dagat ng basura

Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Eto ang nakaka-LSS na jingle ni Manny Villar, mas malakas ang staying power keysa dun sa previous jingle nya na Akala mo trapo yun pala katropa mo ek ek. Inispoof na nga eh, may narinig na akong versions, may Drug Addict Version, may College Life version, at asahan ninyo, malamang magkaroon ng Gay Version.

Pero ito pansinin ninyo kapag nakita ninyo uli sa TV na piniplay yung jingle:

Sa part na kumakanta yung mga bagets na dreamboys ni Khikhi ng

Tutulungan tayo, para magka-trabaho

...ang sinasabi talaga nila ay

Tutulungan tayo para magka-negosyo

Read their lips.

Bakit kaya inedit? Ano sa tingin ninyo? Halata na bang wala akong maipost kaya pinapatulan ko na ang ganitong topic?

Yan ang tanong namin, tunay ka bang isa sa amin?

19 comments. Post your comment here.:

silentassasin said...

Galing mo naman napansin mo yun.. :)

Jepoy said...

Adik ka Glentot. Dahil Dyan Inom tayo sa saburdey!

paci said...

sabi nga ng isang friend ko sa fb. SIGE MANNY VILLAR IKAW NA ANG TUNAY NA MAHIRAP.

haaay politics. =)

ahmer said...

NIce! Pero i love the melody of the song : )

Lord CM said...

Kailangan ba talagang maging pulitiko para tumulong sa kapwa? Sus! Kung gusto talaga tumulong nang mga yan eh dapat binibigay na nila ngayon hindi yung hintayin pa nilang maging presidente sila!

Yj said...

nakinampakingshet.... politically charged na mga post ni Glentot Pakentot!!!! yohooooooooooooooooooo

vanilla twilight said...

adik ka glen. inulit ko ng three times yung video. tama ka nga. hahaha!

kat said...

ay "negosyo" pala yun kinanta nila? mapanood nga.

the reason nagkaka-LSS tayo sa jingle na'to, pinapalabas kasi every commercial break lalo na pag-prime time. nakakainis.

sumisikat ang mahirap pag panahon ng eleksyon. Si binay mahirap din ang gimik.

kikilabotz said...

hnd naman halata. hahahahaha.
astig nga ngayon ko nga lang napansin yun. hahaha

gillboard said...

talagang lip reading kung lip reading... hahaha

DRAKE said...

Pagkatrabo o pagkanegosyo magkapareho lang yan..........parehong hindi matutupad yan!hahahah

ingat

Chingoy said...

apir tayo! akala ko ako lang nakapansin nyan! yahu!!!! indi ako baliw... indi ako baliw... indi ako baliw.... NYAAAAAAA!!!!

leroy said...

anganda ng layout. yay

Ailee Verzosa said...

hello... just dropping by... have a great week!!!

p0kw4ng said...

tutulungan tayo para umunlad pa ang negosyo nya..ganon ba yun?? hihihi

infernes at talagang alam na alam na ng mga junakis ko ang jingle na yan..kung makakaboto lang sila eh baka mauuto din ni villar yung mga yun..ahahaha

Ape said...

dre, bili ka ng sudoku minsan...para malibang ka...mukang bored na bored ka na eh...heheh..

lalu tuloy nagmukang demonyo sa paningin ko sa Manny Villar. lol.

glentot said...

@SilentAssasin salamat at naisip mong magaling akk (kahit hindi) mahilig lang ako mag-observe sa mga kabaduyan sa mundo

@Jepoy oo nga may inuman sa Sabadoo.

@Paci hulaan ko name ng friend mong yun, Jejomar right?

@Ahmer catchy eh, kaso ballad sana ma-remix

@LordCM ang puso mo, relax!

@YJ shunga kung political eh di sana agenda nya kinikwestyon ko diba, hanggang music video lang ang interes ko ahahaha

@vanilla twilight o diba ahahaha nung una akala ko hindi lang alam ng mga bagets ung lyrics...

@Kat oo nga trying hard na mahirap si Binay... if I know...

@kikilabotz haha ang galing ko ba? (nagbuhat ng bangko) bwahahaha

@gillboard akala ko kasi hindi nila kabisado ang lyrics nyahaha

@Drake hayaan mo naman kaming umasenso dito sa Pilipinas! BWahahah

@Chingoy baliw ka, pero hindi ka nag-iisa, kasama mo ako

@Leroy salamat sa papuri alam mo bang dugo pawis at iba pang katas ang nabuhos ko sa layout na yan

@Ailee you too

@Pokwang ahaha labanan ba ng jingle ang eleksyon? Panalo na talaga si Villar nakakahypnotize kaya yung song

@Ape nyahahah malamang sya nagpa-edit nun no? Bumili na ako ng Sodoku kaso nahirapan talaga ako makabuo ng words...


SA INYONG LAHAT SALAMAT SA PAGBABASA AT PAGSASAYANG NG ORAS MWAH?

toper said...

onga no!! galing!!

June | Life and Spices said...

Keen eyes. At talagang pinanood ko yung video sa youtube! hahah tama ka nga.. napansin mo ba talaga yun? o nasa social media sites?

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding