karanasan sa bus

Kahapon ng umaga, lumabas ako sa office ng 9AM para pumunta sa Megamall para i-meet ang isang walang kwentang tao para sa isa na namang morning session ng panlalait sa mga kakilala namin. Pagbaba ko ng RCBC Plaza ay sumakay ako ng bus na aircon sa kadahilanang ayaw ko nang sumakay sa ordinary dahil sa words of wisdom ng isa kong kaibigan.

Kung sa bus accident ka mamamatay, gusto mo bang sa karag-karag na bus ka abutan ng kamatayan?
At isa pa, puro aircon na bus ang dumadaan sa Ayala. Pag-akyat ko, medyo marami nang tao sa loob kaya dun ako umupo sa may bandang gitna, sa may bintana.

Diagram, NGAYON DIN!



Ako yang X. Kailangan may diagram, mamaya malalaman nyo kung bakit.

Somewhere in Buendia or Guadalupe or sa iba pang glamorous na area along EDSA ay may mga sumakay na maraming tao, at dalawa sa kanila sina Y at Z. Si Y ay bata pa parang sing-edad ko lang, maputi, payat, semi-kalbo at nakapink na polo at black shades. Si Z naman ay medyo mas matanda, maputi, medyo malaki ang katawan, nakablack na polo shirt at may dalang black na backpack, in short, kahawig ni Drake. At dito sila umupo, sa tabi ko:



Habang nasa byahe ay nakikinig ako sa aking MP3 player sa phone at ang napagtripan kong playlist ay yung mga pop songs ng nakaraang dekada, walang basagan ng trip. Mabanggit ko lang na simple lang ang aking phone at hindi ako nagmamayabang.

Makalipas ang ilang minuto ay umalis ang katabi kong si Y at lumipat sa may bandang harap. Tapos si Z naman ang tumabi sa akin. Nagtaka ako kasi maayos naman ang upuan sa kabila, pero lumipat pa sya:




Makalipas ang ilan pang minuto, lumipat rin sya sa may bandang harap:



Patuloy naman ang pakikinig ko ng music sa aking mahiwagang phone. Iniinternalize kong mabuti ang pop music na tumutugtog sa aking tenga at wala na akong pakialam sa mundo. Hanggang sa mangyari ang hindi ko inaasahan.

"O Megamall Megamall yung mga bababa diyan Megamall na mga hindot" malakas na delivery ng konduktor sa kanyang spiel.

Binulsa ko na ang aking phone pero naka-plug pa rin ang aking earphones at patuloy pa rin ang pag-play ng isang pop song na medyo patapos na. Pagdating ko sa may bandang harap, biglang tumayo si Y at naglakad papunta sa likod ng bus, kaya nagkasalubong kami at nakaharang sya:



Pilit ko syang iniiwasan at paiwas-iwas rin sya pero hindi pa rin ako makausad dahil masikip lang naman ang aisle sa gitna ng bus. Medyo pissed off na ako kasi bakit hindi muna sya maupo para pagbigyan ang mga baba, patuloy syang nakaharang, at preoccupied ako kasi malapit na lumagpas ang bus sa may babaan sa Megamall.

Nang maka-squeeze ako lampas sa kanya, nakabukas na ang pintuan ng bus at handa na akong bumaba nang biglang may napansin akong mali...

Teka...

Bakit wala na akong naririnig na song...

Pagcheck ko sa dulo ng earphones ko, jack na lang ang naiwan, wala na ang phone sa bulsa ko. (Madagdag ko lang na nakasuot ako ng malaking jacket at baggy pants nung araw na yun, kaya maluwag ang bulsa).

Hinarap ko bigla si Y, na nakaupo uli sa dati nyang kinauupuan.

"CELLPHONE KO???" Malakas ang boses ko nun dahil hate na hate ko talaga kapag ninanakawan ako. Malakas ang loob ko na sya ang kumuha kasi sya lang naman ang nakasalubong ko at nakabanggaan, pero kinakabahan na ako kasi kung naipasa nya ang cellphone ko sa iba, kahit kapkapan ko si Y ay hindi ko mapapatunayan na nasa kanya ang phone ko.

Hindi sumagot si Y sa tanong ko, at mawawalan na sana ako ng pag-asa nang biglang may narinig akong kantang napaka-pamilyar sa aking pandinig... Napaka-familiar.

At pagtingin ko sa direksyon ng sound na iyon ay nakita ko si Z, na hawak-hawak ang aking phone at aktong itatago na sa kanyang bulsa.

In short, nakalimutan ng mga STUPID na magnanakaw na ito na kapag hinugot mo ang earphones ng isang cellphone habang naka-play ang MP3 ay maactivate ang loudspeaker nito, MGA MANGMANG KAYONG MGA HAYUP KAYO PUTANG-INA NINYO AKALA NYO SIGURO MAIISAHAN NINYO AKO EH BIYAT-NI-INAM PALA KAYO EH, UKIN-INAYO MGA MORON NEXT TIME AYUS-AYUSIN NYO ANG PAGNANAKAW NINYO MGA ENGOT and EAT MY SHIT, sabay SOCKET!

Pero syempre hindi ko na sinabi yan sa kanila. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at ini-stop ang malakas na music. Nakatulala lahat ng tao, pati yung konduktor at yung drayber, walang umimik.

Walk-out ako sa bus at wala sa sarili na naglakad papunta sa Megamall. Nung nahimasmasan na ako, bigla ako napaisip, bakit kaya natulala silang lahat? Dahil ba sa guts nung mga IDIOT na magnanakaw? Dahil ba sa lakas ng boses ko?

O dahil dun sa nakakahiyang song na tumugtog sa loudspeaker ng phone ko?

Gusto nyo bang malaman kung anong song ang nagligtas sa aking cellphone?


(Milkshake)


Shit, nakakahiya.



Sa lahat po ng nagbasa at nagtiyagang intindihin yung mga shitty diagrams at nakiramay sa katangahan ng mga mandurukot, salamat po, at sana nag-enjoy po kayo kahit sandali lang, I appreciate your effort sa pagtiyatiyagang magbasa ng mahabang post.

Message ko naman sa mga mandurukot, sana makarma kayo nang beri beri digital.

"Damn right!"

29 comments. Post your comment here.:

andrei jon said...

dapat sinumbong mo sa pulis. mga bwangkanginang yan. hayy...

gillboard said...

at least nakuha mo ulit cellphone mo. at di ka sinapak nung magnanakaw. may mga ganun kaya.

RICO DE BUCO said...

ang gling gling!!!! bauninada irarartay matakew!!!hehehe buti nlng okay si selepono


base.hehehe

DRAKE said...

Bakit kaya nadukutan kayo ni Jepoy?
a.mukha kayonng mayaman
b.mukha kayong uto-uto
c.mukha kayong mayabang
d.mukha kayong madaling holdapin

Hahaha!

At talagang kamukha ko pa yung isang holdaper! Tae ka Glentot!

Sa susunod iwasan na ang magmayabang ng phone, mahirap ang buhay ngayon mag CHINA PHONE ka na lang, may TV pa.hahaha

Ingat

Ayie said...

Wow! Super...!!!!

gege said...

MGA MANGMANG KAYONG MGA HAYUP KAYO PUTANG-INA NINYO AKALA NYO SIGURO MAIISAHAN NINYO AKO EH BIYAT-NI-INAM PALA KAYO EH, UKIN-INAYO MGA MORON NEXT TIME AYUS-AYUSIN NYO ANG PAGNANAKAW NINYO MGA ENGOT and EAT MY SHIT, sabay SOCKET!


PALAKPAKAN!!!
the best!!!

haaaaaaaayst.
may phobia nako sa bus o miski sa jeep, kaya minsan paranoid ako.
hehe.
haaaaayst.

keep safe kuya!

:P

Yj said...

@ Drake... nagpaka subtle ka pa sa iyong letter D...

ako sasagot sa tanong mo... mukha kasi silang TATANGA TANGA bwahahahahahaha

charot... buti naman sister at wagi ka eksena, may mga nasasaksak sa ganyan... pero imperness pag sinaksak ka ng mga yun, sa aircon bus ka sana nategi bambam...

ukinnana da amin nga agtatakaw, matay da kuma aminen.... yehey

Lord CM said...

Hehehe :D Ang galing, purnada ang mga magnanakaw, kala nila ah! lolz

- A n g e l - said...

Glentot, totoo ba to? Hehe. Milkshake?
Peace, man!

vanilla twilight said...

siguro, kung ako ang nanakawan ng cellphone at ito ang tugtog, hindi ko na rin kukunin. ang galing. :-)

Rei Mikazuki said...

Damn right... it's better than yours...!

Hahaha! Dapat mag-ingat mga snatchers sau, Glentot! Neahaha!

ELAY said...

hahaha puso mo easy lang.. changgalang mga magnanakaw yan bobo. hahaha.. naks naman milkshake hehehe ayus ayus wineeeer..

Chingoy said...

maganda! magaling! CONGRATULATIONS!

teka... totoo kayang kamukha ni drake ang isa sa kanila? hmmmm...

KESO said...

wawwwwww! ang ganda nung eksena. natameme yung mga walangya!
buti nman at nakuha mo p yung selpon mo.

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

laveeet! :) klap akey sa yo! :)

glentot said...

@Andrei Jon malamang hindi lang ako pansinin ng mga pulis, ako pa ang sermonan.

@Gillboard oo nga raw eh siguro natakot na rin na galawin ako kasi sa dami ng taong nakatingin baka nakita rin yung ginawa nila... kaya nagmadali na akong bumaba karma na lang katapat nila

@Rico lesson learned talaga ito at pasalamat ako na walang nakuha sa akin

@Drake oo kamukha mo talaga! Gagamitin ko nga sana picture mo dun sa diagram eh!

@Ayie life-changing ito hehehe

@Gege kaya ikaw mag-ingat ka, itali sa katawan ang cellphone hehehe

@YJ ganun talaga blessed ako eh kasi mabait ako, wala pa rin tatalo sa mga holdap stories mo!

@Lord CM makarma sana sila nanbg very very digital

@Angel oo totoo nga... hehehehe at hindi pa yan ang worst song sa aking MP3 player....

@Vanilla Twilight kinapalan ko na lang ang mukha ko diba? hahaha salamat sa pagdaaan

@Rei Mikazuka I could teach you, but I have to charge nyahahahaha

@Elay pasalamat nga ako na bobo sila eh hehehe

@Chingoy oo kamukhang-kamukha parang pinagbiyak na arinola

@Keso oo nga buti na lang at naituloy ko pa ang pagsousoundtrip ko ng mga nakakahiyang kanta.

@Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas Maraming salamat sa iyong klap-klap haha

SA INYO PONG LAHAT, MARAMING SALAMAT SA PAGTIYATIYAGANG MAGBASA...

Mangyan Adventurer said...

Hindi naman nakakahiya ang Milkshake... Sinayaw namin yan dati... Haha!

I really hate snatchers.... Sana isinumbong mo sa Pulis.... Para naman magkalesson ang mga hinayupak na iyan! Swerte mo kasi nahuli mo pa... KAsi nga tatanga-tanga....


Haha! Nice ;)

Jepoy said...

'king ina ka dinamay mo nanaman ako sa POst mo. I hate chu!

Ape said...

a) ur a legend Glen.

b) its what I call 'bystander effect'...biglang tumitirik ang utak pag nakakakita ng pagnanakaw, patayan, sapakan.

glentot said...

@Mangyan Adventurer sampolan mo nga kami ng steps! Geh na ako kakanta hehehe salamat po

@Jepoy shut your up! Alam mo naman talagang ikaw ang nag-invite nun kaya ako pumuntang megamall. Kung natuloy akong manakawan ikaw talaga ang may kasalanan!

@Ape legend daw o ahaha. So may term pala para dun, or did you make that one up hehe. Tawag ko kasi dun, "nag-hang". Haha thanks!

Tiano said...

Okay na sana pare.. action star na action star ang dating mo.. sinira ka lang ng soundtrip mo.. para kang gumawa ng pelikula ni Bong Revilla na OST e kinanta at sinayaw ng sexbomb.. wahehehe

Mga Epal said...

Mga gago talga yang mga ihodeputang mga mandarambong na yan e.. galit na nga kami sa putanginang mandurukot booyset pa kami sa mga BOBO! ambobo amputa!

solb yung kwento mo!

Pinoyrocks said...

Thanks for sharing this to us. We've been warned.

Mark Ian said...

natulala dun sa tugtog hahaha. at least nakuha mu tol. naaliw ako sa post mo hehehe.. ingat na lng next time. :D

Eljon said...

hahaha natawa naman po ako d2! galeng. hahaha ^^,

rundeekalel said...

want some milkshake? bwahahahahaha :)

June | Life and Spices said...

Dats the damn reason i dont ride aircon bus kasi uso nakawan.. sa ordinary lang ako atleast mukhang mahirap ako..kaso lage silang may appointment!! ANG BILES! 10 minutes lang nasa Magallanes na ako..

Geosef Garcia said...

Putangina! Nangyari di sa akin to! 2 years ago. Nanakaw ang Zune ko. :'(

luridx said...

natatawa pa rin ako kahit ilang beses ko na to nabasa LOL

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding