movie review: sherlock holmes

The game is afoot! Sherlock Holmes is one of my favorite characters lalo na kapag nagpepretend akong matalino.

Mahilig kasi ako sa mga crime stories lalo na kung may element of SURPRISE! at makikipagsabayan ka sa pag-iisip at pagsosolve kung sino ba ang salarin. At laging mali ang hula ko, sensya na kahit PERFECT ako, nagkakamali rin.

Kaya napa-orgasm ako nang matindi nang makita ko ang trailer nito sa sinehan, kahit ayoko sa kanila Robert Downey Jr at Jude Law eh panonoorin ko ito (sana ang gumanap na lang ay yung mas magagaling na aktor, yung award winning, yung pang Best Actor, like Bong Revilla Jr?).

So tungkol ito kay Sherlock Holmes at ang napaka-faithful nyang side-kick na si Dr. Watson. Kapag sinabing Sherlock Holmes ang iniisip ng mga non-readers, isa syang detective na opisyal ng police force or Scotland Yard or barangay tanod man lang, pero isa lang syang ordinaryong tao, observant at blessed with a mind na mabilis magcalculate at mag-draw ng conclusions sa malilit na bagay. Halimbawa nakita nyang may tinga ka sa ngipin, ma-aanalyze nya ito at sasabihing, "Corned beef ulam nyo no, ginisa sa sibuyas?"

Hindi ako know-it-all at ayokong magkunwaring expert ako pero binasa ko talaga lahat ng Sherlock Holmes stories ni Arthur Conan Doyle, all 4 novels and 56 short stories bago ko mapanood ang movie. Binasa ko lahat (kahit nung mga panahong may sore eyes ako), yung iba eh binasa ko nang malakas in British accent para feel na feel. Fan ako eh, so elementary of me.

Yung storyline sa movie (na hindi hinango sa kahit anong story or novel) ay tungkol sa isang villain na si Blackwood na nagpapractice ng black magic para makakuha ng followers at masakop nya ang buong Inglatera/mundo. Kaya inexpose ni Holmes ang mga methods nya, ang secrets ng kanyang "black magic" habang nakikipagtagisan ng talino sa crush nyang si Irene Adler, na tauhan ni Blackwood.

Para sa akin entertaining lang ito kasi naging lively ang characters nila Holmes at Watson (sa libro kasi parating nag-uusap lang sila). May funny moments at OK lang yung takbo ng mystery sa istorya. Hindi convincing si mean girl Rachel McAdams kapag itim ang buhok nya.

Pero ito yung tipong movie na gusto ko pero ayoko na panoorin uli.

Irerecommend ko bang panoorin ito? Hindi. Baka magalit kayo sa akin. Unless gusto nyo talagang panoorin.

Ok yun lang sorry for wasting your time bitches!!!

7 comments. Post your comment here.:

Ayie said...

Ba't wala pa raw comment?

manik_reigun said...

astig si mr. holmes.
sana ganun ako makipag suntukan, slowmo muna sa utak,para win sa jombagan.

PABLONG PABLING said...

haha "gusto ko pero ayaw ko na panoorin ulit" nice one.

di ko pa ito nakta pero base sa sulat mo parang ayaw ko na panoorin

glentot said...

@Ayie para ikaw daw ang base haha

@manik_reigun nice to see you again haha oo nga calculade nya talaga. Ako naiaapply ko ang mga ganung slow motion sa -- wait too personal ahahaha

@Pablong Pabling give it a chance??? Ahahaha wag mo ko masyado paniwalaan wala naman akong kredibilidad ahaha


SALAMAT PO SA INYO AT HAVE A NICE DAY

Knoxxy said...

watched it recently. Nagustohan ko.

glentot said...

@Knoxxy really, ako nahirapan akong iappreciate kasi English! Lolx hehe thanks for the visit.

June | Life and Spices said...

I find this boring at the beginning so lage ko sya di natatapos.. Ill give it a try Glen.

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding