ate michelle

Meron ka bang paboritong pinsan? Ako meron. Michelle ang pangalan nya. Mas matanda sya sa akin ng mga 5 or 6 years kaya Ate ang tawag ko sa kanya. Nung bata pa ako, like Grade 4, tumira sya sa bahay namin kasi kami lang ng Nanay ko sa bahay at kailangan namin ng mapagtatawanan. Joke.

Boyish si Ate Michelle. Lagi syang naka-sando, kahit ang laki ng boobs nya. As in malaki. AS IN MALALAKI. Parang planets. Tapos siga yun maglakad sa kalye, parang nanghahamon lagi ng away. Idagdag pa na medyo slightly a little bit 10% mukha syang lalaki. Kasi naman, ang gupit nya, kempee!

Noong una syang dumating galing Bacolod, wala syang 4 ngipin sa harap. Yup! Nawala raw kasi yung pustiso nya. Nung una, nahulog yung pustiso nya sa inidoro habang finu-flush nya, pero nadukot nya pa kaya na-save pa. Pero nawala uli. Kaya ang unang binili ni Mudrax Doris para sa kanya ay pustiso. Sweet.

Sya ang nagpauso ng nickname kong "Tong". Ewan ko kung saan nya kinuha, pero nag-stick.

Magkasundong-magkasundo kami agad nung dumating sya. Kasi naman, inako nya lahat ng gawaing bahay. Yung mga gawain kong pagsasaing at paghuhugas ng pinggan, naglahong parang bula, at pasarap na lang ako sa bahay nun.

Magkasundo rin kami sa Ghost Fighter, sa MTV, at sa Moffatts hahahahahaha. Eww.

Magkasundong magkasundo rin kami sa kalokohan. Sya yung tipong hindi nagpapaawat kahit saan mo yayain. Lalabas ng bahay sa gabi? Go! Itatakas ang bisikleta nung delivery man ng gasul? Go! Magnanakaw ng mangga kay Bapa Biong? Go!

Speaking of Bapa Biong, minsan muntik na namin masunog yung bahay ng kapitbahay naming si Bapa Biong. Short story lang naman. New Year nun at pasimuno si Ate Michelle sa pagpapaputok. Sinindihan nya ang kwitis... nakatututok sa bintana ni Bapa Biong. Sumabog yung kwitis sa loob ng kusina nya. Happy New Year! Ayun, irate si Bapa Biong, pinagbubulyawan kami. Patay na sya ngayon, sumalangit ka nawang hayup ka.

Minsan na rin kaming nahulog sa imburnal. Short story uli. Nakabisekleta kami at dahil may sugat yung paa ko dahil nakatapak akong putang-inang bubog sa beach, hindi ako makapag-bike kaya umangkas ako sa kanya sa harap. Malayo pa yung imburnal, winawarningan ko na sya na iwasan nya yun.

"Imburnal yan, imburnal yan!"

"Oo. Ang kulit mo, sabing hindi tayo mahuhulog eh."

Kahit dinideny nya at sinisigurong hindi kami mahuhulog, sa imburnal pa rin kami pinulot. Dumugo yung sugat ko sa paa.

May isa nga lang syang masamang ugali: sumbungera! Bwisit! Minsan narinig nya akong nagmura as in "PUTANGINA" eh sinumbong ba naman ako kay Mudrax ayun na-award ako nang wala sa oras.

Minsan rin, nagconfess ako sa kanya na nanood ako ng bold movie kasama sila Khikhi. Nangako pa syang hindi sya magsusumbong, aba, kinagabihan, awards night na naman kay Mudrax. Simula nun, sinabi ko sa sarili ko, Hindi na ako magtitiwala sa iyo uli, at gaganti ako!

Kaya yun, pinutol ko yung strings ng pinakamamahal nyang gitara. HAHAHAHA.

Nung 1st Year high school ako, naglayas si Ate Michelle. Actually, nagpaalam sya sa akin, pero dahil usapan naming hindi ko sya isusumbong kay Doris, shut up na lang ako nung pag-uwi ni Doris at hinahanap sya...

Makalipas ang maraming taon...

Nagkita kami uli nung lamay ng tita kong si Darna (hindi tunay na pangalan) nung college na ako. At may kasama na syang asawa, at isang napaka-cuuuuute na baby girl na ang pangalan ay Arniebelle. So matapos ang lamay, nagpalitan kami uli ng numbers, at makalipas ang ilang araw...

May nagtext!

"Tong, Ate Michelle mo 2. Pautang."

Kunyari wala akong na-receive.

The End! Akala ninyo nakaka-touch na naman yung ending no? Better luck next time.

13 comments. Post your comment here.:

Chingoy said...

mangutang after 5 million years.... ang galeng nun!

pusang kalye said...

baka naman kasi mahilig kang mag-tong hits kaya yan TONg ang pinalayaw sayo. talaga bang malaki? PLANETS????lol

pusang kalye said...

ang galing mo talagang magkwento TONG...ikaw lang nakakapagpatawa askin ng ganito sa local language natin...anu ba sinabi ko basta. corny kasi sakin mga kwentong Pinoy usually, pero hindi sayo.parang gusto ko tuloy matikman humor mo sa personal. hehe

gillboard said...

hahaha... kulit!!!

DRAKE said...

PUMUPUWET KA GLENTOT!

Konti na lang naikwento mo na dito ang buong angkan nyo!hahha

Ingat!

KESO said...

hhahahahaha. moffatts pala ha. :))

kikilabotz said...

pautang tong. ahahah. wala lang kala ko masya ang nding.hehe

wendell said...

peste! uutang lang pala?! haha... tao talaga oh! tsk tsk.

wendell said...

peste! uutang lang pala?! haha... tao talaga oh! tsk tsk.

Kosa said...

hahahaha.
astig pala si Ate Michelle!
dapat magpasalamat ka sa kanya sa masasayang kabataan na idinulot nya sa Buhaymo! at isa pa, umayos ka!!! ayusin mo ang buhay mo...(hehehe. wala lang.. gusto ko lang sabihin.lol)

yun lang.. hehe

ʎonqʎʇıɔ said...

akala ko naman may super cute ending with matching tears and hugs. haha pesteng utangera yan.

Jepoy said...

Ahahaha Glentot may pasalubong ako sayo bilis come ang getchit. Isa daw syang herbal na nag papatangkad. See na isip kita habang naka bakasyon ako. LOL

Natawa ako sa post mo sabi ko hihihihihi

glentot said...

Chingoy hahaha nagkamali sya ng nilapitan...

Pusang Kalye, OO mga PLANETA at dahil natawa ka sa kwento ko sa native language try naman natin sa foreign language hahahaha gusto mo talaga tikman ah! Haha bat parang bastos? Lumuwas ka kasi ng Maynila paminsan-minsan!

Gillboard ako o si Ate Michelle?

Drake at bakit may reklamo blog ko naman ito??? Hahahaha fuck you.

KESO binabawi ko na. Hahaha

Kikilabotz masaya para sa akin sa kay Ate Michelle hindi ahhaha

Wendell nagkamali sya ng inutangan...

Kosa wag ka nga, ayos na ayos kaya ang buhay ko! Hahaha kung makapangaral nga naman ang mga mas nakakatanda...

ʎonqʎʇıɔ nahihirapan akong bumaligtad para basahin ang name na yan hahaha

Jepoy maraming salamat for humiliating me in my own blog I have two words for you FUCK YOU KA

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding