hello, hello

Mahilig kaming mag prank call noong high school, lalo kapag wala kaming magawa. Masarap kasi sa pakiramdam kapag may niloloko kaming mga tao. Tamang laugh trip kami kasi ang tatanga ng mga nabibiktima namin. Madalas, mga kaibigan ko ang taga-dial at ako ang kumakausap kasi effective ang drama training ko sa "Sama-Aralan sa Sining Pang-Kalikasan" (separate story ito).

Prank Call Scenario #1: St. Luke's Hospital Sex Positions Survey

Nagkunwari kaming mga nurses na nagsasagawa ng phone surveys sa kung anong pinaka-paboritong sex position ng mga Pilipino. Marami sa mga natawagan namin eh mga dalagang hagikhik lang nang hagikhik na parang kinikiliti sa tinggil at hindi makasagot kung anong posisyon ang gusto niya. Isang lalaki lang ang sumagot ng matino: "Dogstyle po."

At dahil hindi masyading successful, nag-move kami sa aming next prank...

Prank Call Scenario #2: Eat Bulaga Name That Tune Contest

Nagkunwari kaming mga host ng Eat Bulaga (I know, tanga talaga ang mga natawagan namin at naniwala sila) na nagpapa-name that tune. Magpapatunog kami ng ringtone sa cellphone tapos huhulaan nila ang title ng song para manalo ng limpak-limpak na salapi!

Yung isang nakausap namin, nanay ng kaklase namin. Yes, ganun kami ka-notorious. Nakuha nya pang bumati kina Tito, Vic at Joey. Kaso hindi nya nasagot ang tanong kaya hindi sya nanalo. Kinabukasan, pumunta sya sa bahay nila Wilfredy (barkada ko na kasama naming nanloko sa kanya), at excited na nagkwento na tinawagan sya ng Eat Bulaga, not knowing na si Wilfredy mismo ang nag-dial ng number nya.

May isa naman kaming tinawagan na by some miracle eh nahulaan yung pinatugtog naming ringtone. Wala kaming choice kundi magpalakpakan sa pagkapanalo nya. Nang tinanong namin kung saan nya gustong gamiting ang pera...

"Idodonate ko po sa simbahan."

Napa-tumbling kami sa sagot at nag-hang-up.

Prank Call Scenario #3: Hinahanap ka ng Nanay mo

This involves a telephone, the principal and the school Intercom. Tatawag kami sa principal at magkukunwaring magulang ng isang estudyante.

Isa sa mga niloko namin na naaalala ko ay si Venus. Nagkunwari akong kamag-anak nya, at sabi ko sa principal ay gusto ko syang makausap kaya pakitawag sya.

"Venus, Venus, please proceed to the principal's office immediately."

Alam naming napakalayo ng classroom nila Venus sa principal's office, at naiimagine namin syang patakbo-takbo at kinakabahan kung bakit sya pinapatawag sa Principal's office. Tapos pagdating nya sa phone at pagsagot ng "Hello?", hang-up na kami.

Yun, masaya na kami nun.

Prank Call Scenario #4: Rica

Kung magaling ako sa drama dahil sa training ko sa "Sama-Aralan sa Sining Pangkalikasan", mas magaling sa drama si Wilfredy, dahil kaya nyang magboses-babae sa telepono, at niloko nya ang tatay ni Dyan (barkada namin) sa katauhan ni... "Rica". In short, naging phonepal sila.

Hindi ko alam kung ano ang buong detalye ng pagiging phone pals nila ngunit humantong sila sa point na nagkasundo silang mag-eye ball sa Alaminos.

Prank Call Scenario #5: Fail

"Hi! Magandang umaga! Taga-Bombo Radyo po kami, maari po bang malaman ang pangalan nila?"

"Tumigil ka Glenn huwag ako ang lokohin nyo!!!" -- nanay ni Dyan.

Haizt, I miss the old times.

27 comments. Post your comment here.:

Jepoy said...

LOL na bosesan ka talaga ng Nanany ni Dyan. Siguro madalas kayong mag sindi ng trunk ng papaya tapos sisipsipin nyo ang usok kaya kayo mga adik.

toni D. said...

Hahaha tuwing naaalala ko talaga 'to...loko talaga tayo nun noh? pero ikaw talaga pasimuno!

Naaalala ko rin sabi ng mama ko nung nagpanggap tayo na taga bombo radio tapos tinawagan mo ng di ko alam, "Hoy Dyan umuwi ka na!"

Hayop ka, pati nanay ko!

- A n g e l - said...

Oh boy, you were mean kids! Hahaha! Dati ang pina-prank calls namin yun mga crush namin. Nagfifish lang kami ng information. Wehehe, lousy.

Yj said...

i needed something to lift up my spirit so i came here... kaso mukha na akong tanga ngayon... tawa ng tawa habng umiiyak....

andrei jon said...

highschool the best. lol.

Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD said...

wahahahahaha. ang kulit ng mga prank calls ninyo. lol.

gege said...

