nanding vs doris

Hiwalay na ang mga magulang kong sina Nanding at Doris, maraming taon na. Nung magkasama pa sila, lagi silang nag-aaway, at dalawa lang ang choice ko nun, A) magbingi-bingihan at umiwas sa flying objects; o B) gumawa ng sarili kong eksena.

Minsan, isang gabi, Grade 4 yata ako nun, nag-aaway sila, at naririndi na ako kasi hindi ako makapanood ng TV dahil sa sigawan nila, mga pakshyet. Kaya dumungaw na lang ako sa labas ng bintana sa aming bahay at pinanood yung kapitbahay naming nagsusunog ng basura. Hmmm, I have an idea.

Inipon ko lahat ng lakas ng loob sa aking dibdib at buong giting na nagsusumigaw ng....

"SUNOG! MAY SUNOG! SUNOG!" With facial expression. Partida wala pa akong acting classes nyan, thanks to Khikhi.

Napatakbo silang dalawa sa bintana! "Diyos ko!" sabi ni Doris habang super takbo sya tapos si Nanding isang tambling lang nakadungaw na agad sa bintana. Syempre bistado agad na gawa-gawa ko lang ang sunog di ba? Ako tuloy ang sinermonan. Pero at least, natigil sila sa pag-aaway at naipagpatuloy ko ang panonood ng Wansapanataym.

Naisip ko tuloy, Ah effecctive palang pampatigil ng away ang sunog ah. Humanda yang kapitbahay namin, dahil pag nag-away uli sila Nanding at Doris, sisiguraduhin kong may sunog talaga.

Hindi ko pa noon alam kung saan nagsisimula ang away nila. Basta laging tungkol yun sa pera, budget, gastos. Ilocano ang Tatay ko at Ilongga ang Nanay ko. Kuripot versus Magastos. Habang bilang nang bilang ng pera yung isa, bili ng bili naman yung isa.

Typical Scenario: May Nagdedeliver ng Refrigerator sa Bahay

Nanding: Kanino ito?
Delivery: Sa inyo po, inorder ng asawa ninyo.
Nanding: Glenn! Tumigil ka muna sa panonoood ng Knowledge Power diyan! Tawagin mo ang Nanay mo!

Tatakbo naman ako kasi paborito ko talaga ang Knowledge Power ni Ernie Baron.

Me: Nay, tawag ka ni Tatay, aawayin ka yata.
Doris: Bakit, nandiyan na ba yung ref?

And they all lived happily ever after, dahil matapos silang magsagutan at magdiskusyon at magbilangan ng pera at magpalitan ng death threats, kinabukasan, ang kawawang frigidaire, puno na ng beer. Yup, lahat ng binili ng Nanay ko, Tatay ko rin lang ang gumamit.

Minsan naman, medyo kakaiba ang scenario. Pagkatapos nilang mag-away, aalis si Nanding para makipag-inuman sa mga kumpare nya. Tapos pagbalik nya, lasing na lasing sya. Dun na makikita ang pagmamahal ni Doris. Papahigain na nya si Nanding sa kama nila, pupunasan ng maligamgam na bimpo, bibihisan, pupulbusan hanggang makatulog. Pero syempre, galit na galit sya habang ginagawa nya yun. Pupunuin nya ng pulbo sa mukha, yung hindi mo na makita yung balat. Tapos tatawagin nya ako at sabay kaming tatawa.

Nung nag-abroad si Nanding, nag-level-up ang galit nila sa isa't-isa. Marami kasing mga tsismoso't-tsismosa na nagkalat sa paligid. Ang sarap sarap ng buhay namin ng Nanay ko, pero biglang susulat ang Tatay ko sa amin para tanungin kung totoo daw ba na A) Naglalasing si Doris; B) Minamaltrato ako ni Doris; C) Lubog na sa utang si Doris.

Nakakarindi talaga ang tsismis. Tiwalang-tiwala kasi si Nanding sa kanyang mga trusted source i.e. mga kapatid nya.

At ang pinaka-nakakatambling sa lahat: sa sulat sila nag-aaway! Yes. Iba pa yan sa pag-aaway nila sa telepono. Mas intense kasi nai-imagine ko na nanggigigil sila habang nagsusulat ng maraming-maraming exclamation points.

Nung college na ako, finally, naghiwalay na sila. Hindi naman sila nag-usap na 'Hoy break na tayo magmove on ka na'. Nangyari lang. Hindi na sila nagkikita, hindi na nag-uusap, ni hindi nagtetext. Pero tuloy pa rin ang away.

December 24 ang wedding anniversary nila, so dapat sweet na sweet sila sa Pasko diba?

Well hindi. Pasko sila nag-aaway, kasi yun ang panahon na nagkaka-kumustahan sila.

Noong Christmas 2007, nagsisigawan sila sa telepono. Umagang-umaga, nag-aalmusal pa lang kami ni Doris. Hindi ko maalala masyado kung pano sila nagsimulang mag-away. Noong una, nagtatawanan pa, nagkakabiruan. Tapos kinumusta yata ni Doris si Nanding tungkol sa bago niyang asawa, at nagkapikunan sila. Ayun, ang ending, luhaan ang Doris on Christmas morning.

Nung Christmas 2008, hindi sila nag-usap, hindi na nagkamustahan, kahit sa text. Ni hindi ko sya binaggit sa harap ni Doris kasi baka masuklam sya nang very very nice. Spirit of Christmas talaga.

Kaya nitong Christmas 2009, nang biglang dumating ang Nanding sa Manila para magbyahe ng trak-trak na bangus, pumayag ang Doris na makipagkita sa kanya. At malakas ang kutob kong mag-aaway sila, baka maghampasan sila ng bangus, at parang gusto kong magsuot ng bullet-proof vest. So pinuntahan namin si Nanding dun sa parking lot ng mga truck na puno ng mga tsismosang bangus.

Pero pagdating dun, natulala ako sa nakita ko. Nag-usap sila! Nang matino! Nagbibiruan, nagtatatawanan, nagkukumustahan!

"Alam mo yung ate kong pipi, patay na."
"Ah naalala mo yung bestfriend mong si Rhea, patay na rin."
"Oh kumusta na mga pamangkin mo dun?"
"Ah si Jinky buntis na. Yung ate nya buntis na rin."
"Ha? Eh diba tomboy ang karelasyon nun?"
"Oo tomboy yung kasama nya nung lumayas pero pagbalik nya buntis na sya."

Hindi ko na sinundan yung conversation nila kasi busy ako sa palihim na pagpicture-picture. Mga 20 minutes silang nag-usap, at super tino ng usapan nila. Parang gusto kong tumambling at mag-production number sa harap nila at back-up dancers ko ang mga kargador ng mga banyera ng bangus at sasayaw kami ng "Always I wanna be with you and make-believe with you." Ang saya ko lang.

Maya-maya, umalis si Nanding at pagbalik nya, may dala syang bag na puno ng higanteng bangus na naka-steroids. One week supply ito, at malamang after one week may hasang na kami ni Doris. Ang una ko agad naisip, Doris, magbubus tayo pauwi, nakakahiya yan sa MRT.

Nung pauwi na kami, hinatid kami ni Nanding sa entrance nung wonderland ng mga bangus. Tapos, bago kami umalis, kinalabit nya pa si Doris sa braso para magsabing...



"Sige balik na ako sa loob."

Putangina yun lang??? Wala man lang Ingatz TeeCee Kitakits!?!

Pero OK lang at least mukhang OK na sila uli. Sana magbalikan pa sila. Gusto ko na magkaroon ng kapatid eh!!!

24 comments. Post your comment here.:

Chingoy said...

mabuhay ka glenn... super pinasaya mo ang araw ko... galing mo brod! inuman na! hahaha

Lord CM said...

Hehehe :D Nabigyang saya ang dapat sana'y nakakalungkot na nakaraan :D

Jepoy said...

Nice at least bati na si Doris at Nanding na ngangamoy sex...

Dahil dyan Mamam na daw kila luca tonight. Cheers!

wendy said...

I think this should be funny but it made me cry.. :(

Naisip ko bigla anak ko.. kung magiging kasing edad mo na sya.. ganyan rin kaya sya mag-isip dahil hiwalay kme ng tatay nya..

Nalungkot ako bigla :\

citybuoy said...

tawang tawa ako sa pulbos! pinabasa ko sa mga katabi ko. haha ang sama na ng tingin nila eh.

Dhianz said...

naaliw naman akoh sa kuwento moh... yeah nakakatawa yung pagkakuwento moh... pero dehinz koh alam kung ano dapat tlgah ang dapat koang maging reaction... kc hmm.... true story toh nde bah?.. hmmm.... so yeah... i'm glad na at least ayos na silang magka-usap like parang magkaibigan... pero hopin' to have a happy ending for both of them.. kung nde man.. for sure God has a better plan... abah seryoso daw akoh?... wehe.. eniweiz.. ingatz po... yeah hangsaya meron akong ilang minuto pa para mag-online.. yey! so yeah 'unz.. laterz.. Godbless! -di

- A n g e l - said...

At least okay na silang dalawa, they can spend more than 10 minutes around each other without wanting to kill one another. Sign na yun na they're growing up and moving on. Ü

Ayie said...

Hmp. Eto yung wacky version ng kwento ko...gusto mo ng mga eksenang ganito ha!eheheh!

Wala akong masyadong ganyan eh, mejo secret kung mag away ang nanay at tatay ko.

Yj said...

tang ina naman Glentot... yang itsura at ugali mong yan, magkakaroon ka ng kapatid, maawa ka naman sa bata... bwahahahahaha

hoy nasan ang mga pictures ni nanding at doris? di ka man lang nag post... TSE!

andrei jon said...

nothing lasts forever... ganun lang talaga.

dapat kinantahan mo sila ng rick roll song. yung "never gonna give you up, never gonna make you cry nanana deserve you!"

parang mali ata... hmmm.

matinik ang mga bangus. mag-ingat ka. LOL.

DRAKE said...

Bakit imbes na matawa ako eh NANGITI ako!! Uhmmm bakit kaya?

hehhe! Kaya pala sipag mong magtext nung Pasko dahil pala napakasaya mo pala nun!

Salamat nga pala ulit sa kapitan sino nasa page 20 na ako.

ingat

abe mulong caracas said...

tama ba ko narinig ko na yung tungkol sa sunog?

kikilabotz said...

pareng glenn , hmmm. hinde ako natawa khit ginawa mong nakaktawa post mo. nakakatouch story mo pre. ang galing mo pare nagawa mo pang masaya yang post mo. saludo ako sayo. sana magka ayos n cla.

gusto m magkaroon ng kapatid? wag na. anak n lng. hanap ka ng dalawang chiks isang sobrang gnda isang medyo medyo lang.tapos ligawan mo ung medyo medyo. tapos pakilala m sa akin yung isa. hahaha

silentassasin said...

Ayos!Galing ng post na ito.
Sana nga magkabalikan na talaga sila at magkaroon ka ng kapatid..at maka mana ng galing mo sa pag blog. :)

Jag said...

ang saya mong mgkwento but i know behind it is a sad you...bilib ako sayo...ang tatag mo...sana mgkabalikan n nga si nanding at doris and so ull live happily ever after...

livuj said...

haha buti di ka nila ginugulpi haha magandang araw =)

PABLONG PABLING said...

ganda ng pagkaka kwento. nakakatawa pero nakaka lungkot.

haysst parang ermat at erpat ko

KESO said...

nakss naman. tingin ko nman may pag asa pa silang mgkabalikan. may kilig factor pa akong nafeel sa knilang muling pgkikita. haha.

Ape said...

badtrip talaga pag nagaaway ang mga parents.

..pero mas badtrip din ata pag nahuli mo silang naglalampungan.

kaya sana neutral na lang sila. hahaa..

*hiwalay din parents ko kaya ako ganito, abnormal.

glentot said...

@Chingoy cge ba saan kelan!

@Lord CM ganun talaga dapat light lang ayokong umiyak ahaha

@Jepoy hayup ka pati magulang ko ginagawa mong malilibog tama na yung ako lang ang malibog sa pamilya namin

@Wendy di ko intention malungkot ka ahaha, for sure mag-iisip rin yung anak mo paglaki nya lalo kung magiging kasing-sama ko sya and sana wag naman ahahaha.

@citybuoy haha salamat salamat at ano naman reaction nila, nagtaka ba kung ano ang nakakatawa hehehe

@Dhianz hmm wag ka malungkot OK nyahaha

@Angel hmm at ages 51 and 48 they should have grown up by now hahaha

@Ayie eh what about you and your hubby wala bang ganyang moments hehe

@YJ at bakit kokontra ka kung may kapatid ako malamang cute sya END OF SENTENCE.

@Andrei ung song na yun ang ginagamit pangloko ngayon diba hahaha

@Drake kahiya ka naman magbasa parang half a page per day

@Abe Mulong oo yata nakwento ko na yata yan haha

@kikilabotz come on wag na malungkot ako nga hindi masyado makungkot wahaha...

@silentassassin sana nga no blogger din sya tapos ako ang laman ng blog nya kung paano nya ako ka-idol ahah

@Jag parang fairy tale lang? Ahahaha

@livuj hmmm hindi naman ako ang napagdiskitahan salamat sa Diyos

@Pablong Pabling weh? ganito rin situation mo? Ikwento mo nga haha

@KESO hmmm sana nga ibreak na ni Nanding yung kabit nya ahaha

@Ape parang ang sagwa mahuli silang naglalandian ewww ah hiwalay rin ba sila kaya pala nakarelate ka hehehe.

Patricia ♥ Ashika said...

super tawa ako. ang saya ng pamilya mo. ahahahaha!

Rei Mikazuki said...

"Always I wanna be with you and make-believe with you."

WAW. Retro. 90's. ASTIG.

Kumusta naman ang eksena eklavu mu na mai sunog. Buti na lang hindi ka pinantukan ni Doris sa nerbyos. ahihihi,

June | Life and Spices said...

Pinapangarap mo pa bang mag kabalikan sila Glen? Well',the more you hate the more you love.. asan na yung pic na sinasabe mo? wala naman eh

Geosef Garcia said...

Taas talaga ng paghanga ko sayo. Nagawa mong light and funny ang mga nakakalungkot na experience (para sakin) sa buhay mo. Idol!

Enweys, malapit ko na maabot ang simula. :)

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding