weekend

Kids. Seryoso ito. Inabuso ko ang aking katawan last weekend. Walang tulog-tulog, walang pahi-pahinga. Muntik ko nang ikamatay. Eto ang buong istorya...

Una eh nagkita kami ni Jepoy Pekpek sa Trinoma (sa Quezon Ave bumaba si Pekpek shunga talaga) para i-abot sa friend ni Ayie sa SM North (inistorbo ko pa sya sa kanyang panonood ng Avatar) ang padala kong Tootsie Rolls for Ayie as promised. Matapos i-abot eh lakad uli kami pabalik ng Trinoma at papuntang MRT North Ave kung saan ang pila sa ticket ay impyerno sa haba, nagmumura talaga ako dahil sa init at siksikan.

Destination, MOA. Nang makasakay sa tren eh standing ovation kami habang nilalakbay ang buong EDSA. Pagdating sa Taft, pila na naman palabas ng train station, putang-ina talaga. Tapos sakay kami ni Jepoy ng mini-jeep papuntang MOA. Eto observation ko lang ha, wala akong ibang ibig sabihin or conclusion pero pagsampa ni Jepoy sa likuran ng jeep, umangat yung harapan. At pagdating sa MOA, tsaraaaan!



Si Pokwang, live in the flesh, sariwang sariwa from Germany. Kung nakikita nyo yung pic nya sa blog nya, siyang-siya talaga yun walang halong Photoshop. Kasama nya ang kanyang sisters na sila... Ateng Maputi at Ateng Slim. Mga Dyosa silang magkakapatid, sila na ang magaganda. At dahil bumubula na ang bunganga ni Jepoy sa gutom eh nag-eat-all-you-can kami wherein nilubos-lubos ko ang pagsandok at siniguradong lugi ang Cabalen sa akin at wherein hindi ko namalayan ang pagkabusog ko at naramdaman kong wala nang space hanggang sa esophagus ko. Nahilo ako ng slight kaya tumahimik ako, lalo na nung nung nagbabayaran na ng bill eh bigla akong naging invisible sa aking kinauupuan at hinayaan silang mag-agawan at magtalo kung sino ang magbabayad. Natalo si Jepoy sa agawan kaya si Ate Pokwang ang nagbayad. Ang babait talaga ng mga balikbayan, pansin ko lang.

Matapos kumain ay naglaan kami ng oras para manlait ng mga tao/pichur-pichur sa Bay Area at dun sa Fun Balls kung saan yung mga shunga-shungang bagets eh pinagkakitaan nang matindi habang naglulundagan sila sa loob ng mga giant balls na nakalutang sa tubig. Gusto sana namin pumasok rin sa balls na iyun kaso baka magsuka kami sa loob, mautot or worse matae. At mukhang hindi lulutang ang ball sa tubig kung ang nasa loob ay si -- OK change topic.

Matapos yun eh nagkape kami (di ko sure kung sino ang nagbayad basta hindi ako) at nagkwento si Ate Pokwang ng kanyang mga sexperiences sa Europe. Quiet lang ako nung mga panahong iyon kasi naghahalo-halo na ang mga kinain ko at ayokong samain sa daan pauwi. Sobrang kwela ni Ate Pokwang parang syang yung blog nya na nagkatawang-tao. Noon namin napag-alaman na totoo pala lahat ng kwento nya sa kanyang blog kung paano sya hinarang sa airport ng mga supot at ipiniit sa selda katorse NA HINDI MAN LANG GINAHASA. Akala ko kasi dati eh jinojoke nya lang kami.

Dahil lumalalim na ang gabi nagyayaan na umuwi at hindi na naman ako nakatulog hanggang hapon the next day, at proceed na kami ni Jepoy Pekpek sa Eyeball #2, si Drake the Camel Fucker.

Late nang dumating si Drake dahil lumuwas pa sya galing probinsya.

Nanood kaming tatlo ng sukdulan sa cheesy na "The Rebound" dahil sa suggestment ni Jepoy. Para sa ikaaalam ng lahat, si Jepoy ay isang cheese na nagkatawang-tao, jaya itong movie ang gusto nyang panoorin namin. Sabi ko Zombieland na lang eh, tungkol sa mga zombies and shit, pero dahil hindi ako ang bibili ng ticket at snacks eh shut up na lang ako diba?

Habang nanonood, unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata at nasisilip ko na ang aking mga panaginip. Parang akong zombie.

Nang sa wakas ay natapos rin ang movie eh kumain naman kami. Natural, hindi ako ang nagbayad, kasi powerful ang "bitch wallet" ni Jepoy. Inorder ko na rin yung mukhang masarap pero in the end ang conclusion ko is: hindi masarap kumain sa Burgoo, kahit libre. Parang hindi nila alam ang konsepto ng asin. At dahil hindi ko talaga nagustuhan, binalot ko lahat ng leftovers.

Eto nga pala ang picrture ni Drake at Jepoy. HINDI KO YAN INEDIT PRAMIS, ganyan talaga si Drake sa personal. Hindi nga, pramis, seryoso, mamatay.


Nauubos na talaga ang kapangyarihan ko sa mga oras na iyon, bumabagsak na ang aking eyelids at nahihilo na ako sa antok. Akala ko nga panaginip lang ang lahat dahil para akong lumulutang. Ubos na ang enerhiya ko pero intact ang pera sa aking wallet. At kahit sukdulan ang antok ko ay hindi ako nagpapigil sa pagdrowing sa table ng aking favorite scene from the movie Avatar:



Matapos lumamon at magpicture-picture ay nagvideoke naman kami. I know right? Nasimulan na rin lang ng kabaduyan ang araw na ito ay nilubos-lubos na namin. Ang husay kumanta ni Drake! Songer na songer sa pagbirit nya ng "Next In Line" (video available, Jepoy, paki-post, ngayon din!). Sa aking conclusion ay mahilig magsasali si Drake sa mga Mr. Fogi contest sa kanilang barrio at laging "Next In Line" ang kinakanta nya during talent portion, kabisado nya kasi ang lyrics, hindi sya tumitingin sa TV kundi papikit-pikit at paproject-project sa dingding tapos yung kamay nya pakumpas-kumpas na parang nag-rarap.

Songer na songer din ang Jepoy sa pagbanat nya ng all time classic "Don'tcha Wish Your Girlfriend Was Hot Like Me" I mean, Gloryhole of Love. Magaling pala mag falsetto si Jepoy, parang may sanib lang.

Kumanta rin ako sa aking boses baritone na below sea level at napabirit ako ng "Ibuhos Na Ang Beer Sa Aking Lalamunan". Nanggigil ang tonsils ko habang inaabot yung "Ano bang talagang mas gusto kooooohhh?" at medyo bumalik paakyat yung kinain ko.

Akala nyo tapos na ang kabaduyan at kacheesyhan? Hindi pa!

Ayaw paawat sa paggastos ng Drake at Jepoy Pekpek at nagkape naman kami. Hindi ko na alam kung sino ang nagbayad, basta sitting down ako at hinintay yung order kong kape (this is the life!). At alam nyo kung anong ginawa ng Drake at Jepoy? Nagkaroon sila ng isang matinding heart to heart talk wherein ang topic nila ay ang illegal na pagpopost ni Pekpek sa picture ni Drakula nung last EB, at maraming nakakita at nawasak ang anonymity nya. Nasaktan daw si Drakula dun at naisip nyang mag-blog suicide.

"Bakit mo nagawa yun?" bakas ang poot sa tinig ni Drake.

"Dahil hindi ka naging totoo sa akin, hindi mo sinabi ang tunay mong pangalan!" sagot ni Jepoy, with conviction.

"Parang gusto na kitang suntukin" pagbabanta ni Drake.

Nateary-eyed naman si Jepoy, napayuko at umiiling-iling... napapikit at napabulong sya...

"...after all...". Sukdulan sa cheesy ang moment na ito, parang gusto kong kutsilyuhin at ipalaman sa tinapay.

Mabuti naman at nagkapatawaran na sila dahil malalim na ang gabi at mugtong-mugto na ang mata ko. Nang magsawa kami sa pagmumukha ng isa't-isa nagpasya na akong umuwi. Si Drake at Jepoy nag-hotel.

Pag-uwi ko, inaapoy ako ng lagnat. Pagkagising ko after 24 hours, lumilindol.

The End!


PASASALAMAT

Maraming salamat kay Anjie na friend ni Ayie, iparating mo sa kanya ang aking makapangyarihang Tootsie Rolls.

Maraming salamat kay Ate Pokwang you're the best! At sa mga kapatid mong mababait at magaganda.

Maraming salamat kay Kuya Drake idol na kita isa kang institusyon sa blogging at sa FilipinoWriter in fact may award ka Best Echuserong Froglet Award galing kay Jepoy. Sana maenjoy mo ang gift kong Kapitan Sino at ang very exclusive WickedMouth bagtag.

Of course maraming salamat kay Jepoy at sa gift mong Nike cap na puting-puti nahiya akong isuot. Sana maenjoy mo ang One Hundred Years of Solitude at ang very exclusive WickedMouth bagtag.

18 comments. Post your comment here.:

The Gasoline Dude said...

Hanggang kelan si Drake sa Pinas? Gusto ko din siya makita at magpalibre! LOL

Ayie said...

First again! Kaya ka nilagnat. Kasi puro libre ang kinain mo. Ahahaha! Feel ko, wish talaga yun ni Man Jepoy! nyahahah!

Parating na ang Tootsie Roll! Salamat!

P.s. May WickedMouth bagtag ka pa ngayon huh!Maglabas ng ebidens--at padalan na kami nyan!

Jepoy said...

Sa sobrang excited ko sa 100 years of solitude naka isang chapter ako kagad...

Pero kinabukasan nag kasakit din ako ng bongga dahil sa sobrang daming kwentuhan...

Taena ka! Sang katutak na panlalait ang ginawa mo sakin dito dahil dyan i close ko na ang blog ko.

PUSANG-kalye said...

yang mga floatying balls na yan sa M OA . naku. kunwari mang pwede akong pumasok. curious ako bigla. anu kaya amoy? kasi syempre kanya kanyang laway na ang nasa loob ng balls dahil sa excitement sa pagserkoserko don diba? sabagay. pambata nga naman. buti nalang dinako bata. hehe

andrei jon said...

ansaya naman. lol. lumindol nga kahapon? talaga?

kox said...

waaaaahhh,, naiingit ako, gusto ko din sumama sa susunod. ang saya naman.. kuya glentot sama. haha :))

msarap pla kasama c kuya jepoy sa galaan. libre lagi. haha :))

get well soon.

Jag said...

haha what an all-out story haha! e d lalong sumikat si drake nyan? hehe...

at close n kau...sa sobrang close nagiging keso n lolz!

tim said...

hehehehe, galing ah.. enjoy n enjoy!

Ape said...

The best part of this entry if you'll ask me?

the 'we are mated forever Jake Sully' drawing.

lol.

best doodle re Avatar. ever.

Douglas said...

yer doodle is fuckingtastically amazing.

Andrei Alba said...

wah. masarap naman sa burgoo.

lalo na ang 300 something na service fee.

p0kw4ng said...

hindi naman halatang nag sharing kayo ni glen ng pekpektyurs,hihihi

at hindi din halatang adik kayo sa EB,hihihi...pero ang totoo nag enjoy kami..sarap nyong kakwentuhan lalo ka na na tahimik lang,hihihi

next time ulit ha...ikaw naman taya!

Mac Callister said...

kala ko di na matatapos ang mga ginawa nyo e!hahaha ang saya!

Glampinoy said...

Ah isang di makalilimutang weekend. Sana magkaroon din ako ng isang nightmarish weekend tulad neto...

Kosa said...

hahaha.
alalay ka lang naman yata ni jepoy sa mga EB na ganito..hehe

pero ayus ang kwento ahhh.. nakasabay ako.. parang nakipag-EB na rin ako.. taena. sa EB#2 ako natawa.. taena.. makeso ba talaga? eh parang ikaw parekoy wala manlang pakialam sa mundo.. lagi nalang nakafocus ang attention mo sa pagkain, meryenda, pagkain, meryenda at kape..lolz

Kosa said...

huwaaaaaat?
moderated ang comment dito?
para saan naman?
taena...
arte.

hehe

Peace

glentot said...

@The Gasoline Dude Hanggang ngayon na lang sya, January 15 alas dose ng tanghali hahaha

@Ayie oo nga sinumpa nya ang foodz na ipinalamon nya sa akin! At ang bagtags? Sige kukunan ko ng pic at bibigyan kita pero dapat gamitin mo ha!!!

@Jepoy cge iclose mo na wahaha nagtaka ka pa eh ako nga nilalait mo rin sa blog mo

@Pusang Kalye ahaha kung sakaling bata ka ba eh pipilitin kang sumakay dun at libre hindi ka pa rin papayag hehehe buti kung laway lang, may mga batang naiihi sa excitement diba

@Andrei Jon oo lumindol nagising nga ako eh hehehe

@KOX sinabi mong sasama ka ha? Pag ikaw niyaya at hindi ka sumama iba na yun! heheheh

@Jag ahaha sikat na sikat na sya hindi na maabot ahaha

@Tim yup!

@Ape nyahaha I know right??? Thanks haha

@Douglas Thanks for the fuckingtastic comment haha

@Andrei Alba hindi ko ramdam ung service fee kasi di ako ang nagbayad haha, the life!

@p0kw4ng at dahil jan parang ayoko na maulit nyahahahaha oo nanghingi lang ako ng pics... Tahimik pa ba ako nun... siguro dahil mahiyain me...

@Mac Allister what a relief nung natapos sya...

@Glampinoy simple lang yan, sama ka next time haha

@KOSA ok lang tanggap ko mag-alalay basta intact ang wallet ko haha wala ka lang kasi makaEB jan haha at OO moderated and comment kasi minomonitor ko ang mga pwedeng sabihin ng mga kaaway ko, pag di ko gusto, REJECT! hahahaha

SALAMAT PO SA LAHAT NG NAGTIIS MAGBASA...

- A n g e l - said...

Partners in crime na talaga kayo ni Jepoy ha. :D

Post a Comment

Share mo thoughts mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding