin nyo rin kung anong trip ni Jepoy ang sasalihan niyo, dahil itong hayup na Jepoy, sinama ako sa isang baby shower kung saan wala akong kilala at pinakain ako dun, MO AKONG GATECRASHER HAYUP KA TALAGA at habang kumakain ako dun nararamdaman ko ang masasamang titig sa akin ng host at ibang bisita thinking, "Sino ba ito?"

ako ay pilipino book

Hey Kids!

Sigurado proud tayong lahat to be Pinoy (keysa naman maging *****sians na mga mukhang magnanakaw or maging mga ******sians na puro mukhang adik/rapists).

So what better way para ipakita ang ating pagiging proud-to-be-Pinoy kundi sa pamamagitan ng librong ito:


Ako Ay Pilipino Coffeetable Book

Parang scrapbook sya na maraming essays/poems about being Filipino, our heritage and history. Sinulat ito ng kabataan para sa mga kabataan din.

Sample pages:




Kung akala ninyong boring ang Philippine History (dahil balasubas yung teacher ninyo nung high school/college), nagkakamali kayo. This is a fun, interactive way of finding out and finally understanding what put us where we are now. Nice gift ngayong Pasko. Dali bili na, P500.

Magandang addition ito sa inyong library or magazine rack, pang-entertain sa mga bisita at pangdagdag sa kaalaman.

Ako Ay Pilipino. Spans generations to last for more. Pop nyo ko kung gusto ninyo bumili, thanks mwahchupa!


life ko 'to

Life ko 'to walang pakialamanan!!!

Joke, wala akong kaaway, iniinvite ko lang kayo sa darating na Sabado sa isang Youth Convention entitled...

Life Ko 'To



Ito na ang pangatlong time na pupunta ako sa Youth Convention at enjoy ito, marami kang matututunan about God, about the presnet time you're living in and most importantly, about your own self, where your road to hope begins. Nyahaha!

Kung gusto nyong sumama, just let me know sa comment at magmemeet tayo sa Saturday. Malapit lang yan sa Shangri-la EDSA.

At after ng Youth Convention, punta naman tayo sa EP Launch ng BluntConcept around 8PM!!! Inuman at rock music naman dun.

So schedule ha Saturday, 3PM sa Youth Convention, 8PM sa inuman. See you Kids!

snoozefest



Hindi ako sure kung anong konsepto sa buhay ng International Snooze Day. Eto ang sabi nya sa Facebook:

  • LIKE TO POWER-NAP DURING THE DAY?
  • Think taking a 15 minute break during the day is healthy for you?
  • Is taking a power nap an idea you'd like to see implemented throughout the world at different companies?

    Here is the group for you.


    We will be organizing "FLASH MOB" type events throughout the world.


    Guerilla marketing campaign to raise awareness that we should all take a 15 minute snooze or nap throughout the day.
  • Sana nga ipa-implement ito sa lahat ng companies, ang karapatang mag-nap. Pero kailangan pa ba ipa-implement kung araw-araw naman talaga itong ginagawa? (Not me I swear.)

    Pero dahil advocate ako ng pagrerelax sa office ay nagsupport ako for this cause sa pamamagitan ng pagpose ng tulog sa harap ng logo.


    Ganyan talaga ako matulog, naka-smile. Support nyo rin kung gusto nyong i-legalize ang karapatan nyong matulog (na naka-smile) habang nagtatrabaho!!!

    Click Here!

    OK joke lang, eto na talaga:

    Click Here!

    wickedmouth.com

    Salamat at natupad rin ang pangarap kong magkaroon ng .com.

    Special thanks to Philhosting.net na pinatakbo ako along Ayala Avenue nang tanghaling tapat para makapagbayad, na pinasakit ang ulo ko sa pagrerequest ng serbisyo at nakumpleto ang aking request matapos ang isang buwan. Salamat ha! Sana makaganti man lang ako sa inyo!!!

    Salamat rin sa mga magulang kong hindi pa ako tinatakwil (hindi pa po huli ang lahat, Doris and Nanding). Salamat din sa aking Tita Sasha Fierce na walang sawang nagpapabaon sa akin ng pork adobo at sa walang sawa nyang pag-update sa akin kung ano na ang nangyayari sa Starstruck V.

    Salamat rin sa mga nagbabasa pa rin ng blog ko kahit #1) marami akong inaaway #2) nagkakasala ang mga mata ninyo sa pagbabasa ng kababuyan at #3) aminin na nating naglolokohan lang tayong lahat sa pagboblog na hindi naman napagkakakitaan o hindi man lang ikasisigla ng buhay seksuwal. Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa at sana hindi tayo mag-away-away (haha). Thanks Kids!

    Special mention ang aking bespren Toni D. na tinutulungan ako magreminisce sa mga kwento ko, thanks to you and sana mabuntis ka na.

    Thanks rin sa napakawalang kwentang taeng si Khikhi, sana patuloy ka pang gumawa ng kababuyan para marami pa me ma-blog about sa sexcapades you.

    Salamat rin sa mga Idiots, dahil sa inyo nakakapagpost ako kapag wala talagang magawa. Mga putangina nyo, pero salamat na rin.

    Thank you rin Lord dahil kanina, binangungot na naman ako pero nagising pa rin ako nang ligtas kahit brutal yung bangungot ko. Nasa loob daw ako ng sinehan (balcony, right side) nang biglang lumakas nang lumakas ang audio ng palabas at napatakip lahat ng mga tao sa tenga hanggang sa sobrang lakas na ng sound ay nararamdaman kong tumitibok-tibok na ang eardrums ako at sasabog na sya nang tunay at wagas. Tapos nagising na me. Salamat Lord mabait Ka sa akin kahit ang sama ng ugali ko.

    Thank you all and Merry Christmas.

    Mwahchupah!!!

    fookinea!

    Ayan na nga ba ang sinasabi ko!!!

    Kids, warning: tungkol ito kay Idiot #2 so kung sawa na kayo sa topic na ito ay mangyaring lumipat muna kayo sa ibang sites like Bangbus.com. Kung interesado naman kayo kung ano ang update ko tungkol sa kanya, ay keep on reading na lang at huwag masyadong magreact ng labis at wagas.

    Ang purpose ko sa pagpopost nito ay hindi para hiyain yung tao, dahil simula naman nung nagpost ako ng kung gaano ako napikon sa pagiging self-righteous nya at sa pangbabash sa aking blog (nagpopost daw ako ng ka-pornohan) ay hindi na sya nagparamdam pa at nanahimik na lang (o baka hindi nya lang nabasa ang pang-aaway ko sa kanya), and I respect that.

    Ang purpose ko talaga ay para ipakita na hindi porke ako ang nagpopost ng kapornohan ay marumi na ako, at hindi porke ang tao eh ayaw sa "porn" ay malinis at walang bahid. Kahit saang korte tayo magtagpo, ipagtatanggol ko ang karapatan kong magpost ng kabastusan. Nyahihihi.

    Naaalala niyo siguro na ayon kay Idiot #2,
    Ang sex at ang pagpopost ng mga videos about sex ay nagpapakita na tinatangkilik mo ang pornograpiya. Disiplinahin ang sarili at alamin ang iyong ginagawa. Huwag gawing instrumento ng eksploytasyon ang iyong blog.
    Ngunit ang latest nyang post ay may seksuwal na tema at naglalaman ng kuwento nya kung paano sila nagkakilala ng isang lalaki na nauwi sa yakapan at laplapang gums-to-gums. Take note, lalaki rin si Idiot #2. OMFG! Hindi na nya inelaborate kung anong brokebackan ang isinagawa nila and we can only assume, by the way na tinapos nya ang kanyang post, na tuwang-tuwa sya sa pagkatira nya sa pwet pagka-inlove nya.

    Gaya ng sinabi ko, hindi ko balak hiyain si Idiot #2, dahil naka-move on na ako kahit papaano sa pagtapak sa aking karapatang magpost ng porno.

    Hindi ko rin sinasabing mali ang ginawa nyang pag-ibig sa kapwa nya lalaki, nagtalik/nagsiping man sila o hindi.

    Ang gusto ko lang i-emphasize, hindi porke bastos ang blog ko eh bastos na ako, at kung sino pa ang "malinis" ang blog ay sya pa ang wasak ang pwet sa totnakan to death.

    Kaya ngayon, isa lang ang masasabi ko sa mga "self-righteous" na tulad niya:
    Fookinea!!!!

    I swear ito na ang last na pag-eeffort ko sa aking mga kaaway. Napatunayan ko na ang point ko, I rest my case, Kids.

    Lessons Learned:

    1) Kapag nakakita kayo ng mga taong nagmamalinis, hanapan nyo sila ng dumi.
    2) Huwag kang magmalinis. Huwag mag-yuck sa mga bagay na lihim mo naman palang ginagawa.
    3) Huwag awayin si Glentot dahil hindi sya marunong magpatawad.

    Acknowledgments:
    Salamat kay Jepoy sa pagbibigay sa akin ng idea na gawin ito.
    Yan, masaya ka nang hayup ka?

    blunt concept gig

    Hey Kids! May lakad ba kayo ngayong December 12 2009 8PM? I'm sure wala! Kaya ano pang hinihintay nyo, sumama na kayo sa akin at pumunta tayo sa...



    BluntConcept - EP Launch
    Devils In The Skyline

    Event yan ng mga ka-officemates ko at for sure masaya yan lalo pa't libre ang entrance fee at ako na ang bahala sa mani. It will be held sa RJ Bar sa may Makati Ave.

    Seryoso, pramis, punta tayo. Calling all bloggers/friends! Si Ayie from Abu Dhabi darating para lang dito eh.

    Nothing else to expect but great kickass music.

    Wouldn't it be great to say, like a few months from now, na you knew BluntConcept from way back when??? Wouldn't it be good to hear something other than acoustic remakes of pop songs from local artists who call themselves artists???

    Tara na.

    8PM. Don't be late.

    Attention Chris Liwag libre mo kami beer.

    verified

    Dati nababagot ako kapag nag-iiwan ako ng comments sa blog ng iba tapos may word verificaton, nakakatamad kasi. Pero recently natuwa ako sa mga lumalabas na words na pinapaverify:





    Medyo wholesome pa yan compared dito:



    Napakalungkot pa naman ng topic, Ampatuan Massacre, tapos ganyan yung word na ipapatype...

    Pero dito ako lubos na napatambling nang bahagya:



    Ano kayang meron sa fookinea?

    Anyways last na kabastusan na post ko muna ito kasi napag-alaman ko na medyo kumakalat sa office ang aking blog at ayokong ma-fire.
    Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

    padding

    Padding