ANG LAKAS NG TRIP NYU!!!
ahaha.
kami isang beses lang namin yang ginawa...
tinakot namin yung kaklase namin na taga school admin yung tumawag sa bahay nila...
kinabukasan nagpapsama sya sa office ng admin, nabuko nya kami kasi natawa ako. ahaha!
panira talaga ako ng panggugoodtime eee.
di ko kasi mapigilan tumawa ng tumawa.
NICE!!!
kulit nyu!
korek, kakamiss.
:P

gillboard said...

haha naaalala ko gawain din namin yan noon!!!

di ko lang maalala kung anong kagaguhan pinagsasbi namin... hehehehe

RICO DE BUCO said...

ang saya siguro nung highskul mo..astig na astig hehehehe

Ayie said...

Grabe, sobrang saint na pala ako k'se wala akong ganitong experiences. Tsk, I knew then there's something wrong with my life!

The Scud said...

bloghopped from someone else's blog. ayos ang pranks ah. hindi ko nagawa yan dati pero mahilig ako manggulat.

Lord CM said...

Hehehe :D Si Itay at makikipag EB pa! astig! lolzz

p0kw4ng said...

hindi naman halatang talagang kapuso ka ano..ahahaha!

salamat sa threesome kagabi glentot!!! enjoy kami! sa susunod eh medyo damihan mo salita mo ha,hihihi

Kosa said...

yaaaaaah.
kakaibang trip!
uso pa kase ang telepono nuong kapanahunan nyo. kaya praNk call pa pinagti-tripan nyo!
pero mabuti na rin yun kesa magdrugs kayo! haha
congrats parekoy.
Nice one!

btw,
celpon na ang uso nuong kami kaya naman masbata kami sa inyo!

sheeeet, antatanda nyo naaa!

Glampinoy said...

Bad kayo talaga to the max, ay to the 10th power...pwede ba mangumpisal na kayo?

pwede kayong mangumpisal sa akin kahit hindi ako pari at titingnan ko kung pwede kayong patawarin. he he he

Chingoy said...

hmmm, sa alaminos pala si Tatay hehehehe...

lagot..

napatawa mo ako brod, ang galing ng post mo

m2mtripper said...

Mean kids!

Ang alam ko lang gawin sa telepono nun ay makipag-cross line.

Hahaha...

qoutes said...

prank callers?! bad un.. :D pero masaya!

exchange links?

Ailee Verzosa said...

grabe... ang tindi nio nung high school.. hindi ko maimagine mga reactions nga mga tinawagan nio...

Kenzo said...

taragis, nagenjoy ako dito. naalala ko din ang kagaguhan ko nung kabataan. :D

tim said...

napa OH MY GOD ako. eh kung dad ko yung ginawan nyo, malamang kulong n kulong kayo. FBI yun. hehehehehe. grabe to ah, nakakatakot, buti nmn di kayo napahamak sa kalokohang ito na alam nyo napakmali.. Gosh!

Ape Rocktar said...

panalo yung prank call # 3 hahaha...

Genius Glen. Genius.

Anonymous said...

potahh glenn..alalang alala ko pa parang kahapon lang yan ah...at parang sabahay namin yan ah..hehehe..hilda

glentot said...

@Jepoy how did you knew???? ahihihi

@Toni.D it's not too late pwede pa tayong mangloko uli, international na nga ngayon eh!

@Angel, I think that's called Stalking hahaha

@YJ emo? Anong masakit sayo? Huwag mo sabihing pwet na naman... Tell me!

@Andrei Jon Amen!

@Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD Forgive us Father for we have sinned!

@gege nice ka siguro kaya natatawa ka pag may niloloko kami kasi evil talaga kaya seryoso kami sa panloloko hehehe

@gillboard malamang hindi nagkakalayo an gmga pranks natin hehehe

@rico de buco you have no idea kung gaano kasaya, I think ikukuwento ko lahat ng kaya kong maalala...

@Ayie, hindi pa huli ang lahat, may landline ka jan diba??? hehehe

@The Scud pano ka manggulat, ung heart attack inducive ba hehehe

@Lord CM oo nga imagine mo yun!

@pokwang hindi pa ito yung post ko na dapat mong abangan kasi featured ka hehehehe mwah!!!

@KOSA whuahaha kupal imposibleng hindi mo panahon ang landline!!! Kilala kita! hehehehe

&Glampi nagkukumpisal nga ako kay Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD kanina eh heheheh...

@Chingoy salamat, sarap makarinig na nakapagpatawa ako ng isang tao whuahaha may ganun?

@m2mtripper, sensya na syano lang, ano ang makipagcrossline???

@Quotes yup linked you!

@Ailee versoza, ako man hindi ko maimagine kasi hindi ko sila nakita ehhehe

@Kenzo bigay ka naman sample!

@Tim yeah... thanks for keeping on visiting my stupid blog... oo nga buti hindi kami napahamak and magpapakabait na ako baka mahuli ako ng tatay mo.

@Ape Rockstar glad you liked it hahaha...

Jag said...

hanep sa trip ah? pero gngawa ko din yan nung ngttrabaho ako sa semicon...nagkukunwari akong japanese support kc mgaling akong mgtunog japanese khit mali mali ang cnsabi hahaha...those were the days!

June | Life and Spices said...

Hahahaha, when i first saw you halatang halata na pilyo ka ng kabataan mo.. i believe until now? hahaha

luridx said...

good times :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding