melen

Aside from my pasaway na tita na si Sasha Fierce, may isa pa akong paboritong Auntie, si Auntie Melen.

Emelyn ang pangalan nya pero Auntie Melen ang tawag namin sa kanya. Ate sya ni Pudrax, Grade 5 Teacher sya sa elementary school sa aming barangay. Batang paslit pa ako noong una syang rumehistro sa aking memorya. Lagi nya akong hinihiram kay Mudrax kasi wala pa silang anak noon ng asawa nyang seaman.

Kung hindi dahil sa pangingialam nya sa aking kindergarten career eh wala siguro ako dito ngayon.

Ang kuwento sa akin ni Mudrax, nagsimula ang lahat isang araw noong limang taong gulang pa lang ako, sa enrollment ng Kindergarten sa aming elementarya. Lingid sa aking kaalaman, kino-convince pala ni Auntie Melen ang aking Mudrax na i-enrol ako sa Kinder, kahit kulang ako sa edad, kahit wala pang balak si Mudrax na i-enrol ako.

Ayaw pumayag ng teacher ng Kinder na pasalihin ako sa klase, kahit ipagpilitan pa ng Auntie ko na saling-pusa lang ako. Matapos ang maraming negosasyon para maipasok ako, ("Kung hindi nya masabayan ang leksyon eh di alisin nyo na lang siya"), pumayag ang Teacher at Principal na mag-saling-pusa ako sa klase.

To cut the long story short, I kicked some ass, dahil matapos ang school year, Second Honor ako sa aming klase, not to mention ako lang ang magaling magbasa ng Tagalog at English (sabi ng Mudrax ko). Hayaan niyo na ako magyabang, kasi yan na ang pinakamataas kong achievement sa aking buhay, tsaka blog ko naman ito.

Pagdating ko ng Grade 1, ayaw na naman akong tanggapin ng Teacher ng Grade 1, dahil nga kulang ako sa edad, hintayin ko na lang daw next year.

"Hindi ko matanggap na hindi makapasok sa school ko ang sarili kong pamangkin."

Kabog ang keps nilang lahat sa kanyang makabagbag-damdaming linya kaya yun pinayagan akong mag-Grade 1.

Never akong tinanong ni Auntie Melen kung gusto ko bang pumasok sa school, nag-assume lang sya na dapat pumasok na ako. Kung ako lang, mas gusto ko pang maglaro ng lupa sa likod ng bahay namin.

Noong first day of classes sa Grade 1, nagmamakaawa ako sa Mudrax ko na ayoko nang mag-aral.

"Eh anong gusto mong gawin?" phone-in question ni Mudrax habang isa-isang nilalagay ang aking notebooks sa bag kong mukhang attache case.

"Maghuhugas na lang ako ng pinggan."

Hanggang ngayon, kapag naaalala ni Mudrax yung pag-uusap namin noong umagang yun, natatawa pa rin sya.

Naalala kong lagi ako sa bahay nila Auntie Melen noon, kahit medyo natatakot ako sa kanya kasi may pagka-istrikta sya. Pero paborito ko sya noon, at alam kong paborito rin nya ako. Madalas nya akong pagbasahin ng libro nang malakas, o kaya ipakilala sa mga estudyante nya sa school. Sabi nya, kung magiging First Honor daw ako, ililibre nya ako sa Jollibee. O diba positive motivation?

Kaso Third Honor na lang ako nun. Walang Jollibee. Pero ang mahalaga, nagsimula na ako sa aking school career, kasi hindi na ako tinanggihan ng Teacher ng Grade 2. Hindi ko na matandaan kung anong honor ko noong Grade 2 basta meron din. Meron din akong honor noong Grade 3, pero hindi ko na rin matandaan, dahil isang malaking pangyayari lang ang naaalala ko.

Namatay si Auntie Melen sa miscarriage.

Nagsimula ang mga gabi ng lamay. Gabi-gabi kaming pumupunta sa bahay nila Auntie Melen para makilamay. Syempre may sugalan sa labas, may pagkain sa loob. May kabaong at nandun sya. Kapag napagod at inantok na ako, matutulog ako sa kwarto nila. Tinatakot ako ng mga pinsan ko na kapag natulog ako dun eh makikita ko raw sya, sa isip ko naman, Paano ko sya makikita rito eh nandiyan sya sa labas at nakahiga lang?

