May parte ba ng buhay mo na sa sobrang hirap, kapag naalala mo ngayon ay feel na feel mo ang accomplishment, at kahit ilang taon na nangyari yun eh makakaramdam ka pa rin ng paghinga nang maluwag, dahil alam mong nalampasan mo na iyon? For example, noong college ako, ang thesis. Isa yan sa mga pinakamahirap na parte ng buhay ko. Noong high school naman, yung pagsali ko sa Drum and Lyre Corps. Sobrang parusa ang putanginang panahon na yun. Pero isa sa mga pinakamahirap, at pinakamalungkot na parte ng aking buhay ay naranasan ko noong elementary.
Ang month long blackout.
Bata pa ako nun, Grade 5 sa aking hometown Bolinao, home of the muthafuckaz. Sariwang bagets pa ako noon kaya medyo hazy pa ang aking memory (palibhasa kayo mga bulbulan na kayo noong 1999). Sinubukan kong mag-Google para maalala ko ang mga pangyayari noon pero hindi successful, kaya minabuti kong tawagan ang aking one and only reliable source: Khikhi. Kasi 11 years old na sya nun, bulbulan na sya at mas marami syang naalala... At eto ang naging kwento ni Khikhi:
Putang-ina parang hindi sya helpful masyado. Pero marami syang naikwento na hindi related sa pekpek nyang dry, at one by one, nagsimulang bumalik sa akin ang mga alaala...
Nagsimula ang lahat sa isang bagyo... ang bagyong Rosing. Noong una, isa lang syang inosenteng bagyo na naging sanhi ng pagkasuspende ng klase at ikinatuwa naming lahat. Pero nang magsimula na nyang barurutin ang mga kabahayan at kapostehan, hindi na kami natuwa kahit walang pasok. At nang makaraan na ang bagyo, tumba na ang mga poste, at wala nang kuryente ang buong bayan ng Bolinao.
Darkness ito.
(By some coincidence, makalipas ang siyam na buwan, tumaas ang populasyon.)
Alam mo yung pakiramdam kapag brownout at umuulan? Walang bentilador, kaya malamok, kaya magsisindi ka ng katol. Walang TV, kaya maghahanap ka ng ibang pagkakaabalahan. Tatamarin kang lumabas dahil umuulan, at sawa ka na rin maglaro dahil maginaw. Pipilitin mong matulog, at tuwing may dadaang sasakyan o may maririnig kang malakas na ingay, bigla kang mapapabangon, MAY KURYENTE NA! Titingin ka sa bentilador kung umaandar na, sa pag-aakalang bumalik na ang kuryente, pero hindi, patay pa rin ang bentilador, wala pa ring kuryente, at bigo ka pa rin.
Ganun ang pakiramdam ko, araw araw. Akala ko, ilang araw lang ang itatagal ng brownout. Nung dumating ang balitang isang buwan pa bago maayos ang mga poste at maibalik ang kuryente, napamura ako ng very very very very nice.
Puuutang-iiinnna.
Tatlo lang kami noon sa bahay, ako, ang mudrax kong si Doris at ang pinsan ko. Sa araw, naghahanap ako ng pagkakaabalahan. Dahil maputik, hindi ako makapag-bisikleta sa labas, kaya sa loob ako nagbibike. Lahat ng laro sa baraha, na-master ko na. Lahat ng kanta sa songhits, nakanta ko na. Lahat ng pwedeng pag-awayan, napag-awayan na namin ng pinsan ko.
Sa gabi naman, nagkukuwentuhan kami ng kung ano-ano. Multo-multo, para feel na feel kasi madilim. Natuto rin akong magdasal, pramis.
Matapos bumagyo, sa kalagitnaan ng brownout, maraming fish pens ang nasira, at nakatakas ang mga chismosang bangus. Isang araw, nagising ang buong pamayanan na maraming bangus ang na-wash out sa dalampasigan, yung iba medyo naglulumandi pang gumagalaw, yung iba, dead on arrival dahil na-stress sa paglangoy. Sabi nila, na fish-kill daw yung mga bangus, pero wala kaming pakialam. Kung 2 pesos bawat piraso ng bangus, tatanggi ka pa ba?
Umabot na sa puntong 2 pesos per kilo ang bangus, matataba, mapuputi, masasarap na bangus, tatanggi ka pa ba? Namimitas lang kami ng kalamansi. Soy sauce na lang ang puhunan.
Umabot na sa puntong pinamimigay na ang mga bangus. Araw-araw, bangus ang ulam namin. Umaga, tanghali, gabi. Lahat ng luto, nasubukan na namin. At napakahirap pala talagang kumain ng bangus kung kandila lang ang ilaw ninyo. Challenging sya. Hindi nakakatuwang challenge.
Umabot na sa puntong lahat ng taong masalubong ko, mukha nang bangus.
Pumapasok kaming mga estudyante na gusot-gusot ang damit. Ang flag ceremony na dati eh may orchestra sa cassette tape, ngayon a capella na lang. Wala kaming mapag-usapang mga kids dahil walang TV. Walang excitement sa pag-uwi. Hay, kung alam ko lang ang sex noon, sana ipinauso ko sya sa klase namin, at malamang hindi kami nabagot. Pag-uwi, mahirap matulog, mainit, madilim, malamok. Naaalala kong lagi akong nakatitig sa dingding, pinanonood ang ilaw ng kandila, gumagalaw sa ihip ng hangin, at nawawalan na ako ng ganang mabuhay.
Tapos, isang araw, nagkakuryente na. Yehey, putangina! The End!
This post is dedicated to the people of Haiti. Connect? Nalampasan ko ang trahedya sa tulong ng bangus at dasal, sana sila rin.

"Oh? Bakit mo tinatanong yan? Ayoko nang maalala yang mga masasakit na pinagdaanan ko. Basta, tandang-tanda ko pa yan. Yun yung time na una akong gumamit ng pantyliner dahil gusto ko na talagang magkaregla."