Wala akong Kuya, Ate o mga kapatid. Nag-iisang anak lang ako. Kaya hindi ko ramdam ang concept ng "kapatid". Siguro dahil dun kaya lumaki akong selfish, dahil mag-isa lang akong lumaki.
Kapag may nakikita akong magkapatid, na tipong kapag isang barbeque na lang ang paghahatian, ibibigay na lang ni Kuya kay Bunso kahit gutom na rin sya, naiisip ko, gagawin ko rin ba yun kung may kapatid ako?
Kung magulang ang magbibigay ng barbeque sa anak, alam ko ang concept ng pagmamahal na yun dahil nararamdaman ko iyon. Pero sa kapatid, naiisip ko, parang kaibigan rin lang siguro sila, nothing more.
I was eighteen when my perception of "kapatid" changed. Ang Nanay ko mismo ang nagpa-intindi sa akin kung paano magkaroon ng kapatid. Bunso kasi sya, at maraming syang mga Ate at Kuya.
Yung pinaka-panganay nyang Ate, halos 20 years ang agwat ng edad nila. Pero kahit ganun, close pa rin sila. Mabait yung Tita ko na yun eh. Aktibo sa simbahan pero hindi hipokrita, kasi hanggang pag-uwi nya dala-dala nya ang magandang asal.
Sa kanya ako natuto mag-rosaryo, kumpleto may litanya pa sa dulo.
Nung nagka-edad na yung Tita ko, nagkasakit sya at na-confine sa hospital. Dahil halos lahat ng mga anak nya ay may mga trabaho, walang makapag-alaga sa kanya nang full time. Kaya nag-resign sa trabaho ang Nanay ko para bantayan sya. Halos sa hospital na sya nakatira.
Sembreak noon kaya nagkaroon ako ng chance dumalaw. Nung nakita ako ng Tita ko pagdating ko, sabi nya agad, "Eto na ba si Glenn-Glenn? Ang gwapo..." at ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis. Later that afternoon, nalaman kong halos araw-araw pala syang umiiyak dahil sa sakit ng katawan nya.
Pinilit lang pala nyang ngumiti. Naniwala pa man din akong gwapo nga ako haha.
Dahil matagal kaming hindi nagkasama ng Nanay ko (sa Baguio ako nag-aral, sa Manila sya nagtrabaho), nagbantay na rin ako sa hospital kasama nya. Naawa ako kasi ang payat-payat na nya, mas mataba pa yata yung Tita kong may sakit. Halos wala kasi syang tulog.
Laging unconscious yung Tita ko nun, at kapag nagigising naman eh hindi namin masyado nakakausap. Pero naniniwala ang Nanay ko na gagaling rin sya, lagi nya yun kinakausap kahit tulog, hinahaplos-haplos nya sa buhok.
Minsan kapag nagigising sya, sasabihin ng Nanay ko sa akin, "OK, lumabas ka muna, may gagawin lang kami..." sabay smile. Alam ko na, papalitan na nya ang diaper ng Tita ko. Kakanta pa sya habang ginagawa ang napakamaselan na gawaing yun. Lalabas ako ng room kasi hindi ko makaya yung amoy, tapos babalik na lang ako kapag tapos na.
Napaisip na naman ako, kung nagkaroon kaya ako ng Ate o Kuya, kaya ko kayang gawin yung ginagawa ng Nanay ko?
Naririnig ko pang nagbibiruan sila, pinapatawa sya ng Nanay ko. Kung hindi ko alam na Tita ko ang nandun, mapagkakamalan kong baby ang kausap ng Nanay ko.
Matapos ang isang blood transfusion, naging OK ang pakiramdam ng Tita ko. Gising na uli at nakangiti. Nakakaupo na sya sa kama, nakakakain na ng soft foods. Isang umaga, naghingalo sya bigla. Nakita ko ang Nanay ko, tumakbo papalayo, sa isang sulok ng room at umiyak. Hindi nya kayang panoorin na nag-aagaw-buhay sya.
Na-comatose sya. Tinanong ng doctor ang Tito ko kung ano ang desisyon nya. He decided to pull the plug, nahihirapan syang makita na nahihirapan ang Tita ko.
Nag-flatline na sya. Saka lang lumapit ang Nanay ko, saka lang nya narealize ang desisyon ng Tito ko.
In her cracked voice, she asked, "Wala na sya?"
Tumango ang Tito ko, at dun ko narinig ang pinakamalungkot na sound sa buong mundo. Hindi lang umiiyak ang Nanay ko, she was wailing. It was a sound I would never want to hear ever again. I just stood there, trying to hold her when I knew that beyond her grief, she barely felt my hand. I was trying to console her through our loss, her loss.
Dun ko naintindihan kung paano magkaroon ng kapatid, kung ano ang responsibilidad na naka-atang sa iyo, kung ano ang ibig sabihin ng pagiging "kapatid". It's to humble yourself, not because you have to, but because you want to. It's to give youself to a person, not out of obligation, but out of gratitude and love. It's to value every second: it may be as random as eating barbeque together, or as life-changing as attending to their deathbed.
So mahalin nyo mga kapatid nyo. Hihi.
*Last month was my Tita's 5th year death anniversary.