Nang matapos na ang mga gabi ng lamay at nailibing na si Auntie Melen, saka ko napagtanto na wala na sya. Wala nang lamay. Hindi na ako makakapunta uli sa bahay nila. Putangina, wala nang Jollibee.

Ngayon, napaisip ako, kung hindi nya ipinagpilitan noon na ipasok ako sa Kinder at Grade 1, baka ibang-iba ang naging buhay ko. Malamang hindi ko kaklase ang mga naging kaklase ko ngayon. Syempre, iba rin ang mga naging kaibigan ko.

Kinuha ko ang course kong IT sa SLU dahil sa pamimilit ng bestfriend ko, kaya kung hindi ko siya naging kabigan, malamang ibang course at ibang school ako pumasok. Hindi siguro ako nag-aral sa Baguio, iba siguro ang trabaho ko ngayon. Siguro, naghuhugas talaga ako ng pinggan ngayon, ewan.

Ibang iba siguro ang buhay ko ngayon.

Ngayon ko naisip na ang mga bagay, maliit man o malaki, na ginawa natin sa ibang tao ay may malaking impact, sooner or later, sa mga buhay nila. May buhay tayong nababago, alam man natin o hindi, sinasadya man natin o hindi. Sinong makakapagsabi na konektado pala ang buhay ko ngayon sa napakalayong alaala ng isang araw na ipinaglaban ako ni Auntie Melen sa school para lang maka-enrol sa Kindergarten?

Isang araw kapag nagkita na kami uli, ilibre nya pa kaya ako sa Jollibee kahit hindi ako First Honor?

movie review: valentine's day

Pagkatapos ko sabihin na ayoko na manood ng movie na hindi naman ako interesado, eto na naman ako may hawak-hawak na ticket ng Valentine's Day, isang oportunistang movie na nag-cacash-in sa mga baliw na baliw sa February 14 na hindi naman holiday (kasi may pasok).

Insert rolling eyes here.

In-eexpect kong mabagot at ma-overdose sa ka-cheesyhan pero bago ko pa maisip na ma-bore I found myself actually enjoying it.

Sabi ng tagline, it's "one day in the life of love" so pinakita sa movie ang iba-ibang klase ng love at mga lovers.

In short, para itong isang dambuhalang chick flick na binubuo ng maraming-maraming chick flicks.

Star-studded pero simple lang ang story pero nakakalibang. Malayo sa mga formulaic romantic movies na A.) location ay abroad B.) panay ang delivery ng "mabigat" na lines habang nag-iiyakan C.) same shit again and again (i.e. Pinoy movies).

Sa dami ng artista, nag-enjoy lang akong tignan eh si Anne Hathaway.

Yun. Watch this habang in love pa kayo.

movie review: percy jackson and the lightning thief

Kahit na mukhang hindi papaawat kay Harry Potter ang poster ng Percy Jackson and the Lightning Thief, sad to say hindi sila magka-level.

Si Percy Jackstone ay isang demi-god, anak ng God of the Sea na si Poseidon sa isang non-showbiz girl. Nabubuhay si Percy sa piling ng mga tao dahil hindi nya kilala ang pudrax nya, at hindi nya alam na may superpowers sya. Hindi kasi sinabi ng mudrax nyang maraming kyeme.

Ang main plot is, isang araw biglang nag-bitch fit ang Zeus dahil nawawala yung very vakla nyang lightning bolt, eh signature magic wand pa naman nya yun. Asar na asar sya parang may regla lang. Super pinagbintangan nya agad ang walang kamalay-malay at muwang na Percy, ewan ko kung bakit. So ang task ng Percy ay hanapin ang tsismosang lightning bolt at ibalik kay Zeus, or else, magsasabunutan ang Zeus at Poseidon.

Eh just for fun, kinidnap ni Hades yung mudrax ng Percy, kaya pumunta sya sa kailaliman ng impyerno para mabawi si Inay. Together with his protector at classmate, kung saan saan pa sila nakarating (para humaba ang istorya) bago umabot sa Hell, at nung nandun na sya biglang nahanap nya yung nawawalang lightning bolt, putangina, bitbit nya pala kanina pa hindi nya namalayan. So binalik nya na kay Zeus at masaya na si Zeus, the end.

Kahit na mukhang pang-tweens ang packaging ng Percy Jackstone, pambata talaga ito, like, age 3 ½ and below. Kung panonoorin mo ito sa point of view at understanding ng isang batang yagit, mageenjoy ka na, baka maihi ka pa sa excitement. Pero kung adult kang nagpunta sa sinehan na nag-eexpect ng nakakahilong plot at nakaka-nosebleed na script, magbaon ka ng cross stitch baka mabagot ka lang eh.

Ang kagandahan ng movie ay maraming mga Greek Myth characters. Nandun si Persephone, Athena, etc. Kaso, bakit nandun si Medusa, eh matagal nang patay yun ah? At nandun lahat ng mga formula characters, like the accidental hero, kwelang negritong bestfriend, pretty girl na magaling mag-espada, older at mabait na mentor, at good guy na traidor pala.

Hindi pa masyado plantsado ang story hindi gaya sa Harry Potter o kaya A Series of Unfortunate Events. Pero OK lang. Ewan. May nagbabasa ba ng movie reviews ko? Wala namang naniniwala sa akin eh, walang halaga ang mga salitang sinasabi ko, wala akong kredibilidad, WALA!!!!!!! SIGE KAYO NA ANG MAGAGALING!!!! KAYO NA!!!!!!!!!!!!

Biglang nag-emo? The End.

real friendship

Inspirational Quote for today...

I would rather have a friend who has a dark underarm than a liar.

-- namataan sa isang Facebook account. How very true...

movie review: the wolfman

Alam mo yung feeling na nababagot ka at gusto mong manood ng sine, at makikita mo may magandang palabas at pipila ka sa ticket booth, thinking OK ito, mag-eenjoy ako dito etc etc at pagpasok mo sa sinehan excited kang mag-Bayang Magiliw tapos trailers na tapos umpisa na ng movie...

...tapos unti-unti kang nadidisappoint...

The Wolfman starring Benicio del Toro, Anthony Hopkins and Emily Blunt.

Mahilig ako sa horror pero ayoko ng mga monster-monsterang zombies, bampira at werewolves. Kaya hindi ko maintindihan bakit nagustuhan kong panoorin ang movie na ito. Inisip ko lang na siguro, maganda naman ito kailangan ko lang buksan ang aking isipan.

Ito na ang huling beses na bubuksan ko ang aking isipan. Hindi sya magandang gawain.

Nakaka-disappoint kasi nagpunta ako sa sinehan para matakot at magulat, hindi maantok, thinking I've seen it all before...

1) Bida makakagat ng werewolf, magiging werewolf rin.
2) Maiinlove ang bida sa tao, pero matetempt syang kagatin yung taong yun.
3) Ang makakapatay lang sa werewolf ay silver bullets, at kahit mahal nung tao yung werewolf, papatayin nya na lang para maligtas sya.
4) Bago mamatay yung werewolf, magpapasalamat sya sa pumatay sa kanya.
5) Roll credits.

Fuck this shit. Mas natatakot pa ako sa mga kwentuhang aswang. The End.

the near death experience

Ang nakaraan: Nagpunta kami sa Anawangin Cove by boat at nag-camping nag-inuman nag-sexy times at kung ano-ano pa and the next day sumakay kami ng bangka pabalik ng Zambales...

Kalbaryo starts here.

Inistart na ang bangka, at nagsuot na ako ng life jacket. Pinili ko yung bright orange. Yung iba kami, medyo brown na at parang kinapitan na ng talaba yung huling gumamit nun.

Mint green ang tubig habang dahan-dahan kaming umuusad...

"Kumapit kayo, salubong tayo sa alon," warning ni Kuya Boat Driver. Syempre kebs lang kami kasi abala pa sa pagpicture-picture at pagtitig sa sights one last time bago bumalik ng Manila...

Blue green na ang tubig, at naka-turbo mode na ang makina, full speed na kami sa gitna ng karagatan.

Blue na ang tubig, senyales na nasa pinakamalalim na parte na kami ng dagat... Nakatitig muli kami sa mga rock formations sa gitna ng dagat nang biglang...

SPLASH!

Napakapit ako bigla... ang lakas ng alon, at tumama sa unahan ng bangka. Nayanig kaming lahat. Natalsikan ng tubig yung mga nakaupo sa may unahan ng boat.

Nagtawanan pa kami, kasi bago sumakay eh nagbanlaw pa sila para hindi manlagkit, yun pala mababasa lang uli sila ng tubig dagat--

SPLASH! SPLASH!

Sunod sunod na ang alon, at napapatingala na ang bangka. Tabingi na yung dalawang katig, yung unahan eh sumasawsaw na sa tubig tuwing may alon. Nagsisigawan na ang mga gurlz, habang ang mga kalalakihan naman ay TUMITILI. Tahimik lang akong nakakapit sa bag ko, at naghanap ng makakapitan sa bangka. Kumapit ako sa unang naabot ng kamay ko.

SPLASH! SPLASH! SPLASH!

Sit-down sit-down you're rocking the boat ang tumatakbo sa isipan ko. Pinipilit kong magdasal at magconcentrate, nadidistract nga lang ako tuwing may nababasa ng tubig dagat sa mukha. Pero hindi ito ang panahon para tumawa. Panahon ito para magpanic.

"Huwag kayong magpanic! Huwag magpapanic! Huwag magpaniiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiic!" Sigaw ng tour guide.

Kaya hindi na kami nagpapanic, tahimik na lang kaming nagdasal. Kumapit na lang ako nang matindi... hanggang sa mapansin ko kung saan ako nakakapit: ang taling nagkokonekta sa bangka at sa bubong-- isang pirasong nylon. Putang-ina, as if maililigtas ako ng nylon. Kumapit na lang ako sa kinauupuan ako, at nagdasal uli.

Lord, ang paaalam ko kay tiyahing Sasha Fierce, sa Antipolo lang ako pupunta. Kapag napanood nya ako sa news, at nalamang sa Zambales ako namatay, magagalit yun nang very very nice...

Lord, sweldo po ngayon, at hindi man lang ako nakapag-withdraw. Sana naman po makabalik pa ako sa Manila para ma-enjoy ko man lang ang sweldo ko...

Lord, gusto ko pa pong makapag-blog ng aking experience...

SPLASHNESS! Ayaw pa-awat ng mga alon.

Naghihilamos na sa tubig-dagat yung mga nakaupo sa unahan ng bangka. Basang-basa na sila, at tuwing lilingon sila sa amin eh hindi ko maintindihan ang mga mukha nila, kung umiiyak ba sila o basa lang talaga.

Buti na lang mataba yung naka-upo sa harapan ko, lahat ng talsik eh nahaharangan nya kaya hindi ako nababasa.

Nagsimula nang maglaro ang aking imahinasyon...

Paano kaya kung lumubog ang bangka? Lulutang kaya talaga ako sa life jacket na ito? Paano kung matastas ito at mahubad? Kung lumutang man, pano kung mahiwalay ako sa lahat? Paano kung ako lang ang lumutang, at ako lang ang ma-rescue? Anong sasabihin ko sa interview? Mag-eEnglish ako sa interview para sosyal. Sana ma-discover ako para mag-artista.

SPLASHFUL!

Kahit saang direksyon ako tumingin, tubig. Ang pinakamalapit na isla ay puro bato at walang nakatirang tao. Matindi na talaga ang kapit ko dahil kinakabahan na ako, at puspusan na ako sa pagdadasal, kahit panay ang putol ng dasal ko dahil laging pumapasok sa isip ko,

THIS IS THE SCARIEST FUCKING BOAT RIDE EVER.

Hanggang sa nangyari ang hindi inaasahan. Isang malaking alon ang sumalpok sa bangka at umangat ang unahan. Kumapit ako sa bangka kaya nabitawan ko ang bag ko, at nahulog sa tubig, pero hindi rin ako nakakapit maigi dahil yung mataba sa unahan ko ay nahulog papunta sa akin kaya sabay kaming nalaglag patalikod sa tubig. Pagbagsak sa tubig, nakainom ako ng konti at nalimutan kong huminga muna bago lumubog, hinila ako ng malakas na current pababa at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nasa kabilang buhay na po ako ngayon. Thanks Mwahchupah.

Joke. Matapos ang maraming-maraming malalaking alon at nakaka-diarrheang pag-uga uga ng bangka ay nakarating rin kami sa mainland sa Zambales, nag-van pabalik ng Maynila at we lived happily ever after.

Lesson learned, hindi na talaga ako sasakay ng bangka kahit saang lakwatsa pa yan.



Next time na ang pics!

movie review: did you hear about the morgans?



I swear, this is the last time na manonood ako ng sine kahit walang magandang palabas.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

padding

Padding